Share

Chapter 1.2

Kung ano mang mangyari sa ‘kin bukas, bahala na. Basta gagawin ko ito para sa pamilya ko. Pagkatapos ko lang naman sirain ang kasal ay tapos na ang trabaho ko at makukuha ko na ang kalahating pera na nakasaad sa kontrata. 

Bigla akong napaisip, ano kaya ang itsura ng groom? Gwapo ba kaya? Nagwala naman ang mga mahaharot na inner ko. Napailing ako, ano naman ang pakialam ko sa itsura ng lalaking ‘yon?! Baka nga ugod-ugod na ‘yon! 

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Kinuha ko ito at tiningnan.

‘****** church, 10 am. Don't be late.’

Napakamot ko ang aking kaliwang kilay atsaka ibinaba ang cellphone ko. Lagot, hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ‘to kaya sigurado ako na maliligaw ako bukas. Napahilamos ako sa ‘king mukha at ibinagsak ang aking katawan sa kama. Pagod na pagod na ako, bahala na kung anong mangyayari bukas. Hindi na nakayanan ng mga mata ko at tuluyan ng naipikit ito.

NAGISING ako ng maaga nang maalala kung ngayon ang kasal. Napabuga ako ng marahas na hininga bago tumayo para pumunta sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay inihanda ko na ang mga gagamitin ko para sa araw na ito. 

Kumain muna ako ng agahan bago simulan ang aking paghahanda. Baka mahimatay pa ako sa kaba kapag walang laman ang tiyan ko. 

Umupo ako sa harap ng salamin at tinalian ang aking mahabang buhok. Buti nalang talaga at medyo may kaalaman ako sa pagma-make-up. Nanonood kasi ako minsan sa internet ng mga tutorials dahil baka sakaling magamit ko, buti na lang talaga. 

Pagkatapos ng make-up ay sinunod ko ang aking buhok. Ginawa ko siyang bun para hindi sagabal, ilang ulit ko pa itong ginawa dahil sa parating magulo. Nang maayos na itong tingnan ay inilagay ko na ang crown para sa aking veil. Sandali akong natigilan at napatitig sa salamin, nagmukha akong tao! 

Sinuot ko muna ang gown na medyo kabigatan. Muntik pa akong maiyak dahil sa sobrang hirap abutin ng zipper, parang nagsisi na ako kung bakit ko pa tinanggap ang offer na ‘to! 

Nang matapos na ako sa gown at veil na ang sinuot ko. Nang maiayos ko na ito ay humarap ako sa salamin at muntik pang malaglag ang aking panga nang makita ang itsura ko. Parang ako talaga iyong ikakasal, ang ganda ko. 

Sinuot ko ang sapatos na may mataas na takong at kwintas na binigay nila sa ‘kin. Tiningnan ko muna ang aking sarili bago kumuha ng pera para pamasahe. Nahihiya tuloy akong lumabas, para akong tanga na naglalakad habang naka-wedding gown. 

Iwinakli ko nalang iyon sa ‘king isipan at kinapalang ang aking mukha. Nang makarating na ako sa sakayan ng taxi ay agad na akong naghanap. Nang makahanap ay agad ko itong pinara.

“Sa ****** church po, manong,” sabi ko habang inaayos ang aking wedding gown. Muntik pa akong hindi magkasya dahil sa sobrang laki ng gown ko. 

Huminto si manong, ang sabi niya hindi makakapasok ang kotse dahil masyado raw na pribado. Wala naman akong magawa kun‘di bumaba. Nilakad ko ang mahabang daan habang nakahawak sa wedding gown, tirik na tirik pa ang araw! Nakakabwesit! 

Nang medyo napagod ako ay huminto muna ako saglit, ang layo pala ng simbahang ‘yon! Parang gusto ko ng umatras sa kasunduan! 

Nang makabawi na ako ay lumakad na ako ulit at agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita ko ang simbahan. Mukhang nagsimula na ang seremonya. Dali-dali ko namang inangat ang aking wedding gown at agad na pumunta roon. 

Pero, laking dismaya ko nang makitang misa pala iyon para sa libing. Inis akong bumalik sa dinaanan ko, muntik pa akong matumba dahil sa pagmamadali. Habang naglalakad at muntik ng mawalan ng pag-asa ay biglang tumunog ang cellphone na dala ko. Agad ko naman itong sinagot.

“Nasaan ka na, Annalise? Malapit ng mag-simula ang seremonya,” sabi ng lalaki kahapon. Nakagat ko ang aking labi.

“Ahm...a-ano po, n-naliligaw po kasi ako.” 

Narinig ko ang marahas niyang hininga mula sa kabilang linya. Mas lalo kong nakagat ang aking labi. 

“Hintayin mo ‘ko, hahanapin kita.”

Bago pa man ako makasagot ay pinatayan na niya ako ng tawag. Napanguso ako, hindi ko naman ito kasalanan. Lumakad na lang ako ulit, nagbabakasaling makasalubong ko siya o makita niya ako. 

Bigla ulit nagliwanag ang aking mukha nang makakita ako ng simbahan. Ito na ata iyon dahil may bridal car sa labas. Unti-unti akong maglakad palakad soon at sumilip. Napangiti ako ng malaki at agad na tinungo ang pinto ng simbahan na nakasara. 

Nang makalapit na ako ay agad kong itinulak ng malakas ang pinto ng simbahan para bumukas.

Sana tama ang hinala ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status