LOGINSa ilalim ng pagbabantay ni Ethan, naging mahimbing ang tulog ng kanyang asawa nang gabing iyon, at kinabukasan ay handa na siyang lumabas ng ospital.Nagpalit na si Aera mula sa kanyang suot na hospital gown sinuot niya ang dala ng kanyang asawa na cream-colored knitted dress na tinernuhan ng light gray cashmere cardigan. Mukha siyang napakalambot at napakahinhin sa suot na iyon.Pagbalik ng lalaki mula sa pag-aayos ng discharge papers, tumambad sa kanya ang isang napakagandang tanawin nakaupo si Aera sa lobby, ang sikat ng araw ay tumatama sa gilid ng kanyang mukha, na tila nagbibigay ng gintong liwanag sa kanyang anyo.Sa sandaling iyon, napatigil ang lalaki. Tahimik niyang pinagmasdan ang asawa, punung-puno ng pasasalamat ang kanyang puso salamat dahil nandito pa rin siya, salamat dahil ligtas siya, at salamat dahil sa huli, pinahintulutan ng tadhana na manatili ito sa tabi niya."Ano'ng tinitignan mo?" nag-angat ng tingin ang babae at napansing nakatitig ang asawa.Lumapit nag la
Sa loob ng silid sa ospital, nakasandal si Aera sa kanyang kama. Mas mabuti na ang kanyang itsura kumpara nitong mga nakaraang araw bagaman maputla pa rin, mababakas na sa kanyang mga mata ang dati nitong sigla.Nakaupo sa tabi niya si Shawn, abala sa pagbabalat ng mansanas. Napakahusay ng kanyang pagkilos ang balat ng mansanas ay paikot na lumalaylay, manipis, pantay, at hindi napuputol."Hindi ko akalain na may ganitong talento pala si Attorney Shawn," nakangiting sabi ng babae."Nag-part-time ako sa isang restaurant noong nasa unibersidad pa ako," sagot ng lalaki habang inaayos ang kanyang salamin, may banayad na ngiti sa labi. "Tumutulong ako sa kusina, at ang pagbabalat ng prutas ay basic skill lang doon. Noong mga panahon na 'yun, kailangan kong mag-ipon para pambili ng mga law books, kaya kahit anong trabaho, pinapasok ko."Hinati niya ang mansanas sa maliliit na piraso at inilagay sa isang plato. "Tikman mo, matamis 'yan."Kumuha si Aera ng isang piraso at tumango. "Matamis n
Ang tunog ng pag-ungot ng kahoy na pinto ang bumasag sa katahimikan. Nakatayo si Jovie sa loob, tinitingnan ang gusgusing anyo ni Elizabeth isang bakas ng awa ang dumaan sa kanyang mga mata."Sabi ni Tatay, ayaw ka niyang makita," matigas na sabi ng babae.Biglang lumuhod ang matanada sa labas ng pintuan."Jovie, nakikiusap ako... hayaan mo akong makita si Papa... mamamatay si Zach... hindi siya tatantanan ng mga Almeda..." Ang kanyang boses ay basag, ang luha ay humahalo sa alikabok sa kanyang mukha, na lumilikha ng maduming bakas sa kanyang pisngi.Matagal siyang tiningnan ng babae bago bumuntong-hininga. "Maghintay ka rito."Muling sumara ang pinto. Nanatiling nakaluhod ang matanada sa ilalim ng nakatirik na araw. Pagkalipas ng kalahating oras, muling bumukas ang pinto. Sa pagkakataong ito, ang ama niya na mismo ang nakatayo doon."Pa...""Tumayo ka jan," malamig na utos ng matanda. "Ang mga babae sa pamilya natin ay hindi lumuluhod sa labas para mapahiya."Hirap na tumayo ang mat
Hindi halos makatayo si Elizabeth matapos malaman ang lahat mula sa Manila.Nangangatog ang kanyang mga kamay habang hawak ang detention notice, at agad siyang nag punta ng Baguio nang gabing iyon."Madam, wala na po talaga kaming magagawa," Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang pandinig ang boses ng batang pulis kanina. "Ang kaso ni Zach Tuazon ay kidnapping at illegal detention. Matibay ang mga ebidensya at dadaan na ito sa proseso ng hustisya. Kung gusto niyo po ng bail, kailangang hintayin ang pagdinig sa korte bago makapag-apply.""Pero anak ko siya!" halos isigaw iyon ni Elizabeth noon. "Hindi magagawa ng anak ko ang ganoong bagay! Siguradong may nag-frame up sa kanya!"Bakas ang pagkairita sa mga mata ng pulis pero napanatili nito ang pagiging propesyonal. "Madam, mayroon kaming CCTV footage, mayroon kaming testimonya mula sa biktima. Kung naniniwala kayong frame up ito, mungkahi ko pong kumuha kayo ng abogado para ipagtanggol siya sa korte."Abogado. Siyempre, kumuha si Eli
Naging mabilis at tumpak ang galaw ng mga tao ni Ethan. Naibalik sa bansa si Serene nakaposas at pasuray-suray siyang naglalakad sa ilalim ng pagbabantay ng dalawang babaeng pulis. Tatlong araw lang ang nakalipas, masaya pa siyang umiinom ng champagne sa ilalim ng araw sa Singapore kung saan siya nag tago ngayon, isa na siyang bilanggo.Dinala siya sa isang interrogation room. Pagbukas ng pinto, tumambad sa kanya ang isang taong nakaupo na doon si Zach.Biglang napatigil si Serene, nanliit ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahang makikita ito rito. Nag-angat ng tingin ang lalaki, at nang makita siya, bigla itong tumayo."Ikaw—" ang boses nito ay paos, parang kaskas ng liha. "Ikaw nga—"Akmang aatras si Serene pero marahang itinulak siya ng pulis sa loob. Sumara ang pinto at naiwan silang dalawa sa loob ng silid.Biglang nagkaroon ng mahabang katahimikan. Titig na titig si Zach kay Serene, tila ba gusto siyang pagpira-pirasuhin ng kanyang mga mata. Noong una ay nagpanggap pang kalma
Sa interrogation room ng Baguio City Police Office, nakaupo si Zach sa likod ng rehas na bakal. Naka-piring ang kanyang mga kamay ng posas, ang kanyang mga mata ay blangko tila isang hungkag na balat na lamang ang natira sa kanyang pagkatao.Sa kabilang panig, walang emosyong binuksan ng abogado ang kanyang attaché case. "Sir Tuazon, ito ang mga karagdagang ebidensya mula sa kapulisan. Kailangan ninyo itong kumpirmahin."Mabilis na yumuko ang lalaki, ang paningin ay natuon sa mga dokumento.Ito ay mga bank statement mga record ng transaksyon mula sa isang overseas account. Nagsimula ang mga ito isang linggo bago niya matanggap ang unang mensahe mula sa nag papanggap na si Aera, hanggang kamakalawa. Ang mga halaga ay hindi ganoon kalaki pero regular, at ang tumatanggap ay may pangalang ‘Serene’.Nanlaki ang kanyang mga mata, nanginginig ang kanyang mga labi. "Ano... ano ito?!"Inayos ng abogado ang kanyang salamin. "Ayon sa imbestigasyon, ang account na ito ay pagmamay-ari ni Ms. Seren
Naghahanda si Aera para sa paparating na business conference. Nasa walk-in closet siya, nakatingin sa sarili niya sa salamin, at bigla niyang na-realize na baka ito ang unang malaking chance niya mula nang bumalik siya sa rito sa Baguio.Tama si Ethan masyado na siyang matagal na “na-stuck” sa mga
Kinabukasan ng umaga, ginising si Zach ng anak niya.Pumasok ang liwanag ng araw sa mga siwang ng bintana.Kinuskos ni Zach ang sentido niyang masakit. Yung sandamakmak na work emails sa phone niya, halos hindi siya makahinga.Yung kapos na pera ng kumpanya, mga kliyente ng umaalis, tambak na papel
Dahan-dahan binitawan ni Serene ang hawak na bulak, at saka lumingon kay Zach. “Ganun ba talaga? Kailangan mo talagang hintayin na bumalik siya? Pag hindi siya bumalik, hindi mo na kaya?”Iniwasan ni Zach ang tingin niya, umupo sa kama at tinanggal ang kurbata.“Para lang ’yan sa trabaho. Pag nala
Napakuyom ng kamay si Zach ng hindi niya namamalayan. Pumuti ang mga buko ng kamay niya sa sobrang gigil niya.Pinigil niya ang galit.“Magpatawag ka agad ng meeting ng mga head ng bawat department. Darating ako sa kumpanya sa loob ng thirty minutes.”“Sir Zach… may mas masama pa po,” alanganing sa







