Share

Chapter 32.1

last update Last Updated: 2024-10-06 21:39:09

SA NABASANG CHAT mula kay Daviana ay agad ng napatayo si Rohi. Rumihistro sa kanyang mukha ang kakaibang kaba. Weird man pakinggan pero batid niyang may ibang laman ang sinasabi ni Daviana ngayon sa chat sa kanya. Napakurap na ang mga mata ni Rohi nang makita niyang biglang ini-unsent iyon ng dalaga, mas lalo pa siya ritong nabahala. Biglang dumilim na ang mukha niya na biglang naging balisa. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Keefer na nasa harapan pa rin niya at matamang nakatingin sa kanya.

“Anong meron? Sino ang nag-chat?”

Ipinilig ni Rohi ang kanyang ulo. Ayaw ipaalam sa kaibigan kung sino iyon dahil tiyak na marami itong tanong. Nasa inbox pa rin ng chat nila ni Daviana ang mga mata ng binata. Humigpit ang kanyang hawak sa cellphone. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mag-alala kay Daviana.

“Wala...”

Nag-sink in na sa utak niya kung tungkol saan ang tinatanong ni Daviana. Bigla siyang mas nataranta. Naiintindihan niya na dahil biglang sumagi sa isip niya ang tungkol s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lea Bolawit Pugado
next Po ma'am?!
goodnovel comment avatar
Lea Bolawit Pugado
salamat sa update po!...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 100.1

    NASAPO PA NG babae ang kanyang noo na para bang hindi pa tapos doon ang kanilang problema.“Tingnan mo na kung anong klaseng problema ang idinagdag mo sa balikat ni Rohi?” si Keefer na hindi na napigilan na sumawsaw sa kanilang usapan, “Dami na nga niyang isipin sa trabaho!”Kawangis ng sakit ng mga salita ni Keefer ay ang pakiramdam na tinarakan ng patalim ang puso ni Daviana. Hindi niya man tahasang aminin, apektado siya ng paratang nitong tunay naman. Sinamaan na ni Rohi ng tingin si Keefer. Tinaasan lang naman siya nito ng isa niya pang kilay.“Prino-protektahan mo talaga siya, ikaw ba? Kaya ka bang protektahan ng babaeng iyan, Bro?”Pabirong nilamukos ni Rohi ang

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.3

    MAKAHULUGAN NA SIYANG tiningnan ng ina. Iyong tipong parang nang-aasar ang mga mata nito. Tinakpan na ni Daviana ang kanyang mukha upang itago na ang labis noong pamumula.“Ano ang gusto mong sabihin ko sa’yo? Bilang ina, dapat turuan kita ng tamang asal na hindi magpapababa ng pagkababae mo ngunit alam ko naman na may special kang plano kung kaya katanggap-tanggap itong plano mo para sa akin kahit na sa ibang tao ay hindi.”Nabuhayan ang mga mata ni Daviana.“Pero paano mo iyon sasabihin kay Rohi? Hindi ito kagaya ng dati mong sitwasyon noong lumayas ka sa bahay. Binigyan ka na ng tahanan ngayon, dapat may valid kang dahilan anak.”“Gagawa ako ng paraan, Mommy. Saka f

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.2

    HINDI MUNA BUMALIK si Daviana sa loob ng bahay. Nanatili siya sa kung saan siya iniwan ni Rohi na nakatayo. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Nagtipa siya ng message kay Rohi na mag-iingat ito pauwi at mag-send ng message kapag nasa hotel suite na. Ngunit hindi niya magawang i-send iyon. Panay lang ang baba ng kanyang mga luha. Na-realtalk siya ni Rohi. Hindi nito intensyon, ngunit alam niyang nais lang nitong ilabas ang kanyang nararamdaman.“Nakakainis, kasalanan ko naman kaya bakit ako ang may karapatang umiyak?”Nakagat na niya ang labi. Pilit na patahanin ang kanyang pag-iyak dahil sa sinabi ni Rohi. Upang mas libangin ang kanyang sarili, minabuti niyang tawagan si Anelie. Ayaw din naman siyang tanungin ng ina pagpasok kung bakit namumula ang mga mata niya. Magpapalipas oras muna siya. Mamaya p

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.1

    KAGAYA NG DATING tayo. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang mga salitang iyon sa magkabilang tainga ni Daviana na para bang pilit na sinasalpak iyon sa kanyang isipan upang sabihin na kailangan niyang intindihin iyon. Nanigas na ang katawan niya sa kinatatayuan. Nangapal ang mukha niya na para bang nakatanggap siya ng mag-asawang sampal. Hindi niya inalis ang mga mata at nakipagsukatan pa siya ng tingin kay Rohi. Hindi niya alam na ganun na pala ang pakiramdam ng lalaki sa mga ginagawa niya pero wala lang iyon sa kanya. Hindi naman niya iyon sadya, hiningi lang ito ng pagkakataon kaya niya nagawa. Kaya lang hindi niya pwedeng iyon ang idahilan at gawing katwiran kay Rohi. Alam niyang sobrang laki ng kasalanan niya dito. Tinalikuran niya ito, ipinamukha na hindi dapat piliin pero ito pa rin ang nagligtas sa kanya dito.“Hindi mo man lang ba naisip na makasama ako habangbuhay?” may tono ng sakit ang tanong na iyon ni Rohi nang makita niyang parang walang plano si Viana na tumugon, “ Kasi a

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 98.3

    NAIS NA NI Daviana na lumubog sa kanyang kinauupuan. First time niya nga, alangan naman na magaling na siya agad? Isa pa, hindi naman kailangan na sabihin iyon ng ina niya.“First time ko pa lang naman magluto, sa sunod matututunan ko rin iyon agad. Saka hindi iyan masasayang, uubusin ko iyan. Favorite ko kaya ang mga gulay lalo na ang kangkong.”Hindi siya pinansin ng inang inilapit na ang niluto niyang ulam sa kanyang manugangin.“Hijo, kain na.” Salitan silang tiningnan ni Rohi. Maya-maya pa ay dinampot na ang kubyertos. Napatanga na ang mag-ina nang makita nilang kumuha si Rohi ng maitim na kangkong sa plato ni Daviana. Diretso niya iyong sinubo sa bibig at kapagdaka ay sumubo na rin siya dito ng kanin. Nanatili ang tingin ng mag-ina sa ginawa nitong pagnguya sa pagkain na parang ini-enjoy. “Ayos lang naman, sakto sa kanin.” komento nito na alam ni Daviana na pampalubag-loob. Alam niya sa kanyang sarili na maalat at naparami ang toyo na kanyang inilagay. Napanguso na si Daviana

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 98.2

    MALALAKI ANG MGA hakbang ni Rohi na tinulak na ang shopping cart nila. Sinundan naman siya ni Daviana habang hawak pa rin ang kanyang cellphone kung saan bukas ang kanyang bank account at handa ng i-transfer ang pera. Nang maabutan ay kinulit niya ulit. “Rohi? Scan ko na lang ang QR-code mo. Akin na.” Hindi pa rin siya noon pinansin ni Rohi. Naaalibadbaran na si Daviana. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganun ang reaction ni Rohi, gayong noong engagement sumasagot naman ito sa kanya kapag kinakausap niya. Nagsisisi na ba ito dito? Ang isipin iyon ay parang pinipiga ng invisible na mga kamay ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay palayo nang palayo ang damdamin sa kanya ni Rohi kahit ang lapit nito. “Rohi—” Kinausap ni Rohi ang ibang staff kung saan sinabi nitong e-deliver ang iba sa kanilang pinamili dahil hindi nila kayang bitbitin ang lahat ng iyon. Itinikom na lang ni Daviana ang bibig kahit na nakalulan na sila ng sasakyan. Kung ayaw siya nitong kausapin, eh ‘di

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status