ログインIsa itong blue diamond ring, hindi lang basta diamond ring ito ay Pigeon Egg. Naisip niya bigla sa tagal nila ni Zach at kahit na ikakasal na sila ay never siya nito binigyan ng engagement ring. Sandali siyang natigilan sa nakita niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala.
“Hindi mo ba nagustuhan?” nagulat siya ng biglang mag salita si Ethan. Bigla siyang natauhan ng marinig ang boses ni Ethan.
“Thank you, nagustuhan ko pero paano mo nalaman na gantong kulay ang gusto ko?” hindi kasi basta basta ang singsing na ito, bilang designer alam niya na hindi madali mag design at mag mix ng ganito kagandang singsing.
“I just chose it randomly.” matipid at malamig nitong sagot sa kanya.
Talaga bang pagkakataon lang? Iniisip pa rin ni Aera kung totoo ba ang sinabi ni Ethan pero mukha naman itong hindi nagsisinungaling. Tinignan niya ng mabuti ang sing sing at dahan dahan siyang napangiti dahil sa ganda nito.
“Ano susuotin mo ba yan o tititigan mo lang? Pwede rin naman na ako na ang mag suot sayo kung yun ang gusto mo” agad naman siyang napatingin kay Ethan.
Hindi pa man siya nakaka sagot ay hinablot na ng binata ang box, kinuha niya ang singsing at dahan dahan kinuha ang kanyang kamay. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Aera ng hawakan ng binata ang kanyang kamay. Dahan dahan nitong sinuot sa dalaga ang singsing, perfect fit tila ba sinukat talaga ito para sa sa kanya.
Lihim siyang napa ngiti sa ginawa ng binata, pero sa loob niya ay meron pa rin kirot dahil si Zach ang inasahan niyang gagawa nito sa kanya. Pero bigo siyang maranasan ito kay Zach.
Suot na niya ang singsing mula sa mga Almeda, sa isip niya ay wala na talagang atrasan to. Ito na ang simula ng kanyang buhay bilang soon to be Mrs. Aera Almeda.
Tumingin si Aera kay Ethan at naabutan niya itong naka titig nanaman sa kanya. Magsasalita pa lamang siya ng unahan na siya nito.
“When our grandparents decided this arrange marriage before nalaman kong tumanggi ka, may I know why?” seryosong tanong nito.
“Sorry about that, noon kasi ay hindi pa ko nag iisip kung ano ang tama para sa sarili ko. Hindi ko masyadong napag isipan at bigla lang akong nag desisyon”
Napa isip din siya dahil ilang taon na ang nakalipas mula ng tanggihan niya ang arrangement na yon pero wala pa rin asawa si Ethan. Dahil sa estado nila madali lang makahanap ng ibang pwede na i-arrange sa binata.
Kung alam lang niya noon na ganito ang mangyayari sa kanila ni Zach, sana noon pa man ay pumayag na siyang ikasal kay Ethan. Mas pipiliin niya na ikasal sa taong hindi niya mahal, kaysa naman sa lalakeng nagawa siyang saktan sa kabila ng pagmamahal at sakripisyo na binigay niya.
“Pero bakit mo pa tinanggap muli ang kasal na ito?” nag tatakang tanong ni Ethan, marahil nagulat ito ng bigla silang i-arrange ulit. Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tanong nito sa sa kanya.
“Dahil babalik na ko sa pamilya ko, ako na ang hahawak ng negosyo nila. At nangako ako sa magulang ko na once bumalik ako papayag ako sa gusto nilang kasal para sa akin. Besides this is a win-win situation for our families. Wag ka mag alala once na ikasal tayo hindi ako mangingialam sayo”
Pagkatapos niyang makita ang tunay na ugali ni Zach ay hindi na siya nag hahangad pa ng kahit na ano sa isang lalaki. Besides Ethan is a catch, bukod sa mayaman ang pamilyang pinanggalingan niya ay hindi naman maitatanggi na may itsura ito.
“Eh ikaw bakit ka pumayag?” binalik ni Aera ang tanong kay Ethan.
Pwede naman kasi siyang tumanggi katulad ng ginawa ni Aera noon, kasi bakit siya papayag agad kung noon ay nagawa siyang tanggihan ni Aera.
“Simple lang, malaki ang utang na loob ko sa lolo mo. Besides nasa tamang edad na ko para bumuo ng sarili kong pamilya, wag ka mag alala gagawin ko ang duty ko bilang asawa mo.”
Naalala bigla ni Aera na nung bata pa siya ay may inuwing bata ang lolo niya, ilang beses niya itong sinisilip ng patago. Hindi niya alam na pati siya ay tinitignan nito. Hindi niya alam kung sino ang batang yun. Hanggang sa umalis na lang ito saka niya nalaman na ito ay galing pala sa pamilya ng kaibigan ng lolo niya. Ibig sabihin si Ethan ang batang kinupkop noon ng lolo niya.
“So dahil sa kabaitan ng lolo ko sayo noon ay pumayag ka ikasal sa babaeng hindi mo naman mahal?” nag tatakang tanong niya, dahil pwede naman niyang suklian sa ibang paraan ang kabaitan ni Lolo.
Tinitigan lang siya nito at bahagyang napa ngisi. Naisip ni Aera na karaniwan lang kay Ethan ang kasalang walang pag-ibig.
Biglang naisip ni Aera ang mga panahon na sa Baguio pa siya nakatira, kumalat sa media na merong first love si Ethan na hindi niya napag tapat ang kanyang pag mamahal. Pero ngayon, parang takot na rin si Ethan na seryosohin ang pagmamahal. Sa bagay na ito, magkahawig sila.
Ang pinakamahalaga ngayon ay makauwi siya sa pamilya niya sa Baguio at makuha niya ang kapatawaran ng mga ito.
“Next month, kakausapin ko na ang media sa Baguio para i-announce ang engagement natin.” natigilan siya sa narinig. Hindi niya akalain na ganun kabilis nila i-announce ang nalalapit nilang kasal.
“Next month?” bahagyang nakataas ang gilid ng mga mata ni Ethan, at parang nakangiti ang ekspresyon niya.
“If you want, you can do it now” simpleng sagot nito sakanya.
Ang unang plano niya ay maka bawi muna sa mga taong nanakit sa kanya. Ngunit mukhang hindi na siya agad makakaganti sa mga to dahil kailangan na nila ayusin ang kasal nila ni Ethan.
“No, okay na yung next month.” ngumiti siya ng matipid habang nag iisip ng mga susunod na mangyayari.
Okay naman ang una nilang pagkikita, medyo cold lang ang trato sa kanya ni Ethan pero iniisip niya na ganito naman talaga ang ugali nito. Natapos na silang mag dinner, agad naman na nag paalam si Aera dahil kailangan na niyang makauwi dahil late na rin.
Sabay silang lumabas ng restaurant, nakita niyang sinenyasan ni Ethan ang assistang nitong si Lucas.
“Ms. Aera ihahatid na po kita.”
“Nako hindi na, baka maka abala lang ako sa inyo” pumasok kasi bigla sa isip niya na bumiyahe pa si Ethan mula Baguio para lang makipag kita sa kanya, malayo layo pang byahe nito pauwi.
“Wala talagang ugali si Sir Ethan na hayaan ang kasama niyang babae na umuwi mag-isa, sana maintindihan niyo.”
Bago pa man matapos ang pangungusap, bumaba ang bintana ng kotse at lumabas ang gwapong mukha ni Ethan. Ang tingin nito ay kalmado at walang emosyon.
“Sumakay ka.” Sa ilalim ng titig niya, ay wala ng nagawa si Aera kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan at tumabi kay Ethan.
Hindi na alam ni Aera kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nahihiya siya pero mas nangingibabaw ang kilig. Alam niyang sa mata ng iba, simpleng bagay lang ang ginawa ni Ethan, ngunit para sa kanya, iyon ay isang bagay na matagal na niyang hindi naramdaman. Isang munting paalala na may mga taong kayang magpahalaga nang walang hinihinging kapalit. Hindi niya inakalang ganoon pala kalalim ang epekto ng isang simpleng kilos.
Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Aera.Malabo ang kanyang paningin sa una.Puting kisame.Malamig na ilaw.At isang pamilyar na pigura na nakaupo sa tabi ng kanyang kama.Si Ethan.Nakayuko ito habang hawak ang kanyang kamay.Halatang ilang araw nang hindi nagpapahinga.Magulo ang buhok.Maitim ang ilalim ng mga mata.At tila pumayat pa.Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri.Agad na napaangat ang ulo ni Ethan.Nanlaki ang mga mata nito."Aera?"Mahina siyang ngumiti.Ngunit bago pa siya makapagsalita ay mabilis na tumayo ang lalaki.Parang natatakot na baka panaginip lamang ang lahat."Aera..."Bahagyang namamaos ang boses nito.Hindi niya alam kung ilang beses nitong binigkas ang kanyang pangalan sa nakalipas na tatlong araw.Tiningnan niya ito nang mabuti.At agad siyang nakaramdam ng kirot sa puso.Dahil mas mukha pang siya ang nasaktan kaysa sa kanya."Ang pangit mo."Mahina niyang biro.Natigilan si Ethan.Pagkatapos ay bahagyang natawa.Isang mahinang tawa na may halong pagod at ginhawa."
Alas-nuwebe y medya nang magsimula ang press conference.Punong-puno ng mga mamamahayag ang conference hall.Sa gitna ng entablado ay nakatayo si Aera habang hawak ang remote ng projector.Sa kanyang likuran ay ang lahat ng ebidensyang maglilinis sa pangalan ng Dela Cruz Atelier.Sa ibaba naman ng entablado, tahimik na nakaupo si Ethan.Ngunit hindi siya nakikinig sa presentasyon.May kung anong hindi mapakali sa kanyang dibdib.Parang may paparating na panganib.Samantala, sa kabilang gusali...Tahimik na nakapwesto ang isang sniper.Nakatutok ang rifle nito sa dibdib ni Aera.Nakadiin na ang daliri nito sa gatilyo.Sa loob ng conference hall, tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Aera."Ang lahat ng ebidensyang ito ay magpapatunay na may planadong sabwatan upang sirain ang aming kumpanya."Lumabas sa malaking screen ang mga dokumento.Nagkagulo ang mga reporter.Sunod-sunod ang flash ng kamera.Pagkatapos ay lumitaw ang pangalan ni Chang Tan.Kasabay noon—Humigpit ang daliri ng sniper.At pinindot ni
Alas-sais ng umaga. Kakaunti pa lamang ang gising sa buong lungsod.Nang lumabas si Aera mula sa gusali ng kumpanya habang hawak ang external hard drive, bahagya pa lamang nagliliwanag ang kalangitan.Hindi na niya pinasama ang kanyang asawa.Buong gabi itong gising at halatang pagod na pagod. Maitim ang ilalim ng mga mata nito kaya halos pilitin niya itong maupo sa sofa ng lounge.“Matulog ka na muna ng dalawang oras,” sabi niya.“Pumunta ka samin ng alas-otso. Ang press conference ay alas-nuwebe y medya.”Naibalik ni Ethan ang mga ebidensya na nawala kina Aera, kaya kailangan agad ng babae na magsagawa ng press conference upang iligtas ang reputasyon at negosyo ng kumpanya.Tumingin siya rito ngunit hindi nakipagtalo.Nang tumalikod na siya para umalis, hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Isama mo si Tj, hindi ka na pwedeng umalis ng hindi mo siya kasama.”Si Tj ang bagong tauhan na kinuha ni Ethan upang maging personal na bantay ng kanyang asawa.“...Sige.”Si Tj ang nagmamaneho ng
Nang dumating si Ethan sa kumpanya ng kanyang asawa, ang Design Department na lamang ang may ilaw sa buong palapag.Si Roan at dalawa pang designer ay nakaupo sa harap ng ilang computer, abala sa trabaho. Naka-seal pa rin ng pulisya ang karamihan sa mga propesyonal na kagamitan ng departamento.Nang makita nilang pumasok si Ethan, bahagya silang kinabahan.“Nasaan si Aera?” tanong niya.“Si Miss Aera po?... nasa opisina po,” maingat na sagot ni Roan.“Kasama niya si Miss Suzy. Tatlong oras na siyang nasa loob. Wala siyang sinasabi at ayaw rin niyang may pumasok.”Tumango ang lalaki at naglakad patungo sa opisina sa dulo ng pasilyo.Binuksan niya ang pinto.Nakita niyang nakaupo sa sofa ang kanyang asawa.May lumang photo album sa kanyang kandungan.Katabi nito si Suzy. Nang makita nito si Ethan, tahimik itong tumayo at lumabas ng silid, saka marahang isinara ang pinto.Lumapit si Ethan at lumuhod sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nito tiningnan.Marahang hinaplos ng kanyang mga daliri a
Dumating na ang panahon ng tag-ulan.Nakatayo si Zach sa harap ng bintana habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na dumadaloy pababa sa lumang salamin.Ikapitong araw na nila sa maliit na bayan malapit sa hangganan.Halos magaling na ang sugat sa kanyang lalamunan.Hindi na masakit magsalita, ngunit mas mababa na ang kanyang boses kaysa dati at may magaspang na paos na tunog.Kapag tumitingin siya sa salamin, halos hindi na niya makilala ang sarili.Sobrang pumayat siya.Lumitaw ang kanyang cheekbones sa ilalim ng manipis na balat.Lumubog ang kanyang mga mata.Ang kanyang jawline ay tila inukit ng matalim na kutsilyo.At ang dati niyang mga mata ay wala nang anumang bakas ng liwanag.Sabi ni Chang, maganda raw ang hitsura niyang iyon.Hindi na siya katulad ng dating mayabang na CEO ng Tuazon Group.Mas mukha raw siyang isang taong nakabalik mula sa impiyerno.Walang sinabi si Zach.Hindi niya kailangang maging katulad ng kahit sino.Isa lang ang kailangan niya, ang manalo.Sa ikaapat na gab
Samantalang sa Baguio, nakatakda na ang press conference ng alas-tres ng hapon. Alas-diyes pa lang ng umaga, nakaupo na si Aera sa pansamantalang opisina ng Design Department, huling beses na sinusuri ang mga ebidensyang ipapakita sa press conference.Nakatayo sa tabi niya si Chriztle. Magkatabi silang nakatitig sa monitor habang isa-isang tinitingnan ang mga scanned copy ng mga draft at iba pang dokumentong nagsisilbing ebidensya.Seryoso silang tinitingnan ang mga ebidensya nang may kumatok sa pinto.Pumasok si Suzy na may dalang dalawang tasa ng kape at inilapag ang mga iyon sa mesa.Kagabi lang ay opisyal na siyang lumipat sa apartment ni Aera upang samahan ito sa gitna ng lahat ng kaguluhan.Hindi na tumanggi si Aera.Alam niyang sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya kailangan magpanggap na kaya niya ang lahat mag-isa.“Kinumpirma na ni Shawn,” sabi ni Suzy.“Inaprubahan na ng korte ang preservation order para sa mga ebidensya. Mamayang hapon, ise-seal nila ang mga orihinal na draft
Sa paligid niya, puro tawanan ng mga bata at saya ng mga pamilyang namamasyal. Pero siya, mag-isa sa gitna ng gulo parang iniwan na lang, parang katawa-tawang tao.“Mom, bakit umalis na naman si Dad?” hila ni Cedric sa damit niya, umiiyak at puno ng sama ng loob.“Pangako niya sasama siya sakin man
Kasabay nito, sa Tuazon’s Group sa Manila, hinarap ni Serene ang pinakamalaking pagsubok mula nang pumasok siya sa kumpanya.Halos hindi siya makahinga sa dami ng papeles sa opisina. Ito lahat yung iniwan na trabaho ni Aera. Ang daming reports at plano, parang bundok na bumabagsak sa kanya.Mas lal
Naghahanda si Aera para sa paparating na business conference. Nasa walk-in closet siya, nakatingin sa sarili niya sa salamin, at bigla niyang na-realize na baka ito ang unang malaking chance niya mula nang bumalik siya sa rito sa Baguio.Tama si Ethan masyado na siyang matagal na “na-stuck” sa mga
Dahan-dahan binitawan ni Serene ang hawak na bulak, at saka lumingon kay Zach. “Ganun ba talaga? Kailangan mo talagang hintayin na bumalik siya? Pag hindi siya bumalik, hindi mo na kaya?”Iniwasan ni Zach ang tingin niya, umupo sa kama at tinanggal ang kurbata.“Para lang ’yan sa trabaho. Pag nala







