Se connecterSeraphina's POV
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi dahil sa hindi komportable ang kama o dahil bago sa akin ang lugar. Sa totoo lang, mas maganda pa ang kuwartong iyon kaysa sa ilan sa mga hotel na natuluyan ko noong nagtatrabaho ako sa ibang bansa. Ang problema ay ang lalaking nasa kabilang kuwarto. Si Xavier. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasal na kami. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang wala akong ideya kung sino ang lalaking mapapangasawa ko. Ngayon, iisa na ang apelyido namin sa papel. At kahit gaano ko pa piliting isipin na simpleng kasunduan lamang ito, hindi ko maiwasang kabahan. Kaya ngayong umaga, may isang bagay akong kailangang gawin. Magtakda ng mga patakaran. Naupo ako sa maliit na mesa sa loob ng aking kuwarto habang hawak ang isang notebook. Ilang beses kong binasa ang mga isinulat ko bago tuluyang tumango sa sarili. Maayos. Malinaw. Walang paligoy-ligoy. Hindi ako papasok sa isang kasal nang walang malinaw na hangganan. Lalo na kung ang lalaking mapapangasawa ko ay si Xavier Devereaux. Bandang alas-nuwebe nang bumaba ako para mag-almusal. Nasa dining area na si Xavier. Nakasuot siya ng puting polo at itim na pantalon habang may binabasang ilang dokumento sa kaniyang tablet. "Good morning," bati ko. Tumingin siya sa akin. "Morning. Did you sleep well?" "Yes. Ikaw?" "Good." Umupo ako sa kaniyang harapan. Tahimik akong kumuha ng pagkain habang paulit-ulit na pinag-iisipan kung paano sisimulan ang sasabihin ko. Pagkatapos ng ilang subo, inilapag ko ang kutsara. "May kailangan tayong pag-usapan." Ibinaba niya ang tablet. "About what?" "About us." Bahagya siyang sumandal sa upuan. "Nakikinig ako." Inilabas ko ang notebook mula sa bag ko at inilapag sa mesa. "May ginawa akong listahan." Tiningnan niya ang notebook bago muling tumingin sa akin. "Rules?" "Boundaries." "That's interesting." "Huwag kang magsalita na parang nakakatawa." "I didn't say anything." Napabuntong-hininga ako. "Anyway, gusto kong malinaw ang lahat habang maaga pa." Tumango siya. "Go ahead." Binuksan ko ang notebook. "Una, magkahiwalay pa rin ang kuwarto natin. Hindi dahil may problema ako sa'yo, pero hindi pa ako komportableng makitulog sa iisang kuwarto kasama ka." "Agreed." "Ikalawa, respetuhin natin ang personal space ng isa't isa. Walang basta-bastang pagpasok sa kuwarto nang walang pahintulot." "Agreed." "Okay. Ikatlo, no unnecessary physical affection. Walang yakapan, halikan, o kung ano pa mang ginagawa ng mga mag-asawa kung hindi naman kailangan." Bahagya siyang nagtaas ng kilay. "Anything else?" "Yes. Huwag tayong makialam sa personal na buhay ng isa't isa. Kung may kailangan akong gawin, hindi mo kailangang malaman ang bawat detalye. Ganoon din ako sa'yo." "Fair enough." Nagpatuloy ako sa pagbabasa. "At panghuli, sana huwag mo muna akong ipakilala sa publiko bilang asawa mo hangga't hindi pa ako komportable." Doon siya tuluyang natahimik. Ibinaba niya ang hawak na baso. “Bakit?" "Because I'm not ready. Hindi pa ako sanay sa sitwasyon natin. Ayokong bigla na lang akong makilala ng mga tao bilang Mrs. Devereaux, lalo na kung hindi ko pa alam kung paano haharapin ang lahat." Ilang segundo niya akong pinagmasdan. "Okay." Napakurap ako. "Okay?" "I understand. Hindi naman kita pipilitin." Hindi ko inaasahang ganoon kadali siyang pumayag. Akala ko ay kailangan ko pang makipagtalo o magpaliwanag nang paulit-ulit. "Ayun lang?" "Did you expect an argument?" "Honestly? Yes." Bahagya siyang ngumiti. "Then I'm sorry to disappoint you." Napailing ako. Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang lalaking ito. "May isa lang akong hihilingin." Napatingin ako sa kaniya. "Ano yon?" "May ilang family at business functions akong kailangang daluhan. Gusto kong sumama ka sa mga iyon." Napakunot ang noo ko. "Akala ko ba pumayag kang huwag muna akong ipakilala bilang asawa mo?" "Pumayag ako. Pero may mga pagkakataong mas magiging mahirap ipaliwanag ang sitwasyon kung palagi tayong magkahiwalay na pumupunta." "Like what?" "Family gatherings, private dinners, charity events, and important business functions." Napahawak ako sa noo. "Sandali. Ang dami naman yata." "Hindi naman lahat." "Xavier, hindi ako sanay sa ganyang mga event. Baka mamaya may maling masabi ako sa mga tao." "You'll be fine." "Madali para sa'yo sabihin. Ikaw ang may-ari ng kalahati ng mundo." "Hindi naman kalahati." Tiningnan ko siya nang masama. "That's not the point!" Napatawa siya nang mahina. "Sera, hindi kita hinihilingang dumalo sa lahat ng event. May mga pagkakataon lang na kailangan nating magpakita." "At paano kung hindi ako available?" "I'll inform you beforehand." "Siguraduhin mo." Tumango siya. "Ethan will prepare the schedule. Ipapaalam ko iyon sayo." Napakurap ako. "Ethan?" "My assistant." "Ah, oo. Si Ethan. Yung mukhang laging may hinahabol na deadline?" Bahagyang ngumiti si Xavier. "That's one way to describe him." "Parang lagi siyang pagod kapag nakikita ko." "Nagtratrabaho siya ng maayos." "At ako na naman ang maaabala sa schedule na 'yan?" "You'll receive a copy. You can decide sa kung anong events ang komportable kang daluhan." Medyo gumaan ang pakiramdam ko. "At least naman." Pagkatapos ng almusal, nagpatuloy kami sa pag-uusap sa sala. "May dress code ba sa mga event na 'yan?" tanong ko. "Depende sa occasion." "Paano kung formal?" "Formal attire." "Paano kung business?" "Business attire." "Paano kung charity?" "Usually formal." Napatingin ako sa kaniya. "May iba ka pa bang sagot bukod sa formal?" He chuckled. "What do you expect me to say?" "Malay ko! Baka kailangan kong magsuot ng gown na may buntot o korona." This time, tuluyan siyang natawa. "Walang nangangailangan sa'yo na magsuot ng korona." "Good. Kasi hindi ako sasali sa beauty pageant." Umiling siya habang nakangiti. "Don't worry. We'll arrange everything beforehand. You'll have someone assist you kapag kailangan." "Someone? Sino?" "Probably yung stylist." Napadilat ako. "May stylist pa?" "Yes." "Grabe. Pati pananamit kailangan may meeting?" "Hindi naman necessary." "Sa mundo mo pala, kahit pagpili ng damit, may department." Natawa siyang muli. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinakabahan sa tuwing naririnig ko ang mga bagay na normal lamang para sa kaniya. Magkaiba talaga ang mundong kinalakihan namin. Pero hindi ko rin gustong magkunwaring ibang tao para lamang makasabay sa kaniya. "Xavier?" "Hmm?" "Ayaw kong magbago just to fit into your world." Nawala ang ngiti sa kaniyang labi, ngunit nanatiling mahinahon ang kaniyang ekspresyon. "Then don't." Napatingin ako sa kaniya. "You don't have to become someone else dahil kasama mo ako, Sera. I'll help you understand my world, but I won't ask you to change who you are." Hindi ako agad nakasagot. Sa dami ng bagay na kailangan kong pag-isipan, hindi ko inasahang isa iyon sa mga sasabihin niya. "Okay," mahinang sagot ko. Tumango siya. "Anything else on your list?" Tiningnan ko ang notebook ko. "Sa ngayon, wala na." "Good. Then I believe meron na tayong agreement." Iniabot niya ang kamay niya sa akin. Tinitigan ko iyon bago napailing. "Parang business deal lang." "Isn't it?" Napatawa ako bago ko tinanggap ang kamay niya. "Fine. Deal." Pagsapit ng hapon, bumalik ako sa kuwarto ko upang magpahinga. Matapos kong maligo at magpalit ng damit, napansin ko ang isang maliit na kahon na nakapatong sa mesang malapit sa p***o. Wala iyon kanina. Lumapit ako at nakita ang isang simpleng puting kahon na may maliit na papel sa ibabaw. Binuksan ko iyon. Isang bagong cellphone ang laman. Napakunot ang noo ko. Kinuha ko ang maliit na papel at binasa ang nakasulat. Para lagi mo akong matawagan kung may kailangan ka. My number is already saved. Walang pangalan sa ibaba. Pero hindi ko na kailangang hulaan kung kanino iyon galing. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ito. Nakaayos na ang mga pangunahing application, at mayroon na ring ilang contact numbers. Agad kong hinanap ang pangalan niya. Nandoon ang numero ni Ethan, ni Corazon, at ilang emergency contacts. Pero nang makita ko ang huling pangalan sa listahan, natigilan ako. Husband. Ilang segundo kong tinitigan ang screen. "Talaga ba, Xavier?" Napailing ako habang hindi napigilang mapangiti. Gusto kong palitan ang pangalan. Gusto kong burahin at ilagay na lang ang pangalan niya. Pero sa halip, pinatay ko ang screen at inilapag ang cellphone sa kama. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kakaibang kiliti sa dibdib. Siguro dahil sa simpleng regalong iyon. O baka dahil sa unang pagkakataon, may isang taong nagsisigurong kaya ko siyang tawagan anumang oras. Muli kong binuksan ang cellphone. At muli kong binasa ang pangalang nakasulat sa screen. Husband. Napabuntong-hininga ako. Mukhang mas mahirap ang mga patakarang ginawa ko kaysa sa inaakala ko. Lalo na kung ang lalaking kailangan kong layuan ay siya ring taong unti-unting nagpaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.Sera's Point of View Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang makilala ang buong pamilya ni Xavier o ang posibilidad na hindi nila ako matanggap bilang asawa niya. Ilang beses ko nang tiningnan ang sarili ko sa salamin habang inaayos ang suot kong damit. Isang simpleng kremang bestida ang pinili ko, may kaunting alahas at sapatos na hindi masyadong mataas ang takong. Hindi ko gustong magmukhang sobra ang pag-aayos, pero ayoko rin namang magmukhang basta na lang ako sumama. "Ma'am Seraphina, handa na po ba kayo?" tanong ni Corazon mula sa labas ng kuwarto. "Opo, Tita Cora. Lalabas na po ako." Kinuha ko ang maliit kong bag at lumabas. Nasa sala na si Xavier. Nakasuot siya ng itim na amerikana at puting polo, habang may hawak na cellphone. Nang makita niya ako, saglit siyang natigilan. "Ready?" Tumango ako. "Sa tingin mo ba okay lang ang suot ko?" Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "You look beautiful." Napakurap ako. Hindi ko inaasahan ang sagot niya.
Sera's Point of View Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Hindi na bago sa akin ang maagang paggising. Ilang taon ko ring nakasanayan ang ganitong oras noong nagtatrabaho pa ako sa ibang bansa. Kailangan kong bumangon nang maaga upang makapaghanda ng pagkain, makapag-ayos ng mga gamit, at matiyak na maayos ang lahat bago magsimula ang araw. Kahit nasa Pilipinas na ako at nakatira sa isang napakalaking mansyon, hindi pa rin nagbabago ang nakasanayan ko. Ilang minuto akong nanatili sa kama bago tuluyang bumangon. Inayos ko muna ang mga kumot, naghilamos, at nagsuot ng simpleng pambahay na damit. Paglabas ko ng kuwarto, napansin kong tahimik pa ang buong bahay. Wala pa akong nakikitang ibang tao sa pasilyo kaya naisipan kong bumaba at maghanda ng almusal. Pagdating sa kusina, agad kong binuksan ang malaking refrigerator. Napangiti ako nang makita ang mga sariwang sangkap na nakahanda roon. "Perfect." Kumuha ako ng itlog, kamatis, bawang, at ilang pirasong ho
Seraphina's POVHindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Hindi dahil sa hindi komportable ang kama o dahil bago sa akin ang lugar. Sa totoo lang, mas maganda pa ang kuwartong iyon kaysa sa ilan sa mga hotel na natuluyan ko noong nagtatrabaho ako sa ibang bansa.Ang problema ay ang lalaking nasa kabilang kuwarto.Si Xavier.Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasal na kami. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang wala akong ideya kung sino ang lalaking mapapangasawa ko. Ngayon, iisa na ang apelyido namin sa papel.At kahit gaano ko pa piliting isipin na simpleng kasunduan lamang ito, hindi ko maiwasang kabahan.Kaya ngayong umaga, may isang bagay akong kailangang gawin.Magtakda ng mga patakaran.Naupo ako sa maliit na mesa sa loob ng aking kuwarto habang hawak ang isang notebook. Ilang beses kong binasa ang mga isinulat ko bago tuluyang tumango sa sarili.Maayos. Malinaw. Walang paligoy-ligoy.Hindi ako papasok sa isang kasal nang walang malinaw na hangganan.Lalo
Sera's POVAng unang napansin ko nang bumukas ang malaking gate ay ang lawak ng lupang kinatatayuan ng bahay ni Xavier.Hindi naman ako banyaga sa mga mamahaling bahay. Sa ilang taong pagtatrabaho ko sa ibang bansa, nakakita na ako ng iba't ibang klase ng mansyon, malalawak na hardin, mamahaling kasangkapan, at mga bahay na para bang hindi nauubusan ng pera ang may-ari.Pero iba ito.Mahaba ang sementadong daanan papunta sa pangunahing gusali. Sa magkabilang gilid nito ay may mga punong maayos na pinutulan at mga halamang halatang regular na inaalagaan. May mga ilaw rin sa gilid ng daan na nagbibigay ng magandang tanawin kahit hindi pa tuluyang dumidilim.Sa dulo ay nakatayo ang isang napakalaking mansyon na may modernong disenyo. Malalawak ang mga salaming bintana, mataas ang kisame, at kapansin-pansin ang kombinasyon ng puti, itim, at kahoy sa kabuuan ng gusali.Mayroon ding pribadong hardin sa isang bahagi ng property, swimming pool, at isang tanawing halos hindi ko maalisan ng tin
Sera’s Point of View“Hindi ako pupunta roon para pilitin kang sumama sa akin.”Iyon ang unang sinabi ni Xavier nang sagutin ko ang tawag niya kinabukasan.Napatigil ako sa pag-aayos ng mga damit na inilabas ko mula sa maleta. Hindi ko inaasahang tatawag siya nang ganoon kaaga, lalo na't kagabi lamang niya ipinadala ang mensahe tungkol sa kung saan kami titira.“Kung ganoon, bakit mo gustong pumunta rito?” tanong ko.“Dahil kailangan nating pag-usapan ang arrangement natin ng maayos, Sera. I would rather speak with you and your family in person.”Napapikit ako sandali.“Hindi mo kailangang mag-abala. Kaya naman nating pag-usapan sa telepono.”“Seraphina, I believe your family deserves to meet me. Especially after what happened.”May punto siya roon. Hindi ko rin naman maitatangging mas gusto ni Papa na personal siyang makausap bago kami gumawa ng anumang desisyon.“Sige,” maikli kong sagot. “Pero huwag kang magtatagal.”“Understood. Andiyan na ako sa loob ng isang oras.”Bago pa ako m
Sera’s Point of View“Ma, Pa… may asawa na po ako.”Iyon ang unang mga salitang lumabas sa bibig ko nang makapasok ako sa bahay namin.Napatigil si Mama Elena sa pag-aayos ng mga gamit sa sala. Si Papa Roberto naman ay ibinaba ang hawak niyang diyaryo at napatingin sa akin na para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.Samantala, si Gabriel, ang kuya ko, ay halos mabilaukan sa iniinom niyang tubig. Si Isabella naman, ang nakababata kong kapatid, ay napakurap nang ilang beses bago tuluyang lumapit sa akin.“Wait. What?” tanong niya.Napapikit ako sandali. Alam kong hindi magiging madali ang pagpapaliwanag, pero hindi ko rin alam kung saan magsisimula.“May asawa na ako,” ulit ko.“Anong asawa?” tanong ni Gabriel. “Sera, kakauwi mo lang. Anong pinagsasabi mo?”Hindi ako sumagot agad. Sa halip, ibinaba ko ang bag ko sa sofa at pilit na ngumiti. Ngunit bago pa ako makapagsalita, napansin ni Mama ang singsing sa daliri ko.Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko.“Anak… kanino galin







