تسجيل الدخول“Nasa conference room siya, kasama ang abogado.”Tumango si Aera at agad na nagtungo sa conference room.Pagkabukas niya ng pinto, bukod kay Roan ay naroon din ang isang nasa middle-aged na lalaki na nakasuot ng dark gray na suit si Attorney Suarez, ang legal adviser ng kumpanya.“Mrs. Almeda,” sabi ng abugado habang tumatayo. Seryoso ang kanyang mukha. “Hindi maganda ang sitwasyon.”“Sabihin mo nang detalyado.”Umupo si Aera sa harap ng conference table at pilit na pinanatiling kalmado ang sarili.“Ang Villareal Design ay nagsampa ng kaso laban sa atin dahil umano sa paglabag sa tatlong design patents.”Binuksan ni Attorney Suarez ang folder.“Ayon sa mga ebidensyang ibinigay nila, tatlong damit na ipinakita natin sa fashion show ang unang outfit sa opening, ang ikapitong outfit sa gitna ng palabas, at ang ikatlong outfit sa finale ay halos kapareho ng kanilang mga rehistradong design.”Iniabot niya sa babae ang ilang naka-print na larawan.Maingat na tiningnan ni Aera ang mga ito, a
Gabi na.Bihirang tumunog ang personal na cellphone ni Ethan sa kalaliman ng gabi.Iilan lang ang may alam sa numerong iyon ang kanyang pamilya, ilang pinagkakatiwalaan na executive, at mga opisyal ng gobyerno na maaaring direktang makipag-ugnayan sa kanya kung kinakailangan.Walang advertisements, walang spam calls, at halos walang tumatawag na hindi niya kilala.Kaya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone nang ala una ng madaling-araw, agad siyang nagising.Kinuha niya ang cellphone sa bedside table. Sa dilim ng silid, sumilaw ang matingkad na puting liwanag ng screen.Isang text message mula sa hindi kilalang numero.Walang pangalan. Walang pirma. Isang maikling pangungusap lamang:“Nagsimula na ang laro. Sa pagkakataong ito, ako na ang magtatakda ng mga patakaran.”Nakatitig ang lalaki sa mensahe at agad na nawala ang antok niya.Bahagya siyang kumunot ang noo. Ilang segundo niyang pinatong ang daliri sa screen bago pinindot ang reply.“Sino ka?”Hindi naipadala ang mensahe.Lumab
Sa silangang bahagi ng lungsod, may isang abandonadong shipyard.Alas-onse ng gabi, mag-isang nakatayo si Elizabeth sa entrada ng Dock No. 3.May marahang yabag na unti-unting lumapit. Mahina lang iyon, pero sa katahimikan ng gabi ay malinaw na malinaw.Lumingon si Elizabeth at nakita si Chang na lumabas mula sa dilim.May suot itong baseball cap na halos natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha.Ngunit kahit malayo, ramdam pa rin ang mabigat at nakakatakot na presensya nito.“Napaka-punctual mo, Ms. Tuazon,” sabi ni Chang.“Hindi ako nangahas na ma-late,” sagot ni Elizabeth, pilit pinapakalma ang boses.Huminto si Chang mga tatlong metro sa harap niya. Relax ang tindig nito, pero ramdam ni Elizazbeth na anumang oras ay pwede itong maging mapanganib.“Nakapag-isip ka na ba?” tanong niya.“Oo.”“Gusto kong ilabas mo ang anak ko.”“Si Zach Tuazon. Nasa kulungan siya ngayon sa Baguio at nasentensiyahan ng dalawampung taon.”Natahimik ang paligid.Tanging ihip ng hangin at hampas ng alon
Ang unang weekend ng buwan, kulay abo ang langit at may mga maliliit na ambon na bumabagsak.Si Aera ay nakabalot ng isang wool shawl, habang may hawak na mainit na kape.Sa oras na iyon, binabasa niya ang financial newspaper, pero napunta ang pansin niya sa isang balita sa social section.“Pangunahing suspek sa malaking underground casino case na si Chang Tan, nakatakas habang nililipat sa kulungan, patuloy ang paghahanap ng pulis.”May malabong larawan sa ilalim ng headline isang lalaking naka-itim na suit, nakatagilid ang mukha.Maikli lang ang balita. Sinasabi na si Chang ay isang malaking boss ng underground casino sa lungsod, at sangkot sa money laundering, illegal gambling, at pananakit bilang paniningil ng utang.Nahuli siya sa isang police operation, pero habang nililipat sa kulungan, naaksidente ang sasakyan ng pulis at nakatakas siya sa kaguluhan.Sa dulo ng ulat, nakasulat nang malalaking letra.“Mapanganib ang taong ito. Kung may impormasyon, agad ipagbigay-alam sa pulis.
Maraming pasukan papunta sa madilim na mundo ng lungsod.Alas-onse na ng gabi. Tahimik ang parking lot, at iilang lumang sasakyan na puno ng alikabok lang ang nakaparada sa mga sulok.Mahigpit na hawak ni Elizabeth ang isang itim na briefcase.Nasa loob nito ang huling perang kayang ilabas ng kanyang ama limang milyong yuan. Hindi man ganoon kalaki, sapat na iyon para makapasok sa mundong iyon.Mula nang makulong si Zach, wala na siyang maayos na tulog.Umuugong ang tunog ng kanyang mga hakbang sa malawak at bakanteng parking lot.Mula sa mga anino, lumabas ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Mga nasa kwarenta anyos ito.“Madam Elizabeth?” paos nitong tanong, na para bang kiniskis sa papel de liha ang boses.“Ako nga,” kalmadong sagot ng matanda.Sinukat siya ng lalaki ng tingin at saglit na tumigil ang mga mata nito sa briefcase.“Sumunod ka sa akin.”Naglakad ito patungo sa pinakadulong bahagi ng parking lot.“Alam mo na ang mga patakaran?” tanong nito.“Alam ko,” tumango a
Masagana ang tanghalian.Ipinahanda ni Lola Amanda ang mga paboritong pagkain ng mag asawa.May steamed sea bass na paborito ni Aera.May braised pork na paborito ni Ethan.At marami pang simpleng lutong-bahay.Naupo silang apat sa bilog na mesa na gawa sa pulang kahoy, parang isang ordinaryong pamilya na masayang nag sasalo-salo at nagkukwentuhan.Hindi sila sanay, mas madaldal si Lolo Gerald noong araw na iyon.Ikinuwento niya ang mga nangyari noon sa pamilya nila at maging ang mga nakakahiyang karanasan ni Ethan noong bata pa ito.Paminsan-minsan ay dinadagdagan o kinokontra siya ni Lola Amanda, at nauuwi muli sa kanilang magiliw na pagtatalo.Ngunit sa bawat biruan, ramdam ang lalim ng kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa.Tahimik na nakinig si Aera.Paminsan-minsan, sinasalinan niya ng pagkain si Ethan.Sa kauna-unahang pagkakataon, malinaw niyang naramdaman na tunay na siyang tinanggap sa pamilyang ito.Hindi bilang anak ng mga Dela Cruz.Hindi lamang bilang asawa ng apo nila.
Kinabukasan ng umaga, ginising si Zach ng anak niya.Pumasok ang liwanag ng araw sa mga siwang ng bintana.Kinuskos ni Zach ang sentido niyang masakit. Yung sandamakmak na work emails sa phone niya, halos hindi siya makahinga.Yung kapos na pera ng kumpanya, mga kliyente ng umaalis, tambak na papel
Dahan-dahan binitawan ni Serene ang hawak na bulak, at saka lumingon kay Zach. “Ganun ba talaga? Kailangan mo talagang hintayin na bumalik siya? Pag hindi siya bumalik, hindi mo na kaya?”Iniwasan ni Zach ang tingin niya, umupo sa kama at tinanggal ang kurbata.“Para lang ’yan sa trabaho. Pag nala
Napakuyom ng kamay si Zach ng hindi niya namamalayan. Pumuti ang mga buko ng kamay niya sa sobrang gigil niya.Pinigil niya ang galit.“Magpatawag ka agad ng meeting ng mga head ng bawat department. Darating ako sa kumpanya sa loob ng thirty minutes.”“Sir Zach… may mas masama pa po,” alanganing sa
Naghahanda si Aera para sa paparating na business conference. Nasa walk-in closet siya, nakatingin sa sarili niya sa salamin, at bigla niyang na-realize na baka ito ang unang malaking chance niya mula nang bumalik siya sa rito sa Baguio.Tama si Ethan masyado na siyang matagal na “na-stuck” sa mga







