Share

Chapter 3.1

ANNALISE

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ang malakas na lagapak mula sa pinto. Pupungas-pungas kong kinusot ang aking mata para tingnan kung sinong demonyo ang sumira sa tulog ko. 

“WAKE UP!” Napaigtad ako at mabilis na tiningnan ang demonyong gumising sa ‘kin. Napahikab ako na ikinalukot ng kan‘yang mukha. 

“Bakit ba?” inaantok na tanong ko. Pero, parang nabuhay ang katawan ko nang bigla akong nakarinig ng kasa. Mabilis kong minulat ang aking mata at nakita si Lucifer na may hawak-hawak na baril. 

“Get the fvcking up, faster!” galit na sigaw niya. Dali-dali akong tumayo at agad na tumakbo papunta sa banyo. Bwesit talaga ang demonyong ‘yon! 

“I will give you only a fvcking one hour to prepare, if not...” nangilabot ang buong katawan ko nang makarinig nang isang putok ng baril, “you will fvcking face your own death!” 

Napahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang marahas na pagsara ng pinto. Kahit naiinis ay agad na akong kumilos para maligo, baka totohanin ng demonyong ‘yon ang kanyang banta. 

Nang matapos na ako ay agad akong pumili ng dress na hindi masyadong revealing. Isang kulay lilac na off-shoulder na one each above the knee, hindi ko na kailangan mag-bra dahil may foam naman iyon na kasama. 

Kinulot ko ang dulo ng aking buhok at inayos ang aking bangs. Naglagay na rin ako ng konting lip tint para hindi ako magmukhang maputla. Nang ma-satisfied na ako sa aking mukha ay agad na akong tumakbo pababa. 

Nang makababa na ako ay nakita ko si Lucifer na tumitingin-tingin sa kan‘yang relo, inip na inip ang mukha. Nang mapansin niya ako ay agad siyang napabuga ng marahas na hininga. 

“You‘re fvcking late!” asik niya agad pagkababa ko. Bigla namang bumaba ang tingin niya sa cleavage ko. Agad ko iyong tinakpan. 

“Tingin-tingin mo riyan,” masungit na sabi ko. Napatingala siya at napapikit ng mariin. Nang suminghal siya ay agad niya akong tinalikuran. 

Dali-dali ko namang siyang hinabol, buti at naka-flat shoes lang ako ngayon. May kung ano siyang kinuha sa kan‘yang bulsa at pinindot iyon. Namangha naman ako nang tumunog ang isa sa mga mamahaling sasakyan niya. 

“Saan tayo pupunta?” tanong ko at binuksan ang pinto nung sasakyan. Oo, ako na ang makapal ang mukha.

“Company,” maikling sagot niya. Sinuyod ko siya ng tingin. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng suit, gwapo talaga kahit demonyo ang ugali. 

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa company na sinasabi niya. Nang makalabas ako sa kan‘yang kotse ay halos malula ko sa taas ng kan‘yang kompanya. Ilang floor kaya ‘to?

“Let's go,” rinig kong sabi ni Lucifer, muntik pa akong napaigtad nang bigla niyang hinapit ang aking bewang. 

Humugot ng hininga bago ngumiti ng matamis. “Let's go, hubby,” malambing na sabi ko. Natuod siya at napailing bago ako hinila papasok sa kan‘yang company. 

“Good morning, Mr. and Mrs. Buenaventura,” sabay-sabay na bati nila nang makapasok kami. Namangha naman ako habang tinitingnan sila. Mukha talaga silang mga professional.

Nginitian ko sila lahat. Sumakay kami sa elevator at pagdating namin sa kan‘yang opisina ay agad na sumalubong sa ‘min ang kan‘yang sekretarya. 

“Good morning, Mr. Buenaventura,” nakangiting bati ng kan‘yang sekretarya. Tumaas ang kilay ko, hindi niya ba ako nakikita? Mukha ba akong hangin? 

“Ehem!” tikhim ko. Bigla namang nawala ang kan‘yang ngiti nang makita ako. “Hindi mo ba ako nakikita? Hubby, mukha ba akong hangin?” baling ko kay Lucifer na walang emosyon ang mukha. 

“Ms. Ferloiz, meet my wife,” sabi ni Lucifer na ikinalaglag ng panga ng kan‘yang sekretarya. Nginitian ko naman siya ng matamis. Ang sarap pala sa pakiramdam ng acting-wife na ‘to. 

Nang makapasok kami sa kan‘yang office ay agad akong humiwalay sa kan‘ya. Tumungo siya sa kan‘yang mesa habang ako naman ay iniikot-ikot ang tingin sa kan‘yang office. 

“Ang pangit naman ng office mo, Lucifer. Walang kabuhay-buhay,” reklamo ko. Agad niya akong tinaliman ng tingin. Napanguso ako at umupo na lang sa itim niyang sofa. 

Habang pinagmamasdan ko siyang nagpipirma ng mga papeles ay bigla na lang tumunog ang aking tiyan. Napahawak ako roon at napatingin ulit kay Lucifer na nagpipirma pa rin. 

Dahil sa hindi ko na matiis ang gutom ay tumayo ako at pumunta sa mesa niya. “Oy, nagugutom na ako,” sabi ko at sinundot siya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagpipirma. 

“Lucifer, nagugutom na sabi ako,” sabi ko at sinundot siya ulit. Napatigil siya at pumikit ng mariin. Halos mapapadyak ako nang bumalik na naman siya sa pagpipirma. 

“Luci—”

“What do you fvcking want?!”

Napaatras ako ng kaunti at nginusuan siya. “Gutom na ako. Gusto ko ng kumain,” sabi ko. 

Napasinghal siya at may kung anong pinindot sa kan‘yang mesa. “Miss Ferloiz, bring us lunch here,” malamig sabi ni Lucifer at bumalik ulit sa pagpipirma. 

Lumaki ang ngiti ko at bumalik ulit sa sofa. Nang makarinig ako ng katok ay excited akong tumayo para buksan ang pinto. Bumungad sa ‘kin ang nakangiting secretary ni Lucifer na agad ding nawala.

“Pakilagay na lang doon, Miss,” sabi ko at itinuro ang mesa na katapat lang ng sofa. Nakita ko pa kung paano siya naiiritang pumasok. 

“Hubby, kain muna tayo,” malambing na tawag ko kay Lucifer habang sinusulyapan ng palihim ang kan‘yang secretary. 

Tumigil si Lucifer at pagod na sumandal sa kan‘yang upuan. Nang tumayo na siya ay mas lalong lumaki ang aking ngiti nang makitang nalukot ang mukha ng kan‘yang secretary. 

Agad kong isinasikaso si Lucifer habang ang secretary naman niya ang nakatayo lang sa isang gilid. Napangisi ako ng palihim nang may pumasok na kalokohan sa ‘king isip. 

“Tikman mo ‘to, hubby,” marahang sabi ko at inilapit sa kan‘yang labi ang kutsarang naglalaman ng ulam at kanin. Mas lalong nalukot ang mukha ng kan‘yang secretary nang sinubo iyon ni Lucifer. 

“Miss Ferloiz, why are you still here? Get out, now,” malamig na sabi ni Lucifer. Napayuko naman ang kan‘yang secretary at agad na tumakbo palabas. Nang makalabas na ito ay agad akong humalakhak ng malakas. 

Ang sarap niyang asarin!  

Biglang dumako ang paningin ko kay Lucifer na ngayon ay matalim ang tingin sa ‘kin. Napawi ang halakhak ko at napalitan ng ngiti na pilit. 

“Having fun on my secretary?” malamig na tanong niya at sumandal sa sofa na kinauupuan. Napanguso ako at hindi na lang siya pinansin. Makakapaghintay naman siguro siya pero, itong sikmura ko, hindi. 

“Hey! Don't you fvcking ignore me!” inis na singhal niya. Tiningnan ko siya habang patuloy na sumusubo ng mga pagkain. Nalukot ang mukha niya. 

“Mukhang may gusto sa ‘yo ang sekretarya mo. Ang sarap tuloy niyang asarin,” sabi ko habang puno ang bibig. Mas tumalim ang kan‘yang tingin. Muntik pa akong mabulunan nang makita siyang may hawak na baril. 

Susmaryosep! Saan niya nakuha ‘yan?! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status