Se connecterBumungad kay Zach ang nakasimangot na si Serene; alam na niya ang posibleng dahilan nito.
“Bakit ka naman pumayag kanina na tawagin akong kabit ni Aera? Hindi mo man lang ako ipinagtanggol. Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko noon? Ang sakit kasi hinihintay kong magsalita ka at itama ang sinabi niya, pero wala. Siguro mahal mo pa rin siya. Pero mas mahal mo naman ako, ’di ba?” emosyonal na bungad nito.
Agad niya itong nilapitan at mariing hinalikan sa labi.
“Huwag ka nang mag-isip diyan ng kung ano-ano. Ikaw ang mahal ko. Nangako ako sa’yo na pananagutan ko kayo ni Cedric. Hindi ko na itutuloy ang kasal namin ni Aera hindi ko pa lang siya maaaring hiwalayan agad dahil malaki pa ang pakinabang niya sa kumpanya. At magiging malaking eskandalo rin sa mga Tuazon kung bigla-bigla ko na lang siyang iiwan.”
Pinigil ni Serene ang kanyang hininga at agad na pumatak ang mga luha.
“Alam mo ba na dahil sa’yo at kay Cedric, hindi ko man lang nagawang pumayag sa kasal na ipinipilit ng pamilya ko? Hindi man kita nasamahan sa pinakamahirap mong mga panahon tulad ni Aera, pero nagkaanak ako para sa’yo. Hindi ba’t sapat na patunay iyon kung gaano kita kamahal? Ngayon na successful ka na, sigurado akong hindi na tayo pipigilan ng pamilya ko,” seryosong sambit ni Serene.
Sandali siyang tumigil, saka marahang nagtanong,
“Kaya mo ba talaga akong biguin?”
Nang marinig niya ang mga salitang iyon, hindi napigilan ni Zach na maantig.
Noong nasa kolehiyo pa siya at halos wala siyang kahit ano, si Serene ang tahimik at palihim na sumuporta sa kanya iniingatan ang marupok niyang dignidad at pinapainit ang kanyang loob sa pamamagitan ng mga liham na walang nagpapakilala.
May puwang sa puso niya na tanging si Serene lamang ang nakaupo isang puwang na hinding-hindi magbabago, anuman ang mangyari.
“Hinding-hindi kita bibiguin.” Hinila niya ang babae sa kanyang mga bisig at buong pusong nangako.
“Bigyan mo lang ako ng kaunting oras. Kapag naisara na ni Aera ang deal sa mga Velasco at maipasok niya ang kumpanya sa Elite Investment & Social Circles, agad akong makikipaghiwalay kay Aera.”
Unti-unti nang kumalma si Serene, at kasabay nito, naunawaan niya rin.
Kung pipilitin niya si Zach, baka mas mapalapit pa ito kay Aera. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang mawawala sa kanya kaya’t wala siyang magawa kundi tiisin ito.
Sa kabilang banda, dumating na si Aera sa restaurant kung saan sila magkikita ni Ethan. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya dahil unang beses pa lamang niyang makikita ang binata.
Ang lalaki ay nakatayo sa ilalim ng mahinang liwanag, parang estatwang hinubog ng oras. Ang dark gray na suit nito ay swak sa katawan, at malinaw na makikita ang hugis ng mga muscles sa balikat at likod. Ang mahahabang pilikmata nito ay nagbubuo ng anino sa ilalim ng mga mata nito.
Hindi nito tiningnan ang paligid hanggang sa marinig ang mga yabag.
Sa ilalim ng gold-rimmed glasses, kitang-kita ang matalim at malalim nitong mga mata kapag tumitig siya sa isang tao, para bang sinusuri niya ito nang mabuti.
Jazz music ang maririnig sa buong restaurant. Nakita niyang hawak ng binata ang menu. Malakas ang aura nito hindi malamig, ngunit ramdam ang kapangyarihan ng isang taong matagal nang nasa itaas.
Inayos ni Aera ang suot niyang champagne-colored silk dress. Naalala niya ang paulit-ulit na pangmamaliit sa kanya ni Zach, na tinatawag daw na manang ang kanyang mga damit. Dahil doon, nakalimutan na talaga niya kung gaano siya kaganda.
Nagsuot din siya ng light makeup at itinali ang kanyang mahabang buhok, dahilan upang makita ang maputi niyang leeg. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesang inuupuan ng binata.
“Mr. Almeda, Miss Aera has arrived,” sabi ng assistant nito habang inalalayan siya paupo.
Kaharap na niya ngayon ang lalaking pakakasalan niya.
“Long time no see,” bungad nito sa kanya isang bagay na ikinagtaka niya dahil hindi niya maalalang nagkita na sila noon.
“Wait… have we met before?” takang tanong niya.
Kilala na ni Aera si Ethan bilang bahagi ng isa sa pinakamayayamang pamilya halos bilyon ang assets ng mga Almeda. Sikat din ito dahil sa husay sa negosyo at kilala bilang isang cold-hearted na tao, hindi malapit sa mga babae, sa trabaho man o sa personal nitong buhay.
Hindi na mahalaga kay Aera kung saan sila nagkakilala dahil kahit anong pilit niya, hindi talaga niya matandaan kung nag kita na ba sila ni Ethan noon.
Napansin niyang matagal siyang tinitigan ni Ethan, para bang sinusuri nito ang bawat detalye ng kanyang mukha. Bigla tuloy siyang napayuko sa kahihiyan.
“B-bakit ka nakatingin? May dumi ba ako sa mukha?” mahina at nahihiyang tanong niya.
Hindi siya sinagot ng binata. Sa halip, inilapag nito ang isang maliit na kahon sa mesa.
“Ano ’to?” tanong niya, kahit pakiramdam niya ay alam na niya kung ano ang laman nito. Pero ayaw naman niya mag assume, kasi baka iba pala ang iniisip niyang laman nito.
Hindi pa rin siya sinagot ni Ethan sa halip, tinaasan lamang siya nito ng kilay. Mukha naman wala siyang makukuhang sagot mula dito. Kaya kinuha na lang niya ang maliit na kahon.
Dahan-dahan niya itong binuksan.
Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita.
Sa kabilang panig, nang magising si Zach, ang unang naramdaman niya ay ang matinding sakit sa kanyang lalamunan, na para bang napunit ito mula sa loob.Sinubukan niyang igalaw ang kanyang kamay, ngunit pakiramdam niya ay kasimbigat ng tingga ang kanyang mga braso at binti. Parang nakadikit ang kanyang mga talukap sa pandikit, at kinailangan niyang gamitin ang lahat ng lakas niya para mabuksan ang mga ito kahit kaunti lamang.Madilim ang ilaw. Bahagyang umaalog ang mga dingding ng kabina. Sa hangin ay naghahalo ang amoy ng maalat na simoy-dagat at disinfectant.“Gising ka na?”May boses na narinig mula sa tabi.Mahirap na inikot ni Zach ang kanyang mga mata.Naka upo si Chang sa sofa ilang hakbang ang layo. Hawak nito ang isang hindi pa sinisindihang sigarilyo habang nakatingin sa kanya.Walang emosyon ang mukha nito, ngunit ang tingin nito ay parang isang agilang sinusuri ang kanyang magiging biktima.Sinubukan ng lalaki na magsalita, ngunit pira-pirasong tunog lamang ang lumabas mula
Matapos ang tatlong araw mula ng nag meeting sila ay bumalik si Shawn sa kumpanya ng mga Almeda. Dala-dala nito ang isang makapal na envelope na naglalaman ng mahalagang dokumento.Inilapag niya ito sa lamesa ni Ethan bago marahang nagsalita.“Hindi totoong patay na si Zach Tuazon, nakakuha ako ng ebidensya.” seryosong sambit nito.Si Ethan ay kasalukuyang nagre-review ng public relations plan ng Dela Cruz Atelier. Nang marinig iyon, agad siyang tumingala.“Simulan mo sa umpisa,” sabi niya.Umupo si Shawn sa harap niya at inayos ang kurbata.“Tatlong araw na ang nakalipas, natuklasan namin ang isang kakaibang detalye,” sabi ni Shawn.“Isang linggo bago mamatay si Zach, ang medical unit ng kulungan ay naglabas ng tatlong malalakas na sedative.”Ipinasa niya ang kopya ng record.“Ang rason nila gamot daw sa preso na may matinding psychological instability. Pero sa panahong iyon, walang ibang preso na kailangang bigyan ng ganoong gamot.”“Ang gamot na ito,” dagdag niya, “ay ginagamit par
Kinabukasan, alas nuwebe ng umaga, sa conference room ng building ng Almeda Group.Sa isang bahagi ng mahabang mesa ay nakaupo si Ethan. Sa kaliwa niya naman ay nakaupo ang kanyang asawa, at sa kanan naman ay ang kaibigan nilang abogadong si Shawn.Sa sandaling iyon, mabilis niyang binabasa ang isang tumpok ng mga dokumento, paminsan-minsan ay inaayos ang salamin sa kanyang ilong.“Tinapos kong suriin lahat ng patent files ng Villareal Design kagabi,” malinaw at kalmadong sabi niya.“Sa legal na pananaw, mukhang kumpleto ang kanilang ebidensya pero mukhang may isa lang silang pagkakamali.”Inihagis niya ang isang dokumento sa harap ni Ethan.“Sa ilalim ng Patent Law at Copyright Law, para mapatunayan ang originality, kailangan ang kumpletong record ng proseso ng paggawa nito. Ang ibinigay nila ay mga scanned sketches na may timestamps, pero lahat ng sketches ay parang sabay-sabay lang ginawa. Sa totoong proseso ng paggawa ng design, halos imposible iyon.”Sumandal si Aera.“Ibig mong
Pagliko ng sasakyan, dumaan muna si Ethan sa kumpanya ng asawa upang sunduin si Aera at sabay silang umuwi.Habang nasa biyahe, sumandal ang babae sa balikat ng asawa.Halos makatulog na siya sa sobrang pagod.Ngunit pilit niyang nilabanan ang antok.May mga bagay siyang nais sabihin ngayon.“Ethan,” mahina niyang tawag.“Mm?” sagot nito mula sa itaas ng kanyang ulo.Malalim at banayad ang tinig nito.“Tungkol kay Zach... nakita mo ang katawan niya, hindi ba?”Hindi niya iminulat ang mga mata habang nagsasalita.“Pumunta ka sa funeral home ngayong hapon.”Narinig niyang bahagyang tumigas ang katawan ni Ethan.“Paano mo nalaman?” tanong nito.“Kilala kita.”Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at tumingala rito.“Kapag nakatanggap ka ng ganoong tawag, imposibleng hindi mo alamin ang katotohanan. Lalo na kung pinaghihinalaan mong may kakaiba sa pagkamatay ni Zach.”Madilim ang loob ng sasakyan.Tanging mahinang ilaw mula sa dashboard ang nagbibigay-liwanag sa mukha ni Ethan at nagpa
Gabi na nang tuluyan silang umalis sa kumpanya.Natanggap ni Ethan ang tawag na iyon habang nasa kalagitnaan ng board meeting noong Martes.Sa conference room, mainit na pinagtatalunan ng ilang directors ang direksyon ng investments para sa susunod na quarter.Minsan ay tumataas ang mga boses, minsan naman ay pinipigilan nila ang kanilang emosyon.Naupo si Ethan sa pinakagitnang upuan.Pinapaikot niya ang isang mamahaling fountain pen sa kanyang mga daliri.Nakatutok ang kanyang mga mata sa financial report sa harap niya, ngunit malinaw na wala roon ang kanyang isip.Sa nakalipas na pitumpu’t dalawang oras, ginamit niya ang lahat ng intelligence resources ng kumpanya upang matunton ang pinagmulan ng mapanuksong text message.Ngunit bigo pa rin sila.Hindi bababa sa limang layer ng encryption ang ginamit sa numero.Nang mag-report ang head ng technical department kaninang umaga, pawis na pawis ito.“Sir Ethan, propesyonal ang anti-tracking methods ng kalaban. Posible pang ganitong klas
“Ipagpatuloy ninyo ang imbestigasyon,” sabi ni Aera.“Hindi maaaring huminto ang trabaho ng design department. Roan, bumuo ka ng isang team at gamitin ninyo ang inyong mga personal na laptop para ipagpatuloy ang mga design para sa susunod na season. Huwag ikonekta sa internet, huwag ipakalat sa iba, at lahat ng files ay mano-manong i-backup.”“Opo, Miss Aera.”“Marketing department, muling suriin ang magiging epekto ng insidenteng ito sa brand. Gusto ko ng report bago mag tanghali bukas.”“Naiintindihan po.”“Public relations department, bantayan ninyo ang lahat ng balita at galaw sa social media. Kapag may bagong ulat, ipaalam agad sa akin.”Nagpatuloy pa ang meeting nang kalahating oras.Maayos at sistematikong namahagi ng mga gawain si Aera.Pinatatag niya ang loob ng kanyang mga tauhan.Kahit siya mismo ay puno ng pag-aalala, bilang pinuno ay kailangan niyang manatiling matatag.Sa wakas, alas-diyes ng gabi, natapos ang meeting.Isa-isang umalis ang mga department heads hanggang s
Maganda ang mga neon lights tuwing gabi sa Baguio.Maganda ang naging ayos ni Aera, simple pero professional ang dating. Isa itong magandang pink skirt, samantalang si Ethan naman ay naka suot ng isang simple suit pero ang lakas ng maka sosyal. Sabay silang pumasok sa loob ng isang high-end bar. N
Sa kabilang banda.Sa conference room ng Almeda Group, seryoso ang paligid.Yung malaking bilog na conference table, puno ng mga importante na tao sa design department at mga staff na galing mula sa iba’t ibang branch.Nakatutok ang mga mata ng lahat sa taong nasa gitna walang iba kundi si Ethan.N
Tinitigan ni Zach yung maikling reply sa kanya, at bigla siyang nakaramdam ng inis.“Busy”? Gaano ba siya ka-busy sa Baguio? Training lang naman ’yon. Mas importante pa ba ’yon kaysa sa buhay at kinabukasan ng kumpanya?Halos tama na nga ang iniisip niya, sinadya ni Aera.Pinaparusahan siya nito, a
Sa paligid niya, puro tawanan ng mga bata at saya ng mga pamilyang namamasyal. Pero siya, mag-isa sa gitna ng gulo parang iniwan na lang, parang katawa-tawang tao.“Mom, bakit umalis na naman si Dad?” hila ni Cedric sa damit niya, umiiyak at puno ng sama ng loob.“Pangako niya sasama siya sakin man







