Mag-log inParehong hindi mapatid ang ngiti sa mga labi nina Malea at Lorea habang matamang pinagmamasdan sina Yugi at Elyan. Limang minuto na ang nagdaan simula nang dumating ang binata pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring walang imik ang magkapatid.Bagama't hindi man sila magsalita ay kitang-kita kung paano sila kiligin. Halata sa kanilang mukha lalo na't parang pinunasan ng blush on ang kanilang mga pisngi.Hindi lamang iyon.Habang panay ang pagsiko ni Malea, panay naman ang pagkurot ni Lorea sa tagiliran ng kanilang kaibigan. Kaya naman sa puntong iyon ay kulang na lang na ipagtulakan ni Elyan ang magkapatid para lang matigil ang mga ito.Pero sa kabila naman ng inis niyang iyon tungo sa dalawa, mas matindi ang inis na nararamdaman niya sa binata. Nag-usap na silang dalawa at malinaw na sa kanila na pansamantala muna silang maghihiwalay at hindi mangingialam sa sari-sarili nilang buhay.Ngunit imbes na gawin iyon ay nandit
Nabulabog ang pagmumuni-muni ni Elyan nang marinig niya ang malakas na pagkalampag ng lamesa sa kanyang harapan. Nag-angat siya ng tingin at hindi kalaunan ay binalingan niya ang kanyang mga kaibigan."Ano? Tulala ka na naman," anas ni Lorea at lumagok ng alak mula sa bote na kabubukas pa lamang nito. "Kanina pa kami daldal ng daldal, hindi ka naman pala nakikinig."Siniko ni Malea ang kapatid nito. "Pwede bang intindihin mo na muna si Elyan ngayon? Alam mo naman siguro kung ano ang pinagdadaanan niya, hindi ba? Hindi lang ngayong araw, pero no'ng mga nakaraan pa. Isa ring rason kung bakit inaya natin siyang lumabas ay dahil gusto natin siyang damayan…at hindi pagalitan."Pinantaasan ni Lorea ng kilay ang kapatid at ilang saglit pa ay hinila nito ang dulo ng buhok ng huli."Wow! Ako? Nagagalit? Sino kaya sa 'ting dalawa ang nanenermon, ha?" ani Lorea at muli ay lumagok ng alak. "Saka, sino bang nagsabi na pinapagalitan ko s
Paglabas pa lamang ni Yugi mula sa kanyang kotse ay agad nang natigil ang mga estudyante sa kanilang mga ginagawa. Ang iba ay nahinto sa pag-uusap at sinundan siya ng tingin, habang ang iba naman ay napukol ang atensyon sa kanya imbes na sa librong kanilang binabasa.Ngunit sa puntong iyon ay mas nanaig ang katahimikan habang abala niyang tinatahak ang daan patungong administrative building. Inaasahan niyang may maririnig siyang bulungan o tawanan.Bukod pa roon ay inaasahan din niyang may biglang lalapit sa kanya at babatuhin siya ng kung ano-anong mga hindi makain na salita.But that never happened.Pero mangyari man ang mga iyon o hindi, walang rason para umatras siya.Hindi kalaunan ay saglit siyang nahinto sa paglalakad nang tuluyan na siyang makarating sa harap ng gusali. Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya nang mapukol ang tingin niya sa second floor kung saan nandoon ang Dean's Office.Matapos ang mga sandaling iyon ay tuluyan na rin siyang umakyat ng hagdan.K
"Tutor, huh?" patango-tangong anas ni Mr. Ian.Tinapunan nito ng tingin ang mga kasamahan nito, ngunit ilang saglit pa ay muli na naman nitong itinuon ang atensyon nito kina Mrs. Levian at Elyan."He might be Ms. Marquez's tutor, but that doesn't change the fact na lumagpas pa ang relasyon nila roon," sambit nitong muli. "Mrs. Levian, walang masama sa pagiging tutor. Pero ang tanong, talaga nga bang tutor nitong si Ms. Elyan si Mr. Zafara? Meron bang patunay?"Natawa si Mrs. Arevalo. "She's already a college student. Hindi na siya bata na kailangan pa niyang magkaroon ng tutor. Doesn't she know how to study properly?""Saka isa pa," dagdag ni Mrs. Damian, "meron bang tutor at student na naghahalikan? Kahit sa pisngi pa 'yan, hindi pa rin dapat. Kitang-kita sa mga pruweba dito sa kinuhang picture ng witness natin. They are more than that."Inilapag nito sa harap ni Mrs. Levian ang mga litratong nagpapatunay tungkol sa sinabi nito. Hindi lamang magkahawak-kamay sina Elyan at Yugi, kundi
Alas-otso pasado na ng umaga ngunit hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog si Jessica. Sa kabilang banda naman ay mataman lamang na pinagmamasdan ni Aki ang nobya sa mga sandaling iyon.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang banayad na hinahaplos ang pisngi nito.He was supposed to be hating her.He was supposed to push her away because of what she did.More importantly, dapat ngayon ay nakipaghiwalay na siya rito.Ngunit sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay nandito pa rin ang dalaga sa apartment niya at natutulog sa kuwarto niya. Hanggang ngayon ay nagagawa pa rin niyang hagkan ito at angkinin ng paulit-ulit.Umiling siya at hindi kalaunan ay sumandal sa headboard ng kama. Sa puntong iyon ay nananatili pa ring nakatuon ang tingin niya sa nobya kahit pa napakaraming mga bagay ang pumapasok sa kanyang isip."Nahulog na ba ako sa kanya?" kunot-noo niyang anas at muli ay hinaplos ang pisngi ng dalaga. He shook his head. "Hindi pwede. Hindi dapat. Oo at balak
"Show them who you really are, Ms. Marquez."Lihim na lamang siyang napapangiti habang inuulit-ulit niya ang mga katagang iyon na binitawan ni Yugi. Nasisiguro niya na isa lang naman ang ibig sabihin ng binata sa sinabi nito.He wanted to see the Elyan who does not back down.Gusto nitong masaksihan ang pagiging palaban niya. Gusto nitong bumalik ang dating Elyan na walang pinipiling tao o lugar. Iyong tipong kahit na sinong makaharap niya, may mataas man na posisyon o wala, ay hindi siya bibitaw sa paninindigan niya.Hindi niya alam kung paano siya magsisimula o kung paano niya ipapakitang muli ang dating Elyan na nakasanayan nila. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya magdadalawang-isip na lagyan ng tuldok ang pagiging 'soft-spoken person' niya.Napatunayan niya na walang magiging magandang dulot iyon. Napatunayan niya na kung magpapatuloy siya sa ganoong klaseng pag-uugali ay aapak-apakan lang siya ng mga taong nasa paligid niya.Noon pa man, wala nang ibang bukambibig ang mga
She kissed Professor Yugi…in a public place.Sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala na hinalikan niya ang binata sa loob ng campus—kung saan may posibilidad na may makakitang estudyante sa kanila.But does she care about it?No!
Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Lester pagpasok niya sa loob ng kotse ng kanyang ama.Last time he knew, he was talking with his father. At ngayon ay napagdesisyunan nitong isama siya sa restaurant kung saan makikipagkita ito sa ama ng babaeng mapapangasawa ng kanyang Kuy
"Bakit kayo nakasimangot?" anas ni Lester, ang kapatid ni Yugi. "May problema na naman ba? Tungkol ba 'yan sa pinag-usapan niyo kahapon ni Papá? Is it about our business?"Hindi sumagot si Levian, ang kanilang ina.Nanatili lamang siyang tulala at hindi kalaunan ay umupo sa tabi ni Kaliya—ang bunso
Inabot lamang ng ilang minuto ang pagmamaneho ni Yugi bago niya tuluyang maiuwi si Elyan sa bahay nito. Kung tutuusin ay may usapan sila ng kanyang mga kasamahan na matapos ang event ay didretso sila sa paborito nilang coffeeshop. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli silang magkaroon ng bond







