Share

Addicted to the Imperfect Billionaire
Addicted to the Imperfect Billionaire
Author: Purple Moonlight

Chapter 1.1

last update Last Updated: 2024-08-20 14:45:42

SUMASARA NA ANG talukap ng mga mata ni Daviana nang makatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa police station. Laking pagtataka ng dalaga dahil halos hatinggabi na iyon. Tamang-tama lang iyon sa kanyang pamamahinga. Kakatapos lang niyang gawin ang research projects. Lumipad sa kung saan ang antok niya nang malaman mula sa kausap na pulis na nasangkot na naman umano sa gulo si Warren Gonzales. Magulo ang pagkaka-kwento ng kausap niyang pulis kung kaya naman hindi niya lubos maintindihan ang tunay na nangyari. Isa pa, kabadong-kabado na siya dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan. Kilala niyang may saltik sa ulo ang lalaki pero hindi naman siguro intensyon na gumawa ng gulo. 

“Jusko ka naman, Warren. Kailan ka ba magtitino ha? Isusumbong na kita sa Mommy mo eh! Wala ka pa ‘ring character development eh ang tanda-tanda mo na!” bulong-bulong niya habang nagdadabog na kinukuha ang kanyang jacket, wallet at cellphone at inilagay iyon sa sling bag niya.

Batid niyang mahihirapan na siyang makabalik sa loob ng dorm oras na lumabas siya ngayon. Curfew na. Isa pa ay maulan din ng mga oras na iyon, may sama ng panahon.

“Hija, saan ka pa pupunta? Gabing-gabi na!” natatarantang harang sa kanya ng caretaker ng kanilang dormitoryo na nagsasara na.

Mahigpit ang caretaker lalo at curfew na. Walang valid ditong rason. Oras na magpilit ka ay tatandaan ka niya at pahihirapan. Memoryado na ni Daviana iyon. Batid din niyang bukas na siya makakabalik sa lugar.

“May importante lang po akong kailangang puntahan. Sige na po, palabasin niyo na ako!” 

“Alam mo naman ang patakaran, oras na lumabas ka ay hindi ka na pwedeng pumasok dahil simula na ng curfew. Ano? Tutuloy ka?” 

“Opo, kailangan ko po talagang lumabas.” marahipit na pagpupumilit pa rin ni Daviana.

Hindi niya pwedeng balewalain si Warren at hayaang abutin ito ng umaga sa loob ng selda. Hindi lang iyon, nag-aalala siya na baka malala ang gulo kaya ito nasa police station. Ang worst pa sa naiisip niya ay baka naka-disgrasya ang lalaki na huwag naman sanang umabot doon. Criminal record iyon na paniguradong ikakabagsak ng pamilya nila.

“Hija, huwag mo sanang masamain pero saan ka pa ba pupunta? Masama ang lagay ng panahon. Nagpahinga lang ang ulan. Kung hindi naman importante ay—”

“Hindi niyo po ako naiintindihan. Sinabi ko na nga pong kailangan kong lumabas dahil importante. Alin po ba doon ang mahirap maunawaan? Hindi naman po ako magpipilit lumabas kung wala lang ito. Kilala niyo po ako since day one noong freshman ako. Emergency lang po talaga kaya lalabas ako!” mangiyak-ngiyak ng wika ni Daviana dito. 

Unti-unting binuksan ng may edad ng babae ang gate ng dormitory na tapos na niyang isara. Hinayaan ng lumabas dito ang dalaga.

“Ang mga college students nga naman ngayon, ang titigas na ng ulo. Ang gagaling na rin magsinungaling para makuha lang ang gusto. Ibang-iba na sila noong unang panahon na ang titino at hindi mapapalabas sa dis-oras ng gabi. Hindi na rin sila masabihan dahil ayaw ng makinig sa matatanda na para rin naman sa kaligtasan nila. May sarili na silang mga desisyon sa buhay na akala nila ay madali lang kapag nagkamali. Wala na rin silang respeto sa kanilang mga sarili.” pasaring pa ng matanda na hindi na lang pinansin doon ni Daviana. 

Hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoo dahil baka mamaya ay makarating pa iyon sa kanilang mga magulang. Pagod na rin siyang paulit-ulit na magpaliwanag. Hindi rin naman nito maiintindihan ang nararamdaman niya kahit na pilitin niya pa. Nagmamadali na siyang lumabas ng building kahit na umaambon na naman, pumara siya ng taxi upang magtungo ng police station. 

“Excuse me...” kuha niya ng atensyon ng mga police na naroon, “Narito po ako para kay Warren Gonzales.” kabadong sambit niya. 

Kinausap siya ng nasa front desk at sinabi sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Nag-fill up siya ng form at naglabas din ng pera. Mabuti na lang at nasa kanya ang secret savings ni Warren na pwede niyang kunin in case na may mga ganitong sitwasyon. Ang lalaki rin ang nagpro-provide ng laman nito. 

“Miss, ano ang relasyon mo kay Warren Gonzales?” interesado ng tanong ng police officer na tumanggap ng sinulatang form.

Nagkaroon ng bahagyang pag-aalinlangan sa inosenteng mukha si Daviana. Nahahati ang isip niya kung magsasabi siya ng totoo dito.

“Kaibigan niya po. Magkaibigan na kami mula mga bata pa lang kami.” sagot niyang hindi na piniling magsinungaling at sabihin na siya ang soon to be wife or fiance ng lalaki.

Matalik na magkaibigan ang mga ninuno ng kanilang mga pamilya. Nagsimula iyon sa kanilang mga Lolo na biruan lang sa simula. Nagkasundo sila na ipapakasal ang kanilang mga apo kapag nasa takdang panahon na. Hindi naman iyon tinutulan ng kanilang mga magulang. Tinanggap nila ng maluwag sa puso ang plano na ipapakasal ang mga bata kapag nasa hustong edad na at nakapagtapos na rin ng kanilang pag-aaral. Seneryoso iyon ng dalawang pamilya at maging ni Daviana na mula pagkabata ay alam niya na ang magiging kapalaran niya sa pag-aasawa. Si Warren lang ang magulo sa kanilang kausap. Hindi maintindihan kung gusto ba siya nito o hindi. Kapag tatanungin ng kanilang mga magulang, hindi nito masabi ang kanyang gusto kaya minsan naiisip niyang napipilitan lang ito. Bagama’t natanggap na rin ni Daviana ang lahat ng iyon, hindi niya pa rin tahasang masabi na fiancee siya ng lalaki. Ang palagi lang niyang nababanggit ay dahil magkaibigan sila halos sabay na ‘ring lumaki.

“Iisa lang kasi ang numerong nakalagay sa kanyang emergency contact sa cellphone at iyon ay ang number mo lang kaya ang buong akala namin ay kapamilya ka o girlfriend.” gulantang ang mukha ng police officer ng sabihin niya iyon habang matamang nakatingin sa kanya. “Para sa iyong kaalaman din Miss, kung kaya namin siya hinuli ay dahil gumawa siya ng malaking gulo sa loob ng bar. May report na ang buong pangyayari. Sabi niya ay self defense lang daw at pagtatanggol lang niya iyon sa kasintahan na napag-tripan ng kapwa babae niya sa loob mismo ng bar. Napag-tripan ng magtungo ito ng banyo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 118.3

    WALANG PAGDADALAWA NG isip na hinila ni Viana si Rohi palayo kay Warren at tiningnan na ito mula ulo hanggang paa. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Hindi maikakaila ang kabang nasa mukha nito.“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba niya? Sabihin mo sa akin, Rohi.”Nagulat doon si Rohi. Siya ang tinatanong nito at hindi si Warren?Warren is now equivalent to a third-class disabled person, and it is not easy to hurt him.“Hindi, ayos lang ako.” Nakahinga doon nang maluwag si Daviana na tiningnan na si Warren. Sumandal si Warren sa pader, pinagpapawisan ang buong katawan dahil sa sakit. Patuloy na dumidilim ang kanyang paningin at nagsimulang tumunog ang kanyang mga tainga. Nang masalubong niya ang tingin ni Viana, natigilan siya. Nakatayo ito sa harap ni Rohi, umaarte na parang tagapagtanggol ng lalaki. Maya-maya pa ay tiningnan na siya gamit ang mga matang kasinglamig ng talim ng kutsilyo.“Warren, tarantado ka talagang basag-ulo ka ah! Why did you hit someone?!”Dahil sa sakit, umiiko

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 118.2

    SA GANOONG SIMULA, kahit na si Rohi ay isang bata pa lamang na hindi kayang kontrolin ang sariling kapalaran noong mga panahong iyon ay naiinis pa rin si Don Madeo sa kanya. Therefore, Rohi came to the family, although he knew that the child was targeted by Carol, pinili ni Don Madeo na magbulag-bulagan tulad ni Welvin. Ngayong malaki na ang bata, mahigpit na hinawakan ni Rohi ang kamay ni Viana upang humingi ng tawad sa matandang kaharap nila.“Grandpa, I'm sorry. Nakagawa kami ni Viana ng desisyon para sa aming sarili sa engagement ceremony ng hindi ito sinasabi nang maaga sa iyo—”Viana quickly interrupted Rohi.“Grandpa, ako ang may kasalanan noon. Ako ang nagbigay ng suggestion na gagawin namin ‘yun.”Tinitigan ng mabuti ni Don Madeo si Rohi, ngunit hindi ito nagbitaw ng anumang salita. Nanatili siyang tahimik. Tila may iniisip itong malalim.“Rohi, pwede bang hayaan mo kaming mag-usap ni Viana ng kami lang? Lumabas ka muna sandali.”Viana was stunned, ngunit kalmado lamang si Ro

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 118.1

    WARREN SEEMED STUNNED. His friends lowered his head to examine the wounds on his body. Tahimik siyang nakaupo doon na parang iskulturang bato na bumagsak. Napaungol siya hanggang sa mahawakan ng kaibigan ang kanyang kanang kamay. Tumitig na doon ang lalaki. Balot na balot na iyon ng kanyang umaalingasaw na dugo. Warren finger bones were twisted and deformed. His friends was a little scared because he was the heir of Gonzales' family. Napatingin siya kay Warren. Napuno ng dugo ang kalahati ng mukha ng kaibigan. Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kaliwang kamay, ibinaba ang kanyang ulo, at ang kanyang mga balikat ay marahas na nanginginig. Isang mahinang hikbi ang narinig niya na mula kay Warren iyon. Dahil siguro sa sakit kung kaya parang naiiyak siya ngayon.“Calm down, Warren. Parating na ang ambulance.”Warren was sent to the hospital. In addition to minor injuries, his right metacarpal bone was severely fractured due to the violent impact, and his index finger was br

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 117.3

    NO WONDER WELVIN got up so early today, naisip iyon ni Warren habang pababa ng hagdan. Parang umaalingawngaw pa rin sa tainga niya ang mga sinabi ng ama sa kanyang kausap sa kabilang linya.“Now, we need to not only win over Rohi, but also his team. Do you know how many domestic companies want to work with them? Yes, we have the upper hand now. The team belongs to Gonzales Group, and we must ensure that everyone feels a sense of belonging in the company. If the projects they are currently working on go smoothly by the second quarter of next year, I will probably mention Rohi again…”Malaki pa ang ngisi doon ng matandang lalaki. “Yes, the board of directors also values him very much. I must hand the company over to reliable people. I am also getting old…”Natigilan si Warren sa pagbaba nang may na-realize sa huling narinig na sinabi ng ama. Ibig ba nitong sabihin ay plano niyang sa anak nito sa labas ipapahawak ang kumpanya? Paano naman siya doon?“Ah, bahala nga siya kung ano ang gus

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 117.2

    ROHI WAS SILENT for a moment, then reached out and held her on his lap, then pinched Viana’s chin and kissed her. Saglit na naging affectionate ang dalawa, naudlot lang iyon nang biglang may nag-doorbell sa pinto. Dinala ng restaurant staff ang kanilang pagkain at si Viana ang nagkusang buksan ang pintuan. When Rohi got up from the sofa, he caught a glimpse of some things thrown in the corner of the sofa. He took a closer look and found that they were wool and knitting needles. Viana carried the bag into the dining table. Sinundan niya na ang babae para magtanong.“What are you knitting?”Viana's computer was offline for a few seconds, then he suddenly realized something.“Nakita mo?”“Be careful when placing knitting needles next time. Kung hindi ka mag-iingat at titingin-tingin sa sofa bago maupo, matutusok ka ng di mo namamalayan.”Ibinaba ni Daviana ang bag at tinapik ang noo. “Sorry, nais ko sanang bigyan ka ng isang surpresa. Gusto kong ihabi ito para sa iyo, ngunit biglang dum

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 117.1

    PAKIRAMDAM NI DANILO ay sinaksak siya ng harapan ni Rohi. Namutla na ang lalaki. Sa sandaling ito ay nagkulay atay ang mukha ng matandang lalaki.“I...I…”Hindi na magawang makapagsalita pa doon ni Danilo. Siguro lasing din siya noong mga oras na iyon at hindi niya na ito magawang maalala pa. Pagkatapos ng lahat, ito ay masyadong matagal na ang nakakalipas. Ilang beses na niyang sinabi ang mga ganoong salita noon at mayroon siyang masasamang kaisipan, pero ngayon inulit-ulit sila ni Rohi na parang sunud-sunod na malakas na sampal sa kanyang mukha. Nais niyang orihinal na magkaroon ng isang matatag na relasyon kay Rohi at tulungan ang kanyang mga investors na humingi ng kooperasyon, ngunit ngayon na ganito ang paratang nito sa kanya, paano niya pa ito masasabi sa lalaki?Nanatiling nakatayo lang si Viana sa tabi ni Rohi at tahimik na nakinig sa lahat ng mga sinabi nito. Sa totoo lang ay manhid na siya pagdating sa amang si Danilo, ngunit nang marinig niyang minsang naisipan ng ama na p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status