Labis ang hagulgol ni Czarina sa sinabi ng kaniyang asawa. Hindi niya lubos maisip na kung ano ang naranasan ng mama niya noong buhay pa ito ay siya rin nakuha niya ngayon— ang pagtaksilan ng asawa.
Dama naman niyang hindi gano'n kaayos ang amor ni Jasper sa kaniya ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na lolokohin siya nito. At ngayon ay gusto pa ni Jasper na makipag-divorce sa kaniya. "Ano'ng nangyayari rito?" Mataas ang boses na tanong ni Donya Elenita. Dinig na dinig na sa buong kabahayan ang pagtatalo ng mag-asawa kaya naman walang inaksayang oras ang Donya't inalam kung ano ang problema. At doon nga'y nabungaran ng matanda ang topless na si Jasper, pa isa-isa nitong ibinabalik ang saplot sa katawan habang ang babaeng kas*ping nito'y hindi pa rin nalalantad ang identifikasyon sa kanilang mga mata. "What is this Jasper?" "Sorry mom, but it's nothing." "Nothing? Na ganyang n*******d ka riyan? At sino naman 'yang iniuwi mo rito huh?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito sa anak, pagkatapos ay kay Czarina naman tumingin. Sinundot nito ang babae sa may paanan gamit ang kaniyang tungkod, iyon ang paraan nito sa pagsita sa manugang. "At ano namang ginagawa amo rito? Sinong maysabi sa 'yong p-puwede ka nang umalis sa pool, huh?" May halong galit sa boses ng Donya, ngunit kahit na gano'n ay hindi pa rin naintindihan ni Czarina ang sinabi nito. Masyadong malayo ang kaniyang kaisipan sa mga oras na 'yon. "Czarina!" Bulyaw ni Jasper. Ang boses lang pala ng lalaki ang magpapabalik kay Czarina sa tamang huwisyo nito, ngunit kahit na gano'n ay hindi pa rin mapigilan ng babae ang pagbuhos ng luhang nananalaytay sa kaniyang pisngi. Sirang-sira ang dignidad ng mabuting asawa samantalang napakataas ng tingin ng asawang lalaki sa kaniyang sarili. Harap-harapan siya nitong sinisira, titig na titig si Czarina sa ginagawang pag-alalay sa kalaguyo niya. Halos ito na ang ang magbihis sa malanding babaeng iyon. "Ano bang itinutunganga mo riyan, babae ha? Ano, manonood ka pa ng palabas ng asawa mo huh?" Tiningnan ni Donya Elenita si Czarina mula ulo hanggang paa. "Pabayaan niyo na 'yan, mamá. Ito naman na ang huling araw niya sa bahay na 'to. I'm filling a divorce." Walang ka-abog-abog na siwalat ni Jasper sa kaniyang pamilya. "Oh, gosh! Really? Well that's a good news. Mukhang kailangan nating magpaparty pa ulit." Maging si Dorothy pala ay naroon narin, nakasaksi sa kataksilan ng kapatid sa sister-in-law niya. Nanatiling tahimik si Czarina, ngunit sa puso niya'y mayroon nang namumuong galit na gusto nang sumabog ano mang oras. Pasimple na niyang naikuyom ang kaniyang palad, hawak ang papel na kaniya'y sinabi ng asawa na pipirmhan niya. "Paano ba 'yan Czarina, edi babalik ka na sa kinapulutan sayo ng kapatid ko? Tama lang 'yon, dahil hindi ka naman talaga nababagay rito." Itinulak ni Dorothy si Czarina't naging dahilan upang mapasampa ito sa pader na mau pinturang kulang puti. Hindi gumanti si Czarina, nag-iisip pa rin siya. Nakayukyok ang kaniyang ulo't tila wala na naman sa sarili. Nalukob na ito ng depresyon at anxiety, wala na siyang ganang kumilos at lumaban sa kanila. Hanggang sa ilang beses na tumunog ang cellphone nito, hindi niya sinasagot. Hindi niya alam na ang nasa kabilang linya'y si Alexander Ford na, ang lalaking gusto siyang maging substitute bride. Ilang segundo pa ang lumipas, ang pamamanhid ng katawan ni Czarina'y nawala. Nagawa na niyang ihakbang ang mga paa, at ang plano niya'y tuluyan ng umalis sa impyernong pinaglalagian niya. Subalit bago 'yon ay gusto muna niyang makita kung sino ang kalaguyo ni Jasper. Gusto niyang matandaan ang mukha nito upang sa susunod ay makaganti man lang siya kahit na sampal, dahil alam niyang sa oras na ito'y hindi hahayaan ni Jasper na madantayan man lang niya ang babae. "Aalis ako, tatanggapin ko ang diborsyo na gusto mo sa isang kondisyon Jasper. Iharap mo sa akin ang babaeng 'yan." "What? Naririnig mo ba ang sarili mo? Wala kang karapatan na magbigay sa akin ng kondisyon!" Galit na bulyaw ni Jasper sa asawa. Nakatitig siya sa hulaang mata nito, na walang halong kahit katitingin na awa. Umpisa pa lang ay ginagamit niya lang naman ang asawa. Kinailangan niya lang ng asawang ihaharap sa kaniyang lolo kaya niya pinakasalan si Czarina. Ngayon ay handa na siyang iwanan ito. "Ano't hindi mo maipakita sa akin ang kabit mo? Talaga bang po-protektahan mo siya, huh? Gusto ko lang malaman kung sino ang bumangga sa akin!" Maging si Donya Elenita ay nagulat sa sinambit ni Czarina, galit ito't desidido sa mga binitiwang salita. "Aba!—" Balak pang sugurin ni Jasper ng asawa, sampalin ito sa tahasang pagtaas ng boses sa kaniya ngunit nang mapigilan ng babaeng kasama magdamag ay ikinalma niya ang sarili. Sumenyas ito na hayaan si Czarina na gawin ang gusto niya. Mataas ang self-confidence ng babae, walang kaabog-abog na matapos magbihis ay hinarap niya si Czarina. Nakangisi ang babaeng ang pangalan ay Joana, kilala ito bilang ikalawang anak ng pamilya Millari, ang isa sa sikat na may-ari ng Clothing Industry sa bansa. Maganda ang kalaguyo ni Jasper, balingkinitan at sadyang nakakabighani naman talaga. "Joana, hindi mo kailangang gawin 'to." Pagpigil ni Jasper rito. Hindi naman ito sumagot, hinawakan lang niya ang braso ni Jasper na animo'y sinasabi na 'ayos lang ang lahat'. "I-ikaw?" Sambit ni Czarina sa pagpapakita ng malanding babae sa katauhan niya. "Nice meeting you, Czarina. Sorry kung sa ganitong paraan tayo nagkita. But it's my pleasure to meet you." Nakaangat ang kabilang side ng labi ni Joana, halatang nanunudyo pa siya. "A-ang kapal ng m-mukha mo!" Dumagundong ang boses ni Czarina sa apat na sulok ng silid na 'yon. Kasunod ay ang pagtangka niyang pagsunggab sa babae, pilit niyang kinakabig kahit ang buhok man lang nito ngunit dahil sa naroon si Jasper ay hindi niya magawa. Hawak si Czarina ng asawa sa kaniyang beywang habang nagpupumiglas. Inilalayo ng lalaki ang asawa mula kay Joana, mas pabor siya sa kalaguyo kaysa rito. "Walanghiya kaaaa!" "Czarina, stop!" "Kakalbuhin kitang babae ka, wala kang ibang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko!" Bruha na ang hitsura ni Czarina, gulo-gulo ang buhok, hulas ang make up at higit sa lahat ay basang-basa pa ito. "Ano bang pinagsasabi mo, huh?" Buong lakas pa rin na pagpipigil ni Jasper sa asawa. "P@pat+yin na kita ngayon ..." Wala nang ibang salitang kumawala sa bibig ni Jasper, isinagip niya ang babaeng mas pinili niyang makasama nang nagdaang gabi. Sa kaniya'y mas importante ang investment sa kaniyang Kompaniya na makukuha kung sakali na mas lalo niyang makuha si Joana Millari. "I said Stop Czarina! STOP!" Buong lakas na kinaladkad ni Jasper ang asawa palabas ng kanilang silid hanggang sa pababa sa hagdan. Wala siyang pakialam sa ilang beses na pag-iyak at pagsigaw nito. Nag-iinit na rin ang ulo niya sa eskandalo nito, ngunit kahit gano'n ay mayroon pa rin munting kasihayan sa isipan niya. Hindi na nga naman siya mahihirapan kung papaanong sasabihin sa babae ang gusto niyang hiwalayan. Ngayon pa lang ay inaasahan na niyang ito na mismo ang lalayo sa kaniya. "Damn it, Czarina! Ang ingay-ingay mo." Isang malakas na puwersa na ginawa ni Jasper upang maging sanhi ng pagkabalibag ni Czarina sa malamig na sahig. "Walanghiya ka Jasper! Walang hiya ka!" Nang makatayo ay agad na pinagbabayo ni Czarina ang dibdib ni Jasper sa labis na galit. Nang mga oras na 'yon ay wala na rin ibang naiisip si Czarina kundi pagkamuhi sa asawang wala siyang ibang ibinigay kundi pang-unawa at pagmamahal. "Sana'y hindi na lang kita nakilala, kinasusuklaman kita Jasper! Hindi kita mapapatawad!" Kinabig ni Czarina ang mahawakan sa kaniyang tabi, vases, furniture at ilang picture frames na nasa may side table lang nakadisplay. At habang ginagawa 'yon ay isinisigaw niya rin ang poot na laman ng kaniyang puso ngayon. OA na 'yon sa paningin ng iba ngunit hindi para sa isang babaeng halos hindi na isipin ang sariling kapakanan. "I hate you!" Panduduro niya sa asawa. Pinagtulungan na palabasin ny naturang Mansiyon si Czarina, si Dorothy, at ilang maids na tinawag nito upang alalayan siya sa gagawin. Hawak si Czarina mula sa magkabila niyang braso, pilit na pinapalayas ng siyang May-ari ng tahanan. Hindi na rin naman siya lubusang umaapela no'n, gusto na rin niyang umalis ngunit napigilan 'yon ng makaramdam siya ng pagsakit mula sa kaniyang puson. Mabilis at tila ba sinuntok siya sa parteng ibaba niya kaya naman ang kaninang matibay na tuhod ay biglang namanhid. Binitiwan siya ng mga ulupong ni Dorothy, tulala at nagulat sa biglaang pamimilit ni Czarina sa sakit. Maging ang kaninang walang ka-amor-amor na si Jasper sa asawa ay nang usisa na rin. "Ano'ng nangyari?" Sumulpot siya mula sa likuran ng Dorothy. "I don't know, and I don't care." "Arrghhh..." Pagdaing ni Czarina. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Nakaupo na naman siya sa sahig, ikatlong beses na 'yon para sa araw na 'to. Hindi naman maipagkakaila na ang kaninang kunot na noo ni Jasper at napalitan ng pagtataka para sa nangyayari sa asawa. "Czarina..." Mas lalong nagulat si Jasper sa asal ng asawa ng nanginginig na ang kamay nito na iniangat, may pulang likido na ito sa palad. At nang dumako ang mata niya sa hita binti ng asawa ay saka niya napagtanto na may isang linya ng dugong umagos roon. "W-wait... What?" Isang bagay lang ang pumasok sa isip niya pagkakita sa dugong iyon. Kabisado niya ang day of the month ng asawa, kada katapusan lang iyon karaniwang nadating at second week pa lang ngayon. Agad niyang tinungo si Czarina, hindi niya alam ang gagawin ngunit nakapagtanong sita rito. "A-are you p-pregnant?" Kabadong tinignan ni Czarina ang asawa, hindi ito nakasagot dahil kaagad itong inatake ng nerbiyos. Kasunod no'n ay ang pagdilim ng paningin ng babae, tuluyan na siyang nawalan ng malay sa bisig ng asawa."What the h*ck are you talking about, Jasper?" Kunot ang noo na pagpiga ni Joana ng sagot mula sa akin. Matapos nang harapan namin ng Ex-wife ko at ng bago niyang asawa ay muli akong bumalik kay Joana. She was frustrated to my actions a while ago. Ang sabi pa niya'y nagalit ang dad niya, and threatened me about no getting any investments to my Company. And who cares?Ang mas iniisip ko ngayon ay kung papaanong muling makuha ang loob ng dati kong asawa. Naging masama ako sa kaniya way back then, but I realized my mistakes now. Willing ako na ibigay lahat para lang makakuha ng second chance sa kaniya, kahit pa may asawa na siya. Alam ko sa sarili kong mas malakas ang tsansa ko kay Czarina, Kilala ko siya at gano'n rin siya sa akin. Tulad ng sabi ko kanina, susugal ako kahit gaano pa kabigat."Hey! Jasper, are you even listening to me?" Nakasalikop ang kaniyang mga braso sa may harapan niya. Hindi maipinta ang mukha't magkasalubong ang mga kilay. She shrugged. "Ano pang ginawa sa'yo
"Anong pakulo mo naman ngayon 'to, Jasper?" Napatagsik na lang ako sa drama na ginawa niya kanina. What the h*ck, he just dumped Joana in front of me, samantalang noon ay halos sambahin niya ito't tinakwil ako."Wala, ginawa ko lang kung ano ang gusto kong gawin," anito."Wow! Napakabago naman ata niyan para sa 'yo. Kailan mo ba hindi ginawa ang gusto mo?" Sa totoo lang ay gusto kong matawa sa sinabi niya ngayon. "Alam kong ang impression na 'yan ang isa sa hindi mo malilimutan tungkol sa akin, but listen Czarina, I'm serious I am making it up to you. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo o 'di kaya'y puwede kong gawin para lang mabago ang isipan mo. Dumped him, then let get back together." Kinuha pa nitong muli ang kamay ko, pinisil iyon na para bang pagmamay-ari niya pa rin ako ngayon. Pero dahil nasa tamang katinuan pa naman ako ay agad ko 'yong hinila, umusod ako ng bahagya sa likuran papalayo sa kaniya.Mukhang na-sense ni Esteban na iba ang kinikiloss ni Jasper, kaya ng mak
Jasper's POVI was out in the day, no work, and what I have is a time for myself. I find my peace in front of my childbirth's little grave, which my ex-wife made to recognize her existence. I bring white lilies, a bunch of them, make a little prayer and talked to her as if she can hear me. I really felt sorry for what I did that lead to our lose, and her too. I'm a dumb as* with no life, irresponsible and easy going man.And I am sorry for you little one. I hope to see you, maybe in our next life. Nakaupo lang ako sa tabi niya, ang aking mga braso'y nakapatong sa tuhod kong nakasalikop rin paturo sa kulay asul na kalangitan. Walang ibang tao sa sementeryo ngayon, maaliwalas rin ang panahon kaya medyo magaan sa pakiramdam.Bigla akong nagkaroon ng oras sa pagmuni-muni, siguro'y dala ng patong-patong na guilt ang nadarama ko ngayon. . . lalo na sa aking dating asawa."I'll make sure to put the things to right places, baby. At una kong gagawin ay ang tungkol sa mommy mo. Pero mukhang
"Oh, my Gosh! It's nice to see you here Czarina."Kahit na nakatalikod si Czarina sa may-ari ng boses na nakakilala sa kaniya ng mga oras na iyon ay nalaman niya agad kung sino 'yon. Busy siya sa pagtitingin-tingin sa Clothes section nang bigla na lang itong sumulpot. At ang babaeng iyon ang pinakahuling tao na gugustuhin niyang makasalamuha sa araw na ito, o kahit kailan pa.Hindi niya binigyang pansin ang babae, ipinagpatuloy niya ang ginagawa na para bang siya lang ang tao na naroroon."Hey! Am I not talking to you?" Isang puwersadong paghila naman ang ginawa ng naturang babae kay Czarina, wala itong pakialam kung masaktan man ang kausap.Napa-smirk na lang si Czarina sa attitude nito, sa inis ay binigyan niya ng maarteng pag-irap ang babae at saka tinanong kung ano ang kaniyang problema."Well, I don't have any problem at all, eh ikaw ba?" Turan nito kasabay ang pagsasad ng tingin nito kay Czarina mula ulo hanggang paa."Ano bang kailangan mo." Hindi na kayang tiisin pa ni Czarina
"Nabasa ko na po ang tungkol sa Sagrado Holdings, Miss. Mayroon silang hawak na twenty Companies. Mayroon sa Insurance, Tech Innovation, Global Investments, Finance, Real Estate and more. Isa sila sa malaking INc., sa bansa." Isinasalaysay ni Miranda Rico, ang personal na advicer ni Czarina ang tungkol sa Bussiness Company na gusto nitong pasukin bilang shareholder."Maganda, 'di ba?" Tanong niya, nasa bahay lamang sila nagkita ng advicer. Dahil Wala naman siyang sariling Kumpaniya at pang-Individual purpose lang naman ang ginagawa niya ay kahit saan sila puwedeng magtagpo ng advicer. "Yes, Miss, and as I heard ay balak nilang pumasok sa Enterprising na hindi pa nila nasusubakan kahit na kailan.Nahinto ni Czarina ang paghigop sa kaniyang Iced Coffee ng marinig ang salitang Enterprise, may bigla siyang naalala sa salitang iyon. "Do you think it's worth it to be part of them?"Tumango-tango ang babaeng kausap niya. "There is a seventy-five percent positiveness, Miss."Pinag-isipan m
"Hi love, good morning," masayang pagbati ni Czarina sa asawa. Mabilis niya itong ginawaran ng halik bago naupo sa silya't humarap sa hapag-kainan. Hindi gumanti ng halik si Alexander, ang maaliwalas at nakangiti nitong mga mata ang siyang sumagot sa masayang bungad sa kaniya ng asawa. "Wow, omelet ulit love? With cheese on top, hindi ka nagsasawa diyan ah," puna pa ni Czarina. Siya naman ay bacon ang pinili sa nakalatag sa lamesa na may kasamang slice ng tinapay."Alam mo na kung bakit," sagot ni Alexander habang nag-i-slice ang kaniyang omelet. Nakasilay ito sa asawa habang ginagawa 'yon, hindi niya kayang hindi tumingin sa asawa sa tuwing kausap ito."Yeah, nakuwento mo na nga kung bakit," anito na may pagtaas taas opa ng kilay niya. Nakangiti lang din si Alexander sa ginawang gesture ng asawa, masyadong cute ang babae sa kaniyang mga mata. "Pero alam mo love, naiinis ako kapag naiisip ko ang tungkol sa babae sa kuwento mo. Aywan ko ba kung bakit pero hindi ako natutuwa." Ibina