Medyo late na akong nagising. May eyebags pa ako dahil siguro sa iyakan kagabi. Nah, I wanna forget about what happened last night. Ayoko sa lahat ay nakikitang umiiyak ang parents ko dahil nasasaktan din ako.
Mas maigi sigurong mag-focus ako sa present dahil ayoko rin namang mabuhay sa nakaraan. Pinalaki akong masayahin ni Lola... 'di ko raw dapat problemahin ang mga problema. Sabi rin sa 'kin ni Mommy dati noong bata pa ako na hindi ko raw dapat tambayan ang mga problema.
Kaya heto ako ngayon at ngiti nang ngiti na para bang walang nangyari kagabi.
Nagsuot lang ako nang isang plain white long sleeves at tinucked-in sa high-waisted mom jeans ko at white sandals. Naglagay na rin ako ng light make-up para matago ko ang maitim at malaki kong mga eyebags.
Sinalubong ako ng mga nag-aalalang mukha nina Mommy at Daddy.
"Good morning, Dad," nakangiting bati ko kay Daddy at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning, Mom." Hinalikan ko rin si mommy sa pisngi at ngumiti nang matamis sa kaniya.
Natigilan silang dalawa. Napakurap-kurap pa silang nakatingin sa akin.
"Okay ka na, Anak?" tanong ni Daddy.
"Yes, Dad. I'm totally okay," ngumiti pa ako sa kaniya at nagpaalam na aalis na at baka ma-late pa ako.
Tinext ako ni Keith na hindi niya ako masusundo dahil may dadaanan pa raw siya kaya nagpahatid na lang ako kay Kuya Dan.
Halos lahat ng mga classmate ko ay nasa classroom na... ako na lang yata ang hinihintay. Akala ko pa naman na hindi ako mala-late.
"May long gown competition at syempre... question and answer. I know na kaya ng representative natin na ipanalo itong Ms. Campus," saad ni Sir Leron nang kompleto na ang buong klase.
Napalingon ako kay Keith na nakangiti lang sa 'kin at gano'n na rin si Jaypee at Franzen.
"Sino po ba ang representative natin, Sir?" tanong nang isa naming kaklase.
"Si Raya. Siya ang representative natin for tomorrow. I know na maipapanalo 'to ni Raya... may tiwala ako sa kaniya."
Parang namula naman ako ro'n sa sinabi ni Sir. Ang sarap lang pakinggan. Parang nasiyahan ang mga tenga ko na tanggapin iyon.
Nagsimula na kaming mag-prepare para sa competition bukas. Inako ng isa kong kaklase na si Ria ang gown na isusuot ko bukas dahil may mga gown naman daw sa botique nila. Si Sir naman ang umako sa mag-aayos sa 'kin, may mga kaibigan daw siyang magagaling na make-up artists. Si Xander, Jaypee, Keith at Franzen naman ang makakasama ko sa talent portion.
Pinauwi kami nang maaga ni Sir Leron para makapag-practice raw kami para sa talent na gagawin namin bukas.
Napagdesisyunan naming mag-ensayo do'n sa bahay.
"Marunong ka bang sumayaw, Raya?" tanong sa 'kin ni Jaypee.
Nakaupo kami ngayon sa sahig sa may sala. Kami lang ang tao rito sa bahay dahil nasa munisipyo pareho sina Mommy't Daddy.
"Huwag niyong pasayawin 'yang si Raya... paniguradong talo tayo niyan," bumulalas pa sila nang tawa.
Nakitawa na rin ako dahil totoo naman, eh. Wala akong talento sa sayaw. Magmumukha lang akong kawayan sa stage.
"Kakanta na lang siguro tayo. Mukhang may chance pa tayo ro'n."
Tumango-tango lang silang apat at sumang-ayon. Inaya ko sila sa music room at doon kami mag-eensayo. Guitar, drum, violin, flute, piano at iba pang instruments ang laman ng music room. Dito ako palaging tumatambay kapag bumibisita kami rito.
Si Xander at Jaypee ang gagamit ng trumpets. Sa piano naman ay si Keith at Franzen. Mabuti na lang at marunong silang gumamit ng mga instruments na 'yon kaya hindi kami nahirapan. Pinili naming kantahin ay NEVER ENOUGH by The Greatest Snowman.
Puro tawanan ang naging ensayo namin. Palagi lang kasing nagkakamali si Keith kaya puro kantyaw ang inabot niya sa 'min.
Dito ko na sila pinakain ng dinner dahil bandang alas-otso na kaming natapos. Buti na lang at dumating na si Mommy kaya may nagluto ng dinner— wala kasi kaming katulong.
* * * *
Kinabukasan, sinundo ako nang maaga ni Keith. Maaga talaga... mga bandang 6:30 ng umaga.
Kahit maaga pa, marami na ang mga estudyante sa school pagpasok namin.
Dumiretso kami ni Keith sa classroom. Medyo magulo pa ang classroom nang pumasok kami. Naabutan naming nagkukumpulan ang mga kaklase namin.
Sisilip na sana ako sa kung ano ang pinagkakaguluhan nila pero hinarang ako ni Xander. Naka-hoddie siya ngayon at ang astig niyang tignan.
"Raya, mag-snack muna kaya tayo? Maaga pa naman, eh." Inakbayan pa niya ako at ginaya palabas.
Ito na naman po ang puso ko na parang tinambol sa lakas nang tibok. Kapag nasa malapit talaga itong si Xander, hindi nagiging normal ang tibok ng puso ko. Buti nga at nakayanan ko kagabi, eh.
Hindi kami pumunta sa canteen para bumili ng snack, bagkos faculty ang pinuntahan namin.
"Sir," tawag ni Xander kay Sir Leron.
"Oh! Hi, Xander. Hello, Raya," bati ni Sir sa 'min.
"Good Morning, Sir. Ready na po lahat, Sir. Nandyan na po ang gown na susuotin ni Raya."
Tumango lang si Sir at sinabing susunod na lang daw siya at tatawagan pa niya ang mga kaibigan niyang make-up artist.
Pagpasok namin sa room, hinubad ni Xander ang suot niyang hoddie at tumambad sa 'kin ang white t-shirt niya na may print pa ng mukha ko. What the?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong lahat ng mga kaklase ko ay nakasuot nang gano'ng t-shirt.
"Good Morning, Class."
Napalingon ako sa may pintuan nang biglang pumasok doon si Sir Leron na may kaparehong t-shirt sa mga kaklase ko. What? Anong klaseng pakulo 'to?
"Si Ms. Rivera ang may pakana nito kung iyan ang pinagtataka mo, Ms. Campus," sigaw ng kaklase naming si Ram.
Ms. Rivera, ang class adviser namin. Kahit pala hindi siya ang nagha-handle sa amin ngayon, full support pa rin siya sa section namin.
Tinulungan ako ni Franzen na isuot ang yellow crystal gown ko. Nagdala ng sampung gown si Ria— ang kaklase naming may botique— para marami raw ang pagpipilian. Itong yellow gown ang pinili ni Sir dahil morena ako at bagay raw sa 'kin 'to. Gusto ko sana iyong black pero masyadong revealing.
This is not the first time na sasali ako sa ganitong competition. Kaya medyo sanay na ako pero ando'n pa rin ang kaba.
Naglalakad na kami ngayon papuntang gym kung saan gaganapin ang Ms. Campus 2014. Tinawag na lahat ng mga estudyante dahil magsisimula na raw ito after a minute or two.
Kasabay ko sa unahan si Sir Leron habang nakasunod naman sa 'min ang mga classmate kong napaka-supportive. May dala-dala silang Banner na may nakalagay na 'GO RAYA! RAYA FOR THE WIN!' para tuloy akong tatakbo sa eleksiyon.
Dumiretso kami sa backstage, kasama ko si Sir Leron, yung mga make-up artists at saka ang mga kaibigan ko na kasama ko sa talent ko mamaya. Ang mga classmate ko naman ay humiwalay sa amin para makapaghanap ng magandang puwesto. Umalis pa muna sandali si Sir Leron kasama ang mga kaibigan nitong make-up artist kaya kaming magkakaibigan na lang ang naiwan.
"Oh, look who's here. Hi, Xander." may lumapit na pamilyar na babae kay Xander.
Mukhang kasali rin siya sa Ms. Campus dahil naka-gown din siya. White 'yong gown niya na hapit na hapit sa katawan sa kaniyang katawan.
"Hello," malamig na sagot ni Xander.
"You look good, Jenelle," papuri sa kaniya ni Keith na parang sinusuri siya.
Right! She's Jenelle... 'yong babaeng lumalandi kay Xander. Hindi niya pinansin si Keith. Nakatingin lang siya sa akin at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
"You look good, Newbie. Pero hindi iyan sapat para matalo mo ako. So you better quit habang hindi pa nagsisimula," usal niya at nakamartsang tinalikuran kami.
Dapat ba akong magsaya dahil pinuri niya ako o dapat akong mainis dahil parang minamaliit niya ako? Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman... but my Lola taught me before na balewalain ko ang mga negative comments na naririnig ko at focus lang sa bright side.
"H'wag mo na lang pansinin 'yon, Raya. Masyado lang talagang feelingera 'yon. Wala pa kasing nakakatalo sa kaniya kaya gano'n ang ugali," ani Franzen.
Hindi niya kailangang sabihin iyon sa 'kin dahil iyon naman talaga ang gagawin ko. Hindi ko papatulan ang mga taong walang ibang ginawa kundi magalit sa 'kin kahit wala naman akong ginagawa o nagawa man lang sa kanilang masama.
Titig na titig silang apat sa 'kin. Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata ng tatlo. Hindi naman nila kailangang mag-alala... pinalaki akong palaban kaya hindi ako susuko nang ganoon lang. Habang iyong titig sa akin ni Xander ay mukhang humihingi siya ng tawad. He don't need to... hindi ako magpapaapekto sa sinabi ni Jenelle.
"Gano'n na ba ako kaganda para titigan niyo nang ganyan? I'm okay, guys... don't worry." Tumayo na ako at iniwan sila dahil tinawag na kami ni Ms. Rivera.
Pinapila na kami ni Ms. Rivera sa gilid ng stage. Labing-dalawa kami, may tatlo kasing section every school year. Pang-sampo ako sa pila at nasa likod ko si Jenelle— na siyang representative ng Grade10 section B.
"Please welcome... the Ms. Campus candidates," masiglang sigaw no'ng emcee.
Rumampa na kaming lahat at pumwesto paharap sa maraming tao. As in... marami talaga. May mga parents din kasing pumunta.
Sinabihan kami ng emcee na huminto sa gitna ng stage at magpakilala with matching kasabihan pa.
Nagsimula nang rumampa ang nauna sa pila, which is the representative of Grade7 section A. Nagpakilala muna siya bago bumalik sa kaniyang pwesto at ang Grade7 section B representative naman ang sumunod.
Hindi ko namalayan na ang katabi ko na pala ang susunod. Medyo kinakabahan kasi ako dahil sa dami ng tao kay hindi ko namalayan ang oras.
"You look nervous, Ms. Section A. Sana pinakinggan mo ako kanina," bulong ng katabi kong si Jenelle.
"Hindi ako magba-back out dahil lang sa sinabi mo," ani ko at rumampa na papunta sa harap nang makabalik na ang katabi ko.
Kaya ko 'to.
"A pleasant morning to everyone. I'm Raya Digo... representing Grade10 section A. I strongly believe that if you are afraid to lose... then you don't deserve to win. Thank you." Kumindat pa ako sa mga tao at tumalikod na.
Medyo nabingi pa ako sa lakas ng nga palakpak nila. Sayang lang at wala si Mommy at Daddy. Sumalubong sa 'kin si Jenelle na nag-roll eyes pa.
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at pilit na ngumiti. Ang sakit na ng panga ko pero keri lang.
"Good Day!" may diin na bati ni Jenelle. "Im Jenelle Lopez, the one and only representative of Grade10 section B. I believe that I will be the Ms. Campus again so... sa mga kalaban ko, 'wag nang mangarap. Thank you."
Halos lahat ay nalaglag ang panga ng dahil sa sinabi niya. What the heck? Iyon yata ang pinaka-nonsense na kasabihan na narinig ko sa tanang buhay ko. Proud siyang bumalik sa pwesto niya kanina. Parang ang bigat ng atmopshere. Iyong ibang contestant ay parang nawawalan na ng pag-asa.
Pinabalik na kami sa back stage para makapag-prepare sa talent portion.
"Why did you do that, Jenelle?"
Napalingon kaming lahat nang may biglang galit na sumigaw. Iyong adviser lang pala ni Jenelle— mukhang pinapagalitan siya. Dahil siguro sa kasabihan niya? We don't know.Hindi na kami nakinig sa usapan ni Jenelle at ng adviser nila. Nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng isang blue formal dress. Iyong mga kasama ko naman ay suot-suot pa rin ang white t-shirt na may print ng mukha ko pero nagdagdag sila ng denim jacket para match daw sa blue dress ko.Kinabahan ako nang nagsimula na ang talent portion. May mga kumanta, sumayaw, tumula, at umarte. Pang-sampo ako kaya medyo nape-pressure ako dahil nakita ko na ang mga pinagmamalaking talent ng ibang mga contestant.Mas dumoble ang kaba ko nang ako na ang tinawag. Matagal bago kami nagsimula dahil sinet-up pa ang mga instrument na gagamitin namin.Todo cheer ang mga classmate namin nang nagsimula na si Keith sa pagtipa sa piano. Iwinagayway pa ni
"What now?"Nasa sala na kami ngayon, kakarating lang namin. Kaming lima na lang nina Franzen, Jaypee, Keith at Xander ang magkasama dahil nagpaalam si Daddy na may aasikasuhin pa raw siya, si mommy naman ay pumunta muna sa kusina para maghanda ng pagkain."May wine ba kayo rito, Raya?""Meron naman. Bakit?" sagot ko kay Franzen."Gagamitin sana natin. Since we're bored, bakit hindi tayo maglaro?""Anong laro naman?" nagtatakang tanong ni Jaypee kay Franzen."Truth or Dare.""Uy, Game!""G!"Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsang-ayon ng tatlo. Medyo kinakabahan ako sa larong naisip nila kasi baka may maitanong silang hindi ko masagot o masyadong personal.Kabado man
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mumunting reaksiyon na nakita ko kay Xander kahapon. Kung paano siya natulala pagkatapos nilang marinig ang kwento ng nakaraan ko, ang mga tawa niya, at kahit ang pagsimangot niya. Sa iksi nang panahon na nakasama ko si Xander, masasabi kong magaan ang loob ko sa kaniya at alam ko na siya 'yong tipo ng kaibigan na andiyan palagi para sa 'yo na handang pakinggan ka sa mga kadramahan mo sa buhay, handang damayan ka lalo na sa mga oras na down na down ka na. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Hindi ko pa alam ang mga strength at weaknesses niya. Hindi pa ako umaabot sa puntong pinapangarap ko na sana kami na lang, na sana siya na lang ang nakilala ko noon kaysa kay Vince. Pero alam kung humahanga ako sa kaniya, by his physical appearance at sa mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa kaniya— positive or negative.
Ipinarada ni Kuya Dan ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko gaanong kita ang disenyong nito dahil medyo madilim na rin. Habang papasok sa malaking bahay na iyon, lagi lang akong nakayuko dahil sa nakakasilaw na mga ilaw galing sa mga camera ng mga reporter na nasa gilid. Hindi ko alam na covered by media pala itong party na ito. Kung nalaman ko lang, sana hindi na ako sumama pa. "Are you okay?" biglang tanong ni Mommy habang nakahawak ako sa kanilang dalawa ni Daddy. "Hindi ko naman po alam na may media po pala. Sana hindi na lang po ako sum—" "Good Evening, pare. Buti naman at nakapunta ka, kakalimutan ko na sanang magkaibigan tayo, eh." Isang baritonong boses ang sumalubong sa aming tatlo. May edad na rin siguro ito dahil halos kulay puti na rin ang kaniyang bigote at ang buho
Parehong nakalaglag ang mga panga naming apat. Tatanungin ko na sana sila pero obvious na obvious sa mga reaction nila na wala silang kaalam-alam sa nangyayari."Totoo ba 'yong narinig ko?" tanong bigla ni Keith.Halo-halong emosyon ang makikita ko sa mata ni Keith. Naguguluhan, nasasaktan at tampo. Well, naiintindihan ko siya. Matagal na niyang kaibigan si Xander at matagal na siyang may gusto kay Jenelle, at alam ni Xander 'yon pero sa isang iglap, malalaman niya na lang na mag-jowa na ang dalawa? Kahit saang banda, masakit 'yon. Masakit na masakit 'yon. Walang sumagot sa tanong niya dahil wala naman talagang may alam."Jaypee."Napaangat kaming apat nang may biglang dumating sa table namin at tinawag si jaypee. May pagka-mestisa ito, singkit at siguro, kaedad lang ni Mommy."Tita," bati ni Jaypee.Tumayo si Jaypee, gano'n na rin ang ginawa namin. Unang bum
Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'
"V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na