Home / Romance / Accidentally Time-Traveled and Became a Slave of a Tyrant Du / Chapter 2: Alipin sa Umaga, Alipin pa rin sa Gabi?!

Share

Chapter 2: Alipin sa Umaga, Alipin pa rin sa Gabi?!

Author: zyvenxeee.
last update Huling Na-update: 2025-03-09 10:30:34

Lara’s POV

Ang buhay ay puno ng sorpresa.

Kahapon, simple lang ang buhay ko—trabaho, commute, at tulog. Pero ngayon? Isa na akong alipin ng isang tyrant duke.

‘Di ko alam kung matatawa ako o maiiyak.

Kung akala mong sa mga fantasy stories, kapag time-travel ang bida, magiging chosen one siya—nope, hindi ako ‘yun.

“Gising.”

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malamig na boses sa gilid ng kama ko. (Correction: higaan ko, na basically isang manipis na mattress sa sahig.)

Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking literal na bumili sa akin kahapon.

Si Duke Alistair Von Nacht.

Silver hair. Ice-blue eyes. Looks like a Greek god na nagka-amnesia at naging warlord. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan, naka-cross arms, at naka-black military coat ulit na parang laging handa makipagdigma.

Mukha siyang pasensya na lang ang pumipigil sa kanya na ‘wag akong ibato palabas ng bintana.

“Anong oras na?” tanong ko, sabay hikab.

“Alas-singko ng umaga.”

Putangina naman. Hindi ba puwedeng 8 a.m.?

Pero bago pa ako makapagreklamo, binigyan niya ako ng tingin na parang ‘dare to complain and you’ll regret it’.

So, wala akong nagawa kundi bumangon, kahit pakiramdam ko’y gusto kong bumalik sa dati kong buhay at matulog buong araw.

Orientation 101: Paano Maging Alipin ng Isang Tyrant Duke

Paglabas ko ng kwarto ko (na mas maliit pa sa CR ng condo ng best friend ko dati), sinalubong ako ng isang babae na mukhang masyado nang sanay sa pagiging alipin.

“Halika, susunduin na kita para sa trabaho mo.”

Okay. Game face, Lara.

Naglakad kami sa mahabang hallway, at napansin kong ang laki talaga ng kastilyo. Literal na pang-villain ang vibes—dark walls, grand chandeliers, at may kakaibang energy na parang ‘pag tumakbo ako, may lumalabas na echo.

“At ano nga ulit ang trabaho ko?” tanong ko habang sinusundan siya.

Tumingin siya sa akin na parang sinasabi niyang ‘Good luck, sis’.

“Ikaw ang personal na alipin ni Lord Alistair.”

Oha. VIP slave ako, mga bes.

“Ang ibig sabihin niyan,” dugtong niya, “lahat ng gusto niya, gagawin mo.”

Lahat?

“PERO,” dagdag niya bago pa ako makapag-react, “hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na may kinalaman sa personal grooming niya.”

Napakurap ako. Teka, bakit mo kailangang i-clarify ‘yan? May mga alipin ba siyang naggugupit ng kuko niya o nagluluto ng breakfast niya habang hubad siya?

Ayoko nang alamin.

First Task: Buhay Katulong Edition

Pagdating namin sa isang malaking kwarto—correction, throne room ang laki—nandoon na si Alistair. Nakaupo siya sa isang mala-tronong upuan, hawak ang isang dokumento habang seryosong nagbabasa.

Kahit may air of elegance siya, mukha pa rin siyang ‘pag tinignan mo ng masama, malamang papugutan ka niya ng ulo’ type of guy.

Tumigil ang alipin na kasama ko at yumuko. “Narito na po ang inyong bagong lingkod, Your Grace.”

Tumayo si Alistair at dahan-dahang lumapit sa akin. Tumigil siya sa harap ko, at literal na ‘di ko alam kung anong gagawin ko.

Sasayaw ba ako? Kakanta? Magpapatawa?

“Simula ngayon,” malamig niyang sabi, “ikaw ang mag-aasikaso ng lahat ng kailangan ko. Naiintindihan mo ba?”

Napairap ako. “Wala naman akong choice, ‘di ba?”

Naningkit ang mga mata niya, pero imbes na magalit, napangisi siya. “Mukhang mabilis kang makaintindi.”

Wow, salamat, Your Grace. Ang sarap mo rin kausap.

“Ngayon,” dugtong niya, “kuha mo akong tsaa.”

Napakurap ako. Tangina, yun lang?

“...Ano?”

“Tsaa,” ulit niya. “Mainit.”

Nagkatinginan kami. Alam mong sobrang powerful ng isang tao kapag kaya niyang gawing life-or-death mission ang paggawa ng tsaa.

Pero sige, fine. Kung gusto niya ng tsaa, bibigyan ko siya ng pinakamasarap na tsaa sa buong mundo.

The Great Tea Catastrophe

Pagdating ko sa kusina, napatitig ako sa harapan ng malaking cabinet na punong-puno ng daang-daang klase ng tea leaves.

Shet. Wala akong alam sa mga ‘to.

Inisa-isa ko ang mga label—Green Tea, Black Tea, Imperial Jasmine Tea, Dragon’s Blood Tea (?!)—pero wala akong alam sa mga ‘to!

Nag-random pick na lang ako at kumuha ng isang tea bag na mukhang safe. Nilagay ko sa tasa, binuhusan ng tubig, at binalik sa kanya.

“Eto na ‘yung tsaa mo.”

Tahimik niyang kinuha ang tasa, tinitigan ito na parang inaaral kung poison ba siya o hindi, tapos dahan-dahang uminom.

Isang segundo. Dalawa.

Tatlong segundo.

At saka siya tumingin sa akin.

“Ano ‘to?” malamig niyang tanong.

“Uh… tsaa?”

Pinagmasdan niya ang inumin niya na parang may nagawang kasalanan sa kanya.

Teka, ‘wag mong sabihin na…

“Alam mo ba kung anong binigay mo sa akin?”

Napailing ako. “Uh, tea?”

Tumingin siya sa tasa niya, tapos bumalik ang titig niya sa akin. Mas bumaba ang boses niya—mas mapanganib.

“Peppermint Tea.”

Nag-blink ako. “So?”

Nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga, parang ang ginawa ko ay mas malala pa sa pagtataksil.

“HINDI AKO UMII—”

CRASH!

Biglang may nabasag sa kabilang bahagi ng hall. Isang malaking vase ang lumipad sa sahig at durog-durog na ngayon.

Nag-freeze ako.

Tangina, overacting ba ‘tong lalaking ‘to?!

Sumandal ako sa lamesa at tumitig sa kanya. “Teka lang. Nagalit ka dahil lang sa tea?”

Matalim ang titig niya. “HINDI AKO UMIINOM NG PEPPERMINT TEA.”

Tangina, may trauma ka ba sa peppermint?!

Nagkatinginan kami ulit. Walang gustong umurong. Sa isip ko, Hindi ako magpapatalo sa’yo, bossing.

Pero bago pa ako makapagsalita ulit, isang kasambahay ang mabilis na lumapit at nagdala ng bagong tasa ng tsaa.

“Pasensya na po, Your Grace. Ito na po ang tamang tsaa.”

Kinuha niya ito at uminom, tapos unti-unti siyang kumalma.

Napahawak ako sa noo. Shet. So kung maling tea lang, kaya niyang basagin ang isang vase? Paano pa kapag mali ang ginawa ko next time?!

Game Plan: How to Survive the Tyrant Duke

Pagkalipas ng isang oras ng pagsisilbi sa kanya, napagtanto ko na ang Rule #1 sa pagtatrabaho kay Alistair:

WAG SIYANG BIGYAN NG MALI SA UTOS NIYA.

Kasi kung hindi? Well… malamang, may mababasag na naman.

At habang nakatingin ako sa kanya—sa lalaking mukhang forever na galit sa mundo—isa lang ang naisip ko.

Paano ako makakatakas dito?

End of Chapter 2

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Time-Traveled and Became a Slave of a Tyrant Du   Chapter 26: Ang Papel ng Katotohanan at Isang Panibagong Lihim

    Lara’s POVKung may isa akong natutunan sa mga nakaraang araw ko bilang aliping walang freedom, ito ‘yun:Mas gugustuhin ko pang maglinis ng buong kastilyo kaysa maging assistant ng isang tyrant duke!Literal na buong araw akong nag-aayos ng mga papel habang si Alistair ay nagpipirma at nagbabasa ng kung anu-anong documents. Feeling ko nawalan na ako ng dalawang taon sa buhay ko dahil sa inip.Pero habang inaayos ko ang isang bundle ng papers, isang kakaibang papel ang napansin ko.Putragis. Bakit iba ‘to sa lahat?Ang Papel na ‘Di Dapat MakitaIsang lumang dokumento ang napansin ko sa ilalim ng mga bagong papeles. Mukha siyang luma—halos madilaw na ang papel, at parang may sunog na marka sa gilid.Dahan-dahan ko siyang hinila palabas.> "Hmm? Anong ginagawa mo?"PUTANGINA!Agad kong binitawan ang papel at lumingon sa likod. Nakatingin si Alistair sa akin, nakataas ang isang kilay at halatang may kutob na siya.> "W-Wala! Wala akong ginagawa!"> "Lara…"Lumapit siya at tinignan ang bu

  • Accidentally Time-Traveled and Became a Slave of a Tyrant Du   Chapter 25: Umaga ng Kahihiyan at Isa Pang Epic Fail Escape Plan

    Lara’s POVKung may pinaka-worst na way para magising sa umaga, eto na siguro ‘yun.Ako. Nakayakap. Sa Tyrant Duke.At hindi lang basta yakap—nakapulupot ang buong katawan ko sa kanya na parang boa constrictor!PUTANGINA. HINDI ITO KASAMA SA PLANO KO!Reality Check: Ang Gulo ng Sitchuasyon KoDahan-dahan akong tumingin pataas. At tangina… gising na siya.GISING NA SIYA AT NAKANGITI PA!> “Comfortable ka na pala ngayon, hm?”PUTANGINA, KAHIT HINDI AKO RELIGIOUS, GUSTO KO NANG MAGDASAL NGAYON!> “H-Hindi ‘to sinasadya!”> “Ah, so kung sadya, mas mahihigpitan pa ang yakap mo?”GAGO!Ang init ng mukha ko! Pucha, hindi ko alam kung gusto kong tumakbo palabas o tumalon sa bintana.Pero bago pa ako makaisip ng matinong solusyon…> “Gusto mong manatili nang ganito, o gusto mong pakawalan kita?”ANONG KLASENG TANONG ‘YAN?!> “Pakawalan mo na ako, syempre!”Ngumiti siya. GAGO. BAKIT GWAPO SIYA KAHIT KAKAGISING LANG?!> “Kung ‘yan ang gusto mo.”At bigla niya akong tinulak pababa ng kama.THUD!

  • Accidentally Time-Traveled and Became a Slave of a Tyrant Du   Chapter 24: Ang Gabi Kung Saan Nawalan Ako ng Kaluluwa

    Lara’s POVKung may award para sa “Pinakamalalang Desisyon sa Buhay”, ako na siguro ang panalo.Ang plano: Tumakas at makalaya mula sa tyrant duke.Ang nangyari: Nahuli ako at ngayon… nasa kwarto na niya ako?!Putangina. Bakit ganito ang life choices ko?!Ang Malupit na Parusa> "Dito ka na titira, Lara."Napakagat-labi ako habang nakatayo sa harap ng malawak na kama. Seryoso ba ‘to?!> "Hindi ka na makakatakas dito."Sinundan ko ng tingin si Duke Alistair habang tinatanggal niya ang suot niyang coat. Tangina, bakit ang effortless niyang magmukhang gwapo?! Pero gago pa rin siya!> "Tulog na."ANO?!> "Saan ako matutulog?!"> "Bakit ka nagtatanong? Hindi ba obvious?"Putangina, wag mong sabihing—> "Sa tabi ko, syempre."LECHE. HINDI ‘TO KASAMA SA CONTRACT KO BILANG ALIPIN!!!Game Plan: Sleeping Arrangement NegotiationHindi ako makapaniwala. ‘Di ako makakapayag na matulog sa tabi niya!> "Pwede akong matulog sa sahig!"> "Hindi."> "Sa upuan!"> "Hindi."> "Sa bintana?!"> "Gusto mong

  • Accidentally Time-Traveled and Became a Slave of a Tyrant Du   Chapter 23: Ang Desisyong Babago sa Lahat

    Lara’s POVAng buhay ko ay parang isang pelikula.At ako? ‘Yung bidang laging pinag-iinitan ng kontrabida.At ngayon, dumating na ang eksenang pinakaayaw ko—Kailangan kong pumili.> "Ano, Lara?""Babalik ka sa kanila… o mananatili rito bilang alipin ko?"Putangina.Tatakas o Mananatili?Habang nakatayo si Duke Alistair sa harapan ko, ramdam ko ang bumibigat na tensyon sa hangin.Babalik sa pamilya na ni hindi ko maalala?O manatili sa palasyo ng isang tyrant duke na maaaring may masamang balak sa akin?Pareho namang pangit na option, gago!> "Wala bang ibang choice?"Napataas ang kilay niya.> "Ano sa tingin mo?"Okay, wala nga.Sinulyapan ko ang kamay kong may kakaibang marka. Pamilyang dugong bughaw daw ang may-ari ng parehong marka…Pero ni hindi ko nga alam kung may ganoong pamilya sa nakaraan ko!> "Bakit ko sila paniniwalaan kung wala akong maalala?"> "At bakit mo ako paniniwalaan kung ako ang may hawak ng buhay mo?"Tangina. Bakit parang laging may sagot ang lalaking ‘to?!An

  • Accidentally Time-Traveled and Became a Slave of a Tyrant Du   Chapter 22: Ang Malupit na Lihim ng Tyrant Duke

    Lara’s POVMay kasabihan nga tayo: "Walang lihim na hindi nabubunyag."Pero paano kung ang lihim na mabubunyag ay ang mismong dahilan ng pagkawanted ko?!At paano kung ang may hawak ng kasagutan… ay ang Tyrant Duke mismo?PUTANGINA. GAME OVER NA BA?!Misteryo sa Loob ng PalasyoKailangan kong makahanap ng sagot. Bakit ako wanted?At mas mahalaga… Ano ba ang nagawa kong kasalanan?!> "Lina, dalhin mo ‘to kay Head Maid."Napakunot ang noo ko nang makita ang sobre na iniabot sa akin ni Martha. Parang ang bigat naman nito.> "Ano ‘to?"> "Hindi ko rin alam. Pero galing daw mismo kay Duke Alistair."PUTANGINA.Kailangan ko bang hawakan ‘to?! Paano kung ito ang death sentence ko?!Pero wala akong choice. Kailangan kong sumunod.Huminga ako nang malalim bago tinungo ang opisina ng Head Maid. Pero bago ko pa man ibigay ang sulat…Biglang bumukas ang pinto.> "Lina."PUTANGINA, SI DUKE ALISTAIR!Kapahamakan o Pagkakataon?Mabilis akong yumuko at nagkunwaring kalmado. Pero sa loob-loob ko… tang

  • Accidentally Time-Traveled and Became a Slave of a Tyrant Du   Chapter 21: WANTED?! BAKIT MAY MUKHA KO SA POSTER?!

    Lara’s POVMay mga bagay sa buhay na kahit anong gawin mong pag-iwas, bigla na lang mangyayari sa'yo.At ang masama dito? Madalas, hindi maganda ang nangyayari.Katulad na lang ngayon.Bakit may WANTED POSTER ako?!At hindi lang basta wanted, ha?! DEAD OR ALIVE LEVELS?!Bakit Ako Wanted?!Pumikit ako at huminga nang malalim. Okay, Lara. Baka nagkakamali ka lang ng tingin.Pero nung dumilat ako…PUTANGINA, MUKHA KO TALAGA ‘YUN.Napaatras ako at napalunok. Anong kasalanan ko?!> "Hoy, Lina! Ano'ng ginagawa mo r'yan?"Napalundag ako sa kaba nang marinig ang boses ni Martha, isa sa mga senior maids.Diyos ko, ito ba ‘yung tinatawag na malas?!> "W-Wala po! Tinitingnan ko lang po ‘yung… uh, poster!"> "Hmph. May bago na namang pinaghahanap ang palasyo. Mga taksil siguro ‘yan."> "O-Opo… Siguro nga."Oh my God. ‘Wag ka sanang tumingin ng masyado, Ate Martha!> "Anyway, bumalik ka na sa trabaho. Baka mahuli tayo ni Head Maid."> "Opo, opo!"Habang palayo si Martha, sumulyap ulit ako sa poste

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status