Share

Accidentally Inlove with Mr. President
Accidentally Inlove with Mr. President
Author: Duraneous

Prologue

Maginhawa ang buhay ko noon sa Laguna kasama ang mga magulang ko. Iyong tipong binibigay nila lahat ng gusto ko, mga pangangailangan ko at kahit ang mga bagay na hindi ko naman hinihingi sa kanila. Maraming naiinggit na mga kaedad ko sa kung anong meron ako.

Pero ang hindi nila alam, hindi ako masaya sa buhay kong ito. Hindi batayan sa 'kin ang materyal na nabibigay sa 'kin ng mga magulang ko para maging masaya. Ang tanging bagay lang na gusto ko ay magkaroon kami ng bonding nina Mommy't Daddy, pero wala eh.

Hanggang dumating 'yong puntong kinailangan kong lumipat sa puder ng Lola ko dahil sa mga trabahong tinahak nila. Pareho silang politicians, Mayor si Daddy habang kapitana naman si Mommy. Busy sila masyado at hindi nila ako nabibigyan ng sapat na oras at atensyon... mas pinili nilang kay Lola na lang ako manirahan pansamantala.

Kaya heto ako ngayon, after a couple of years, babalik sa puder nila dahil sa isang pangyayaring gusto kong kalimutan. At ang pag-alis ang nakikita kong paraan para makalimot.

"Apo, sigurado ka bang aalis ka?" nakangusong tanong sa 'kin ni Lola habang pababa ako sa hagdan hila-hila ang mga maleta ko.

"Lola, wala na po akong ibang pagpipilian eh... baka po sa pag-alis ko magiging mas maayos na po ang buhay ko," sagot ko kay Lola bago ako humarap sa kaniya.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Lola na nangingilid ito sa luha. Parang may kamay na humaplos sa puso ko nang unti-unting nalaglag ang kaniyang mga luha sa pisngi niya.

"Ipangako mong dadalawin mo ako, Apo. Mami-miss kita," ani Lola at niyakap ako nang mahigpit.

"Pangako po, Lola. Pangako po. Mahal na mahal kita Lola ko," malungkot na tugon ko sa kaniya at niyakap siya pabalik.

Narinig ko pang humikbi si Lola sa balikat ko bago pa niya ako binitawan sa mahigpit niyang pagyakap.

"Mag-iingat ka, Apo." paalala niya sa akin habang papalabas kami ng bahay.

"Opo, Lola. Kayo rin po... mag-ingat po kayo rito."

Tanging ngiti at tango lang ang sinagot niya. Hinalikan ko pa muna siya bago ako naglakad papalabas ng gate.

Bawat hakbang ko ay ang bigat-bigat. Lilisanin ang bahay na naging saski sa paglaki ko ay ang pinakamahirap na naging desisyon ko, pero kailangan eh. Kinawayan ko pa si Lola bago ako sumakay sa kotse nina Mommy na nagsundo at maghahatid sa akin sa Calamba sa Laguna.

Panay ang tingin ko sa labas ng bintana ng kotse habang nag-uunahang malaglag ang mga luha ko. Mahina akong napahikbi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha tuwing pumapasok sa isip ko ang mga magaganda't masasakit na ala-ala ko rito sa Batangas. Pero sana sa pag-alis kong ito, magiging mapayapa na ang buhay ko sa piling ng mga magulang ko sa Calamba. Sana.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang pag-iyak. Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto o oras akong nakatulog basta namalayan ko na lang na nasa Laguna na pala kami.

"Kuya Dan, malapit na ba tayo?" tanong ko sa driver naming si Kuya Dan.

"Malapit na po, Maam. Mga ilang minuto na lang po."

"Ah, okay po," nakangiti kong tugon dito.

Ibinalik ko na lang sa labas ng bintana ang paningin ko. Akmang ipipikit ko na naman ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag sa 'kin si Thalia.

It's Nathalia Gozon, in short Thalia. My bestfriend.

"Raya, where the hell are you? Kanina pa ako naghihintay sa'yo rito sa park," anang bestfriend ko sa kabilang linya.

"Nasa Laguna na ako, Thalia."

Natigilan ito bago magsalita ulit. "Umalis ka na? Ba't di mo sinabi sa 'kin, Raya?" halata sa boses nito ang pagkadismaya niya sa 'kin.

"Sorry, Thalia. Ayoko kasing makita kang umiyak pag-alis ko. Baka hindi ako makatuloy sa pag-alis."

"Pero sana sinabi mo, Raya. Hindi itong umalis kang hindi ako nakapagpaalam sa 'yo nang maayos."

"I'm sorry... sorry, Thalia."

"Eh, ano pa nga bang magagawa ko? Andyan ka na, eh. Mag-ingat ka na lang diyan, Raya. Ingatan mo ang sarili mo at walang Nathalia na mag-aalaga sayo diyan. Basta kapag may problema... tawagan mo ako, ha?" aniya sa naiiyak na boses.

"Opo. Ikaw din diyan, Thalia. Mag-ingat ka," sagot ko sa kaniya bago ko pinatay ang tawag.

Thalia is a good friend of mine. She's like a sister to me. Bestfriends kumbaga. She's very sweet to me and frank at the same time. She never praise me for who I am but she motivates me for who I am not. Siya 'yong tipo na kapag tinitignan niya ako sa mata, malalaman na niyang may problema ako o wala. Hindi niya ako kinukulit about sa mga problema ko, sa halip ay binibigyan niya ako ng mga advise.

Ilang segundo ring namayani ang katahimikan sa loob ng kotse bago nagsalita si Kuya Dan.

"Andito na tayo, Maam." Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat po," ani ko bago lumabas.

Bumuntonghininga muna ako habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan ko. Hindi ko aakalaing babalik ako rito sa bahay na ito paglipas ng ilang taon. Bumukas bigla ang gate ng bahay namin na nagbalik sa 'kin sa reyalidad.

Iniluwa nito ang butihin kong ina. As usual, my mother stands with her back straight with poise and grace. Lumapit ito sa gawi ko at ngumiti nang matamis.

"Hey baby. Come here, give me a hug." Ibinuka ni Mommy ang mga braso niya sa akin.

Hindi ko itinatanggi na miss na miss ko na si Mommy. Madalas lang silang dumalaw sa 'kin sa Batangas kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng segundo... inisang hakbang ko lang ang pagitan naming dalawa at niyakap siya nang mahigpit.

"I miss you, Mom," nakangiting tugon ko sa kaniya.

"I miss you too, baby." Niyakap din ako pabalik ni Mommy at bakas sa boses niya ang lubos na kasiyahan.

Panandalian kong nakalimutan ang problemang dala-dala ko nang mayakap ko si Mommy. Humiwalay siya ng yakap sa 'kin at bahagyang hinila ako papasok ng bahay.

"Alam kong pagod ka sa biyahe, so magpahinga ka muna sa room mo at magluluto muna ako ng mga favorite food mo. Okay?" nakangiting sabi sa 'kin ni Mommy.

"Okay po." 

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago patakbong pumunta sa may hagdanan patungong second floor kung nasaan ang kwarto ko. Pero bago pa ako umapak sa unang baitang ng hagdanan, nilingon ko muna si Mommy na patungong kusina.

"Mommy, where's Daddy po pala?"

Nilingon ako ni Mommy at ngumiti sa 'kin bago sumagot. "May meeting sila ngayon ni Governor, Anak. Maya-maya andito na 'yon, so pahinga ka muna bago dumating ang Daddy mo." 

"Okay po," nakangiting sagot ko sa kaniya bago ko mabilis na tinahak ang daan patungo sa silid ko.

Pagbukas ko nang pinto, bumungad sa 'kin ang malaki kong kama, makintab na sahig at maayos na pagkaka-organize ng mga gamit. Halatang pinaghandaan ni Mommy ang pag-uwi ko. Kasi last time na tulog ko rito ay ang dumi nito— that was last christmas.

Lumundag ako sa kama at doon na naman nanumbalik ang mga problema ko. Ipinikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang nag-flash doon ang pangyayaring naging dahilan kung bakit ako umalis ng Batangas... kung bakit ako nasaktan.

Nanunubig na naman ang aking mga mata kaya tumingin na lang ako sa kisame para mapigilang maluha na naman. Ilang buwan na ang nakalipas nang nangyari 'yon pero fresh pa rin sa 'kin na para bang nangyari lang ito kahapon. 

Dahil na rin siguro sa pagod, biglang bumigat ang mga talukap ko dahilan para makatulog na ako nang tuluyan.

Nagising na lang ako dahil pakiramdam ko ay may tumatapik sa 'kin. Pagmulat ko sa mga mata ko, bumungad sa 'kin ang mga nakangiting mukha nina Mommy at Daddy.

"WELCOME HOME RAYA!" Sigaw nilang pareho at may dala-dala pang cake.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
RM Calles
Interesting story congrats to the Author...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status