NABURO PA ANG mga mata ni Daviana sa kanyang ina na nakatitig lang din sa kanya. Alam niya kung ano ang pinupunto nito. Ngunit ang kailangan ay mayroong magsabi pa sa kanya.“Close ba kami? Ilang beses pa lang din kaming nagkita, hindi ba?” tawa na ni Nida habang naiiling ang kanyang ulo, “Kita naman na kaya niya ginagawa ang lahat ng bagay na ito ay dahil sa iyo at hindi sa akin. Malamang dahil ako ang magiging mother-in-law niya kung kaya naman nagpapalakas siya. Huwag mo sanang isipin na pinapahirap ko ang mga bagay sa kanya. Gusto ko lang makita kung gaano niya ako pakikisamahan nang dahil sa’yo anak.”“Kahit na Mommy, napaka-responsable niyang lalaki. Huwag naman sanang ganun…”“Aba at talagang prino-protektahan mo siya ah? Sobrang mahal na mahal mo siya ‘no?”Natutop pa ni Nida ang kanyang bibig at pinanliitan ng mga mata ang anak upang tuksuhin pa. Naging dahilan iyon upang parang sinusunog na ang tainga ni Daviana. “Halika, tutal maaga pa naman ay mamili tayo ng mga gamit na
NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Daviana nang maramdaman niya ang pag-init noon. Pahapyaw niya iyong hinaplos. Alam niyang kaunti na lang at bababa na ang mga luhang nasa mga pilik-mata niya ngayon. Suminghot siya na tumalikod na at muling pumasok sa loob. Pinalis niya na ang ilang butil na tumakas.“Paanong hindi iyon masakit ay maga na nga tapos bakas pa ang mga daliri ni Tito Welvin? Ililihim niya pa sa akin eh, alam ko rin iyon dahil naranasan ko…” Natatandaan niya pa noong nasampiga siya ng kanyang ama, sobrang sakit kaya noon na ilang araw niyang hinintay bago gumaling at bumalik sa dati.“Bakit nakabusangot ka? Hindi mo na naabutan?” “Naabutan.” “Oh, e bakit ganyan ang reaction ng mukha mo?” Napatingin na si Daviana sa kanyang mga paa. Gulong-gulo ang isipan niya. Sasabihin niya ba sa ina o hindi? Sana pala hindi na lang niya tinanong si Rohi kung nais nitong maging fiance niya. Baka napipilitan lang ito at ngayon lamang nito na-realize.“Wala po. Mommy, sana ay hindi mo ti
NANG MAPANSIN ANG hilatsa ng mukha ng inang parang galit ay nilapitan siya ni Daviana. “Mom, sino ang tumawag?” Nilingon na ng Ginang ang anak. “Nurse.” Nangunot na ang noo ni Daviana na hindi maintindihan ang sinasabi ng kanyang ina. Bakit naman ito tatawagan ng nurse. Hindi niya kailangang itago ang lahat dito kung kaya naman sinabi niya kung ano ang tunay na kalagayan ng kanyang ama. Sinubukan ng babae na buksan ang bibig upang may sabihin patungkol sa ama ngunit walang lumabas sa bibig niya. “Kung anuman ang mangyari sa iyong ama ngayon, hindi pa rin naman ako lubusang magiging masaya. Napakarami niyang utang na malamang ay ako ang sasalo. Sakit sa ulo!” Sumagi sa isipan ni Daviana ang sinabi ni Rohi noon na pwedeng mag-divorce ang kanyang mga magulang, tapos tutulungan sila nitong kumawala sa malaking utang. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Nakakahiya naman kung sasamantalahin niya ang lahat na sa kabila ng kanyang mga ginawa ay hihiram pa siya ng pera sa lalaki. Kahit n
WALANG IMIK PA rin na naupo na si Daviana sa sofa at kinuha na ang kanyang cellphone. Isa-isa na niyang tiningnan kung sino ang mga nag-message sa kanya galing sa mga kakilala. Pinakamarami pa ay ang message ng bestfriend niya. Tinatanong kung ano ang nangyari at bakit biglang may replacement ng lalaking naganapp. Ilang beses niyang pinakatitigan ang screen ng kanyang cellphone. Iniisip kung sasabihin niya ba ang totoo. Sa huli ay nag-reply siya dito na nilayasan siya ni Warren na sa tingin niya ay mas piniling makasama ang nobyang si Melissa, kung kaya naman ilang sandali pa ay nakita niyang tumatawag na ito. Malamang ay upang mas makibalita pa ang kaibigan ng mga kaganapan. “Gago ba siya? Bakit niya ginawa iyon sa’yo? Siraulo talaga ang Warren na iyon! Mabuti na lang at may sumalo sa’yo!” Naisip ni Daviana na oo nga, mabuti na lang at may isang Rohi na laging willing na nais siyang saluhin sa pagkalugmok.“Oo nga, ako lang sana ang sobrang nakakahiya at pinagtatawanan doon.” Napa
GUSTO RIN MAKAALIS ni Nida sa sitwasyon na kanyang kinasasadlakan ng mga sandaling iyon at ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataon na siyang lumalapit na sa kanya, pakakawalan niya pa ba? Walang pag-aalinlangan na humakbang siya palapit sa anak at diretsong pumasok sa loob ng sasakyan ni Rohi. Ni hindi nilingon ang kanyang asawa.“Saan ka pupunta?!” hablot ni Danilo sa isang braso ni Nida dahilan upang matigilan ito sa kanyang pagpasok sa loob. Ubod lakas na pinalis ni Nida ang kamay ni Danilo at nanlilisik na itong nilingon. “Saan sa tingin mo? Malamang para makalaya na sa mga kalupitan mo. Sa tingin mo sasama pa ako sa’yo na walang ginawa kung hindi ang pasakitan lang ako? Kahit pa tumawag ka ng pulis, hindi ako natatakot! Huwag mo akong pigilan!”“Nida—” “Hindi ko na kayang pagtiyagaan pa ang mga ginagawa mo sa akin, Danilo. Tama na!” iling ni Nida na buo na ang desisyon, “Ano? Tatawag ka ba ng pulis? Ang tagal naman. Naiinip na ako. Bilisan mo na. Tawagan mo na sila ngayon!”
NAMEYWANG PA DOON si Danilo upang ipakita sa kanyang anak na siya ang batas hangga’t naroon siya sa bahay nila. “Rohi is my fiance, Dad!” may diin na sagot ni Daviana ngunit nanatili siyang kalmado sa reaksyon ng mukhang ipinapakita, “Wala ka ng pakialam kung sa tingin mo ay pagsira sa pangalan ko o sarili ko ang pagsama ko sa kanya.” Napuno pa ng galit ang mga mata ni Danilo sa pangangatwiran ni Daviana sa kanya na alam niyang maling-mali.“Ama mo ako! Kung hindi dahil sa akin, wala ka sa mundong ito!” panunumbat na niya na kahit saang anggulo tingnan ay maling-mali naman, “Wala kang galang at respeto sa isa sa taong bumuhay sa’yo. Ngayong malaki ka na at pakiramdam mo ay matigas na ang buto mo, basta ka na lang sasama sa kanya at sisirain ang mga plano ko? Wala kang utang na loob!” Hindi na makayanan ni Nida ang mga panunumbat ng kanyang asawa sa anak. Alam niyang wala itong karapatan doon.“Danilo, pwede ba bago mo sumbatan ng ganyan si Daviana ay tanungin mo muna ang sarili mo
HINDI MAN GALING ang pamilya nila sa entertainment industry, may mga paparazzi na sumusunod sa kanila upang makakuha ng larawan na kanilang ilalagay sa online upang pag-usapan. Naisip nila na ang engagement ngayon ay tiyak na magiging paksa ng usapan sa susunod na mga araw dahil kontrobersyal. Ang pagpapalit ng groom to be pansamantala sa seremonya ng engagement ay isang bagay na nagpapa-imagine sa mga tao, hindi na banggitin ang mga mayayaman, kahit na para sa mga ordinaryong tao. Muntik nang makasapak si Danilo ng isang sa mga ito, ngunit pilit siyang nagpipigil at sumakay sa kotse sa napakabilis na takbo. Nakaupo ang assistant niya sa driver's seat, at sinundan siya nina Daviana at Nida sa sasakyan. Hindi pinaupo ni Nida si Daviana sa gitna. Umupo siya sa gitna para hindi na umupo si Daviana sa tabi ng kanyang ama. Parang yelo ang atmosphere sa loob ng sasakyan kaya nahihirapan na silang huminga.“Wala ka bang sasabihin sa akin, Daviana?” tanong ni Danilo nang magsimula ng umaandar
NAPAHAWAK NA SA kanyang batok si Welvin na para bang mapuputukan siya doon ng ugat sa dala nitong problema sa kanilang pamilya kung kaya naman kinakailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Lalo niyang hinigpitan ang pagkuyom ng mga kamao. Alam niya kung anong klase ng ugali mayroon ang anak niya. Sa katunayan, si Rohi ay nagdusa nang husto sa mga nakaraang taon, ngunit hindi siya nagreklamo sa kanya. Inaasahan niya kasing hindi ito papalag at titiisin na lang ang lahat upang tiisin ang lahat ng iyon. Hindi niya inaasahang maghihintay siya na sumabog at sa ganung okasyon pa talaga iyon nangyari. Bilang isang ama, wala siyang natatandaang mabuting nagawa para sa kanyang anak. Nang minsang binanggit ni Rohi ang nakaraan ay siya pa ang mas nagalit, wala rin siyang anumang tiwala na ipagpatuloy nito at hawakan ang kanilang kumpanya kahit na nakikita niya ang potensyal nito at pagiging magaling. Bagay na sobrang layo para sa kanyang kinikilalang tunay na anak na si Warren. Ganun pa man, hin
NAABUTAN NI DAVIANA ang ama sa dressing room na nang makita siya ay mabilis nitong itinaas ang kanyang isang kamay upang sampalin ang anak. Agad naman iyong pinigilan ni Nida na iniharang ang katawan niya sa asawang nanlilisik na ang mga mata. Dinuro na ni Danilo ang anak upang ilabas ang galit. “Hindi mo ba alam na nang dahil sa ginawa mo ay mas lumala ang sakit ni Don Madeo? Wala ka talagang kwenta kahit kailan! Bakit mo ginawa iyon? Kasalanan mo kung bakit siya ulit dinala ng hospital!”“Ano ba Danilo? Bakit si Viana ang sinisisi mo? Hindi ba dapat ay ang apo niyang si Warren dahil siya ang umalis? Tigilan mo nga ang anak mo, talipandas ka!”Natitigilan lang doon si Daviana na nakatayo. Hindi niya alam na may ganung pangyayari. Saka tama ang kanyang ina, bakit siya ang sinisisi ng kanyang ama? Hindi niya naman maiisip na ipalit si Rohi kung naroon lang si Warren. Dapat bang hinayaan na lang niya na mapahiya siya? Ganun na lang ba dapat iyon?Si Don Madeo ay orihinal na dinala sa i