Masuk"Ililigtas kita? Noong nagpanggap ka bilang ako para ipapatay ako kay Zach, hindi ba't naging masaya ka pa?""Tigil!"Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Serene. Sumigaw siya at hinampas ang kanyang mga kamay sa lamesang bakal. "Anong ipinagmamalaki mo? Aera, sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi ako mawawala sa puso ni Zach! Kahit galit siya sa akin ngayon, dahil 'yon sa minahal niya ako! Eh, ikaw?"Tumawa siya nang parang baliw habang umaagos ang luha. "Kamumuhian niya ako habambuhay, pero iisipin din niya ako habambuhay! Ikaw? Ano ka ba? Isang hamak na basurang itinapon na niya!"Napakasakit at napakabagsik ng mga salita niya, pero walang mababakas na emosyon sa mukha ni Aera. Pinanood lang niya si Serene na parang isang insekto sa loob ng bote na nagpupumilit makawala walang awa, walang galit, tanging malamig na pagka disgusto."Tapos ka na?" mahinahong tanong ng babae nang tumigil si Serene para huminga. "Hanggang ngayon pala, nabubuhay ka pa rin sa sarili mong pantasya."Lumapit an
Tumama ang mga kamay ng wall clock sa alas-otso ng gabi. Tuluyan ng nagdilim ang langit sa labas, at matapos tignan ang oras at sulyapan si Suzy, nagsalita na rin sa wakas si Shawn."Gabi na, ihahatid na kita sa inyo."Natigilan ang babae at awtomatikong sumagot, "Bakit ang aga naman? Hindi pa ako tapos magsalita..."Hindi pa siya natatapos nang lumapit si Shawn sa kanyang tainga. Mababa ang boses nito at may halong panunukso. "Bakit, gusto mo bang maging third wheel ng mag asawa rito? Ako, ayaw ko."Sinundan ng babae ang tingin ng lalaki mula sa bahagyang nakabukas na pinto, nakita niya ang mag asawa. Nakaakap si Ethan sa baywang ni Aera mula sa likod habang may ibinubulong, at paminsan-minsan ay naririnig ang mahinang tawa ng babae.Ang ganoong klaseng natural na paglalambingan ay talagang hindi nag-iiwan ng puwang para sa ibang tao.Namula ang mukha ni Suzy at mahinang sumagot ng "Mm" bago tumayo. Tumayo rin si Shawn at natural na hinawakan ang kamay ng dalaga. "Ethan, Aera, una n
Tumama ang mga kamay ng wall clock sa alas-otso ng gabi. Tuluyan ng nagdilim ang langit sa labas, at matapos tignan ang oras at sulyapan si Suzy, nagsalita na rin sa wakas si Shawn."Gabi na, ihahatid na kita sa inyo."Natigilan ang babae at awtomatikong sumagot, "Bakit ang aga naman? Hindi pa ako tapos magsalita..."Hindi pa siya natatapos nang lumapit si Shawn sa kanyang tainga. Mababa ang boses nito at may halong panunukso. "Bakit, gusto mo bang maging third wheel ng mag asawa rito? Ako, ayaw ko."Sinundan ng babae ang tingin ng lalaki mula sa bahagyang nakabukas na pinto, nakita niya ang mag asawa. Nakaakap si Ethan sa baywang ni Aera mula sa likod habang may ibinubulong, at paminsan-minsan ay naririnig ang mahinang tawa ng babae.Ang ganoong klaseng natural na paglalambingan ay talagang hindi nag-iiwan ng puwang para sa ibang tao.Namula ang mukha ni Suzy at mahinang sumagot ng "Mm" bago tumayo. Tumayo rin si Shawn at natural na hinawakan ang kamay ng dalaga. "Ethan, Aera, una n
Naging sobrang tahimik ang sala nanatiling tensyonado ang paligid. Kahit na humupa na ang sigawan nina Shawn at Suzy, ang matigas at awkward na pakiramdam ay hindi pa rin tuluyang nawawala.Nagkatinginan ang mag asawa, parehong nagbabasa ng iisang mensahe sa mga mata ng isa’t isa "Ang gulo nilang dalawa."Lumabas si Auntie Flor bitbit ang bagong luto na apple pie. Ang matamis na amoy nito ay agad na humalimuyak sa buong sala. Nakangiti siyang nag-alok, "Tikman niyo ito, bagong hango sa oven, napakasarap nito."Kinuha ni Aera ang plato at unang inabutan si Suzy. "Suzy, tikman mo ito. Ang apple pie ni Auntie ay talagang sikat sa amin."Nakangiti na tinanggap ito ng babae, kumagat ng kaunti, at tumango. "Napakasarap nga po.""Attorney, tikman mo rin." Inabutan din ni Aera si Shawn.Tinanggap ito ng lalaki pero hindi muna kumain. Tumingin siya kay Suzy. "Suzy, gusto mo ba ng Caramel Macchiato? Paborito mo 'yun, di ba? Gagawan kita."Bahagyang gumalaw ang pilik-mata ng babae, pero hindi
Sa ilalim ng pagbabantay ni Ethan, naging mahimbing ang tulog ng kanyang asawa nang gabing iyon, at kinabukasan ay handa na siyang lumabas ng ospital.Nagpalit na si Aera mula sa kanyang suot na hospital gown sinuot niya ang dala ng kanyang asawa na cream-colored knitted dress na tinernuhan ng light gray cashmere cardigan. Mukha siyang napakalambot at napakahinhin sa suot na iyon.Pagbalik ng lalaki mula sa pag-aayos ng discharge papers, tumambad sa kanya ang isang napakagandang tanawin nakaupo si Aera sa lobby, ang sikat ng araw ay tumatama sa gilid ng kanyang mukha, na tila nagbibigay ng gintong liwanag sa kanyang anyo.Sa sandaling iyon, napatigil ang lalaki. Tahimik niyang pinagmasdan ang asawa, punung-puno ng pasasalamat ang kanyang puso salamat dahil nandito pa rin siya, salamat dahil ligtas siya, at salamat dahil sa huli, pinahintulutan ng tadhana na manatili ito sa tabi niya."Ano'ng tinitignan mo?" nag-angat ng tingin ang babae at napansing nakatitig ang asawa.Lumapit nag la
Sa loob ng silid sa ospital, nakasandal si Aera sa kanyang kama. Mas mabuti na ang kanyang itsura kumpara nitong mga nakaraang araw bagaman maputla pa rin, mababakas na sa kanyang mga mata ang dati nitong sigla.Nakaupo sa tabi niya si Shawn, abala sa pagbabalat ng mansanas. Napakahusay ng kanyang pagkilos ang balat ng mansanas ay paikot na lumalaylay, manipis, pantay, at hindi napuputol."Hindi ko akalain na may ganitong talento pala si Attorney Shawn," nakangiting sabi ng babae."Nag-part-time ako sa isang restaurant noong nasa unibersidad pa ako," sagot ng lalaki habang inaayos ang kanyang salamin, may banayad na ngiti sa labi. "Tumutulong ako sa kusina, at ang pagbabalat ng prutas ay basic skill lang doon. Noong mga panahon na 'yun, kailangan kong mag-ipon para pambili ng mga law books, kaya kahit anong trabaho, pinapasok ko."Hinati niya ang mansanas sa maliliit na piraso at inilagay sa isang plato. "Tikman mo, matamis 'yan."Kumuha si Aera ng isang piraso at tumango. "Matamis n
Naghahanda si Aera para sa paparating na business conference. Nasa walk-in closet siya, nakatingin sa sarili niya sa salamin, at bigla niyang na-realize na baka ito ang unang malaking chance niya mula nang bumalik siya sa rito sa Baguio.Tama si Ethan masyado na siyang matagal na “na-stuck” sa mga
Kinabukasan ng umaga, ginising si Zach ng anak niya.Pumasok ang liwanag ng araw sa mga siwang ng bintana.Kinuskos ni Zach ang sentido niyang masakit. Yung sandamakmak na work emails sa phone niya, halos hindi siya makahinga.Yung kapos na pera ng kumpanya, mga kliyente ng umaalis, tambak na papel
Dahan-dahan binitawan ni Serene ang hawak na bulak, at saka lumingon kay Zach. “Ganun ba talaga? Kailangan mo talagang hintayin na bumalik siya? Pag hindi siya bumalik, hindi mo na kaya?”Iniwasan ni Zach ang tingin niya, umupo sa kama at tinanggal ang kurbata.“Para lang ’yan sa trabaho. Pag nala
Napakuyom ng kamay si Zach ng hindi niya namamalayan. Pumuti ang mga buko ng kamay niya sa sobrang gigil niya.Pinigil niya ang galit.“Magpatawag ka agad ng meeting ng mga head ng bawat department. Darating ako sa kumpanya sa loob ng thirty minutes.”“Sir Zach… may mas masama pa po,” alanganing sa







