Share

05: Spark

Hindi pa man nagtatagal na nakakaalis ang tiya at pinsan niya ay tila ba napakabagal ng paglipas ng oras dahil pakiramdam niya ay hindi nagbabago ang paligid kahit na alam niyang dumidilim na.

At para malibang sa pagliligpit at pagsisilid ng mga damit sa dalang mga bayong para sa paghahandang umuwi kinabukasan mula sa evacuation center ay nagsimulang maglamyerda ang kanyang isip.

Kahit na may panaka-naka pa ring pag-ulan ay nagpasya na ang kanyang mga magulang na umuwi dahil mas mabuti na raw na nasa sariling bahay kahit na hirap sila dulot ng bagyo ay makakakilos ang mga ito para gumawa ng paraan.

Ilang sandali pa ay isang eksena kasama ang pinsang si JC - ang palayaw na ibinigay niya para sa lalaki na tanging siya lang ang nakakaalam - ang unti-unting nabubuo sa kanyang isip.

Sa kanyang imahinasyon ay nasa loob sila ng eskwelahan at estranghero sa isa't isa. At ang una nilang pagtatagpo ay para bang itinadhana ng kapalaran dahil sa lawak ng eskwelahan ay bigla silang nagkabungguan n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status