LOGINTahimik ang kanilang buong biyahe, tila pinakikiramdaman nila ang isa’t isa. Walang ginawa si Aera kundi tumingin sa bintana. Nang mapagod siya, dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata para makapag pahinga.
“I don’t usually give gifts to every woman.”
Napamulat si Aera nang biglang magsalita si Ethan sa tabi niya.
Nakita ni Aera na napatingin sa kanila ang driver mula sa rearview mirror. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Napatingin siya kay Ethan prente itong nakaupo, habang nakapatong ang mga kamay sa tuhod. Wala siyang mabasang ekspresyon sa binata kundi ang pagiging malamig nito.
Kung titignan si Ethan, aakalain mong marami itong nakakasamang babae. Hindi na iyon masyadong inisip ni Aera. Pero para sa isang taong may ganitong estado malapit nang magpakasal natural lang na pahalagahan nito ang reputasyon niya.
“Alam ko,” malumanay na sagot ni Aera.
Hindi na sumagot si Ethan. Muli silang nabalot ng katahimikan sa loob ng sasakyan.
Hindi namalayan ni Aera na nasa tapat na sila ng bahay nila. Agad siyang bumaba.
“Mag-ingat ka, Miss Aera,” bilin ni Lucas.
Nginitian lang niya ito bago tuluyang tumalikod. Hindi na rin siya nagpaalam kay Ethan.
Mula sa pangalawang palapag, nakita ni Zach na bumaba si Aera mula sa isang mamahaling sasakyan. Nagulat si Aera nang makita siyang nakasilip sa balkonahe. Pinagmasdan ni Zach si Aera mula ulo hanggang paa at nakita niyang maayos ang postura nito.
“Bakit ngayon ka lang nakauwi?” bungad ni Zach habang dali-daling bumababa mula sa second floor.
Samantalang si Aera naman ay seryosong nagtatanggal ng sapatos dahil masakit na ang paa niya sa pagsusuot ng high heels buong araw.
“Mas maaga pa nga ’to kaysa sa normal kong uwi,” simpleng sagot ni Aera. Hindi naman kasi talaga siya nito hinihintay. Kaya paano nito malalaman kung anong oras siya umuuwi?
Natahimik si Zach. Nakatingin pa rin siya kay Aera, na abala pa rin sa pagtanggal ng sapatos.
“Sino namang kliyente ang ka-meeting mo kanina? Bakit ganyan ang suot mo?”
“Nakipagkita lang ako sa isang kaibigan. Nag-usap lang kami saglit y’know, catching up.”
Nakaramdam ng inis si Zach sa sagot ni Aera. Nag-cancel ito ng dinner nila dahil sabi niya ay may biglaang meeting. Buong akala ni Zach, kliyente ang ka-meeting nito kaya hinayaan na lang niya. Sa ganda ng sasakyang naghatid kay Aera, lalo siyang napaisip kung sino ba ang kasama nito.
“Lalaki o babae?”
Nagulat si Aera sa tanong ni Zach; hindi naman kasi ito gano’n kabusisi sa mga nangyayari sa kanya.
“Teka nga, Zach… mukhang nag-aalala ka sa’kin ngayon, ah.” Umayos siya ng upo bago tumingin dito ng diretso sa mga mata. “Hindi ka naman ganyan dati. So what’s changed?”
Biglang naging masalimuot ang ekspresyon ni Zach, at lumambot ang pananalita nito.
“Masyado akong naging busy nitong mga nakaraang araw, Aera, kaya hindi kita masyadong nabigyan ng pansin. Ngayon lang naman ako naging matanong.”
Ngayong gabi sana ang dinner date nila, pero hindi natuloy dahil sa biglaang lakad ni Aera. Hindi rin maintindihan ni Zach kung bakit niya piniling hintayin itong makauwi.
Maya-maya, biglang inilabas ni Zach ang isang velvet box hinanda niya iyon kanina. Sa loob ay isang kulay-rosas na palda. Sinulyapan lang iyon ni Aera.
“Hindi ko gusto ang kulay na ’yan. Ibalik mo na lang,” pagod niyang sagot.
Sa tagal ng pagsasama nila, hindi man lang pala alam ni Zach ang istilo ng mga damit na gusto ni Aera. Pati ang laman ng cabinet nila, hindi nito alam.
Sa isip ni Zach, ganitong mga damit ang karaniwang gusto ni Serene at naisip din niyang halos lahat naman yata ng babae ay gano’n ang gustong pananamit.
Hindi maiwasan ni Aera na ikumpara si Ethan kay Zach. Si Ethan na ngayon pa lang niya nakilala, nakuha agad ang taste niya sa mga bagay-bagay; samantalang si Zach, wala man lang kahit konting ideya sa mga gusto niya. Sa mga di-inaasahang sandali, ipinaparamdam ng tadhana sa kanya ang kasabihang: “itinadhana pero hindi nakatakda.”
Kumunot ang noo ni Zach. Pinagmamasdan niya ang ekspresyon ni Aera, tinitingnan kung talagang ayaw ba nito sa regalo niya. Dati kasi, kahit maliit at murang regalo, natutuwa na ito at pinahahalagahan ang ibinibigay niya.
Isinantabi muna ni Zach ang bagay na iyon. Inisip niyang paraan lang ito ni Aera para makuha ang atensyon niya para mahalin pa niya ito nang mas sobra. Sa isip niya, gano’n naman daw lahat ng babae.
“Ilang araw na lang, birthday mo na. Pwede na nating ituloy yung dinner natin. Ano pala ang gusto mong regalo?”
Napatingin si Aera.
“Huwag na. Hindi ko na kailangan ng regalo. Besides, ginastos mo na yung pera na para sa kasal natin nang walang paalam, ’di ba?” huminga siya nang malalim. “Hindi naman siguro masama kung gusto ko yung lumang villa sa dating bahay ng pamilya n’yo, ’di ba?”
Sila at ang nanay ni Zach ang pumili sa bahay na iyon. Malaki ang market value ng property dahil nasa magandang lokasyon ito, sa Alabang.
Ang maganda pa, malapit lang ito sa Makati at Taguig dahil mas madalas siyang napupunta roon para sa business at personal matters. Naisip din ni Aera na magandang may matutuluyan siya at makakakilos nang maayos, at higit sa lahat, hindi niya muna makikita ang pagmumukha ni Zach. Sa ganitong paraan, magkakaroon siya ng katahimikan.
Nakita ni Aera kung paano nagulat si Zach at agad napasimangot.
“Eh doon nakatira ngayon si Mommy. Hindi naman natin siya pwedeng palipatin ng basta-basta,” ramdam ni Aera ang pagkainis ni Zach.
“Pwede namang mag-stay muna rito si Tita habang hinahanapan natin siya ng bagong bahay, mahirap ba yon?” simpleng sagot ni Aera.
Nag-aalangan pa rin ang itsura ni Zach, samantalang si Aera ay tahimik lang na pinagmamasdan siya.
“Kung ayaw mo, edi huwag. Kalimutan mo na.”
Kahit nakakatawang isipin, umasa pa rin si Aera na baka sakaling pagbigyan siya ni Zach na baka sakaling maging okay pa sila. Pero mukhang malabo na, dahil sa simpleng request niya, hindi man lang siya nito pinagbigyan. Pero sigurado siya na pag kay Serene, malamang oo agad ang isasagot nito at hindi na kailangan pang magdalawang-isip.
Nakita ni Serene kung paano biglang lumambot ang mukha ni Zach nang masulyapan nito si Aera. Parang may kung anong kumapit sa dibdib nito sandali lang, pero halata.Kaya dali-dali niyang hinigit ang laylayan ng damit ni Zach.Naputol ang tingin ni Zach kay Aera. Napalingon siya kay Serene at doon niya nakita ang luha sa gilid ng mga mata nito.“Halika na,” mahinang sabi niya, pilit na banayad. “Kain na tayo. Baka gutom na si Cedric.”Tumango si Serene, pero hindi niya inalis ang kamay sa damit ni Zach parang ayaw niyang pakawalan.Pagdating nila sa hapagkainan, unang tumama kay Zach ang mesa.Kaunti lang ang pagkain. Maayos ang pagkahain, pero halatang sapat lang para sa tatlo.Saglit siyang natahimik. Yung konsensyang sumilip kanina, tinabunan ng inis.Yung inis na mas madaling yakapin kaysa hiya.“Aera.” Mababa ang boses niya, pero mabigat. “Ito lang ang hinanda mo?”Hindi agad sumagot si Aera. Nakaupo siya nang tuwid, hawak ang kutsara, parang hindi nagmamadali parang alam na niya
Nakangiting pumasok si Serene.“Hello po, Tita,” mahina niyang bati. “Magkasama po kami ni Zach sa trabaho. Inimbita niya po kami dito para mag-dinner.”Pagkakita ni Elizabeth, bahagya itong naningkit ang mga mata hindi man halata sa iba, pero kay Aera kitang-kita. Parang sinukat ni Elizabeth si Serene mula ulo hanggang paa bago ito ngumiti, yung klaseng ngiti na hindi umaabot sa mata.Nakipagkuwentuhan si Serene, pero ramdam ni Aera na pilit lang ang pakikitungo ng biyenan niya. Kaya tumayo siya.“Ma, maghahanda na po ako ng hapunan. Mag-usap muna kayo,” mahinahon niyang paalam.Pero sa totoo lang, wala siyang naihanda. Hindi sinabi ni Zach na may dadalhin ito. Ni hindi man lang nito inisip kung ano ang mararamdaman niya.“Sige, anak,” sagot ni Elizabeth.Naiwan sa sala sina Elizabeth, Serene, at Cedric.Saglit na katahimikan ang namagitna bago muling nagsalita si Elizabeth—mabagal, kontrolado, pero malamig.“Hindi ba’t tinanggihan mo noon ang alok na kasal ni Zach?”Napakurap si Ser
Nang makita ni Zach ang lungkot sa mga mata ni Aera, parang may kumirot sa dibdib niya.“Sige na, okay na. Pangako, ibibigay ko sa’yo ang gusto mo.”Biglang nagulat si Aera. Hindi niya akalaing papayag si Zach sa hiling niya. Nang makita ni Zach na lumiwanag ang mukha ni Aera, parang nakahinga siya nang maluwag.Hindi niya maintindihan kung bakit kapag malungkot si Aera, parang siya rin ang apektado. Paano niya nagawang hindi ito pansinin nang matagal?Bigla ring naisip ni Zach na baka hindi naman masama kung papuntahin niya roon ang kanyang ina. Baka ito na ang pagkakataon para ipakilala niya si Serene at makita kung paano niya ito pakikitunguhan. Aayain din niyang madalas dumalaw si Serene sa bahay nila, kasama ang anak nila. Okay naman na ang nanay niya kay Aera ngayon—kahit dati, hindi ito sang-ayon.Samantala, nasa loob si Aera ng kanilang kwarto. Tinitigan niyang muli ang singsing na bigay ni Ethan. Naalala niyang ang ganda talaga nito. Nang isuot niya at tingnan ang kamay niya,
Tahimik ang kanilang buong biyahe, tila pinakikiramdaman nila ang isa’t isa. Walang ginawa si Aera kundi tumingin sa bintana. Nang mapagod siya, dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata para makapag pahinga.“I don’t usually give gifts to every woman.”Napamulat si Aera nang biglang magsalita si Ethan sa tabi niya.Nakita ni Aera na napatingin sa kanila ang driver mula sa rearview mirror. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Napatingin siya kay Ethan prente itong nakaupo, habang nakapatong ang mga kamay sa tuhod. Wala siyang mabasang ekspresyon sa binata kundi ang pagiging malamig nito.Kung titignan si Ethan, aakalain mong marami itong nakakasamang babae. Hindi na iyon masyadong inisip ni Aera. Pero para sa isang taong may ganitong estado malapit nang magpakasal natural lang na pahalagahan nito ang reputasyon niya.“Alam ko,” malumanay na sagot ni Aera.Hindi na sumagot si Ethan. Muli silang nabalot ng katahimikan sa loob ng sasakyan.Hindi namalayan ni Aera na nasa tapat na sila ng baha
Isa itong blue diamond ring, hindi lang basta diamond ring ito ay Pigeon Egg. Naisip niya bigla sa tagal nila ni Zach at kahit na ikakasal na sila ay never siya nito binigyan ng engagement ring. Sandali siyang natigilan sa nakita niya dahil hindi pa rin siya makapaniwala. “Hindi mo ba nagustuhan?” nagulat siya ng biglang mag salita si Ethan. Bigla siyang natauhan ng marinig ang boses ni Ethan. “Thank you, nagustuhan ko pero paano mo nalaman na gantong kulay ang gusto ko?” hindi kasi basta basta ang singsing na ito, bilang designer alam niya na hindi madali mag design at mag mix ng ganito kagandang singsing.“I just chose it randomly.” matipid at malamig nitong sagot sa kanya.Talaga bang pagkakataon lang? Iniisip pa rin ni Aera kung totoo ba ang sinabi ni Ethan pero mukha naman itong hindi nagsisinungaling. Tinignan niya ng mabuti ang sing sing at dahan dahan siyang napangiti dahil sa ganda nito. “Ano susuotin mo ba yan o tititigan mo lang? Pwede rin naman na ako na ang mag suot sa
Bumungad kay Zach ang nakasimangot na si Serene; alam na niya ang posibleng dahilan nito.“Bakit ka naman pumayag kanina na tawagin akong kabit ni Aera? Hindi mo man lang ako ipinagtanggol. Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko noon? Ang sakit kasi hinihintay kong magsalita ka at itama ang sinabi niya, pero wala. Siguro mahal mo pa rin siya. Pero mas mahal mo naman ako, ’di ba?” emosyonal na bungad nito.Agad niya itong nilapitan at mariing hinalikan sa labi.“Huwag ka nang mag-isip diyan ng kung ano-ano. Ikaw ang mahal ko. Nangako ako sa’yo na pananagutan ko kayo ni Cedric. Hindi ko na itutuloy ang kasal namin ni Aera hindi ko pa lang siya maaaring hiwalayan agad dahil malaki pa ang pakinabang niya sa kumpanya. At magiging malaking eskandalo rin sa mga Tuazon kung bigla-bigla ko na lang siyang iiwan.”Pinigil ni Serene ang kanyang hininga at agad na pumatak ang mga luha.“Alam mo ba na dahil sa’yo at kay Cedric, hindi ko man lang nagawang pumayag sa kasal na ipinipilit ng pamilya ko?


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




