Accueil / Romance / Accidentally Mrs. Billionaire / Chapter 4: A Marriage I Never Planned

Partager

Chapter 4: A Marriage I Never Planned

Auteur: _ccwmn
last update Date de publication: 2026-11-10 14:24:30

Sera’s Point of View

“Ma, Pa… may asawa na po ako.”

Iyon ang unang mga salitang lumabas sa bibig ko nang makapasok ako sa bahay namin.

Napatigil si Mama Elena sa pag-aayos ng mga gamit sa sala. Si Papa Roberto naman ay ibinaba ang hawak niyang diyaryo at napatingin sa akin na para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

Samantala, si Gabriel, ang kuya ko, ay halos mabilaukan sa iniinom niyang tubig. Si Isabella naman, ang nakababata kong kapatid, ay napakurap nang ilang beses bago tuluyang lumapit sa akin.

“Wait. What?” tanong niya.

Napapikit ako sandali. Alam kong hindi magiging madali ang pagpapaliwanag, pero hindi ko rin alam kung saan magsisimula.

“May asawa na ako,” ulit ko.

“Anong asawa?” tanong ni Gabriel. “Sera, kakauwi mo lang. Anong pinagsasabi mo?”

Hindi ako sumagot agad. Sa halip, ibinaba ko ang bag ko sa sofa at pilit na ngumiti. Ngunit bago pa ako makapagsalita, napansin ni Mama ang singsing sa daliri ko.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko.

“Anak… kanino galing ito?”

Napatingin ako sa singsing. Mula nang isuot iyon sa daliri ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako sanay sa bigat nito.

“Kay Xavier.”

“Xavier?” ulit ni Papa. “Sino si Xavier?”

Huminga ako nang malalim.

“Xavier Devereaux.”

Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Gabriel. Kilala niya ang apelyidong iyon. Hindi man namin gaanong pinag-uusapan ang dati kong trabaho sa ibang bansa, alam niyang nagtrabaho ako sa sambahayan ng mga Devereaux.

“Wait. The Xavier Devereaux?” tanong niya.

Tumango ako.

“Yung dati mong amo?”

“Kuya, please. Huwag mo nang ulitin.”

“Paano ko hindi uulitin? Sinasabi mong pinakasalan mo ang dati mong amo?”

Napahawak si Mama sa dibdib niya.

“Anak, hindi ka ba nagbibiro?”

“Hindi po.”

“Seraphina,” mahinahong sabi ni Papa, “umupo ka muna. Gusto naming maintindihan kung ano ang nangyari.”

Umupo ako sa sofa. Isa-isang pumuwesto sa harap ko ang pamilya ko. Si Mama ay nasa tabi ko, habang si Papa naman ay nasa upuang kaharap namin. Si Gabriel ay nakasandal sa gilid ng sofa at si Isabella ay umupo sa sahig, halatang naghihintay ng buong kuwento.

“Okay,” sabi ni Isabella. “Ikwento mo mula sa umpisa. Wala ka dapat laktawan kapag nag kwe-kwento ka.”

Napabuntong-hininga ako.

“Pagkatapos ng nangyari kina Tristan at Cassandra, nagpunta ako sa Boracay.”

Agad na nagbago ang mukha ni Mama.

“Anak, hindi mo na kailangang ikuwento kung ayaw mo.”

“Okay lang, Ma. Kailangan ko rin namang sabihin sa inyo.”

Ikinuwento ko kung paano ko nadatnan sina Tristan at Cassandra sa bahay. Kung paano nila ipinaliwanag ang relasyon nila at kung paanong wala silang pakialam sa sakit na nararamdaman ko.

Ikinuwento ko rin ang tungkol sa pagbubuntis ni Cassandra at ang mga salitang hindi ko kailanman inakalang maririnig mula sa taong tinuring kong pinakamalapit na kaibigan.

Tahimik na nakinig ang pamilya ko.

Nang matapos ako, marahan akong hinaplos ni Mama sa likod.

“I'm so sorry, anak.”

“Okay lang po ako, Ma.”

“Hindi mo kailangang magpanggap na okay ka,” sagot niya.

Napalunok ako. Ilang araw ko nang pilit na kinukumbinsi ang sarili kong kaya kong lampasan ang lahat. Pero nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Mama, muntik na namang bumigay ang pagpipigil ko.

“After that, nag-book ako ng flight papuntang Boracay. Gusto ko lang mapag-isa. Pero naparami ang nainom ko sa isang bar.”

“Then anong nangyari?” tanong ni Isabella.

“Nakilala ko si Xavier.”

Napataas ang kilay ni Gabriel.

“Sa Boracay?”

“Oo.”

“Paano naman siya napunta roon?”

“Hindi ko alam. Nagkataon lang siguro.”

“Then?”

Napailing ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.

“Hindi ko na masyadong maalala ang lahat ng nangyari. Ang alam ko, kinausap ko siya at hinamon kong pakasalan niya ako.”

“YOU DID WHAT?” sabay na sigaw nina Gabriel at Isabella.

Napangiwi ako.

“Alam ko. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko.”

“Anak, bakit naman?” tanong ni Mama.

“Dahil galit ako. Nasaktan ako. Gusto kong makalimot kahit isang gabi lang. Hindi ko inisip ang magiging resulta.”

“Pero pumayag siya?” tanong ni Papa.

Tumango ako.

“Kinabukasan, nagising na lang ako sa hotel at may marriage certificate sa tabi ko.”

Ilang segundo silang natahimik.

Pagkatapos ay tumawa nang mahina si Isabella.

“Impossible naman.”

“Hindi ako nagbibiro, Bella.”

“Then ipakita mo sa amin.”

Kinuha ko ang folder sa bag ko at inilabas ang kopya ng marriage certificate. Iniabot ko iyon kay Papa. Tahimik niya itong binasa, habang si Gabriel naman ay lumapit upang makita ang dokumento.

Nang makita nila ang pangalan naming dalawa, tuluyan nang nawala ang anumang bakas ng pag-aakalang nagbibiro lamang ako.

“Diyos ko,” bulong ni Mama.

“Legally married…” mahinang basa ni Isabella. “Sera, totoong marriage certificate ‘to.”

“Sinabi ko naman sa inyo.”

Ibinaba ni Papa ang dokumento at tumingin sa akin nang seryoso.

“Bakit hindi mo kami tinawagan bago mo ginawa ito?”

“Pa, hindi ko naman talaga planong magpakasal. Hindi ko alam na aabot sa ganito.”

“Pero nangyari na. At kailangan nating malaman kung ano ang gagawin mo ngayon.”

“Gusto kong magpa-divorce.”

Napatingin silang lahat sa akin.

“Sigurado ka ba?” tanong ni Papa.

“Oo. Hindi ko gustong manatili sa kasal na hindi ko pinag-isipan. Hindi ko rin inaasahang susuportahan ninyo ito.”

“Hindi namin kailangang aprubahan agad ang isang bagay na hindi pa namin nauunawaan,” sagot niya. “Pero kailangan naming siguraduhin na ligtas ka.”

Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

“Anak, may ginawa ba siya sa iyo? Pinilit ka ba niyang may gawin?”

Agad akong umiling.

“Wala po. Hindi niya ako pinilit. Pero alam niyang lasing ako nang gabing iyon. Alam niyang hindi ako nasa tamang pag-iisip.”

“Then bakit naman siya nag-agree?” tanong ni Gabriel.

“Hindi ko rin alam. Sinabi niyang nakilala niya ako agad at alam niyang nasasaktan ako. Inamin niyang dapat pinag-isipan niya nang mabuti ang sitwasyon ko.”

“Hindi pa rin magandang dahilan iyon,” mariing sabi ni Mama. “Hindi dahil mayaman siya o kilala ang pamilya niya ay maaari na niyang gawin ang gusto niya.”

“Ma, hindi naman niya ako pinagbantaan o sinaktan.”

“Hindi ko sinasabing ganoon siya. Ang sinasabi ko, ayokong may sinumang magsamantala sa kahinaan mo habang nasasaktan ka.”

Napayuko ako.

Alam kong nag-aalala lamang sila. Pareho lang kami ni Mama ng iniisip, ngunit hindi ko rin maikakaila na may parte sa akin na hindi alam kung ano ang dapat maramdaman tungkol kay Xavier.

“May sinabi pa siya,” dagdag ko.

“Ano iyon?” tanong ni Isabella.

“Sinabi niyang hindi niya ako pipilitin na tumira sa bahay niya o gumanap bilang asawa niya. Bibigyan niya raw ako ng panahon at tutulungan sa mga legal na hakbang.”

“That's the least he could do,” sagot ni Gabriel.

“May point ka,” sabi ko.

“Anak,” tawag ni Papa. “Huwag kang magmadali sa desisyon. Kausapin natin ang isang abogado para malaman ang mga karapatan mo at ang mga posibleng hakbang. Hindi ka dapat pumirma o pumayag sa anumang bagay nang hindi mo lubos na nauunawaan.”

Tumango ako.

“Ganoon din ang gusto ko, Pa.”

Hinaplos ni Mama ang buhok ko at niyakap ako. Sa unang pagkakataon mula nang umuwi ako, naramdaman kong hindi ko kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.

“Welcome home, anak,” bulong niya.

Napapikit ako sa yakap niya.

“Salamat, Ma.”

Nang gabing iyon, pagkatapos naming maghapunan, umakyat ako sa dating silid ko. Halos walang nagbago rito. Nandoon pa rin ang mga lumang litrato, mga librong iniwan ko, at ilang gamit na hindi ko na nagawang dalhin noong umalis ako para magtrabaho sa ibang bansa.

Umupo ako sa gilid ng kama at muling tiningnan ang singsing sa daliri ko.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang susunod na mga araw. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa mga kakilala ko na kasal na ako sa isang lalaking hindi ko naman planong pakasalan.

At higit sa lahat, hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap kay Xavier pagkatapos ng lahat ng ito.

Kinuha ko ang cellphone ko upang tingnan kung may mga mensahe. May ilang missed calls mula sa mga dating kasamahan ko at mga mensaheng hindi ko pa nababasa.

Pagkatapos, may isang bagong notification na lumitaw sa screen.

Xavier Devereaux

Napahinto ako.

Binuksan ko ang mensahe.

Xavier: We need to talk about where we're going to live, Mrs. Devereaux.

Napabuntong-hininga ako at napahiga sa kama habang hawak ang cellphone.

“Hindi pa ba sapat ang problema ko?” bulong ko sa sarili.

Hindi ko pa nga naaayos ang kaguluhang iniwan nina Tristan at Cassandra. Hindi ko pa rin lubos na natatanggap na kasal na ako.

At ngayon, kailangan ko namang pag-isipan kung saan ako titira kasama ang lalaking dati kong amo.

Napatingin akong muli sa mensahe.

Xavier: Mrs. Devereaux.

Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa tawag na iyon.

Pero isang bagay ang sigurado: hindi ko kailanman pinangarap ang ganitong klaseng pagsasama.

At lalong hindi ko inakalang ang susunod kong problema ay ang lalaking minsan ko lamang inakalang bahagi ng dati kong buhay.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Accidentally Mrs. Billionaire   Chapter 9: Meeting the Devereaux Family

    Sera's Point of View Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang makilala ang buong pamilya ni Xavier o ang posibilidad na hindi nila ako matanggap bilang asawa niya. Ilang beses ko nang tiningnan ang sarili ko sa salamin habang inaayos ang suot kong damit. Isang simpleng kremang bestida ang pinili ko, may kaunting alahas at sapatos na hindi masyadong mataas ang takong. Hindi ko gustong magmukhang sobra ang pag-aayos, pero ayoko rin namang magmukhang basta na lang ako sumama. "Ma'am Seraphina, handa na po ba kayo?" tanong ni Corazon mula sa labas ng kuwarto. "Opo, Tita Cora. Lalabas na po ako." Kinuha ko ang maliit kong bag at lumabas. Nasa sala na si Xavier. Nakasuot siya ng itim na amerikana at puting polo, habang may hawak na cellphone. Nang makita niya ako, saglit siyang natigilan. "Ready?" Tumango ako. "Sa tingin mo ba okay lang ang suot ko?" Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "You look beautiful." Napakurap ako. Hindi ko inaasahan ang sagot niya.

  • Accidentally Mrs. Billionaire   Chapter 8: Breakfast with My Husband

    Sera's Point of View Alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ako. Hindi na bago sa akin ang maagang paggising. Ilang taon ko ring nakasanayan ang ganitong oras noong nagtatrabaho pa ako sa ibang bansa. Kailangan kong bumangon nang maaga upang makapaghanda ng pagkain, makapag-ayos ng mga gamit, at matiyak na maayos ang lahat bago magsimula ang araw. Kahit nasa Pilipinas na ako at nakatira sa isang napakalaking mansyon, hindi pa rin nagbabago ang nakasanayan ko. Ilang minuto akong nanatili sa kama bago tuluyang bumangon. Inayos ko muna ang mga kumot, naghilamos, at nagsuot ng simpleng pambahay na damit. Paglabas ko ng kuwarto, napansin kong tahimik pa ang buong bahay. Wala pa akong nakikitang ibang tao sa pasilyo kaya naisipan kong bumaba at maghanda ng almusal. Pagdating sa kusina, agad kong binuksan ang malaking refrigerator. Napangiti ako nang makita ang mga sariwang sangkap na nakahanda roon. "Perfect." Kumuha ako ng itlog, kamatis, bawang, at ilang pirasong ho

  • Accidentally Mrs. Billionaire   Chapter 7: The Rules of Our Marriage

    Seraphina's POVHindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Hindi dahil sa hindi komportable ang kama o dahil bago sa akin ang lugar. Sa totoo lang, mas maganda pa ang kuwartong iyon kaysa sa ilan sa mga hotel na natuluyan ko noong nagtatrabaho ako sa ibang bansa.Ang problema ay ang lalaking nasa kabilang kuwarto.Si Xavier.Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasal na kami. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang wala akong ideya kung sino ang lalaking mapapangasawa ko. Ngayon, iisa na ang apelyido namin sa papel.At kahit gaano ko pa piliting isipin na simpleng kasunduan lamang ito, hindi ko maiwasang kabahan.Kaya ngayong umaga, may isang bagay akong kailangang gawin.Magtakda ng mga patakaran.Naupo ako sa maliit na mesa sa loob ng aking kuwarto habang hawak ang isang notebook. Ilang beses kong binasa ang mga isinulat ko bago tuluyang tumango sa sarili.Maayos. Malinaw. Walang paligoy-ligoy.Hindi ako papasok sa isang kasal nang walang malinaw na hangganan.Lalo

  • Accidentally Mrs. Billionaire   Chapter 6: The Devereaux Residence

    Sera's POVAng unang napansin ko nang bumukas ang malaking gate ay ang lawak ng lupang kinatatayuan ng bahay ni Xavier.Hindi naman ako banyaga sa mga mamahaling bahay. Sa ilang taong pagtatrabaho ko sa ibang bansa, nakakita na ako ng iba't ibang klase ng mansyon, malalawak na hardin, mamahaling kasangkapan, at mga bahay na para bang hindi nauubusan ng pera ang may-ari.Pero iba ito.Mahaba ang sementadong daanan papunta sa pangunahing gusali. Sa magkabilang gilid nito ay may mga punong maayos na pinutulan at mga halamang halatang regular na inaalagaan. May mga ilaw rin sa gilid ng daan na nagbibigay ng magandang tanawin kahit hindi pa tuluyang dumidilim.Sa dulo ay nakatayo ang isang napakalaking mansyon na may modernong disenyo. Malalawak ang mga salaming bintana, mataas ang kisame, at kapansin-pansin ang kombinasyon ng puti, itim, at kahoy sa kabuuan ng gusali.Mayroon ding pribadong hardin sa isang bahagi ng property, swimming pool, at isang tanawing halos hindi ko maalisan ng tin

  • Accidentally Mrs. Billionaire   Chapter 5: The Billionaire's Proposition

    Sera’s Point of View“Hindi ako pupunta roon para pilitin kang sumama sa akin.”Iyon ang unang sinabi ni Xavier nang sagutin ko ang tawag niya kinabukasan.Napatigil ako sa pag-aayos ng mga damit na inilabas ko mula sa maleta. Hindi ko inaasahang tatawag siya nang ganoon kaaga, lalo na't kagabi lamang niya ipinadala ang mensahe tungkol sa kung saan kami titira.“Kung ganoon, bakit mo gustong pumunta rito?” tanong ko.“Dahil kailangan nating pag-usapan ang arrangement natin ng maayos, Sera. I would rather speak with you and your family in person.”Napapikit ako sandali.“Hindi mo kailangang mag-abala. Kaya naman nating pag-usapan sa telepono.”“Seraphina, I believe your family deserves to meet me. Especially after what happened.”May punto siya roon. Hindi ko rin naman maitatangging mas gusto ni Papa na personal siyang makausap bago kami gumawa ng anumang desisyon.“Sige,” maikli kong sagot. “Pero huwag kang magtatagal.”“Understood. Andiyan na ako sa loob ng isang oras.”Bago pa ako m

  • Accidentally Mrs. Billionaire   Chapter 4: A Marriage I Never Planned

    Sera’s Point of View“Ma, Pa… may asawa na po ako.”Iyon ang unang mga salitang lumabas sa bibig ko nang makapasok ako sa bahay namin.Napatigil si Mama Elena sa pag-aayos ng mga gamit sa sala. Si Papa Roberto naman ay ibinaba ang hawak niyang diyaryo at napatingin sa akin na para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.Samantala, si Gabriel, ang kuya ko, ay halos mabilaukan sa iniinom niyang tubig. Si Isabella naman, ang nakababata kong kapatid, ay napakurap nang ilang beses bago tuluyang lumapit sa akin.“Wait. What?” tanong niya.Napapikit ako sandali. Alam kong hindi magiging madali ang pagpapaliwanag, pero hindi ko rin alam kung saan magsisimula.“May asawa na ako,” ulit ko.“Anong asawa?” tanong ni Gabriel. “Sera, kakauwi mo lang. Anong pinagsasabi mo?”Hindi ako sumagot agad. Sa halip, ibinaba ko ang bag ko sa sofa at pilit na ngumiti. Ngunit bago pa ako makapagsalita, napansin ni Mama ang singsing sa daliri ko.Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko.“Anak… kanino galin

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status