Share

Chapter 7

Penulis: Amaya
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-08 18:38:13

Walang tulog si Megan buong gabi. Kahit anong balikwas niya sa kama, hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. A fake honeymoon with Primo? In Santorini? With the whole world watching?

Putangina, anong pinasok ko?

Bumuntong-hininga siya at tumayo mula sa kama. Kailangan niyang mag-isip. Hindi siya pwedeng magmukhang tanga bukas.

Paglabas niya ng kwarto, napansin niyang gising pa si Primo, nakaupo sa sala at may hawak na baso ng whiskey.

“Di ka makatulog?” tanong nito nang mapansin siya.

“No thanks to you,” sagot niya, sabay upo sa kabilang sofa. “Primo, paano mo nagagawang maging chill sa lahat ng ‘to?”

Ngumiti lang si Primo. “Sanay na ako.”

“Sanay?”

“In this family, you either adapt or get crushed.”

Hindi agad nakasagot si Megan.

Tiningnan siya ni Primo, halatang may gusto itong sabihin pero nag-alinlangan. Maya-maya, nagbuntong-hininga ito.

“You really want to survive this?” tanong ni Primo.

Napakunot ang noo ni Megan. “Anong ibig mong sabihin?”

Humilig si Primo sa sofa, naglalaro ang daliri sa baso ng whiskey. “Hugo Giovanni doesn’t just accept people into this family. He tests them. Kung hindi mo mapapatunayan na kaya mong makisabay, he’ll make sure na mawawala ka sa eksena.”

Napalunok si Megan. Hindi niya gusto ang tunog niyon.

“So, anong dapat kong gawin?”

Tumingin si Primo sa kanya, this time, seryoso. “Simple. Play the game better than them.”

Nagkatinginan sila. Hindi alam ni Megan kung bakit, pero parang may kakaibang bigat ang titig ni Primo ngayon.

At doon nagsimula ang lahat.

Alas-siyete pa lang ng umaga, kinakaladkad na ni Sunny si Megan papunta sa kwarto nito.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Megan, naguguluhan.

“Girl, kailangan mong magmukhang convincing na in love kay Primo!” excited na sagot ni Sunny.

“Bakit parang mas excited ka pa sa’kin?!”

Hinila siya ni Sunny papunta sa harap ng isang malaking mirror. “Tingnan mo ang sarili mo, Megan. Paano mo mapapaniwala ang mundo na in love ka kung mukhang gusto mo siyang dagukan sa bawat picture?”

“Eh kasi naman—”

“No excuses! Dapat natural ang chemistry niyo sa pictures, videos, at kahit saan kayo magpunta.”

Pumikit si Megan at huminga nang malalim. Okay, kaya mo ‘to.

“First lesson,” sabi ni Sunny, pinipilit na hindi matawa. “How to look at Primo like he’s your whole damn world.”

Napairap si Megan. “Paano ‘yon?”

“Pwes, tingnan mo siya nang parang siya lang ang oxygen mo sa mundo!”

“ANO?!”

Natawa si Sunny. “Just do it!”

Napabuntong-hininga si Megan at nag-focus sa sarili niya sa salamin. Kailangan niyang magmukhang isang hopelessly in love wife.

Okay, paano ba ‘to?

Isipin mo na lang na siya si Chris Hemsworth—

Nope. Hindi uubra.

Sinubukan ulit niya.

Nag-isip siya ng isang bagay na sobrang gusto niya. Milk tea. Samgyupsal. Free Wi-Fi.

“Sunny, hindi ko kaya!”

Natawa si Sunny at umiling. “Fine, let’s try something else. How about physical contact?”

Napalunok si Megan. “P-physical?”

Tumingin si Sunny sa kanya na parang may masamang balak. “Come with me.”

Maya-maya lang, nasa harap na nila si Primo.

“What’s going on?” tanong ni Primo, halatang inaantok pa.

Ngumiti si Sunny. “Primo, kailangan nating i-train si Megan kung paano maging convincing wife mo.”

“Excuse me?”

“Start with something simple,” sagot ni Sunny, walang pakialam. “Megan, hawakan mo siya sa braso.”

Kumunot ang noo ni Megan. “Alam mong hindi ako bata, ‘di ba? Alam kong humawak ng braso!”

“Then do it.”

Napairap si Megan pero inabot ang braso ni Primo—at sa hindi malamang dahilan, biglang napaka-init ng balat nito.

Putangina.

“Okay, now hold him like you mean it,” utos ni Sunny.

Napalunok ulit si Megan. Sa slow motion ng utak niya, naramdaman niyang dumulas ang daliri niya pababa sa braso ni Primo, dahan-dahan, hanggang sa mahigpit na nakapulupot ang kamay niya roon.

Napangiti si Sunny. “Good. Now, Primo, yakapin mo siya sa bewang.”

“Ano?!” halos sabay nilang sigaw ni Primo.

Sunny rolled her eyes. “Oh, come on! Sa Santorini, maraming cameras! If you can’t do this now, paano pa sa harap ng maraming tao?”

Tahimik lang si Primo pero hindi ito umalis sa kinatatayuan. Maya-maya, nagbuntong-hininga ito at lumapit kay Megan.

At bago pa siya makatanggi—

Hinawakan siya ni Primo sa bewang.

Nag-freeze si Megan. HOLY—

“Now, look into each other’s eyes,” bulong ni Sunny.

Hindi niya magawang gumalaw. Lalo na nang bumaba ang titig ni Primo sa labi niya, na parang nag-iisip kung gagawin ba talaga nila ito o hindi.

At ang mas malala?

Kinakabahan siya, pero hindi niya gustong umalis.

Tatlong oras bago ang flight, nasa airport na sila.

“Honeymoon flight,” biro ni Levi habang naglalakad sila papunta sa VIP lounge. “Excited ka na ba, Megan?”

“Bite me, Levi.”

Natawa lang ito.

Pagpasok nila sa private jet, agad silang sinabihan ni Laurence na kailangan nilang kunan ng pictures ang pag-alis nila.

“Hold hands,” utos nito.

Napipilitang sumunod si Megan at hinawakan ang kamay ni Primo.

“Smile.”

Sinubukan niyang ngumiti, pero mukhang awkward.

Maya-maya, yumuko si Primo at bumulong sa tenga niya.

“If you don’t smile properly, I’ll kiss you right here.”

Nanlaki ang mata ni Megan. “ANO?!”

Ngumiti lang si Primo. “Smile, wife.”

At dahil ayaw niyang mapahiya, nagpakawala siya ng pinakamagandang ngiti na kaya niya—pero hindi niya napansin na mukhang sobrang natural na tinitingnan niya si Primo na parang siya ang mundo niya.

Click!

“Perfect!” sigaw ni Laurence.

Shit.

Paglapag nila sa Santorini, mas lalong naging totoo ang sitwasyon.

“Nandito na ang press,” sabi ni Laurence. “We need to make this good.”

Pinaikot ni Megan ang mga mata niya. “What now?”

Ngumiti si Levi. “Now? Time for the real honeymoon drama.”

At bago pa siya makatanggi, narinig niya ang paparating na mga camera flashes.

Damn it.

Mukhang hindi pa talaga matatapos ang kabaliwan na ‘to.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 122

    Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 121

    Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 120

    Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 119

    Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 118

    Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 117

    Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 116

    Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 115

    Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 114

    Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status