Share

Accidentally inlove with you ( Tagalog Version)
Accidentally inlove with you ( Tagalog Version)
Author: CrazyMe016

PROLOGUE

" Meet me or you'll regret it" 

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang huling salitang binitawan ng lalaki sa telepono bago mabilis na tumakbo palabas ng kwartong aking tinutuluyan. 

Walang tigil at walang pagod na maramdaman sa bawat pagpadyak ng mga paa sa lupa na ang tanging nasa isip ay mailigtas ang taong hawak nito. 

Hanggang sa unti-unti na palang pumapatak ang ulan nang hindi namamalayan... Ngunit hindi magawang huminto sa pagtakbo... 

Madilim ang paligid... Tanging ang liwanag na nanggagaling sa kidlat ang nagpapaliwanag sa aking dinadaanan... Maging ang malakas na kulog na kasabay nito ay nagbibigay ng takot sa aking puso... Takot na mahuli ang lahat... Na hindi ko na ito masilayan pa...

" It's your choice, you better decide or else... You know what I mean" mala-demonyong ngumisi sa akin ang lalaking minsan ko lamang nakilala kasabay ng pagtutok nito ng baril sa taong naging haligi ng aking buhay na naghihina at nakaluhod, duguang bakas ng pagpapakasakit dito. 

Ang mga luhang kanina pa nagbabadya ay tuluyan ng tumulo, takot sa maaring maging kahinatnan ng aking sagot. Ngunit ang taong aking nasa harapan ay walang takot na ngumiti sa akin. " Don't let other people tell you what to do, you are the boss of your life." 

Hindi ko alam kung papano nito nagagawang maging kalmado at isipin pa din ang aking kapakanan kahit ito ay nasa mapanganib na sitwasyon. Tuluyan akong napahagulgol, " how... How can I do that? I don't wanna lose you... " 

Tumingin ako sa taong dahilan ng lahat ng aming paghihirap." Please, nagmamakaawa ko... Itigil mo na ito! " ngunit isang mala-demonyong ngisi lamang ang ginanti nito sa akin. " I do the orders, so better be quick. My hands are itching to pull the trigger" 

Galit... Galit na galit ako sa taong ito pero wala kong magawa... Mahina at walang kalaban-laban. 

" Samantha, you are one of the best thing that happened to me. So I don't mind dying if it means letting you live a normal life" mas lalo akong napahagulgol sa harapan nito. Hindi ko kaya... Hindi ko kaya...

" I'm sorry if I failed you but I promised to protect you no matter what... " Ngumiti ito kasabay ng paghalik sa aking ulo na nagdulot ng panibagong bugso ng luha. 

" Ah.. this is getting longer. I don't have patience for this." The man clicked his tongue as he clicked the back slide, ready to pull the trigger" Let me give you a warning." 

At bago pa man ako makakilos ay may pulang likido nang dumaloy sa mukha ng aking kaharap kasabay ng pagkahulog ng katawan nito sa lupa. Bumungad sa aking harapan ang baril na umuusok pa sa naging pagputok nito. Nakangisinv nakatingin sa akin ang taong may hawak nito, " that my dear is the result of being disobedient." 

Nanginginig na muli kong tinignan ang nakahandusay na katawan ng taong binawian nito ng buhay. Ang taong walang sawang nagmamahal sa akin... Hanggang sa kadulo-duluhan, kapakanan ko pa din ang inisip nito...

Niyakap ko ang katawan nito, palahaw ang iyak, sumasabay sa malakas na pagbuhos ng ulan. Nang dahil sa akin, nawala ang isang inosenteng tao... Nang dahil sakin, isang buhay ang nasayang... Kung sinunod ko na lamang sana ang kagustuhan ng lalaki... Hindi sana ito nakahandusay ngayon sa harapan ko... 

" Now, I think I made myself clear. Do you want to do this again? I got two more bullets" mabilis ang aking naging pag-iling, ramdam ang takot na maulit pa ang ganitong pangyayari. " P-pumapayag na a-ako..." Nginig ang boses na turan ko dito.

Unti-unti naman itong lumapit sa king kinauupuan saka ngumisi, " then it's settled. You're mine" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status