Share

Chapter 5.3

Napalingon kaming lahat nang may biglang galit na sumigaw. Iyong adviser lang pala ni Jenelle— mukhang pinapagalitan siya. Dahil siguro sa kasabihan niya? We don't know.

Hindi na kami nakinig sa usapan ni Jenelle at ng adviser nila. Nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng isang blue formal dress. Iyong mga kasama ko naman ay suot-suot pa rin ang white t-shirt na may print ng mukha ko pero nagdagdag sila ng denim jacket para match daw sa blue dress ko.

Kinabahan ako nang nagsimula na ang talent portion. May mga kumanta, sumayaw, tumula, at umarte. Pang-sampo ako kaya medyo nape-pressure ako dahil nakita ko na ang mga pinagmamalaking talent ng ibang mga contestant.

Mas dumoble ang kaba ko nang ako na ang tinawag. Matagal bago kami nagsimula dahil sinet-up pa ang mga instrument na gagamitin namin.

Todo cheer ang mga classmate namin nang nagsimula na si Keith sa pagtipa sa piano. Iwinagayway pa nila ang inihanda nilang banner dahilan para pagtinginan sila ng ibang nanonood. Pero wala silang pinansin at ipinagpatuloy ang pagche-cheer. Mabuti na lang at hindi nakisabay ang boses ko sa kabang naramdaman ko. Natural pa rin ang boses ko na para bang hindi ako kinakabahan.

Biglang natahimik ang mga nanood nang nagsimula kong kantahin ang unang linya dahilan para bigla akong kabahan. Lumingon ako sa mga kasama ko pero naka-focus lang sila sa pagtugtog.

Nakita ko ang mga kaklase kong tahimik na nanood habang nakapikit. Feel na feel lang, gano'n?

Pabirit na ako sa chorus part nang biglang nakita ko sina Mommy't Daddy na humalo sa mga kaklase ko. Ando'n si Sir Leron kaya alam nilang iyon ang section namin. It was the best feeling ever. I mean... first time kong mag-perform sa harap ng crowd at sa harap ng parents ko.

Natapos naman ang kanta nang maayos. Malakas na palakpakan at sigawan ang narinig namin pagbalik namin sa backstage.

"Congrats, Raya," ani ng mga kaibigan ko.

"Wala pa namang result. Excited lang, gano'n?"

Mahina lang silang natawa at umupo sa pwesto nila kanina. Ako naman ay pumunta sa dressing room at nagpalit para sa question and answer pati sa awarding mamaya. Ayokong mag-assume pero sana may award naman akong matanggap.

"What makes you blush?"

Medyo kinabahan ako sa tanong na napili ko. May isang glass bowl na nilagyan ng mga questions at kukuha kami roon ng isa at 'yon ang sasagutin namin.

"What is it that makes me blush? Ang makita ang mga taong nakapaligid sa 'kin na nakangiti't masaya kahit alam kong may dala-dala silang problema. Lalo na sa mga taong malalapit sa puso ko, ang mga kaibigan ko, mga kaklase ko at syempre, ang pamilya ko. Ang simpleng ngiti nila ay malaki ang epekto sa 'kin at iyon ang nagpapasaya sa 'kin. And I, Raya Digo, Thank you!"

Hindi ako sure sa sagot pero sana okay na 'yon. Malakas na palakpakan at hiyawan na naman ang iginawad ng mga kaklase ko, kasama na roon sina Mommy't Daddy.

Unang inanunsyo ang mga best awards—gaya ng best in long gown, talent, etc. Unfortunately, wala akong natanggap na award. Medyo nakakahiya man para sa mga classmate ko pero okay lang naman siguro 'yon.

"Third runner-up," pabitin ng emcee. "From Grade 9 sectionA!"

Masaya't naluluhang pumunta ang third runner-up sa harap para kunin ang award niya habang malalakas na palakpak naman ang ginawad ng mga kaklase niya. Kung maka-react parang siya 'yong nanalo, ah? Charot. Sunod namang inanunsyo ang 2nd runner-up na galing sa section A ng grade-8. At ang grade-10 section C naman sa 1st runner-up.

"Stop assuming, newbie. Huwag ka nang umasa pang mananalo because we know na walang nakakatalo sa 'kin dito."

Isang ngisi lang ang isinagot ko kay Jenelle. Wala akong pakialam kung walang nakakatalo sa kaniya. Besides, hindi naman title ang isinali ko rito. Gusto ko lang na i-represent ang section namin, 'yon lang. Hindi ako sumali rito para lang makipagkompetensya sa kaniya.

"And our Ms. Campus 2014 is..." tumingin pa ang emcee sa 'ming natitirang mga contestant. "From grade10 section A."

Tinignan ko si Jenelle at kitang-kita ko sa mukha niya ang galit at pagkapikon. Ayaw ko siyang asarin pero mukhang naasar na siya kahit wala pa naman akong ginawa sa kaniya. Ngumiti na lang ako sa kaniya at pumunta sa harapan.

Nakangising malakas na pumalakpak ang mga kaklase ko pati na rin sina Mommy't Daddy.

"Congratulations, Anak."

"Thank you, Mom."

Papunta na kami ngayon sa classroom. Magce-celebrate pa raw muna bago umuwi. Bigdeal sa kanila ang pagkapanalo kong 'to kasi nga first time nila.

Nauna kami sa paglalakad. Katabi ko si Mommy sa kanan at si Daddy naman sa kaliwa ko. Nakasunod naman sina Keith, Franzen at Jaypee. Si Xander? Hindi ko alam kung nasaan siya pero mukhang may pinuntahan yata. Si Sir Leron naman ay susunod na lang daw. 

"We're so proud of you, anak," malambing na sabi ni Daddy.

Parang musika iyon sa pandinig ko. That was the first time na narinig ko iyon kay Daddy.

"Uh. Thank you, Dad," ani ko't hinalikan siya sa pisngi.

Karamihan sa mga kaklase ko ay nag-react na ang sweet daw at may iba namang nagbiro na ang childish daw. Well, I don't care. Wala akong pakialam sa sinasabi nila at hindi ko kinakahiya ang ginawa ko.

Nakapasok na kami sa classroom at nakaupo na nang biglang tumayo si Daddy at nagsalita.

"Good day, everyone. I just wanna say thank you for supporting our princess,"

"Dad," inis na singit ko. Grade 10 student na ako at hindi na bata pero p-princess pa rin?

"Why? Princess ka naman talaga namin ng mommy mo," natatawang ani Daddy.

Natawa na rin ang mga kaklase ko kaya mas mahiya ako.

"So, 'yon na nga. Thank you for your support for Raya."

"Naku, wala 'yon, Mayor. Siya po ang representative namin kaya it's normal na susuportahan po namin siya," nakangiting tugon naman ni Franzen.

Oo nga naman. Kaklase nila ako at ako ang representative nila kaya normal lang talaga na suportahan nila ako. Bigdeal, Dad? Bigdeal?

"No, don't call me mayor. Too formal, haha. Just call me Tito na lang. All of you, Tito na lang ang itawag niyo sa 'kin. Haha," natatawang ani Daddy.

Sumang-ayon naman ang mga kaklase at wala nang nagsalita. Sakto namang dumating na si Sir Leron kasama ang mga kaibigan niyang make-up artists, si Ms. Rivera at si Xander.

"Congratulations, Section A. Grabe ang support ng section A kay Raya. Randam na ramdam namin ang kagustuhan niyong manalo. And thank you for that. Thank you also to Raya. You really deserve the title, dear," saad ni Ms. Rivera na sinang-ayunan naman ni Sir Leron.

Tumayo ako't hinarap sila.

"Hindi ko po 'yon magagawa kung hindi po dahil sa inyong lahat. Thank you, guys. I don't deserve the title. We all deserves it."

May munti ngang celebration ang nangyari. May pakain pa si Daddy sa mga buong klase namin. I don't know how to feel and how to react. This is my first time na naka-feel ng ganitong klase ng suporta at pagmamahal.

Lumabas muna ako at nagpahangin sa labas habang ang mga kaklase ko ay nagsasaya pa rin sa loob. Nakadungaw ako sa ibaba, marami pa rin ang mga estudyante na nagsasaya rin.

Nagulat ako nang may biglang tumabi sa 'kin at umakbay. Kahit hindi ako lumingon, kilala ko kung sino 'yon.

"Congratulations, Princess."

Gulat akong napalingon kay Xander. Teka... wala siya nang sinabi 'yon ni Daddy kanina pero bakit alam niya?

"Saan mo nakuha 'yan?"

"Narinig ko lahat ng sinabi ng Daddy mo kanina. Nasa labas ako kanina, hinihintay sina Sir Leron at Ms. Rivera. Cute nga, eh. Princess."

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Basta ang alam ko, napakalakas na naman ng tibok ng puso ko. Buti na lang, tinanggal niya ang braso niya sa balikat ko.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa 'kin.

"Bakit?"

"Ililibre kita," simpleng sagot niya.

"Naku, 'wag na."

"Sige na, Princess. Akala mo ba wala akong pambili? Grabe ka naman," naka-pout niyang tugon.

Hindi ko alam pero ang cute niyang tignan kapag naka-pout.

"Kahit ano na lang, hindi naman ako mapili, eh."

Tumago lang siya at ngumiti sa 'kin kaya ngumiti na lang din ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa.

"What if pumunta kayo sa bahay? Doon niyo na ipapatuloy ang celebration niyo."

Suggestion ni Mommy kina Jaypee, Franzen, Keith at Xander. Papalabas na kami ng school ngayon so dumiretso na sila sa mga sarili nilang sasakyan habang ako naman ay sumabay kina Mommy't Daddy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status