LOGIN(Ava pov) Naiiling na tiningnan ko ang aking asawa. Nang malaman namin at pormal ng sabihin sa amin nila Annaliza at Din na nagkaayos na sila ay binalita agad nito ang magandang balita. Hindi pa tapos magpropose si Din ay nag imbita na ito ng mga kaibigan at kamag anak sa muling pag iisang dibdib ng dalawa. Nagtataka tuloy na tumawag ang anak namin upang tanungin kami kung sino ang nagkalat ng balita. “Ikaw talaga. Hinintay mo dapat na manggaling sa anak mo ang balita.” Suway ko kay Elijah na malaki ang ngiti sa labi habang buhat si Dessy. “Sorry, sweetheart, sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko,” sabi niya, “Di’ba, apo? Happy ka rin kagaya ni lolo?” Tumango si Dessy sa kanya. “Dinamay mo pa ang apo natin, ikaw talaga,” nakangiti kong ani. Akala namin ay wala ng pag asa na magkaayos ang mag asawa, nawalan na kami ng pag asa, lalo na’t nagalit pa si Annaliza sa daddy niya. Ito kasing si Elijah ay nanghimasok pala ng hindi ko alam. Mabuti na lamang maganda a
“I have something to show you.” Sumisinghot na bumitaw ako ng yakap. “Ngayon na?” Nagtataka ako dahil parang ang saya ng tinig nito. Lalo akong nagtaka ng makita ko ang kakaibang kislap ng mata niya. “Pero hindi ka pa tapos kumain.” Ani ko sabay sulyap sa pagkain niya. “Makita lang kitang busog ay busog na ako.” Mahina ko siyang hinampas sa dibdib. “Bolero ka pa rin pala.” “Sayo lang… at hindi pambobola ‘yon, iyon talaga ang nagagawa mo sa akin.” Sus. Bolero nga. Magkahawak ulit ang kamay na nilisan namin ang restaurant. Pagtingin ko sa kanya napansin ko na medyo may simangot ang gwapo nitong mukha. ‘Masakit ba ang tiyan niya?’ “Napansin mo ‘yong tingin ng mga babae, pero ‘yong tingin sayo ng mga lalaki hindi mo napuna. Tss. Masyado ka kasing maganda.”
Habang sakay ng kotse ni Din ay pasimple ko siyang ninanakawan ng tingin. At sa tuwing titingin naman ito ay nahuhuli ko siya na tinitingnan din ako. Pareho kaming napapangiti dahil nagkakahiyaan pa kaming dalawa. Samantala nitong nakaraan lang ay halos isumpa ko siya. Naiiling ako habang tinatawanan ang salitang sinabi ko. Wala, sa huli kinain ko din ang mga ‘yon. Pagdating sa tapat ng restaurant ay nauna itong bumaba. Alam ko na pagbubuksan niya ako kaya pa-bebe akong naghintay na pagbuksan niya. Tumingin ako sa kamay ko na hinawakan niya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil tila nahihiya. Pero nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Hay diyos ko. Daig pa namin ang teenager at first date namin ‘to. May anak na kami pero naro’n pa rin ang paggalang niya sa akin. Lalo akong kinikilig. Tumingin ako sa suot ko. Kung alam ko lang na magkikita kami ngayon ay nagpaganda sana ak
Sa wakas… sinabi na niya ng diretso sa akin na mahal niya ako. Pagulong-gulong na nagpapadyak ako sa kama. Pagtingin ko sa pintuan nando’n na sila Yaya at Dessy nakatingin sa akin. Nahihiyang umayos ako ng upo. Kanina pa nakaalis si Din. Naiwan ‘yong kilig ng sinabi niya sa dibdib ko. “Ehem.” Tumikhim ako kunwari. “Yaya, pwede ba sa sunod ay hintayin mo muna ako na sumagot bago ka umalis. Wala tuloy akong magawa kundi ang harapin ang lalaking ‘yon. Hindi tuloy ako nakaalis at na-cancel tuloy ang lakad ko.” “Eh, ma’am, mukhang masaya ka naman. Eh ang ibig kong sabihin sige po… hehe.” Bawi nito ng tikwasan ko ng kilay. “Tara na, baby. Mamaya mo na istorbohin ang mommy mo, hindi pa siya tapos kiligin, este magpahinga.” Ani nito bago nagmamadaling lumabas kasama ang anak ko. Namumulang humawak ako sa mukha ko. Nangangapal iyon. Kahit itanggi ko ay mababakas sa mukha ko na masaya ako. Akala ko noong naghiwalay kami ni Din ay hindi na ako makakaramdam ulit ng kilig. Kahit pala nagka
Naningkit ang mata ko kay yaya at Anya. Alam ko naman na sinadya nito na umalis para maiwan kami. Tumikhim si Din ng makita ako. Agad na yumakap si Dessy dito. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinaasan ko ito ng kilay. “Ano ang ginagawa mo dito? Alam mo ba na may lakad ako ngayon?“ mataray kong tanong. Sandali ko lang siyang tiningnan. Ayokong makita niya ang paghanga sa mata ko. Marami ang nagsasabi na hindi ako tumanda sa paglipas ng tatlong taon, iyon din ang sinabi ng mga kaibigan ko. Parang hindi daw ako tumanda at nagkaedad. I still look fresh and young. Kabaligtaran naman iyon ni Din. Nag-matured ang itsura nito—sa magandang paraan. Mas lalo ito kumisig sa paglipas ng panahon. Kung boy-next-door ang dating nito noon, ngayon ay tila isa na itong hunk actor na makikita mo lang sa telebisyon. ‘Really, Annaliza? Akala ko ba wala na siyang epekto sayo?’ Lihim kong kinutusan ang sarili ko. Para akong dalagita na nakita ang long time crush. Gusto kong kastiguhin ang sarili
Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako ng kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Anya kasama ang mga anak nila ni Cally na nasa sala kasama sila Dessy at Yaya na naglalaro. Bumes0 ako sa kanya. Napatingin ako sa tiyan niya. Fitted ang suot nito kaya halata na may umbok iyon. Nakangiting tumango ito. “Ngayon mo lang napansin? Oo buntis ako. Si Cally kasi ayaw tumigil hanggat hindi nakakalimang lalaki. Ang loko natatakot maunaha ni kuya na makarami ng lalaki. Ginawa ba naman paligsahan ang pagpaparami ng anak.” Nakahimas sa tiyan habang naiiling na wika nito. “Aalis ka na?” Tumango ako. “Oo kailangan eh.” Hinawakan ko ang tiyan niya. “Congrats. Masaya ako na naging masaya ka. Akala ko noon hindi ka liligaya sa piling ni Cally. Wala ka kasing ginawa noon kundi takasan siya.” Natawa ito sa sinabi ko. Totoo iyon. Kahit kasal na sila ay tinatakasan nito si Cally. Umabot pa sa punto na gusto nitong iwan si Cally, na noon ay patay na patay pala dito. Sino ang mag aakala na mamahalin ng
“Celine, mabuti at ginawa mo sa akin ito. Kung hindi ay hindi ako matatauhan sa mga kasalanan ko, kami ni Lovely, matutulad kami sayo na mabubuhay ng puro inggit at kasamaan. Wake up call ka rin siguro ito sa amin ni Lovely para magbago pa at bumawi sa lahat ng kasalanan namin. Salamat sa inyo ni D
(Ava pov) Pagod na akong umiyak, wala na akong ginawa kundi ang lumuha dahil sa pagpili ni Elijah kay Celine. Paano na kami ng aming anak? Wala na ba talaga kaming halaga para sa kanya? Akala ko mahalaga kami at palaging kami ang pipiliin nito. Pero sa huli ay bumalik ito sa unang babaeng minahal
(Damien pov) Binato ko ang cellphone at galit na tiningnan ang lalaking inutusan ko na burahin sa landas ko si Elijah. Hindi lang ito pumalpak, nadamay pa si Ava. Mabuti at hindi ito napahamak at tanging si Elijah lang ang napuruhan. Hindi ko alam ang magagawa ko sa mga ito kung maging si Ava
Dito pa lang ay tiba na ako. Paano pa kung makuha ko ng buo ang kumpanya? Habang abala si Celine sa paghahanda ng kasal na gaganapin na sunod na linggo ay naging abala din ako sa pagsubok na alisin sa aking landas ang pinsan ko. Ngunit hindi madali, wala akong pagkakataon, kung hindi darating




![My Professor, My Fuck Buddy [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


