ANNALISE
“ITIGIL ANG KASAL!”
Napapikit ako ng mariin at unti-unting minulat ang aking mga mata. Pagkamulat ko palang ay agad na sumalubong sa ‘kin ang mga nagtatakang tingin.
“Niloloko mo ba ako?!” galit na tanong ng bride sa groom na natuod. Hinampas pa nito ang kan‘yang bouquet sa groom. Natauhan naman ang groom.
“S-sino ka, Miss?” tanong ng groom.
Nilibot ko ang aking paningin. Lagot, maling simbahan ata ang napasukan ko. Unti-unting dumapo sa ‘kin ang hiya at napangiti ng hilaw.
“S-sorry! Maling simbahan pala. Pasens‘ya na po!” nahihiyang sigaw ko.
Agad akong tumalikod habang nakahawak sa wedding gown ko na mabigat. Hindi pa lang ako nakakalayo nang may biglang humigit sa ‘kin.
“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!” sabi ng lalaki kahapon.
Hinila ako nito at halos matumba pa ako dahil sa mabigat na gown at isama na rin ang heels na suot ko. Ipinasok ako nito sa sasakyan at agad na pinaandar ito. Pinunasan ko naman ang mga pawis sa noo ko. Ako lang ata ang maninira ng kasal na naka-wedding gown pa!
Nang huminto na ang kotse ay agad ako nitong tinulongan na makalabas. Nang tingnan ko ang simbahan ay masasabi ko talagang ibang-iba sa napuntahan ko kanina. Ang gara-gara!
Bumuga ako ng marahas na hininga atsaka pumwesto. Ang sabi ng lalaki ay hintayin ko na lang daw ang kan‘yang hudyat. Inayos ko ang aking wedding gown na nagusot at ang aking bouquet. Ito na, kaya ko ‘to! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nang makitang sumenyas na ang lalaki ay agad kong tinakbo ang pintuan ng simbahan. Nag-ipon muna ako ng lakas na loob bago marahas na binuksan ang pinto.
“ITIGIL ANG KASAL!”
Agad akong nakarinig ng singhapan at bulongan. Napapikit pa ako nang biglang may kumislap. Napatingin ako sa altar at halos malaglag na ang panga nang makita ang lalaking mala-adonis ang katawan. Ibang-iba sa ugod-ugod na iniisip ko!
“Nandito na pala ang bride.”
Unti-unti akong napaatras, takang nakatingin sa harap ng altar. Akala ko ba sisirain ko pero, nasa‘n na ang bride?!
Lumapit sa ‘kin ang lalaki kaya mas lalo akong napaatras.
“Just go with the flow if you want to live,” malamig na sabi niya at biglang hinapit ang aking baywang.
T-teka! A-ano to?!
Napatingin ako sa lalaki nang pinisil nito ang aking baywang. Napalunok naman ako ng madiin nang makita ang nakikilabot na tingin niya.
“T-teka! B-bakit tayo pupunta sa altar?!” nag-hehestirikal na tanong ko. Mas tinaliman niya ako ng tingin. Napatingin ako sa mga tao at halos gusto ko ng tumakbo dahil sa mga tingin nila. Idagdag pa ang mga nagkikislapan na camera.
“You will be my bride.”
Natulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi ito ang usapan!
“H-hindi ako ang bride mo. Sorry, pero napag-utusan lang ako,” medyo nanginginig kong sabi dahil sa mga tingin na iginagawad niya sa ‘kin. Tumiim ang bagang nito.
“Stay, if you want your family alive,” mariin na sabi nito. Napapikit ako ng mariin dahil sa nagbabadyang mga luha ko. Inilahad nito ang kan‘yang kamay kaya nanginginig ko itong tinanggap. Ang sama niya!
Nagsimula na siyang maglakad habang ako na man ay nanginginig ang binti na sumunod sa kan‘ya. Kung hindi lang nakapulupot ang aking kamay sa kan‘yang braso ay talagang mawawalan na ako ng balanse. Pilit kong pinipigilan ang pag-agos ng mga luha ko.
Nang makarating na kami sa altar ay agad na niya akong binitawan. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil nanginginig pa rin ang mga paa ko. Dumapo ang tingin ko sa kan‘ya na walang emosyon ang mukha habang magka-salubong ang mga kilay. Napaiwas ako ng tingin.
Nangangarap akong maikasal, pero hindi sa ganitong sitwasyon! Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Nagsisi na ako na tinanggap ko ang offer na ‘to! Hindi ko matanggap na sa ganitong kaugali ni satanas ako matatali!
Nang tinanong ako ng pari ay nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero nang tumingin ako sa anak ni satanas na matalim ang tingin ay agad akong napalunok.
“I-i do,” labag sa loob na sabi ko. Nang sinabi ng pari na pwede na aking halikan ay halos matuod ako sa kinatatayuan ko.
Inangat niya ang veil ko at inilapit ang mukha sa ‘kin. Napapikit ako ng mariin, isang mabilis na halik ang kan‘yang iginawad. Para ngang hindi lumapat ang labi niya sa labi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
“May I pronounce you, husband and wife. Mr. and Mrs. Buenaventura!”
Napangiwi ako. Tumayo naman ang mga bisita at nag-sipalakpakan. Akmang lalakad na kami nang bigla na lang ako nakarinig ng isang putok ng baril. Nagkagulo ang mga bisita habang ako naman ay napayuko.
Sh!t! Ano ba ‘tong pinasok ko?!
Hinila ako ni Mr. Buenaventura na ngayon ay asawa ko. Halos mapatili ako habang tinatakpan ang tenga dahil sa sunod na sunod na putok ng baril.
“PROTECT THE BRIDE!” dinig kong sigaw ng asawa ko. Agad kaming pinalibutan ng mga nakasuot na itim. May dala silang mga baril habang nakatutok sa kung saan.
Hinila ako nang hinila nitong lalaking hawak ako hanggang sa makalabas kami ng simbahan at may itim na van ang tumigil sa harap. Agad niya akong tinulak papasok doon.
“Aray! Dahan-dahan naman!” d***g ko nang matapilok ang isa kong paa. Sinamaan niya lang ako ng tingin at umupo sa tabi ko.
“Fvck that a**hole!” asik niya habang may kung anong kinukuha sa tabi ng van. Halos himatayin ako nang bigla niya itong itinutok sa ‘kin.
“P-papatayin mo ba ako?” kinakabahan na tanong ko habang nakatingin sa dulo ng baril na ilang distansya na lang ang pagitan mula sa aking noo. Nangunot ang noo niya at nang mapansing sa ‘kin ito nakatutok ay agad niya itong iniba ng direksyon.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Tiningnan ko siya ulit at nakita ko siyang binubuksan ang bintana ng van. Inilabas niya ang kalahati ng kan‘yang katawan at nakipagbarilan.
Umaandar na ang van pero may nakasunod pa rin sa ‘min. Napatingin naman ako sa driver na walang reaksyon, parang sanay na sanay na siya sa mga ganitong pangyayari.
“Give me a bullet,” biglang sabi niya. Natuliro ako at nilinga-linga ang loob ng van, umaasang makakakita ng bala.
“Give me a fvcking bullet!” galit na sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
“N-nasaan?” kinakabahan na tanong ko. Bigla siyang natigilan at nilingon ako. Napapikit siya ng mariin at bumalik sa pagkakaupo.
“Fvck! Damn!” singhal niya. Napangiwi naman ako dahil sa lutong ng mura niya. Habang naglalagay siya ng mga bala ay hindi ko mapigilang pagmasdan siya.
“Done staring?” masungit ngunit malamig na tanong niya. Napakurap ako at iniwas ang aking tingin. Lakas naman ng pakiramdam niya.
Napabuga nalang ako ng marahas na hininga. Ano ba ‘yan! Nasa bingit na nga ako ng kamatayan tapos kung anu-ano pa ang mga pinag-iisip ko. Nang tumigil na ang putukan ay narinig ko ang marahas na hininga.
Nahigit ko naman ang aking hininga nang bigla siyang lumingon sa ‘kin. Biglang nag-init ang pisnge ko.
“A-ano?” naiilang na tanong ko. Sumimangot siya at iniwas ang tingin sa ‘kin.
“To the mansion,” dinig kong sabi niya sa driver. Tumango naman ang driver at agad na niliko ang van.
Napasandal na lang ako sa kinauupuan at inisip kung paano ako napunta sa sitwasyon na ‘to. Bakit ba kasi ako pumayag?!
Nang huminto ang van ay sumilip ako sa bintana. Halos mapanganga naman ako nang makita ang isang napakalaking mansion na may malawak na bakuran. Binuksan ng driver ay pinto at inalalayan ako na bumaba dahil sa suot kong gown.
Napatingin naman ako kay Mr. Buenaventura na parang wala lang na bumaba sa van. Napasimangot ako. Pumasok siya sa loob ng mansion, nakasimangot ko siyang sinundan.
Umupo siya sa isang sofa at akmang uupo rin ako nang bigla niya akong samaan ng tingin.
“Did i tell you to sit?” malamig na tanong niya. Nakagat ko ang aking labi at pilit na hindi siya ikotan ng mata. Baka ‘pag nakita niya iyon ay bigla nalang bumulagta ang katawan ko sa malamig na sahig.
“You only need to act as my real wife...” panimula niya. Nakasimangot akong tumango dahil sa sakit ng paa, “it means, kailangan mong galingan para hindi halata.”
Marunong naman pala siyang magtagalog, hindi niya pa ginamit. Halos ma-nosebleed na kasi ako sa kaka-english niya.
“P‘wede na ba akong umupo?” medyo alinlangan na tanong ko. Sinamaan niya ulit ako ng tingin. “Masakit na kasi ang paa ko,” pagdadahilan ko.
Tinitigan niya muna ako bago tumango. Agad akong nakahinga ng maluwag at umupo sa sofa na katapat niya.
“‘Yon lang ba ang gagawin ko?” tanong ko at walang pasabing dinampot ang juice na nakita. Tinaliman niya ako ng tingin. “Nauuhaw ako,” sabi ko.
Napabuga siya ng marahas na hininga at hinilot ang kanyang sentido. Napalunok na lang ako, lagot, mukhang naputol ko ang pasens‘ya niya.
“Fvck! What kind of woman is this?!” singhal niya. Akmang bubuka na ulit ang bibig niya nang bigla nalang sumulpot ang lalaki na nag-hire sa ‘kin.
Dahil sa inis na nararamdaman ay hindi ko mapigilang mapasigaw. “Ikaw na scammer ka! Akala ko ba magpipigil ako ng kasal?! Eh, bakit ako pa itong naikasal?!” nag-aalburutong sigaw ko.
Napakamot sa batok ang lalaki habang si Mr. Buenaventura naman ay walang kasing sama ang tingin sa ‘kin.
“Will you shut up?!” galit na tanong ni Mr. Buenaventura. Natikom ko ang aking bibig at napainom ulit ng juice.
“Master Lucifer, natapos na po ang pinapagawa niyo.”
Bigla akong nabilaukan nang marinig ang pangalan niya. ‘Di ko inakalang demonyo talaga siya!
“Good,” rinig kong sagot niya at sinenyasan itong umalis. Nang mawala ng lalaki ay walang emosyon niya akong hinarap.
“What is your name?” malamig na tanong niya. Hinubad ko muna ang veil bago siya sinagot.
“Annalise Reyes,” sagot ko. Tumaas ang kaliwang kilay niya. “At kung tatanungin mo ang edad ko, ako ay 22 years old na,” patuloy na sabi ko.
Mas lalong tumaas ang kilay niya at sinamangotan ako. “I didn't ask,” masungit na sabi niya.
“Lucifer Buenaventura, 28 years old,” sabi niya na ikinataas ng kilay ko.
“Hindi rin ako nagtanong,” ‘di mapigilang bulaslas ko. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa ‘king bibig nang makarinig ako ng kasa ng baril. Pahamak talaga minsan ‘tong bibig ko.
Nang matapos ang pag-uusap namin ay agad din siyang umalis dahil may aasikasuhin daw siya base sa narinig ko. Hinubad ko ang heels na suot ang hinilot ang aking paa na natapilok kanina. Halos maiyak pa ako dahil sa sakit.
“Ayos lang po ba kayo, Mrs. Buenaventura?”
Halos manayo ang balahibo ko nang marinig ang sinabi nang isang babaeng matanda. Tiningnan ko siya, mukhang siya ang mayordoma sa loob ng mansyon na ‘to.
“O-opo, masakit lang ng kaunti,” sabi ko habang ngumiwi dahil sa kirot na nararamdaman. Bigla namang may sumulpot na babaeng katulong sa kan‘yang tabi at may ibinigay sa kan‘ya.
“Heto, hija. Idampi mo para mawala ang pamamaga,” sabi ni manang at binigay sa ‘kin ang ice na hawak. Nakangiti ko iyong kinuha at agad na idinampi sa ‘king paa.
Nang medyo mawala na ang kirot ay inalalayan nila ako paakyat sa hagdan na maraming hakbang. Ang sabi kasi ni manang na nasa itaas daw ang kwarto ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon, hindi kasi kami katabi ng lalaking ‘yon.
Nang makarating kami sa kwarto ay agad ako nilang pinapasok doon. Halos lumuwa naman ang aking mga mata nang makita ang engrandeng kwarto. Ang laki! Pwede na ata ito tirhan ng isang pamilya.
Tumungo ako sa banyo at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang malawak na cr. Pinuntahan ko ang isang pinto at binuksan. Napakurap ako nang makita ang mga dose-dosenang damit. Sh!t! Para akong nananaginip!
ANNALISE LUMAKAD papunta sa ‘kin si Lucifer kaya napaatras ako ng kaunti. Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang aking mukha. Napalunok ako dahil sa kan‘yang mukha.“Tell me, who hurt you, wife?” malamig na tanong ni Lucifer habang hinihimas ang aking pisngi. Wala sa sarili akong napatingin kina Maryosa na mukha ng bruha ngayon. Nang hindi ako sumagot ay walang pasabi niya akong binuhat na ikinasinghap ko. Agad akong kumapit sa kan‘ya ng mahigpit. Inilapag niya ako sa upuan na nasa harap ng bahay bago sila hinarap. Ngayon ko lang din napansin na nandito sina nanay. “Maryosa, bakit mo na naman ginugulo ang anak ko?” seryosong tanong ni tatay. Nakagat ko ang aking labi. Alam ni tatay ang mga nangyayari sa ‘kin dito. Naalala ko pa na garbe ang galit niya noong nalaman niyang pinagsamantalahan ako. “E-eh, siya naman ang nauna!” matapang na sabi ni Maryosa at tiningnan ang kan‘yang mga kaibigan na agad na tumango. Hindi siya pinansin ni tatay at hinarap ang mga kaibigan ni Lucifer n
ANNALISE NAPATANGA ako sa kan‘yang sinabi. Hindi agad naproseso ng isip ko ang kan‘yang sinabi. Nabalik lang ako sa ‘king sarili nang marinig ko ang kanilang hiyawan. Wala sa sarili akong napatingin kay Lucifer na nasa harap ko pa rin. Seryoso ang kan‘yang mukha at nagtagalog din siya kaya alam kong hindi siya nagbibiro. “Agang landi naman niyan,” kantyaw ni Ace humalakhak. Napasimangot ako dahil sa pagkayamot. Tiningnan ko ulit si Lucifer na wala na atang balak na umalis sa ‘king harapan. “Tumabi ka nga! Maliligo na ako,” inis na sabi ko ngunit sa kaloob-looban ko ay tila lalabas na aking puso dahil sa sobrang lakas ng pagkabog. Umiinit na rin ang aking pisngi. Pagkatapos naming maligo ay agad na kaming umuwi. Medyo natagalan pa nga kami dahil sa napakaarteng si Lucifer. Magbibihis na sana ako pero bigla na naman siyang naging diablo. Kesyo raw nand‘yan mga kaibigan niya. Sa totoo lang, ang sarap niyang ibaon sa lupa. “Nay! Nandito na po sila ate!” Tumakbo ang kapatid ko patung
ANNALISEHINDI PA MAN sumisikat ang araw ay lahat kami ay gising na. Kitang-kita ko sa mga mukha nila na inaantok pa sila, naghihikab pa nga. Plano kasi namin ngayong umakyat ng bundok kaya maaga kaming gumising. Tiningnan ko sila ulit at napailing na lang dahil sa kanilang mga itsura. Sabog na sabog pa ang mga buhok nila.“Fvcker! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa ‘yo!” rinig kong reklamo ni Primo kay Ace na ini-enjoy ang pandesal at puto maya na pinaresan ng kape. Nabilaukan si Ace sa narinig. Kami lang nandito sa labas habang nagkakape. Natutulog pa kasi ang mga kapatid at si tatay. Si nanay naman ay nag-asikaso ng almusal namin mamaya at baon na rin kapag aakyat na kami ng bundok. Pagkatapos naming mag-kape ay agad akong nag-aayos. Nakakahiya namang lumabas na ganito ang itsura ko. Nagsuot din ako ng jacket dahil malamig pa. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko na sila na handang-handa. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Sinong mag-aakala na hindi normal na ta
ANNALISE MATALIM NA MATALIM ang tingin ko ngayon kay Lucifer. Nakaupo kaming lahat ngayon sa luma naming sofa. Naghahanda ng meryenda si nanay samantalang si tatay naman ay masama ang mukha habang pinagmamasdan kami. “Sabihin mo nga, Annalise. Bakit asawa mo ang punggok na lalaking ‘to?” maanghang na tanong ni tatay. Nakagat ko ang aking labi nang marinig ko ang impit na pagtawa ng mga duwag. Kita ko pa na napangiwi si Lucifer. “Ahmm…a-ano, t-tinulongan niya po kasi ako, t-tay. Tapos, kailangan niya raw ng asawa, dahil may utang ako sa kan‘ya ay pumayag ako.” Lunok ako nang lunok habang nagsasalita. Tang!na, Annalise! Anong klaseng rason ‘yan?! Tumaas ang kilay ni Lucifer habang nakatingin sa ‘kin. Narinig ko naman ang mahinang tawanan ng tatlo kaya agad ko silang sinamaan ng tingin. ‘Wag nila akong mainis-inis ngayon. Akmang bubukas na ang bibig ni tatay para sermonan ako nang biglang dumating si nanay na nakangiti habang may dalang mga suman at juice. Bigla akong natakam sa naki
ANNALISENAGTIPON-TIPON kami ngayon sa sala. Maaga raw kasi kaming bya-byahe para maaga raw kaming makarating. Feeling ko nga mas excited pa sila kaysa sa ‘kin. Tumikwas ang kilay ko nang makitang may dala-dalang isang basket ng pagkain si Ace. “Tukmol! Anong akala mo mag-fi-field trip tayo?!” naiinis na singhal ni Primo kay Ace. Napatigil naman sa pagkain si Ace at tiningnan ng masama si Primo. “In case of emergency lang ‘to!” Tumikwas ulit ang kilay ko dahil sa sagot ni Ace. Napailing na lang ako nang mag-umpisa na ang dalawa sa pag-aasaran. Biglang napadako ang tingin ko sa hagdan kung saan bumababa si Lucifer. Nagsalubong ang tingin namin. Nginisihan ko siya pero tinaliman niya lang ako ng tingin. Asar talaga. “Maghanda na kayo. Aalis na tayo,” halos magningning ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lucifer. Agad kong kinuha ang aking mga bag at nauna nang lumabas. Nakita ko kasi sa labas ng mansyon na may nakaparadang isang kotse. Ramdan ko naman na sumunod sila lahat. “Sinong d
THIRD PERSON POVNAGKAGULO ang lahat nang biglang naglaban ang dalawang grupo. Kaagad na sinalo ni Lucifer si Annalise na malapit nang sumalampak sa sahig. Buti na lang at nakailag si Annalise sa bala na pinutok ng kalaban. Itinunghay ni Annalise ang kan‘yang ulo at tiningnan si Lucifer bago ito nawalan ng malay. Tiningnan muna ni Lucifer si Annalise bago ito binuhat at idinala sa ligtas na lugar. Nang makabalik siya ay hindi pa rin natapos ang gulo. “Aray! Sakit no‘n ah!” bulaslas ni Ace na nandoon din pala. Napailing na lang si Nathan at hinila si Ace para hindi matamaan ng dagger. Habang ang ama ni Lucifer at ang lider ng grupo kanina ay siyang magkatunggali. Matatalim ang kanilang mga mata. “Bakit ba hindi ka mamatay-matay?!” nanggigigil na sigaw ng lider sa ama ni Lucifer na ngayon ay nakangisi. Umayos ito ng tayo bago pinaputukan ang lider. “Because you're weak,” sagot naman ng ama ni Lucifer na lalong nagpagalit sa lider. Sinamaan nito ng tingin ang ama ni Lucifer at walang