MasukNapahinga ako ng maluwag dahil may tumawag sa kanya, dahilan para umalis agad siya sa hotel room ko. Di ko kaya kapag kasama ko siya ng ilang minuto pa. Parang sasabog ang dibdib ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kaba. Sa guilt. Sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
Tahimik ang buong silid. Pero ang isip ko, magulo. Maingay. Parang may nagbabangayang dalawang tinig sa loob ng utak ko—isa nagsasabing okay lang ‘to, at isa nagsasabing maling-mali ang lahat. Di ko gusto ang sinasabi niya. Ba’t parang big deal sa kanya ang nangyari sa amin? Kung tutuusin, ako ang dapat mag-alala. Ako dapat ang magtanong kung anong mangyayari ngayon. Ako sana ang maghabol dahil... virginity ko ang nawala. Pero bakit ganito? Bakit ako ang nakaramdam ng parang ako pa ang may kasalanan? Parang ako pa ang dapat umiwas sa kanya, habang siya, parang... may tinatago? Huminga ako ng malalim at tinapik ang sarili ko. “Tama na. Ceila, tama na.” I accepted my fate. Dahil lasing na lasing ako. Dahil gusto ko rin. I won’t play the victim here. Alam kong may parte ako sa nangyari. At kahit pilitin kong ibalik ang oras, I can’t. Kung lasing ako, di sana siya nag-take advantage sa akin. Pero hindi niya ako pinilit. Hindi ko naramdaman na pinuwersa niya ako. He asked. He waited. He was... gentle. So no, I won’t blame him. Because it was both our fault. Pero maybe, just maybe... tama nga ako. Takot siya. Baka iniisip niyang ipagsisigawan ko ang nangyari. Baka inaalala niyang baka masira ang pangalan niya. Well, sorry not sorry, Mr. Mysterious. Hindi ako gano’n. Haler! I’m a teacher! Kung may dapat mas umintindi ng reputasyon, ako ‘yon. Dignidad ko ang mawawala. Yung respeto ng mga estudyante ko, ng pamilya ko, ng buong komunidad kung sakaling malaman nila ang tungkol sa one-night stand ko sa isang estranghero. I'm not that stupid. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang kisame ng kwarto. Tahimik. Wala ni isang kaluskos kundi ang mahinang boses ng aircon sa gilid. Tulala akong nakahiga, at paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga halik niya. Yung init. Yung bigat ng mga yakap niya. Yung titig niyang para bang kilala niya ako—kahit ni pangalan ko, hindi niya alam. Nangyari na. Tapos na. Move on. That's it. Pero bakit ganito? Bakit parang may parte sa akin na hindi matahimik? Nilingon ko ang cellphone ko sa bedside table. Walang text, walang tawag. Siyempre wala. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Wala rin akong iniwang clue sa kanya. As far as we’re both concerned, we were nothing but a mistake. A passing night. A reckless decision. Pero bakit may parte sa puso ko na parang... may kulang? “Stop it, Ceila,” bulong ko sa sarili. “Hindi ito fairytale. Hindi mo siya prince charming. Isa lang siyang lalaking dumaan. That’s it.” Tumayo ako, kinuha ang gamit ko, at nagdesisyong bumalik na sa province. Sa buhay ko. Sa tahimik kong mundo. Sa mga estudyanteng umaasa sa akin. Sa mga plano kong ayusin muli ang pangarap ko. This night didn’t exist. It never happened. At least, ‘yan ang pilit kong paniniwalaan. After I attended mass sa Manila Cathedral together with Jea's fam, I made sure to pass by some tourist spots sa Makati—kahit pa paano, gusto kong ilihis ang utak ko. Kahit ilang oras lang. Naglakad-lakad ako sa Ayala Triangle, umupo sa isang café, at pinagmasdan ang mga taong abala sa buhay nila. Gusto ko sanang mag-stay pa. Magpahinga. Mag-isolate. Pero... Malapit na ang pasukan. At kahit gustuhin kong takasan ang lahat, may obligasyon akong kailangang balikan. I’m a professor, and I take that role seriously. Ayoko naman mawalan ng saysay ang pinagpaguran ko para lang malunod sa isang pagkakamali. Kaya, gaya ng dati... I picked myself up and went home. Sa probinsiya. Sa lugar kung saan hindi uso ang mga one-night stand at misteryosong lalake na parang galing sa nobela. Sa lugar kung saan alam kong may kapayapaan. At least, 'yun ang akala ko. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng mga tanim kong gumamela sa harap ng gate, at ang mga maiingay na huni ng ibon sa umaga. Pareho pa rin ang lahat. Walang nagbago. Pero ako... alam kong may nabago na. Nilinisan ko ang bahay, inayos ang mga lesson plan ko, at binalikan ang buhay na iniwan ko. Pero sa bawat tahimik na gabi, sa bawat saglit na wala akong ginagawa... bumabalik siya sa isipan ko. Ang mga mata niyang parang may itinatago. Ang boses niyang mababa at malamig. Ang haplos niyang... Diyos ko. No. Hindi pwede. Bawal. Mali. Pinilit kong ituon ang sarili ko sa trabaho. Sa mga estudyanteng excited makabalik. Sa mga modules at syllabus na kailangan ayusin. Pero ilang linggo pa lang... napapansin ko nang may kakaiba sa katawan ko. Lagi akong pagod. Madaling sumama ang pakiramdam ko. Bigla akong naduduwal kahit sa amoy lang ng kape. At ang pinaka-nakakakaba? Delayed ako. Hindi ako agad nagpapanic. Baka stress lang. Baka napagod lang ako sa biyahe. Baka... baka... Pero habang tumatagal, lalo lang akong kinakabahan. Isang araw, habang naglilinis ako ng faculty room, may isa sa mga co-professors ko ang lumapit. “Ma’am Ceila, okay ka lang ba? Ang putla mo. Baka buntis ka ha!” biro niya. Napangiti ako sa kanya, pero sa loob-loob ko, para akong binagsakan ng langit at lupa. Buntis? Hindi. Imposible. Pero sa mga sintomas kong nararanasan, baka... Oh, God.Romulus POVNarinig ko ang malalakas na yabag ng mga taong nagmamadaling mag-ayos sa labas ng pinto, pero hindi iyon ang iniintindi ko. Ang tanging tumatakbo sa isip ko ay ang oras at bawat segundo na lumilipas ay parang kumakain sa kaluluwa ko.Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko, at namamawis na rin ang mga kamay ko. Kahit gaano ko piliting maging kalmado, ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa dibdib, mabilis, malakas, parang handang kumawala. Alam kong sisipot siya sa kasal namin, pero kinabahan ako. Masyado. Ang daming pumasok sa isipan ko. Paano kung magbago ang isip niya? Paano kung matakot siya? Paano kung hindi pa siya handa?Napatulala ako sa kawalan habang humihinga nang malalim, pilit na inaawat ang sarili ko na huwag mag-panic.Tignan mo naman. Ikakasal na ako sa babaeng akala ko hanggang sa kama lang. Isang gabing akala ko walang kahulugan pero she ended up being everything. One night, but turned out to be mine forever. Akala ko panandalian lang, akala ko lili
Hawak-kamay kaming bumaba ng hagdan at napangiti habang tinitingnan ang kabuuhan ng dalawang pamilya na nagtipon sa sala. Ngayon ang araw ng pamamanhikan ni Romulus. True to his word, kinabukasan na nga ito, at ramdam ko ang halo-halong kaba at saya sa dibdib ko.Ang sala ay maayos na inayos, may mga bulaklak sa gilid ng mesa at mga maliliit na dekorasyon na tila pinaghanda para sa espesyal na okasyong ito. Nandoon ang mga magulang ko, maayos ang pananamit at may halong excitement at kaba sa mukha. Ang pamilya ni Romulus naman ay nakatayo sa kabilang bahagi, eleganteng nakaayos, tahimik ngunit ramdam ang pagmamalasakit at pagmamatyag sa bawat kilos namin.Habang papalapit kami sa gitna, napatingin ako sa kanya. Ang ngiti niya ay kumikislap sa buong silid, at ramdam ko ang katiyakan at pagmamahal niya sa bawat haplos ng kanyang kamay sa akin. Hindi ko maiwasang huminga ng malalim, iniisip na sa araw na ito, magiging opisyal na kami sa isa’t isa sa harap ng aming mga pamilya."Ready ka
Mataman lang akong nakikinig sa usapan nila mama at ni Romulus. Kakagising ko lang pero si mama ang bumungad sa akin. Galing pa yan sa Canada pero paramg lumipad kagabi pabalik sa pinas. Ilang taon na ang lumipas at ngayong taon ulit siya napadpad dito kagaya ko. Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwalang nandito siya. Aniya, private plane ng pamilya ni Romulus ang gamit niya nang malaman niyang buntis ako. Ito kaseng si Romulus hindi makapaghintay na ipapabukas na lang at agad niyang binalita sa pamilya namin. Takot siyang maunahan ni Jewel lalo na't parang megaphone pa naman bibig yun. Oo nga't binili niya ang video kaso di kami naniniwala sa babaeng yun. "Naku! Malakas talaga ako kay Lord. Dininig ang aking panalangin. At isa pa pala mama na itawag mo sa akin, mayor dahil magiging isang pamilya na tayo." Tuwang-tuwa ang mama ko. Ano raw? "Of course! Of course, mama. Thank you po dahil umuwi agad kayo. Don't worry alam na ng pamilya ang plano kong mamanhikan." Lumalakas ang
"Ang tanong ko, buntis ka ba?" Inulit niya pa talaga tila alam niyang nabibingi ako kanina sa tanong niya. Hiaw akong natawa peri ang dalawa ay napatili at napatalon sa tuwa. Mga walanghiya binitawan nila ako! Buti nalang kaya pa ng mga tuhod ko ang tumayo. "Patawa ka, Alena. Malayo pa ang April's fool." Hindi siya tumawa sa biro ko kaya napalunok ako at natulala. Ako buntis? Paano? Ay lintek. Malamang nagjurjur kami ni Romulus araw-gabi pa yan. Walang palya pa ang mayor mag-deposit sa mattress ko at ako naman ay di na nagpipills. Napatampal ako sa noo. Tanga ko naman pero hindi ako nakaramdam ng pagsisi kung buntis nga talaga ako. Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil magkakaanak na ako. Parang buo na ang pagkatao kapag totoo nga buntis ako. "Finally! Finally!" "Sa wakas magiging rich ninang na ako! Ako magbigay ng pangalan sa kanya, Sinta." "Ang advance mo naman, Jamilah. Ako dapat, Sinta." "Teka nga lang di pa sure, okay?" Segunda ko sa kanila. Umikot ang mga mata
Napakagat ako ng labi at bumuntong hininga makita ko si Alena. Tipid itong ngumiti sa akin agad ko naman siyang sinalubong ng yakap at sa balikat ko siya naiyak. Hinayaan ko siyang ilabas ang naramdaman niya lalo na sa mga nangyayari namin ngayon.Hindi lang ang mama niya ang nakakulong pati na rin ang tiyong Saturnino namin. Ang bunsong kapatid nila papa. Oo nga't ayos na pero ang sakit isipin na ganito ang nangyari sa mga kapatid ni papa. Nalulong sa sugal at utang sa iba't-ibang malalaking tao na kilala sa mundo ng sugal. Damay ang mga asawa at anak nila."Pasok muna tayo sa loob, Alena."Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinagkuha ko siya ng tubig para nahimasmasan."Sirang-sira na pamilya namin, Sinta. Grabe si mama mas pipiliin pa rin niya si papa. Paano ako? Paano mga kapatid ko? Mas lalo akong nagalit sa kanya nang malaman kong pinagplanuhan pala nila ibenta si Merryjoy sa matandang mayaman sa malaking halaga nito. Di ko sila masikmura."Mas lalo akong nagalit sa narinig ko. Buti
Sumulyap si Romulus sa secretary niya, at agad naman itong tumango. “Magbe-break muna kayo, Ma’am. Ako na ang bahala dito,” sabi niya, nakangiting parang alam na alam niya ang nangyayari. Hinawakan ako ni Romulus sa bewang at marahan akong inalalayan palabas ng opisina, patungo sa maliit na lounge sa likod ng kanyang private office. Tahimik kaming naglakad pero ramdam ko ang bigat ng iniisip niya, kahit pilit niya itong tinatago sa mahinahong ekspresyon. Pagkapasok namin sa lounge, pinaloob niya ako sa isang yakap. Hindi malambot na yakap, kundi ’yung tipong kailangan niya ako para huminga. “Baby…” tawag ko, nakataas ang kamay sa dibdib niya. “What’s wrong?” Hindi siya agad sumagot. Nakapikit lang siya habang nakasandal ang baba niya sa tuktok ng ulo ko, humihinga nang malalim na parang sinusubukang pakalmahin ang sarili. “I had a meeting with the chief of police,” mahina niyang sabi. “They found something near the port. Mga pangalan, transactions, movement. Hindi ko pa sure, bu







