WALANG IMIK PA rin na naupo na si Daviana sa sofa at kinuha na ang kanyang cellphone. Isa-isa na niyang tiningnan kung sino ang mga nag-message sa kanya galing sa mga kakilala. Pinakamarami pa ay ang message ng bestfriend niya. Tinatanong kung ano ang nangyari at bakit biglang may replacement ng lalaking naganapp. Ilang beses niyang pinakatitigan ang screen ng kanyang cellphone. Iniisip kung sasabihin niya ba ang totoo. Sa huli ay nag-reply siya dito na nilayasan siya ni Warren na sa tingin niya ay mas piniling makasama ang nobyang si Melissa, kung kaya naman ilang sandali pa ay nakita niyang tumatawag na ito. Malamang ay upang mas makibalita pa ang kaibigan ng mga kaganapan. “Gago ba siya? Bakit niya ginawa iyon sa’yo? Siraulo talaga ang Warren na iyon! Mabuti na lang at may sumalo sa’yo!” Naisip ni Daviana na oo nga, mabuti na lang at may isang Rohi na laging willing na nais siyang saluhin sa pagkalugmok.“Oo nga, ako lang sana ang sobrang nakakahiya at pinagtatawanan doon.” Napa
GUSTO RIN MAKAALIS ni Nida sa sitwasyon na kanyang kinasasadlakan ng mga sandaling iyon at ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataon na siyang lumalapit na sa kanya, pakakawalan niya pa ba? Walang pag-aalinlangan na humakbang siya palapit sa anak at diretsong pumasok sa loob ng sasakyan ni Rohi. Ni hindi nilingon ang kanyang asawa.“Saan ka pupunta?!” hablot ni Danilo sa isang braso ni Nida dahilan upang matigilan ito sa kanyang pagpasok sa loob. Ubod lakas na pinalis ni Nida ang kamay ni Danilo at nanlilisik na itong nilingon. “Saan sa tingin mo? Malamang para makalaya na sa mga kalupitan mo. Sa tingin mo sasama pa ako sa’yo na walang ginawa kung hindi ang pasakitan lang ako? Kahit pa tumawag ka ng pulis, hindi ako natatakot! Huwag mo akong pigilan!”“Nida—” “Hindi ko na kayang pagtiyagaan pa ang mga ginagawa mo sa akin, Danilo. Tama na!” iling ni Nida na buo na ang desisyon, “Ano? Tatawag ka ba ng pulis? Ang tagal naman. Naiinip na ako. Bilisan mo na. Tawagan mo na sila ngayon!”
NAMEYWANG PA DOON si Danilo upang ipakita sa kanyang anak na siya ang batas hangga’t naroon siya sa bahay nila. “Rohi is my fiance, Dad!” may diin na sagot ni Daviana ngunit nanatili siyang kalmado sa reaksyon ng mukhang ipinapakita, “Wala ka ng pakialam kung sa tingin mo ay pagsira sa pangalan ko o sarili ko ang pagsama ko sa kanya.” Napuno pa ng galit ang mga mata ni Danilo sa pangangatwiran ni Daviana sa kanya na alam niyang maling-mali.“Ama mo ako! Kung hindi dahil sa akin, wala ka sa mundong ito!” panunumbat na niya na kahit saang anggulo tingnan ay maling-mali naman, “Wala kang galang at respeto sa isa sa taong bumuhay sa’yo. Ngayong malaki ka na at pakiramdam mo ay matigas na ang buto mo, basta ka na lang sasama sa kanya at sisirain ang mga plano ko? Wala kang utang na loob!” Hindi na makayanan ni Nida ang mga panunumbat ng kanyang asawa sa anak. Alam niyang wala itong karapatan doon.“Danilo, pwede ba bago mo sumbatan ng ganyan si Daviana ay tanungin mo muna ang sarili mo
HINDI MAN GALING ang pamilya nila sa entertainment industry, may mga paparazzi na sumusunod sa kanila upang makakuha ng larawan na kanilang ilalagay sa online upang pag-usapan. Naisip nila na ang engagement ngayon ay tiyak na magiging paksa ng usapan sa susunod na mga araw dahil kontrobersyal. Ang pagpapalit ng groom to be pansamantala sa seremonya ng engagement ay isang bagay na nagpapa-imagine sa mga tao, hindi na banggitin ang mga mayayaman, kahit na para sa mga ordinaryong tao. Muntik nang makasapak si Danilo ng isang sa mga ito, ngunit pilit siyang nagpipigil at sumakay sa kotse sa napakabilis na takbo. Nakaupo ang assistant niya sa driver's seat, at sinundan siya nina Daviana at Nida sa sasakyan. Hindi pinaupo ni Nida si Daviana sa gitna. Umupo siya sa gitna para hindi na umupo si Daviana sa tabi ng kanyang ama. Parang yelo ang atmosphere sa loob ng sasakyan kaya nahihirapan na silang huminga.“Wala ka bang sasabihin sa akin, Daviana?” tanong ni Danilo nang magsimula ng umaandar
NAPAHAWAK NA SA kanyang batok si Welvin na para bang mapuputukan siya doon ng ugat sa dala nitong problema sa kanilang pamilya kung kaya naman kinakailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Lalo niyang hinigpitan ang pagkuyom ng mga kamao. Alam niya kung anong klase ng ugali mayroon ang anak niya. Sa katunayan, si Rohi ay nagdusa nang husto sa mga nakaraang taon, ngunit hindi siya nagreklamo sa kanya. Inaasahan niya kasing hindi ito papalag at titiisin na lang ang lahat upang tiisin ang lahat ng iyon. Hindi niya inaasahang maghihintay siya na sumabog at sa ganung okasyon pa talaga iyon nangyari. Bilang isang ama, wala siyang natatandaang mabuting nagawa para sa kanyang anak. Nang minsang binanggit ni Rohi ang nakaraan ay siya pa ang mas nagalit, wala rin siyang anumang tiwala na ipagpatuloy nito at hawakan ang kanilang kumpanya kahit na nakikita niya ang potensyal nito at pagiging magaling. Bagay na sobrang layo para sa kanyang kinikilalang tunay na anak na si Warren. Ganun pa man, hin
NAABUTAN NI DAVIANA ang ama sa dressing room na nang makita siya ay mabilis nitong itinaas ang kanyang isang kamay upang sampalin ang anak. Agad naman iyong pinigilan ni Nida na iniharang ang katawan niya sa asawang nanlilisik na ang mga mata. Dinuro na ni Danilo ang anak upang ilabas ang galit. “Hindi mo ba alam na nang dahil sa ginawa mo ay mas lumala ang sakit ni Don Madeo? Wala ka talagang kwenta kahit kailan! Bakit mo ginawa iyon? Kasalanan mo kung bakit siya ulit dinala ng hospital!”“Ano ba Danilo? Bakit si Viana ang sinisisi mo? Hindi ba dapat ay ang apo niyang si Warren dahil siya ang umalis? Tigilan mo nga ang anak mo, talipandas ka!”Natitigilan lang doon si Daviana na nakatayo. Hindi niya alam na may ganung pangyayari. Saka tama ang kanyang ina, bakit siya ang sinisisi ng kanyang ama? Hindi niya naman maiisip na ipalit si Rohi kung naroon lang si Warren. Dapat bang hinayaan na lang niya na mapahiya siya? Ganun na lang ba dapat iyon?Si Don Madeo ay orihinal na dinala sa i
BUMAON NA ANG kuko ni Daviana sa balat sa braso ni Rohi ngunit hindi pa rin naging alintana iyon ng lalaki. Lumalim pa lalo ang halik niya sa labi ng babae. Miss na miss na niya ito. At hindi na niya makakaya pang magkunwari na hindi kahit na maraming tao ang makakakita sa kanyang naging action. Karamihan sa mga nanonood pa naman ay napaismid na, lalo na iyong mga taong may edad na at alam na hindi naman dapat siya ang naroon sa stage. Samantalang ang mga taong malapit lang sa kanilang edad ay hindi maitago ang labis na excitement sa tinig. Kilig na kilig dahil pakiramdam nila ay sila ang naroon sa stage. Pinamula pa ng scene na iyon ang mukha ng ibang babae, habang ang ilan ay tinatakpan ang mukha nila.Ang pangingibabaw ng karaniwang malamig at walang reaction na tao sa gayong bagay kayaga ni Rohi ay nagpapakita kung gaano kalalim ang pag-ibig niya kay Daviana. Malinaw na ginagamit nito ang okasyon para ipakita at ipahayag ang kanyang soberanya. Ipinapabatid din noon na nais niyang
NAGNGALIT PA ANG mga ngipin ni Danilo kasabay ng makailang beses na pag-igting ng kanyang mga panga dala ng labis na inis. Gustong-gusto niyang magtungo ng stage upang hilahin at kaladkarin paalis doon ang anak, subalit ayaw iyong payagan ni Welvin. Kung hindi lang siya nahihiya na mawalan ng respeto dito, kanina niya pa iyon ginawa. Hindi naman niya pwedeng kalabanin ang lalaki dahil siya rin naman ang malilintikan sa bandang huli. Mas lalo siyang mawawalan oras na suwayin niya ito. Matagal na niyang inaasam-asam at inaabangan ang seremonya ng engagement na mangyari. Ngayon ay nagulo lang ang lahat ng iyon lalo na ang naging mga plano niya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap ngayong sa anak sa labas pa na-engage si Daviana sa halip na kay Warren. Kumbaga, salapi na naging bato pa. Kayamanan na naglaho pa. Paniguradong hindi na siya pwedeng ma-engage pa rin kay Warren oras na mahanap ang lalaki. Napakalayo na ng posibilidad noon. Hindi na rin papayagan pa ng mga Gonz
PROBLEMADONG NAPAKAMOT NA sa kanyang ulo ang padre de pamilya ng mga Gonzales. Sa totoo lang ay hindi niya rin matanggap na magagawa iyon ng kanilang anak na si Warren, at lalong ayaw niyang masangkot doon ang anak niya sa labas. Subalit ano ang magagawa niya? Dadagdagan pa ba niya ang kahihiyang kinakaharap ng pamilya Gonzales ngayon?“Kung pipigilan natin ang ceremony ngayon, mas lalong nakakahiya Carol. Ano ang idadahilan mo pagpunta mo ng stage matapos mong pigilan ang engagement? Hindi na matutuloy dahil tumakas ang ating anak? Ipapangalandakan mo iyon?”Bumagsak na ang magkabilang balikat doon ni Carol na mukhang wala na nga yata siyang ibang magagawa. Bahagyang humapay ang kanyang katawan na hindi na mapigilan manlambot. Tama naman din ang kanyang asawa. Ang perfect na sana ng plano nila kung hindi lang sinira ng kanilang anak na si Warren. Paniguradong nang dahil din iyon kay Melissa.“Ako na lang ang pupunta ng stage upang pigilan sila,” saad ni Danilo na naikuyom na ang kany