BINILISAN NI DAVIANA ang kanyang mga hakbang upang unahan si Rohi. Nagpaubaya naman doon ang binata na pinagbuksan pa siya ng pintuan ng resto. Makahulugan silang tiningnan ng tatlong naiwan nila sa table na prenting nagkukuwentuhan ng mga sandaling iyon. Walang sinuman sa kanilang tatlo ang nag-usisa kung bakit natagalan ang dalawa sa labas, na kahit si Keefer ay may nase-sense na iba ay hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig upang mang-usisa sa kanila. “Daviana, nauna na akong tumikim ng cake mo ha? Huwag ka sanang magagalit.” pangunguna ni Anelie habang sinusulyan na ang kaibigan. “Hmm, ayos lang. Pagkain naman kasi ‘yan na hindi dapat paghintayin.” Itinikom ni Anelie ang bibig. Sobrang curious na siya kung ano ang pinag-usapan ng lider nina Keefer at ng kanyang kaibigan sa labas. Sa tingin niya ay mukhang matagal na silang magkakilalang dalawa nito.“Okay, akala ko magagalit ka dahil inunahan kita.”SA KABILANG banda ay tahimik na ibinaba ni Warren ang cellphone. Naiintind
NATANGGAL ANG NAKABALOT na towel sa katawan ni Melissa na hindi napansin ni Warren na sinadya ng kanyang nobya. Dumampi ang labi ni Warren sa kanyang balikat habang dalang-dala na sa kanilang ginagawa. Humaplos naman ang palad ng babae sa matipunong dibdib ni Warren. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumigil ang lalaki sa kanyang ginagawa. Sa hindi malamang dahilan ay bigla niyang naalala ang naging panaginip. Sa panaginip ay ganundin ang ginagawa niya, hinahalikan ang makinis nitong balikat ay niyayakap niya ang taong nasa ilalim niya. Para na siyang binuhusan ng isang palanggana ng malamig na tubig nang maalala na hindi ang nobya niya ang nasa panaginip kundi ang kaibigan niyang si Daviana. Nanigas ng ilang segundo ang katawan ni Warren. Bigla niyang itinulak papalayo ang katawan ni Melissa, saka napaatras nang ilang hakbang habang hinahabol ang kanyang sariling hininga.“B-Beyb? Bakit mo ako itinulak?” naguguluhang tanong ni Melissa na kamuntikan ng bumulagta sa sahig ng hotel, “May ma
MALIKOT ANG MGA matang napaiwas na agad si Daviana ng tingin sa kay Anelie pagkaraan nilang magkatitigan ng ilang minuto matapos nitong bumulong sa kanyang tainga. Natatakot siya na baka mabasa nito ang laman ng kanyang isipan. Ayaw pa naman niyang malaman ni Anelie ang tungkol sa paglalasing na kanyang ginawa noon kasama sina Keefer at Rohi, paniguradong ito pa ang magiging mitsa ng pagiging alaskador nito.“Huwag ka ngang magsalita diyan nang walang kapararakan! Itikom mo ang bibig mo. Pasmado!”Sa halip na sundin siya nito ay mas nagkaroon pa ito ng lakas na walang takot na e-bully siya.“Huwag nga ako Daviana, nararamdaman kong may itinatago ka sa akin. Hindi ako bulag at saka manhid!” irap pa nito matapos siyang pandilatan, “Umamin ka na sa akin ngayon pa lang. Gusto mo bang ako pa nag kusang makatuklas kung ano?Anong meron sa inyong tatlo? Anong meron, Daviana?”Hinilot na ni Daviana ang kanyang sentido na biglang nanakit nang dahil sa tinurang iyon ng kanyang kaibigan. Mali ang
PAGKASABI NOON NI Rohi ay biglang umayos ito ng tayo at nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. "Siya na nga ang tinutulungan, ayaw pa niya?!” Sa naghihimutok na isipan ni Daviana ay nadama na kung hindi lang siya dito naaawa ay nungkang magmalasakit siya sa kanya at handa siyang tulungan sana. Siya pa tuloy ang naging masama sa pagmamagandang-loob lang naman niya rito. Batid ni Daviana na walang ibang tutulong sa kay Rohi sa lugar na iyon kundi siya lang. Alam ng lahat na isa siyang illegitimate child ng padre de pamilya ng mga Gonzales. Si Daviana lang talaga ang malakas ang loob na kumausap sa lalaki. Maliban sa awa ay sigurado si Daviana na kung nakita siya sakali ng half-brother niyang si Warren ng sandaling iyon ay baka isinumpa na siya nito. “Ikaw na nga ang tinutulungan, ayaw mo pa!” mas nilakasan niya ang litanyang iyon para kay Rohi. “E di huwag kung ayaw mong magpatulong. Yabang mo! Wala ka rin namang ipagmamayabang!” Sa halip na tumalikod ay dahan-dahan na doon si Davi
ILANG BESES NA umirap si Daviana sa kawalan. Napipigtas na ang pasensya niya sa lalaking kaharap. Hindi na ito batang paslit pero ang hirap nitong utusang uminom ng gamot. Panay ang pagpapasaway sa kanya.“Inumin mo na itong gamot, Rohi. Kung hindi ka iinom ng gamot, paano kung...paano kung...may masamang mangyari sa’yo ha? Walang ibang tutulong sa'yo. Wala kang masasandalan. Alam mo 'yan!”Naalala ni Daviana ang tsismis na narinig niya noon sa dorm na may kaklase daw sila sa elementarya na nilalagnat ng mahigit 40 degrees. Hindi iyon naagapan at naapektuhan ang utak. Muntik-muntikan ng tumarak ang mga mata dahil nagkaroon ng convulsion. Kung hindi ito naitakbo sa hospital malamang ay nautas na. Hindi lang iyon, naging dahilan pa iyon upang mas maging mapurol ang utak ng taong iyon.“Paano kung atakehin ka ng convulsion at bigla na lang tumarak ang mga mata? Paano ka, Rohi?”Kung mangyayari iyon kay Rohi, madadala nito ‘yun hanggang sa kanyang pagtanda. Hindi iyon maaalis. Kada lalagn
PUNO NG PAG-AALINLANGAN na sumulyap si Daviana kay Rohi upang tingnan kung medyo bumubuti na ba ang hitsura nito. Hindi niya ito pwedeng basta iwanan lang lalo pa at mayroon itong lagnat. Nag-angat ito ng paningin na tahimik ng nakatitig sa kanyang mukha nang maramdaman ang ginawang pagtitig niya. Matamlay pa rin ang kanyang hitsura kagaya kanina. Walang nagbago doon kahit na nakainom na ito ng gamot. Nakaramdam bigla ng pagkailang sa ginagawa niyang iyon si Daviana, parang hinahalukay kasi nito ang buong pagkatao niya gamit lang ang mga mata niya. Ibang-iba ang paninitig ni Rohi sa kanya. May laman na hindi niya kayang ipaliwanag sa pamamagitan lang ng mga salita. Binawi ni Daviana ang tingin dito nang maramdamang kumalabog ang kanyang puso. Iyong tipong biglang kinabahan siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.“Sige, pupunta ako.” sagot niya sa katanungan ni Warren.Pagkatapos ibaba ang tawag ay pilit ang ngiting hinarap na niya si Rohi. Nahihiya siya dito pero kailangan niyang
UMIKOT LANG NAMAN ang mga mata ni Daviana sa narinig, damang-dama niya kasi ang excitement ng kaibigan na medyo nakakahawa. Iba talaga ang fighting spirit nito. Kumikislap pa ang mga mata sa galak.“Para kang sira, bakit ka naman iiyak aber?” natatawang tanong pa ni Daviana sa kaibigang kaharap niya.“Eh kasi naman, gustong-gusto ko ngang makuha nila. Ini-expect ko na isa ako sa mapipili nila. Hopefully. Alam mo ba kung gaano karaming mga nagtapos ang gustong makapasok sa team nila? Marami, Daviana.” bida pa ni Anelie na para bang walang alam tungkol doon ang kaibigan, “Pero ayon naman sa sabi-sabi ay napakahirap makapasok sa kanila. Masyadong mataas ang standards. Maliban na lang kung kasing talino mo si Darrell, nangangailangan sila ng mayaman sa mga karanasan sa trabaho at hindi may alam lang.” “Gusto mo talagang sundan si Darrell doon at makasama siya sa iisang kompanya?”“Hindi ah, nagkataon lang ang pagsunod ko sa kanya pero gusto ko talagang mapabilang sa team nila...” iwas ni
NAGKATITIGAN NA NANG masama ang dalawang babae ngunit wala ni anong patutsadahang namutawi pa sa kanilang mga labi. Nang makita ni Warren ang tensyon na namamagitan sa kanila ay mabilis siyang lumabas ng kotse at pinuntahan ang dalawa upang pumagitna na. Hindi niya alam kung ano ang pinag-aawayan nila ngunit malakas ang kutob niyang meron. Lumambot naman ang expression ni Melissa nang makita ang anino ni Warren sa gilid ng kanyang mga mata na palapit na sa kanilang banda ni Daviana.“Ako na ang magsasakay niyan sa likod ng sasakyan, sumakay na kayong dalawa sa loob ng kotse.” kuha ni Warren sa handle ng maleta na hindi na nagawa pang ipagdamot ni Daviana dahil si Warren na kasi iyon.Nagawa ng makuha iyon ng lalaki nang hindi nakakapag-react ang nagulat na dalaga. Nakatalikod siya sa banda nito kung kaya naman hindi niya napansin ang ginawa nitong mabilis na paglapit sa pwesto nila. Hinawakan naman ni Melissa ang kamay ni Daviana upang ipakita kay Warren na okay sila ng babae. Hindi n
ILANG SANDALI PA ang lumipas at umahon na si Daviana sa sofa at mabagal na lumabas na ng dressing room na walang sinuman ang nagbibigay sa kanya ng atensyon. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa kung kaya naman nagawa niyang makalabas nang walang sinuman ang nakakakita. Puno ng pananantiya ang hakbang niya sa hallway, tumitingin-tingin sa paligid kahit na kahibangan kung makikita niya doon si Warren. Hindi alam ni Daviana kung saan siya papunta. Gusto niyang lumabas na ng hotel kung kaya naman pumanaog siya kung nasaan ang banquet hall na puno na ng mga bisita. Kung dadaan siya doon, agaw pansin ang kanyang suot na damit. Paniguradong makikilala siya sa isang lingon lang nila.‘Punyeta ka talaga, Warren! Ipapahiya mo ba talaga ako? Bakit mo ako iniwan dito? Tatakas ka rin lang naman pala!’Namumutla pa rin ang kanyang mukha. Sa halip na dumiretso at ituloy ang kanyang paglalakad, muli siyang umikot upang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi siya pwedeng lumabas. Dinala siya ng kany
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.“Hindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!” problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. “Mabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!” baling na nito sa kanyang asawa.“Ano ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?” baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. “Hindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.” hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.“Oo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.” Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th
NANATILING TIKOM ANG bibig at tahimik si Rohi kahit pa binubungangaan na siya ni Keefer. Bahagyang kumikirot pa ang kanyang tiyan kung kaya naman medyo iritable pa siya ng sandaling iyon. “Kung bumitaw ako noon ng maaga, malamang wala na ako sa mundo ngayon.” Napakamot na sa batok niya si Keefer. Nagagawa pa talaga siyang ipilosopo ng kaibigan? “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Bro. Si Daviana. Siya ang topic natin. Iba-iba ang babae. Ang ibig kong sabihin ay ang daming babae, hindi lang siya. Bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo sa babaeng iyon na walang ibang ginawa kung hindi ang pasakitan ka, ha? Hindi lang iyon, fiancée na siya ng kapatid mong hilaw. Kalaban mo na siya ngayon, Rohi. Kalaban!”Kumuha si Rohi ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan iyon at pagkatapos huminga ng malalim.“Hindi naman iyon mahalaga. Saka, hindi makukuntento iyon si Warren dahil lang sa engagement nila ni Daviana. Isa pa, nandiyan din ang girlfriend niyang si Melissa na nasa pagitan nila.”N