Share

Chapter 3

Natapos ang pang-umaga naming klase na puro ako pagpapakilala sa mga lecturer ko. Masasabi kong maganda naman silang makitungo sa mga estudyante rito.

Actually, lahat ng nandito ay naaayon sa plano ko. Gusto ko kasing mag-aral nang mapayapa at sa tingin ko... nasa tamang paaralan ako.

Iyong mga estudyanteng nakakasalubong namin ay ngumingiti sa 'kin, which is strange for me. Hindi naman kasi ganito ang mga estudyante sa former school ko.

Tinatahak namin ngayon ni Keith ang pasilyo patungong canteen. Dito raw kami kakain para ma-try ko ang mga pagkain nila rito.

Punong-puno ng estudyante ang canteen pagkapasok namin ni Keith. Lahat ng tables ay occupied na rin.

Hinawakan ako ni Keith sa kamay at hinila papunta sa kanang bahagi ng canteen. Huminto kami sa table kung saan nakaupo na do'n sina Franzen at Jaypee— iyong dalawang nagpakilala sa 'kin kanina.

"Hi, Guys," bati ni Keith sa kanila.

So close pala sila? Hmmm.

"Hey, Dude," bati rin ni Jaypee at tinapik ang balikat ng kasama ko.

Umupo na si Keith kaya umupo na rin ako.

"Siya nga pala. Guys, this is Raya Digo, my childhood bestfriend," pagpapakilala ni Keith sa 'kin do'n sa dalawa.

Mahinang natawa si Franzen at Jaypee bago sumagot kay Keith.

"We know. Nagpakilala na kami sa kaniya kanina," sambit ni Franzen.

Nagtatakang naglipat-lipat ng tingin si Keith sa aming tatlo.

"Talaga? Ba't di ko alam?" nagtatakang tanong niya.

"Baka pumunta ka na naman kay ano kaya 'di mo na naman alam," buyo ni Jaypee at pareho silang tumawa ni Franzen.

Nakita ko pang namula si Keith at nag-iwas ng tingin.

Hmm. Sino bang si ano? I smell something fishy.

"Order muna tayo, Dre," aya ni Jaypee kay Keith na tumalima naman kaagad.

Tinanong pa niya kung anong gusto kong kainin pero sinabi ko na lang na kung ano na lang kako ang sa kaniya. Bago pa lang naman kasi ako rito kaya hindi ko alam ang mga pagkain dito. Ayoko namang pumila pa ro'n.

"Franzen," tawag ko kay Franzen nang kami na lang dalawa sa table.

Tumingin siya sa 'kin at umayos nang upo.

"Hmm?"

"Boyfriend mo?" tanong ko na tinutukoy si Jaypee.

"Sino?" namumula na siya na parang naipon lahat ng dugo niya sa kaniyang pisngi.

"Si Jaypee."

"Ah, Oo. Boyfriend ko siya. Matagal na kami, actually. Grade 7 pa lang kami, parang may something na talaga sa 'min. Kaya nang nag-grade8 kami, niligawan niya ako at dahil crush ko rin naman siya, sinagot ko na."

Oo o hindi lang naman ang sagot pero ang taas ng isinagot niya pero I like her attitude. Gusto ko itong personality niya na nag-oopen up siya sa isang tao na bagong kilala pa lang niya.

Para sa akin, pinagkakatiwalaan tayo ng isang tao kaya nag-oopen up sila sa 'tin kahit na bagong magkilala pa lang kayo. 'Di ba?

"Ahh. Alam mo, bagay kayo."

Mas lalo pa siyang namula sa sinabi ko. Ang cute.

"Hey."

Napa-angat kami nang tingin sa nagsalita.

"Hey, Xander," sagot ni Franzen dito.

So Xander pala ang pangalan no'ng lalaking late kanina? Iyong lalaking dahilan kung bakit parang nasa karera ang puso ko at ang bilis ng tibok nito? Xander?

"Hi," baling niya sa 'kin at ngumiti.

Nyeta, 'yong smile niya makalaglag panty.

"H-Hello," nauutal na bati ko rin sa kaniya.

I have this feeling na kapag nasa paligid ko ang taong gusto ko, nagiging nerbyosa ako, nagiging utal at palaging natatameme. Pero nako-control din naman.

"John Alexander Licardo," simpleng pakilala niya at inilahad ang kamay niya.

Tiningnan ko pa ang kamay niya at nakitang namumula iyon. Hindi ko ba tatanggapin ang pakikipagkamay niya o tatanggapin? Nah, I choose the latter.

"Raya Digo," pinilit kong wag mautal no'ng sinabi ko iyon at inilahad ko na rin ang kamay ko.

Hala. Ang lambot ng kamay niya. Parang nahiya naman ang mga kalyo ko.

"It's nice meeting you, Ms. Digo."

Ang pormal naman nito masyado.

"Raya na lang."

Tumango lang siya at sakto namang dumating na ang dalawa— si Jaypee at Keith.

"Oh! Hey there, Xander," wika ni Jaypee at umupo sa tabi ni Franzen na ngayon ay parang nangingisay na sa kilig.

Well, kung ako ang tatanungin, wala namang nakakakilig sa ginawa ni Jaypee. Siguro ay dahil iba pa rin ang epekto nitong si Jaypee sa kaniya kaya gan'yan pa rin siya kung maka-react. Pag-ibig nga naman.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Jaypee at Alexander. May pagkakapareho silang dalawa, pareho silang singkit at matangkad.

"Pinsan ni Jaypee iyang si Xander," bulong sa 'kin ni Keith.

Tumango-tango lang ako sa kaniya. Kaya pala may mga similarities silang dalawa dahil magpinsan sila.

Pareho silang mga singkit, matangkad at gwapo. Pero mukhang mas lamang itong si Xander.

"Alam mo Raya, kapag iyang si Keith ang gumagawa ng projects namin last year, palagi kaming nakakakuha ng high score lalo na kapag math projects," biglang sabi sa 'kin ni Franzen.

Gulat akong napalingon kay Keith na nagkibit-balikat lang. Hindi ko alam 'yon, ah.

"Talaga?"

"Yep. Crush kasi siya ni Sir Leron kaya matataas grades namin sa math." Bumulalas pa sila ng tawa.

"Uy! Hindi ah," nakangusong wika ni Keith. So cute.

Ito ang isa sa mga nagustuhan ko kay Keith. May pagka-childish. Ang cute niya kasi kapag naka-pout.

"Hi, Guys."

Napahinto ang pagtawa ng mga kasama ko at nabaling ang atensiyon namin sa tatlong babae na lumapit sa 'min.

Magaganda sila, matatangkad, at sexy. Para silang mga kasali sa cheering squad.

Nagtataka akong tumingin sa mga kasama ko. Wala ni isang sumagot o tumingin man lang sa mga babae. Tumingin ako kay Keith pero nakatuon lang ang atensyon niya sa kinakain niya. Gano'n na rin si Jaypee, Franzen at Xander.

Parang may mali.

"Hi, Xander." Hinawakan pa no'ng babae— iyong mukhang leader— si Xander sa balikat.

May pagka-judgmental akong tao lalo na sa mga kapwa ko babae. Kung titignan mo ang ginagawa ng babae kay Xander, masasabi mong inaakit niya si Xander. Im not judgmental, great observer lang talaga ako. Naiinis ako. Hindi ko alam pero naiinis ako. Naiinis ako sa ginagawa no'ng babae kay Xander. 

Naramdaman ata no'ng babae na nakatingin ako sa kaniya kaya bumaling siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang sa kuko ko sa paa.

"Newbie?"

Hindi ako sumagot, ni hindi ako tumango.

Masayahin lang ako pero hindi ako gaano kabait. Well, mabait lang ako sa mabait sa 'kin. Gano'n naman ata talaga, 'di ba? Kung hindi lang talaga ako siniko ni Keith, hindi ko sasagutin itong babaeng kanina pa masama ang tingin sa 'kin.

"Ahm, Yes. Im Raya Digo." Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya.

"Jenelle Lopez," pakilala niya rin pero hindi niya tinaggap ang kamay ko.

Nahihiya kong binawi ang kamay ko. Im just being nice pero mukhang hindi mutual ang feeling namin. Kahit naman naiinis ako sa kaniya, gusto ko pa rin na in good terms ako sa mga bago kong schoolmates. Not just for myself but for the image of my parents, too. Ayokong dungisan ang pangalan nila.

"Amm, Jenelle."

"Yes, Franzen?" maarteng sagot ni Jenelle kay Franzen.

"Ahm, kumakain kami eh. Puwede bang 'wag mo muna kaming disturbuhin?"

"Ohh. So disturbo na pala ako ngayon sa inyo? Grabe ka naman sa 'kin, Franz." Humawak pa siya sa dibdib niya na para bang nasaktan talaga siya ng sobra sa sinabi ni Franzen.

"Hindi naman sa gano'n," wika ni Franzen. "Pero parang gano'n na nga," pabulong na dagdag ni Franzen.

Nakatingin lang si Jaypee kay Franzen. Iyong tingin niya ay parang sinusuportahan pa niya ang jowa niya sa pakikipagsagutan sa babaeng nagngangalang Jenelle. Si Xander at Keith naman ay parehong nag-busy-busyhan sa pagkain.

"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay nito habang tinatanong si Franzen.

Umiling lang si Franzen at uminom ng tubig.

Parang may mali. Parang may something sa kanilang lahat dito. Parang may hindi ako alam sa nangyayari. Well, bago lang naman ako dito kaya natural na marami akong hindi alam.

"Kuya Xander."

Hinihingal na huminto sa harap namin ang isang lalaking estudyante na tumawag kay Xander.

Umatras naman si Jenelle pati na rin ang dalawang niyang alipores.

"Bakit?"

"Pinapatawag po kayo ni Dean," wika no'ng lalaki at tumalikod na.

"Tara na, Jenelle. Pinapatawag daw tayo ni coach," wika ng kasama ni Jenelle.

"Bye, Guys," paalam ni Jenelle sa 'min at bumaling kay Xander. "See you around, Xander."

Tumalikod na sila at lumabas ng canteen. Ang mga kasama ko naman ay parang nabunutan ng tinik at bumuga ng isang malalim na hininga na para bang kanina pa nila ito pinipigilan.

Medyo may pagka-tanga ako pero minsan lang naman. Iyong ganitong mga sitwasyon ay hindi na bago sa akin.

Alam kong may something sa kanila no'ng grupo ni Jenelle.

"Sige, Guys. Una na kayo sa room, pupunta muna ako kay Dean," ani Xander at umalis na.

"Anong meron do'n sa grupo nina Jenelle?" tanong ko sa kanila pero nagkibit-balikat lang silang tatlo.

"Tara na, Guys. Baka ma-late pa tayo sa klase," yaya ni Jaypee sa 'min.

"Eh, paano si Xander?"

"Hayaan mo na 'yon. Busy masyado si Mr. President," sagot sa 'kin ni Keith.

'Mr. President?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status