Share

Chapter 19- Diwata (Act 2)

Natigilan naman si Lapunaya sa rebelasyong ginawa ni Arius. Napatinigin naman ako kay Lapunaya. Bakit niya tinulungan si Mr. Gerard  kung papatayin niya rin lamang ito? Naikuyom ni Lapunaya ang mga kamay niya. Mababakas sa mukha niya ang galit kaya naman pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

“Ipinagtanggol ko lamang ang sarili ko! Kung hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko malamang ako naman ang mamamatay! Hindi ko ginustong patayin ang mortal na iyon!” ang sigaw ni Lapunaya.

Halos mangatal ang sarili kong katawan sa narinig ko. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

“Oo! Alam kong mali! Pero mamamatay ako at ang gubat! Prinotektahan ko lamang ang puso ng kagubatang ito!” ang sigaw ni Lapunaya.

Oo. Maling-mali. Dahil sa padalos-dalos na desisyon, nalimutan niyang walang naniniwala sa kanya at walang nakakakita sa kanila. Miski ang kanilang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status