مشاركة

Chapter 3

مؤلف: Mademoiselle
last update تاريخ النشر: 2026-07-30 09:21:11

Hindi mahimbing ang tulog ni Celeste. Alas-singko pa lamang ng umaga, bago pa man sumikat ang araw, bumangon na siya upang maghanda ng almusal. Paboritong kombinasyon ng kaniyang pamilya ang lugaw na may egg at lean pork kasama ang ginisang rice noodles, isang pagkaing madalas ihanda ng kaniyang tiyahin noong nasa bahay pa siya ng mga ito.

Maya-maya'y narinig niya ang pagbukas ng p***o sa sala. Bahagyang natigilan ang kaniyang kamay na may hawak na sandok nang pumasok si Harold.

Nang marinig nito ang ingay mula sa kusina, napalingon ito. "Mabango ang niluluto mo," sabi nito. "Naghahanda ka ba ng almusal?"

Hindi tumingin si Celeste sa kaniya. Naamoy niya ang bahagyang amoy ng pabango na kumapit sa katawan nito, at gusot din ang puting polo nito na halatang hindi man lang nakapagpalit nang maayos. Hindi mapigilan ni Celeste na maiisip kung paano kaya ng mga ito pinalipas ang magdamag.

Tahimik ang isang private hospital room kapag gabi, at kapag tanging paghinga na lamang ng dalawang tao ang maririnig, ano kaya ang iniisip nila? Ano ang unti-unting namuo sa gitna ng dilim? 

Hindi niya mapigilang makabuo ng kung anu-anong larawan sa kaniyang isip, mga kamay na dumudulas sa ilalim ng hospital gown, mga yakap, at mga haplos.

Nasusuka siya. Mariin siyang umiling upang itaboy ang mga larawang iyon. "Naghahanda ako ng almusal para dalhin sa ospital para kay Tiyo," mahinahon niyang tugon.

Tumango lamang si Harold. "Magpapalit muna ako," sabi nito bago dumiretso sa master’s bedroom.

Tahimik na ipinagpatuloy ni Celeste ang paggisa ng rice noodles. Pagpasok naman ni Harold sa silid, napansin niyang malinis ang lahat, maayos ang pagkakalatag ng kumot at pantay ang pagkakaayos ng mga unan na parang walang natulog doon kagabi. 

Binuksan niya ang aparador upang hanapin ang kulay abong necktie na gusto niyang isuot, ngunit matagal man siyang naghanap ay hindi niya ito makita. Si Celeste ang palaging nag-aayos ng lahat ng gamit sa bahay at hindi kailanman inalam ni Harold kung saan nito inilalagay ang mga iyon.

"Celeste," tawag niya habang nakatayo sa pintuan ng kuwarto.

Lumapit si Celeste matapos punasan ang kaniyang mga kamay. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang asawa, diretso siyang nagtungo sa aparador at binuksan ang ikalawang drawer sa kaliwa. Mula sa maayos na nakarolyong mga necktie, agad niyang hinugot ang kulay abong hinahanap nito at iniabot iyon.

Tahimik na tinanggap iyon ni Harold at nagsimulang magtali ng necktie sa harap ng salamin. Minsan, naiisip din niyang kakaiba si Celeste, para bang nababasa nito ang laman ng kaniyang isip nang hindi na kailangang magsalita dahil alam na agad nito ang gusto niya. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit unti-unti silang naubusan ng pag-uusap. Lahat ng hindi na kailangang sabihin ay hindi na talaga nila sinasabi.

Naalala niyang noong bagong kasal pa sila, napakadaldal ni Celeste. Ikinukuwento nito kung anong gulay ang nabili sa palengke, kung paanong nanganak ang pusang gala sa ibaba ng gusali, at kung anu-anong maliliit na pangyayari sa buong araw.

Ngunit palagi niya itong pinuputol. "Huwag mo nang ikuwento ang mga walang kuwentang bagay na iyan, wala akong interes,” sabi niya rito. Ngayon, hindi na ito nagsasalita at sobra na ang katahimikan nito.

Bumalik si Celeste sa kusina at isa-isang inilagay ang almusal sa mga thermal lunch box, para sa kaniyang tiyuhin at para kay Vince. Pagkatapos ay nagsalin siya ng isang mangkok para kay Harold at iniwan iyon sa mesa.

Habang nagsusuot si Celeste ng sapatos sa may pintuan, lumabas na rin si Harold mula sa kuwarto. 

Habang itinatali ng dalaga ang sintas ng kaniyang sapatos, ilang ulit umikot sa kaniyang isip ang pangungusap na, “Nakita kita kahapon sa ospital.” 

Ngunit hindi niya ito sinabi. 

Ano pa ang silbi? Pareho naman nilang alam ang katotohanan at ang pagsasalita pa tungkol doon ay lalo lamang makakasakit. Tutal, napagdesisyunan na rin naman niyang makipagdiborsiyo kaya mas mabuting unahin na lamang ang mas mahalagang bagay.

"Tungkol sa gamot..." tumayo si Celeste. "Hindi raw madaling makuha iyon. Maaari mo bang sabihan si Warren? Natatakot akong hindi niya seryosohin ang sasabihin ko."

"Sige," sagot ni Harold.

Umupo si Harold sa hapag at nagsimulang kumain. Sakto lang ang init ng lugaw at malasa ang rice noodles na hindi mamantika, napakasarap.

"Mas masarap pa ito kaysa sa mga nasa labas,”sabi nito pagkatapos ng unang subo, napatingala sa kanya.

Walang sumagot. Tahimik ang sala at nakasara na ang p***o dahil matagal nang nakaalis si Celeste. Sandaling natigilan si Harold nang mapagtantong hangin lang pala ang kausap niya, kaya bahagya siyang napakunot-noo.

Sa isip niya, napapagod na siguro si Celeste sa pag-aalaga sa tiyuhin nito, ngunit hindi ba sapat ang perang ibinibigay niya buwan-buwan upang kumuha ito ng caregiver?

Matapos kumain, iniwan niya ang mga pinagkainan sa mesa at naglakad na sana palabas. Ngunit maya-maya'y huminto siya, bumalik, at tahimik na tinitigan ang dalawang mangkok. Marahang itinaas ni Harold ang manggas ng kaniyang polo, bitbit ang mga iyon pumasok sa kusina, binuksan ang gripo, at siya mismo ang naghugas ng mga plato.

**

Pagdating ni Celeste sa ospital, kasisikat pa lamang ng araw. Magdamag na nagbantay si Vince sa tabi ng kama ng kaniyang tiyuhin at halatang hindi ito nakatulog.

"Kuya, umuwi ka muna at magpahinga. Ako na ang bahala rito," malumanay na sabi ni Celeste. "Ikaw na rin muna ang tumingin sa pabrika."

Bahagyang bumuti ang pakiramdam ni Rodolf kaysa kahapon. Matapos makalunok ng ilang kutsarang lugaw, ngumiti ito kay Celeste.

Bandang alas-nuwebe ng umaga, matapos siyang magpakain sa tiyuhin, nagtungo si Celeste sa pantry ng ospital at tinawagan si Warren. Limang taon nang chief secretary ni Harold si Warren at kilalang mahusay at maaasahan sa trabaho. Tatlong beses tumunog ang telepono bago ito sinagot.

"Secretary Warren... ako 'to, si Celeste," sandali siyang tumigil. "Sinabi ni President Miller na makipag-ugnayan ako sa inyo tungkol sa gamot ng tiyuhin ko..."

"Miss Reed," agad siyang pinutol ni Warren sa pormal at malamig na tono. "Wala pong naibibilin sa akin si President Miller tungkol sa bagay na iyan."

Bahagyang humigpit ang hawak ni Celeste sa cellphone. Miss Reed. Hindi Mrs. Miller. Dalawang taon na silang kasal ngunit ni minsan ay hindi siya tinawag ni Warren na Mrs. Miller, ni sa harap niya o sa likuran niya, na para bang hindi kailanman naging tunay ang kaniyang pagiging asawa kay Harold.

"Pero kahapon... sinabi niya sa aking kayo na ang kakausapin ko."

"Naiintindihan ko. Tatanungin ko muna si President," malamig na sagot ni Warren bago agad ibinaba ang tawag.

Tahimik na tumayo si Celeste sa tabi ng bintana ng pantry habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa ibaba. Sumikat na ang araw ng unang bahagi ng tagsibol, ngunit masakit pa rin sa kaniyang mga mata ang liwanag nito.

Ilang minuto ang lumipas bago tumawag muli si Warren. "Miss Reed, nagbigay na ng utos si President Miller. Makipag-ugnayan po kayo kay Director Choi ng International Affairs Department." 

Bago pa man siya makapagpasalamat ay may pumasok nang mensahe sa messenger. “Miss Reed, narito ang contact information ni Director Choi.”

Pinigilan ni Celeste ang paninikip ng kaniyang dibdib at tinawagan ang numerong ipinadala.

"Miss Celeste?" magalang ngunit malamig din ang boses sa kabilang linya. "Alam ko na ang tungkol sa gamot. Naipasa ko na ang utos sa aming opisina sa Bansa Amerika. Mangyaring makipag-ugnayan kayo kay Manager Zubiaga. Ipapadala ko ang kaniyang contact number."

"Maraming salamat po."

"Walang anuman."

Pagkababa ng tawag, dumating ang pangalan at numero ni Manager Zubiaga. Matagal niyang tinitigan ang malamig na serye ng mga numero at bigla siyang napangiti nang mapait. Pakiramdam niya'y isa lamang siyang bolang ipinapasa-pasa ng lahat at walang tunay na gustong tumanggap sa kaniya. Alam ng lahat na ang asawa ni President Miller ay hindi kailanman tinanggap ng pamilya nito.

Mula sa labas ng pantry, narinig niya ang mahinang tawanan nang pumasok ang dalawang batang nurse na nag-uusap, nang hindi napapansing may tao sa loob.

"Alam mo ba?" sabi ng isa. "Yung matandang naka-admit sa sixth floor... tiyuhin daw iyon ng asawa ni President Miller."

"Talaga? Kung gano'n, bakit nasa six-bed ward? Napakayaman ng pamilya Miller, kahit private room man lang sana."

"Ay, hindi mo ba alam? Hindi naman talaga mahal ni President Miller ang asawa niya. Pinilit lang silang ikasal ng matriarch. Ang totoong mahal niya ay si Miss Olivia na nasa VIP ward. Kagabi nga raw, siya pa mismo ang nagbantay roon."

"Alam kaya iyon ng asawa niya?"

"Kahit alam man niya o hindi... ganyan talaga ang mayayaman. May asawang pampakitang-tao sa bahay para mapasaya ang matatanda, tapos ang totoong mahal... nasa labas. Naku, mas kinikilig pa nga ako kina President Miller at Miss Olivia kaysa sa arranged marriage nila."

Tahimik na tumalikod si Celeste at tumingin sa labas ng bintana habang napakasilaw ng sikat ng araw. Malinaw niyang naririnig ang sarili niyang mabagal at mahinang paghinga.

Nang mapansing may tao pala sa loob ng pantry. "Hindi kaya... siya iyon?” bulong ng namumutla na isa sa mga nurse. “Naku, patay tayo."

Nagmamadali silang lumabas at muling bumalot ang katahimikan.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone ni Celeste. Si Harold ang tumatawag. Akala niya'y tungkol iyon sa gamot.

"Samahan mo ako sa isang charity gala mamayang gabi. Mag-ayos ka."

Sa isang iglap, naglaho ang mumunting pag-asang nabuo sa kaniyang puso. "Ayokong pumunta," mahina niyang sagot.

Tahimik ang kabilang linya. Pagkaraan ng ilang segundo, lalong lumamig ang boses ni Harold. "Celeste. Asawa ka ng isang President Miller. Lahat ng dadalo roon ay mga business partner ng pamilya Miller. Kung hindi ka sasama, anong iisipin nila? Napailap mo. Paano ka magiging karapat-dapat bilang Mrs. Miller?" pang-uuyam nito sa kanya. Sandali itong tumigil bago muling nagsalita. "Ipapasundo kita mamayang hapon. Dumaan ka muna sa lumang mansion at kumuha ka ng ilang alahas."

Hindi na siya hinayaang makapagsalita pa ni Harold dahil agad nitong ibinaba ang tawag. Matagal na natulala si Celeste, napapaitan sa katotohanang kailangan na naman niyang bumalik sa bahay na ayaw na niyang balikan.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 4

    Pagdating ni Celeste sa lumang mansyon ng pamilya Miller, abala ang kaniyang biyenang si Cecilia sa pag-aayos ng mga bulaklak sa sala. Tahimik siyang pumasok, nagpalit ng tsinelas sa may entrada. "Magandang araw po, Mama,” magalang niyang bati."Himala," hindi man lang nag-angat ng tingin si Cecilia habang naggugupit ng mga tangkay. "May oras ka pa palang bumalik rito? Akala ko araw-araw kang abala sa mga problema ng pamilya mo."Pinanatili ni Celeste ang mahinahong tono. "Si Harold po ang nagsabing dumaan ako para kumuha ng ilang gamit."Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Cecilia at mula ulo hanggang paa ay sinukat siya nito ng tingin. Huminto ang mga mata nito sa kupas niyang bestida at sa halos walang kolorete niyang mukha bago bahagyang ngumiti nang malamig. "Pinapahiram ka lang naman ni Harold ng mga alahas, hindi ba?"Matagal nang alam ni Celeste na hindi siya gusto ng kaniyang biyenan. Isa lamang siyang ordinaryong babae na sa tingin nito ay hindi karapat-dapat kay Harold at

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 3

    Hindi mahimbing ang tulog ni Celeste. Alas-singko pa lamang ng umaga, bago pa man sumikat ang araw, bumangon na siya upang maghanda ng almusal. Paboritong kombinasyon ng kaniyang pamilya ang lugaw na may egg at lean pork kasama ang ginisang rice noodles, isang pagkaing madalas ihanda ng kaniyang tiyahin noong nasa bahay pa siya ng mga ito.Maya-maya'y narinig niya ang pagbukas ng pinto sa sala. Bahagyang natigilan ang kaniyang kamay na may hawak na sandok nang pumasok si Harold.Nang marinig nito ang ingay mula sa kusina, napalingon ito. "Mabango ang niluluto mo," sabi nito. "Naghahanda ka ba ng almusal?"Hindi tumingin si Celeste sa kaniya. Naamoy niya ang bahagyang amoy ng pabango na kumapit sa katawan nito, at gusot din ang puting polo nito na halatang hindi man lang nakapagpalit nang maayos. Hindi mapigilan ni Celeste na maiisip kung paano kaya ng mga ito pinalipas ang magdamag.Tahimik ang isang private hospital room kapag gabi, at kapag tanging paghinga na lamang ng dalawang tao

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 2

    Pagbalik ni Celeste sa kuwarto ng pasyente, mahimbing nang natutulog ang kaniyang tiyuhin matapos inumin ang gamot. "Celeste, umuwi ka na muna at magpahinga," malumanay na sabi ni Vince sa kaniya. "Bumalik ka na lang bukas ng umaga."Tahimik siyang tumango bago tuluyang lumabas ng ospital, kung saan unti-unting nawala ang amoy ng disinfectant na bumabalot sa kaniyang ilong.Nakayuko siyang naglalakad sa pasilyo nang bigla siyang may makabanggaan. "Paumanhin..." mabilis niyang sabi. Hindi man lang siya tumingin, agad siyang umiwas at nagpatuloy sa paglalakad palayo.Nanatiling nakatayo si William habang tahimik na sinusundan ng tingin ang papalayong likod ng dalaga. "William Smith?" bahagya siyang tinapik ng lalaking nasa tabi niya. "Ano'ng nangyari?"Sinundan ni Lucas ang direksiyong tinitingnan nito bago bahagyang tumango. "Ah... siya pala. Naka-admit ang tiyuhin niya rito, ordinaryong ward, sa ikalawang palapag.""Hindi ba ospital ito ng Miller Group?" mahina ngunit mabigat na tano

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 1

    Biglang nagliwanag ang cellphone ni Celeste nang lumabas ang isang notification. Karga-karga niya ang isang malaking kahon habang palinga-linga siyang umiikot sa buong bahay, naghahanap ng mapapagtaguan nito. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ipagawa niya ang regalong iyon. Pinaglaanan niya ito ng oras at puso, umaasang kapag nakita ito ni Harold sa kaniyang kaarawan ay muling sisilay ang ngiti nito. Gusto niya itong bigyan ng isang sorpresang hindi nito makakalimutan.Dahan-dahang lumuhod si Celeste at yumukod sa sahig saka sumilip sa ilalim ng kama sa kanilang master’s bedroom. Sa pinakasulok nito, may nakita siyang isang maliit na puting kapsula. Inabot niya ito upang kuhanin at inilagay sa kaniyang palad. Napakaliit nito, mas maliit pa kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot. Makinis ang ibabaw nito at walang anumang sulat na nakalagay.Paulit-ulit niya itong sinuri at iniikot-ikot sa kaniyang mga daliri, ngunit hindi niya talaga ito makilala. Kinuha niya ang kaniyang telepo

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status