Share

06: Muling Pagbalik

Nang makuwi sila ng sumunod na araw ay halos manlumo sila nang tumambad sa kanila ang kubong tuluyan ng natanggal ang bubong kaya lahat ng gamit nila ay basang-basa.

Kitang-kita ni Bea ang tila naiiyak na anyo ng kanyang nanay habang ang tatay naman niya ay napatiim-bagang.

Walang imik na tuluyan na silang pumasok matapos pagmasdan ang naging lagay ng kanilang bahay. Pagpasok ay ipinatong nila ang mga bayong sa ibabaw ng mesa bago sinimulang ayusin at linisin ang buong bahay.

Habang ang tatay nila ay nagpaalam na pupunta sa may-ari ng lupang sinasaka para magbakasakaling makahiram ng pera na tinanguan lang ng kanilang nanay.

"Magluto ka na muna, Bea. Tingnan mo kung may pwede pang gawing panggatong d'yan," utos ng nanay niya kaya natigilan siya sa pagsampa sa hagdan para sana tumulong na linisin ang kanilang tulugan.

"Opo." Tanging nasabi na lang niya bago nagtuloy sa kalanan tingna kung ano'ng naging lagay ng kanilang mga gatong pero pagkadismaya ang naramdaman niya nang makitang bas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status