Three days after the incident at Clarkson Mansion.
Panay ang paghawak ni Czarina sa kaniyang tagiliran habang hinihila ang isang maleta na pinaglalagyan ng mga importanteng kagamitan niya tulad ng damit, ilang gadgets at kung ano-ano pang pansariling gamit. Ang tanging dinala niya lang ay iyong mga katas ng kaniyang pagod at pawis-- mula sa kinita niya bilang isang flourist. Lilisanin na niya ang impyernong kinalalagian, iiwan niya ang mga bagay na mula sa kaniyang asawa't pamilya nito, at isa na ro'n ay ang flower shop na ibinigay ng grandpa Jojo nila sa kaniya. Mabigat man sa kaniyang kalooban ay nakapagdesisyon na si Czarina, mas lalong sumasama ang kaniyang pakiramdam sa tuwing makikita ang asawa-- hindi, ex-husband na dahil pinirmahan na niya ang divorce paper matapos niyang mahuli na may babae ito. Nawala ang nabubuo pa lamang na sanggol sa kaniyang sinapupunan ng araw din na 'yon. Ayaw niya sanang sisihin si Jasper sa nangyari, parehas nilang hindi alam na buntis siya at aminado siyang maging siya ay hindi nag-ingat. Nagawa pa niyang uminom ng alak ng gabing 'yon, ngunit hindii rin naman niya maitatago na ang ilang beses na pagtulak sa kaniya ni Jasper ang nag-udyok upang siya'y ma-stress at nadamay ang bata sa kaniyang bahay-bata. "Czarina, saan ka ba pupunta pagkalabas mo sa bahay na 'to? Do you have money? Or anyone to rely on?" Kanina pa bumubuntot si Jasper kay Czarina, ilang beses niya rin itong pilit na kinakausap ngunit kahit na isang responce ay wala siyang napala. Oo, inaamin niya naman sa sarili na siya ang nagkamali, na lahat ng ginawang effort ni Czarina ay hiya na-appreciate kahit isa. Ngunit iba pala kapag may buhay na nadamay lalo na't walang itong naging laban sa nangyari. Nang malaman ni JAsper na nakunan ang asawa ay agad siyang nakaramdam ng galit sa sarili. Hindi naman niya hinangad na dumating sa puntong kailangan pang mawala ang anak niya upang marealize ang pagkakamali. Ang totoo'y gusto niyang magwala ng mga oras na 'yon, inasam niya na magkaroon ng pamilya, ng anak... Na kung mas maagang naibigay ni Czarina na sa kaniya'y tiyak siya sa sariling hindi siya aabot sa pagiging walang kwentang tao. Ngunit wala na rin atang magagawa pa si Jasper, kapalaran niya bilang nag-iisang lalaking tagapagmana ng mga Clarkson na mas unahinn ang negosyo kaysa sariling interest. Kaya naman kahit labis-labis ang effort ni Czarina upang makuha ang kaniyang loob ay hindi niya masuklian iyon. Ang goal niya bilang isang Clarkson ay gawing mas malakas ang kanilang Kompaniya. "Czarina." Hinila na nito ang kamay ng asawa, iyong walang hawak na maleta. Sandaling napatigil si Czarina't nilingon si Jasper. "Ano pa bang kailangan mo JAsper, ibinigay ko na ang divorce na gusto mo, ah. Nawala na rin ang anak ko sa akin, may kailangan pa ba akong gawin para lang ma-satisfied ka sa buhay mo?" Malamlam ang mga mata na ipinukol ni Czarina sa dating asawa. Hindi pa man naipapasa ang kanilang Diborsyo sa piskal para sa kaniya ay hindi na niya asawa pa si Jasper. Sapat na ang ilang taong panunuyo niya rito, pagod na siya. "Nothing, it's just that..."bumuntong-hininga si JAsper, hindi niya alam kung paanong i-address kay Czarina ang concern na nararamdaman niya ngayon. Alam niyang walang mapupuntahan ito. "Ano." Neutral ang naging tono ng boses ng babae, walang halong iba pang emosyon. "Alam kong galit ka, pero puwede natin 'tong ayusin, makipag-usap ka lang sa akin," ani Jasper sa harapan ng asawa. Desidido siya ngayon na maayos ang sigalot sa pagitan niya. Pumalatak naman ng kanyang tawa si Czarina sa binitiwang salita ng asawa. "At ano naman ang nakain mo't ganyan ang lumalabas sa bibig mo, Jasper? Huwag mong sabihing u-utuin mo na naman ako, wait, mayro'n bang sinabi si Grandpa kaya biglang nagbago ang ihip ng hangin, huh? Kailangan mo ba ako ulit?" "No!" Agad namang sagot ni Jasper. Hind siya nagkamali na 'yon ang maiisip ng asawa niya sa kaniya. "I'm here, to clear things between us, walang kinalaman ang kahit na sino." "That's impossible, Jasper. I Know you." Tila ba malupit na kidlat ang tumarak sa katauhan ni Jasper sa binitiwang salita ni Czarina. Simpleng pangungusap lang naman 'yo, ngunit para sa kaniya'y may malalalim na kahulugan. Sa pandinig niya kasi'y puno ng 'sarcasm' ang sinabi ng asawa. Pakiwari niya pa'y naputol na ang dila niya sa nagawang katahimikan sa loob ng ilang segundo. "Kung wala ka nang sasabihin pa ay aalis na ako, ayaw ko nang maabutan pa ng kahit na sino pa sa pamilya mo. "Goodbye, Jasper. Sana'y maging masaya ka, man up!" Iyon lang at tinalikuran na ni Czarina si Jasper, tinungo niya ang malaking gate at nagpatulong sa gwardiya na hilahin ang kaniyang gamit palabas lang ng malaking tarangahan. Wala siyang balak na lumingon pa, dahil simula ng araw na malaman niyang nawala ang anak niya'y kinamuhian niya na si JAsper at ipinangako niyang kahit na ano pang gawin nito'y hinding-hindi niya siya mapapatawad. Sa kabilang banda, si Jasper na labis ang galit sa sarili ay dinayal ang Numero ng kaniyang abogado't itinatanong ang tungkol sa divorce papers na ang mama niya ang nag-abot rito. Nais niyang i-urong ang diborsyo kay Czarina. Ang rason, guilt. "I'm sorry Mr. Clarkson, but I already passed it on the higher ups, and they accepted it. babalitaan ko na lang kayo sa magiging schedule no'n." Matapos na marinig ang tinuran ng abogado ay pabalang na naitapon ni Jasper ang hawak na kulay abong telepono. "Da*n it!" Gusto niya na lang din sumabog sa inis. Tinahak ni Czarina ang daan palabas ng kanilang subdivision, walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kaniya. Kahit na mukha siyang kaawa-awa ay tuloy pa rin siya sa ginagawa, mas mahalagang makaalis na siya sa lugar bago pa abutan ng gabi. Ngunit habang naglalakad ay hindi na naiwasan pa ng babae na kuwestiyunin ang sarili, na kung bakit sa lahat ng kamalasan sa mundo'y halos lahat naman ay nasalo niya. Tuluyang naglandas ang luha sa pisngi nito, nagsimulang magbara ang ilong at mangasim ang mukha. Hindi na niya nakayanan pang itago ang emosyong ilang araw niya ring kinimkim. Mula sa Ospital na pinanggaligan niya'y kahit isang patak ng luha ay hindi siya nag-aksaya. Masakit na mawalan ng anak, ng bata sa kaniyang sinapupunan ngunit mas masasaktan siya kapag pinairal niya ang natitirang emosyon lalo sa harap ni Jasper. Ayaw niyang kaawaan siya ng sinuman kaya mas pinili niyang magtapang-tapangan kahit labag sa kalooban niya. Nang sandaling 'yon, sumabay sa pagkulimlim ng kalangitan ang pagbagsak ng sakit sa kalooban ni Czarina. Humagulgol siyang hinihila ang kaniyang gamit, walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Bumabayo sa galit ang kaniyang dibdib, nakakuyom ang isang kamao na para bang may gusto iyong patamaan. Inilabas niya ang sarili sa hawlang pinaglagian ng ilang taon. Ngayon, suot ang kulay pulang dress na lagpas tuhod at dalawang dangkal na taas na stiletto, balak niyang hanapin ang lugar na babagayan niya. Na kung kailangang humingi ng tulong sa kinasusuklamang ama gagawin niya, mabawi lang ang sarili sa pagkalugmok. Ilang kotse ang dumaan sa gawi ni Czarina, ngunit ni isa ay walang nangahas na pumansin sa kaniya, kahit hanggang sa pagbuhos ng ulan ay mag-isa niyang binabaybay ang daan palabas. Ilang minuto pa lamang ng tuluyang lumuha ang kalangitan subalit buong damit na niya ang na basa. Sumasabay ang sama ng panahon sa sama ng loob ni Czarina, ngunit wala naman siyang magagawa dahil kahit pagsabihan niya ang kalangitan ay hindi naman 'yon makikinig sa kaniya. "Ang sama niyo sa akin, naging mabuting tao naman ako mula noon hanggang ngayon, pero bakit kailangan niyo akong pahirapan ng ganito. " Mugto na ang mata ni Czarina. Hindi madaling mapapansin 'yon dahil sa buhos ng ulan, tanging ang kulay ng mga mata niya na lang ang magpapakita ng kaniyang nararamdaman. "I hate you all! Sisiguraduhin kong sa susunod kong buhay ay kayo naman ang nasa ilalim, at ako ang nasa taas. I hate the Clarksons... Jasper... Everyone." Matapos punasan ang sipon na malapit ng lumapat sa kaniyang labi ay muling naramdaman ni Czarina ang pagsakit ng kaniyang tagiliran. Sakit na buwan niya na ring iniinda, ngayon lang nagsunod-sunod na halos ang pagitan ay thirty minutes na. "Kailangan niyo po ba ng taxi ma'am?" Iyon ang bungad ng gwardiya kay Czarina nang marating niya ang guard post. Umiling lang ito bilang sagot. "Naku Ma'am, basang-basa na po kayo, may nangyari po bang masama?" Nagtaka na rin ang mga guwardiya sa hitsura nito. Binalak na tumawag sa residensiya ng mga Clarkson. Ngunit pinigilan iyon ni Czarina, hindi na siya nagbigay pa ng maraming statement bagkus ay nginitian niya na lang ang mga ito. Sunod ay ang pagpatuloy niya sa pag-alis. "Argh!" Naging daing niya sa sarili. Hirap na siya sa kaniyang sitwasyon ngunit pinipilit na malampasan ang araw na ito. Ang hindi alam ni Czarina ay mayroon tao na nakamatyag sa kaniya, lulan ito ng isang magara at pang Mayaman na sasakyang kulay itim. Nakatanaw sa kaniya si Alexander Ford, ang trenta y singko anyos na mayaman at siyang bagong CEO ng Ford's Business Empire. Nakakuyom ang kamao ni Alexander habang nakasunod sa kilos ni Czarina. Kanina pa nito gustong hilahin ang babae at isama sa kaniya. Nanlilisik at kunot ang noo nito sa nakikitang sitwasyon ni Czarina, sa isipan niya'y walang puwedeng umapi sa babaeng ihaharap niya sa altar. Sumenyas si Alexander sa driver na magpark sa gawi ng kalsada kung saan ay madaraanan ni Czarina. Bumaba ito't humakbang ng nasa sampu bago nakaabot sa tapat ng babae, na may hawak na payong para sa kanilang dalawa. Naging saksi ang ulan sa momentum ng dalawang pagtatagpuin ng isang desisyon na nagmula kay ALexander. "You're Czarina Fuente Millari, right? The eldest daughter of Millari's Enterprise Founder." Ang lumabas sa bibig ni Alexander. Nagtama ang kanilang mga mata na para bang sila'y nasa isang shooting ng pelikula. Bumagal ang patak ng ulan at huminahon ang pagsamyo ng hangin sa kanilang balat. Ngunit ang pantasyang iyon ay mukhang sa isipan na lang ni Alexander tumatak, dahil hindi pa man nagtatagal na makaharap ni Czarina si Alexander ay bumigay na ang katawan nito dala ng sakit na iniinda. Bumagsak ang katawan ng babae sa bisig ni Alexander, na hindi na niya namalayan pa."What the h*ck are you talking about, Jasper?" Kunot ang noo na pagpiga ni Joana ng sagot mula sa akin. Matapos nang harapan namin ng Ex-wife ko at ng bago niyang asawa ay muli akong bumalik kay Joana. She was frustrated to my actions a while ago. Ang sabi pa niya'y nagalit ang dad niya, and threatened me about no getting any investments to my Company. And who cares?Ang mas iniisip ko ngayon ay kung papaanong muling makuha ang loob ng dati kong asawa. Naging masama ako sa kaniya way back then, but I realized my mistakes now. Willing ako na ibigay lahat para lang makakuha ng second chance sa kaniya, kahit pa may asawa na siya. Alam ko sa sarili kong mas malakas ang tsansa ko kay Czarina, Kilala ko siya at gano'n rin siya sa akin. Tulad ng sabi ko kanina, susugal ako kahit gaano pa kabigat."Hey! Jasper, are you even listening to me?" Nakasalikop ang kaniyang mga braso sa may harapan niya. Hindi maipinta ang mukha't magkasalubong ang mga kilay. She shrugged. "Ano pang ginawa sa'yo
"Anong pakulo mo naman ngayon 'to, Jasper?" Napatagsik na lang ako sa drama na ginawa niya kanina. What the h*ck, he just dumped Joana in front of me, samantalang noon ay halos sambahin niya ito't tinakwil ako."Wala, ginawa ko lang kung ano ang gusto kong gawin," anito."Wow! Napakabago naman ata niyan para sa 'yo. Kailan mo ba hindi ginawa ang gusto mo?" Sa totoo lang ay gusto kong matawa sa sinabi niya ngayon. "Alam kong ang impression na 'yan ang isa sa hindi mo malilimutan tungkol sa akin, but listen Czarina, I'm serious I am making it up to you. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo o 'di kaya'y puwede kong gawin para lang mabago ang isipan mo. Dumped him, then let get back together." Kinuha pa nitong muli ang kamay ko, pinisil iyon na para bang pagmamay-ari niya pa rin ako ngayon. Pero dahil nasa tamang katinuan pa naman ako ay agad ko 'yong hinila, umusod ako ng bahagya sa likuran papalayo sa kaniya.Mukhang na-sense ni Esteban na iba ang kinikiloss ni Jasper, kaya ng mak
Jasper's POVI was out in the day, no work, and what I have is a time for myself. I find my peace in front of my childbirth's little grave, which my ex-wife made to recognize her existence. I bring white lilies, a bunch of them, make a little prayer and talked to her as if she can hear me. I really felt sorry for what I did that lead to our lose, and her too. I'm a dumb as* with no life, irresponsible and easy going man.And I am sorry for you little one. I hope to see you, maybe in our next life. Nakaupo lang ako sa tabi niya, ang aking mga braso'y nakapatong sa tuhod kong nakasalikop rin paturo sa kulay asul na kalangitan. Walang ibang tao sa sementeryo ngayon, maaliwalas rin ang panahon kaya medyo magaan sa pakiramdam.Bigla akong nagkaroon ng oras sa pagmuni-muni, siguro'y dala ng patong-patong na guilt ang nadarama ko ngayon. . . lalo na sa aking dating asawa."I'll make sure to put the things to right places, baby. At una kong gagawin ay ang tungkol sa mommy mo. Pero mukhang
"Oh, my Gosh! It's nice to see you here Czarina."Kahit na nakatalikod si Czarina sa may-ari ng boses na nakakilala sa kaniya ng mga oras na iyon ay nalaman niya agad kung sino 'yon. Busy siya sa pagtitingin-tingin sa Clothes section nang bigla na lang itong sumulpot. At ang babaeng iyon ang pinakahuling tao na gugustuhin niyang makasalamuha sa araw na ito, o kahit kailan pa.Hindi niya binigyang pansin ang babae, ipinagpatuloy niya ang ginagawa na para bang siya lang ang tao na naroroon."Hey! Am I not talking to you?" Isang puwersadong paghila naman ang ginawa ng naturang babae kay Czarina, wala itong pakialam kung masaktan man ang kausap.Napa-smirk na lang si Czarina sa attitude nito, sa inis ay binigyan niya ng maarteng pag-irap ang babae at saka tinanong kung ano ang kaniyang problema."Well, I don't have any problem at all, eh ikaw ba?" Turan nito kasabay ang pagsasad ng tingin nito kay Czarina mula ulo hanggang paa."Ano bang kailangan mo." Hindi na kayang tiisin pa ni Czarina
"Nabasa ko na po ang tungkol sa Sagrado Holdings, Miss. Mayroon silang hawak na twenty Companies. Mayroon sa Insurance, Tech Innovation, Global Investments, Finance, Real Estate and more. Isa sila sa malaking INc., sa bansa." Isinasalaysay ni Miranda Rico, ang personal na advicer ni Czarina ang tungkol sa Bussiness Company na gusto nitong pasukin bilang shareholder."Maganda, 'di ba?" Tanong niya, nasa bahay lamang sila nagkita ng advicer. Dahil Wala naman siyang sariling Kumpaniya at pang-Individual purpose lang naman ang ginagawa niya ay kahit saan sila puwedeng magtagpo ng advicer. "Yes, Miss, and as I heard ay balak nilang pumasok sa Enterprising na hindi pa nila nasusubakan kahit na kailan.Nahinto ni Czarina ang paghigop sa kaniyang Iced Coffee ng marinig ang salitang Enterprise, may bigla siyang naalala sa salitang iyon. "Do you think it's worth it to be part of them?"Tumango-tango ang babaeng kausap niya. "There is a seventy-five percent positiveness, Miss."Pinag-isipan m
"Hi love, good morning," masayang pagbati ni Czarina sa asawa. Mabilis niya itong ginawaran ng halik bago naupo sa silya't humarap sa hapag-kainan. Hindi gumanti ng halik si Alexander, ang maaliwalas at nakangiti nitong mga mata ang siyang sumagot sa masayang bungad sa kaniya ng asawa. "Wow, omelet ulit love? With cheese on top, hindi ka nagsasawa diyan ah," puna pa ni Czarina. Siya naman ay bacon ang pinili sa nakalatag sa lamesa na may kasamang slice ng tinapay."Alam mo na kung bakit," sagot ni Alexander habang nag-i-slice ang kaniyang omelet. Nakasilay ito sa asawa habang ginagawa 'yon, hindi niya kayang hindi tumingin sa asawa sa tuwing kausap ito."Yeah, nakuwento mo na nga kung bakit," anito na may pagtaas taas opa ng kilay niya. Nakangiti lang din si Alexander sa ginawang gesture ng asawa, masyadong cute ang babae sa kaniyang mga mata. "Pero alam mo love, naiinis ako kapag naiisip ko ang tungkol sa babae sa kuwento mo. Aywan ko ba kung bakit pero hindi ako natutuwa." Ibina