Share

Chapter 1

Raya Digo

"Bakit ka ba lumipat dito sa Laguna?" anang kaibigan kong si Keith.

Almost 2 months na akong nandito sa Laguna. Simula no'n, nakasanayan na namin ni Keith ang lumabas every Sunday. Bonding na rin, gano'n.

Nandito kami ngayon sa paborito naming coffee shop na malapit lang sa village namin. Linggo ngayon kaya lumabas kaming dalawa. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay at siya naman ang kasama ko kaya okay lang.

Sumimsim pa muna ako ng kape bago ko siya sinagot.

"Because I want to."

"Naku! Kung ako ikaw, do'n na lang ako sa Batangas, maganda rin naman do'n, hindi ba?"

"Kung naranasan mo lang ang mga pinagdaanan ko sa Batangas, Keith... sigurado akong aalis ka rin do'n at dito rin ang bagsak mo." Iyan sana ang isasagot ko sa kaniya pero huwag na lang pala, baka kasi tanong lang siya nang tanong. Mahal pa naman laway ko.

"Gusto ko kasing makasama sina Mommy't Daddy."

"Oo nga pala. Ilang taon mo bang hindi sila nakasama?" aniya at sumimsim na rin sa kape niya.

"I think... umm... 10 years? 7 years old ako no'ng dinala ako ni Mommy kay Lola para doon ako paaralin dahil masyadong busy sila pareho ni Daddy at hindi nila ako nabibigyan ng sapat na atensiyon. Simula no'n, minsan na lang ako dalawin nina Mommy't Daddy sa Batangas at minsan lang ako nakakabisita sa kanila rito."

Tumango-tango pa siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"Alam mo, Raya... bilib ako sa 'yo."

Gulat akong napatingin sa kaniya nang sinabi niya 'yon. Si Keith? Bilib sa 'kin? Bakit?

"Kasi hindi ka sumuko kahit na maraming problema ang dumating sa buhay mo. Heto ka ngayon... nakatayo at matatag pa rin. Alam kong alam nating pareho na iilan lang ang kagaya mo. Iilan lang ang kayang humarap sa mga problema nilang mag-isa."

"Haha. Ang seryoso mo naman masyado, Keith. Bata pa kasi ako no'n kaya maaga akong namulat sa mga problema ko sa buhay," nakangiting tugon ko.

"Oo na. Dalian mo riyan at mamimili pa tayo ng kakailanganin natin sa school."

Tinapos muna namin ang iniinom naming kape bago namin iyon binayaran at umalis.

Pumunta kami ni Keith sa pinakamalapit na mall. Doon na lang daw kami mamimili ng mga kakailanganin naming gamit para sa pasukan bukas. Naglakad lang kami papunta roon dahil katapat lang naman ito ng coffee shop na pinanggalingan namin.

Nasa loob na kami ngayon ng bookstore dito sa mall. Iilan lang ang tao sa loob kaya hindi kami nahirapang hanapin ang mga kailangan naming libro.

"Bukas na pala 'yong first day," ani ko kay Keith habang tumitingin kami ng mga diksiyonaryo.

Pareho kaming hindi nagtitiwala sa mga nababasa o nare-research namin sa internet. May mga kulang kasi sa impormasyon at minsan naman ay hindi totoo o fake news lang ang lumalabas sa g****e. Kaya mga diksiyonaryo o libro ang ginagamit namin.

"Oo nga, eh."

"Okay ba ang school na papasukan ko? I mean... wala naman bang bullies?"

Kinuha niya ang isang Filipino dictionary bago ako hinarap.

"Bullies? Umm... wala naman. I mean... mayro'n pero iilan lang at hindi naman grabe. Mostly kasi sa mga student do'n ay disiplinado. Syempre, catholic school 'yon, eh."

Buti naman kung gano'n. Ayoko kasing mag-aral sa school na maraming alipores ni Lucifer. Hindi bagay ang ganda ko ro'n kung magkataon. Char.

"Good to know," maikling sagot ko sa kaniya.

Hindi kami nagtagal ni Keith dahil nakatanggap siya ng text galing sa Mommy niya na may family dinner daw sila with his grandparents mamaya at kailangang tumulong siya sa paghahanda ng dinner nila.

Lumabas na kami ng mall dahil wala naman kaming gagawin pa ro'n. Humingi pa ng paumanhin si Keith dahil hindi kami nakapunta sa sinehan tulad ng ipinangako niya pero sinabi kong okay lang at may next time pa naman. Naglakad lang kami dahil malapit lang naman ang village namin mula rito. 

Bigla akong nanlumo nang naisip kong babalik na naman ako sa reyalidad. Tuwing linggo ko lang natatakasan ang mga problema ko dahil kasama ko si Keith at palagi niyang pinapagaan ang loob ko. Busy na rin sina Mommy't Daddy lately dahil malapit na ang eleksiyon. Palagi akong walang kasama sa bahay. Umuuwi naman sila sa bahay pero sakto namang tulog na ako... umaalis nang maaga habang hindi pa ako gising. Babalik ba kami sa dati? 'Yong wala na naman silang oras sa 'kin? Sana naman hindi na.

Malalakas na busina ang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad. Naka-go signal na pala pero nasa gitna pa rin kami ng kalsada.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Keith.

"O-Okay lang."

"Sigurado ka? Kanina pa kasi kita tinatawag pero nakatulala ka. Akala ko nakasunod ka lang sa akin, eh. Paglingon ko, nasa gitna ka ng kalsada na parang poste, hindi kita mahila-hila."

Nagbaba ako ng tingin. Nakakahiya. Hindi na sana ako nag-iisip pa ng gano'n. Pa'no kung nasagasaan ako? Pa'no kung dinumog ako ng mga driver at binugbog? Sayang naman ang beauty ko.

"Sorry," nakangusong sagot ko.

Tumango lang siya sa akin at inakbayan ako. Nagsimula na kaming maglakad nang biglang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, pangalan ni Nathalia ang bumungad sa 'kin.

"Hello, Raya?" aniya nang sinagot ko ang tawag.

"Oh, napatawag ka?"

"Hindi ba pwedeng tumawag? Miss na kita."

"Ah, miss na rin kita, Thalia. Kumusta ka na riyan?"

"Hmm, okay lang ako. Ikaw? Kumusta ka? Okay ka na ba? Naka-move on ka na ba? Masaya ka naman ba?" sunod-sunod na tanong niya.

"Im okay, too. Don't worry, I'm totally fine. And yes, masaya naman ako rito."

Totally fine na nga ba ako? Naka-move on na nga ba ako? Hindi ko pa alam.

"Oo nga pala. Kinukulit ako ni Vin—" hindi na natapos ni Thalia ang dapat niyang sabihin dahil nagsalita ako.

"Uhm, may lakad pa pala kami, Thalia. Next time na lang. Bye," paalam ko sa kaniya at pinatay ang tawag nang hindi hinihintay ang sagot niya.

"Sino 'yon?" tanong ni Keith.

"Si Thalia, best friend ko sa Batangas."

Tumango lang si Keith at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Ayokong marinig ang pangalan ng lalaking 'yon. Almost 3 months kong pinilit ang sarili kong huwag maisip, marinig o mabanggit man lang ang pangalan niya. Nakaka-stress ng bangs.

Alas-kuwatro na nang nakauwi ako sa bahay. As usual, wala pa rin sina Mommy't Daddy. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at natulog dahil parang napagod ako physically and emotionally ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status