تسجيل الدخولPagdating ni Celeste sa lumang mansyon ng pamilya Miller, abala ang kaniyang biyenang si Cecilia sa pag-aayos ng mga bulaklak sa sala.
Tahimik siyang pumasok, nagpalit ng tsinelas sa may entrada. "Magandang araw po, Mama,” magalang niyang bati.
"Himala," hindi man lang nag-angat ng tingin si Cecilia habang naggugupit ng mga tangkay. "May oras ka pa palang bumalik rito? Akala ko araw-araw kang abala sa mga problema ng pamilya mo."
Pinanatili ni Celeste ang mahinahong tono. "Si Harold po ang nagsabing dumaan ako para kumuha ng ilang gamit."
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Cecilia at mula ulo hanggang paa ay sinukat siya nito ng tingin. Huminto ang mga mata nito sa kupas niyang bestida at sa halos walang kolorete niyang mukha bago bahagyang ngumiti nang malamig.
"Pinapahiram ka lang naman ni Harold ng mga alahas, hindi ba?"
Matagal nang alam ni Celeste na hindi siya gusto ng kaniyang biyenan. Isa lamang siyang ordinaryong babae na sa tingin nito ay hindi karapat-dapat kay Harold at lalong hindi nababagay sa pamilya Miller.
"Nasa vault ang mga alahas. Follow me.’ Inilapag ni Cecilia ang gunting, pinunasan ang kaniyang mga kamay, saka marahang umakyat sa ikalawang palapag habang tahimik na sumusunod si Celeste.
Sa loob ng study room ay may nakatagong wall safe. Matapos ilagay ni Cecilia ang password, tumunog ang isang malutong na click at bumukas ang p***o ng vault.
Sunod-sunod na nakahanay sa loob ang mga mamahaling kahon ng alahas na kumikinang sa ilalim ng ilaw habang naglalaro ang repleksiyon ng mga mamahaling bato. May inilabas itong isang madilim na berdeng velvet box, at pagkabukas nito ay lumitaw ang isang buong set ng imperial green jade jewelry, kuwintas, hikaw, at bracelet. Napakalinaw ng jade at halatang napakamahal.
"Sinabi ni Harold na ito ang pinakababagay sa gala mamayang gabi," iniabot ni Cecilia ang isang papel. "Pirmahan mo muna ito."
Napakunot-noo si Celeste at pagtingin niya sa papel ay nakasulat doon sa malalaking titik.
Kasunduan sa Pagpapahiram.
Ako ay humihiram ng isang buong set ng imperial green jade jewelry ng pamilya Miller na nagkakahalaga ng tatlumpung milyong yuan. Kung ito ay masira o mawala, sasagutin ko ang buong halaga nito.
Lagda ng nanghihiram: _______
Napatingin siya kay Cecilia. "Mama..."
Nagtaas ng kilay ang biyenan. "Bakit? Ayaw mong pumirma? Kung hindi ka pipirma, hindi ko maipapahiram sa 'yo. Alahas itong nagkakahalaga ng tatlumpung milyon, paano kung mawala mo, sino ang magbabayad?"
Tahimik na isinara ni Celeste ang kahon at marahan iyong itinulak pabalik. "Hindi na po. Salamat." Pagkasabi niyon ay tumalikod siya at bumaba ng hagdan.
"Wala talagang modo... hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ang pinagmulan niya,” narinig niya ang malamig na boses ni Cecilia mula sa kanyang likuran.
**
Sa sala, tahimik na nagbabasa ng diyaryo ang kaniyang biyenang lalaki na si Ernest Miller. "Umalis na ba?" Hindi man lang nag-angat ng tingin ito nang magtanong.
"Oo," umupo si Cecilia habang masama ang loob. "Tingnan mo ang ugali niya. Nagpapa-sign lang ako ng kasunduan para sa alahas na nagkakahalaga ng tatlumpung milyon, akala yata niya mumurahing paninda lang iyon. Kahit masira niya, hindi ko naman talaga siya pagbabayarin dahil kahit ibenta pa ang buong pamilya nila, hindi pa rin nila mababayaran iyon."
Tahimik na ibinalik ni Ernest ang tingin sa diyaryo at malamig na nagkomento, "Ganyan talaga ang mga galing sa mahihirap na pamilya. Huwag mo nang patulan."
Sa sandaling iyon ay lumapit ang isang kasambahay. "Gising na po si Madam,” sabi nito.
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Cecilia at mabilis na inalalayan ang matandang si Amanda Miller papasok ng sala.
Pagtingin ng matanda sa walang laman na entrada ay agad itong napakunot-noo. "Nasaan si Celeste? Hindi ba sabi ninyo ay bumalik siya?"
Pilit na ngumiti si Cecilia. "Mom... kakaalis lang niya."
"Kakaalis?" Matalim ang tingin ng matanda. "Ikaw ba ang nagpaalis sa kaniya?"
"Hindi po... Pinapirma ko lang siya ng—"
"Ng ano?" Biglang tumaas ang boses ni Amanda. "Huwag mong sabihing pinapirma mo na naman siya ng kasunduan!"
Napaatras si Cecilia sa gulat habang mariing itinukod ng matanda ang kaniyang tungkod. "Tandaan mo, ang mga alahas na iyon ay akin, hindi pag-aari ng pamilya Miller! Kapag gustong isuot ng apo kong babae ang mga iyon, maaari niyang kunin anumang oras at hindi niya kailangan ang pahintulot mo!"
"Mom, huwag po kayong magalit..."
"Sigurado akong binully mo na naman si Celeste!" putol ng matanda. "Mukha ba akong walang nakikita?"
Tumayo rin si Ernest para umawat. "Mom, kumalma po kayo."
Mariing itinuro ni Amanda ang kaniyang anak at manugang. "Tandaan ninyo, hindi aabot sa kinaroroonan ngayon ang pamilya Miller dahil sa makikitid ninyong pag-iisip!"
**
Ginanap ang charity gala sa isang pribadong clubhouse sa sentro ng lungsod. Pagpasok pa lamang ni Celeste ay halos tumahimik ang buong bulwagan. Suot niya ang isang simpleng itim na velvet gown na lalong nagpalitaw sa kaniyang maputing kutis.
Nakaayos ang kaniyang buhok sa isang mababang bun habang banayad lamang ang kaniyang makeup, isang tahimik ngunit nakakabighaning kagandahan. Hindi man marangya, mas kahali-halina pa siya kaysa sa maraming artistang naroon.
Ngunit walang kuwintas ang kaniyang leeg at walang pulseras ang kaniyang mga kamay; tanging maliit na pares ng pearl earrings lamang ang kaniyang suot. Sa gitna ng mga babaeng nababalutan ng mamahaling alahas, kapansin-pansin ang kaniyang pagiging payak.
Nang makita siya ni Harold, agad itong napakunot-noo. "Nasaan ang mga alahas?"
"Wala," maikling sagot ni Celeste.
Lalong lumalim ang kunot sa noo ng lalaki. Isa itong high-end gala at para sa kaniya, ang ayos ng asawa ay repleksiyon ng kaniyang katayuan. Sa ganoong kasimpleng ayos ay parang siya mismo ang napapahiya. "Ano'ng nangyari?"
"Pinapapirma ako ni Mama ng kasunduan," malumanay na paliwanag ni Celeste. "Tatlumpung milyon ang halaga ng jade. Natatakot akong mawala dahil hindi ko iyon kayang bayaran."
Bahagyang natigilan si Harold nang maalala ang ugali ng kaniyang madrasta, at nakaramdam din siya ng bahagyang pagkainis.
Ngunit alam niyang hindi ito ang tamang oras para pagtalunan iyon. "Kakausapin ko siya," mahinahon niyang sabi.
Hindi na sumagot si Celeste.
Sa mismong sandaling iyon, nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa may entrada nang pumasok si Olivia Wilson. Nakasuot ito ng kulay champagne na evening gown habang nagniningning ang diamond jewelry sa kaniyang leeg. Ang lalaking kasama nito ay si Timothy Cariaga, isang mayamang anak ng negosyante at matagal nang kaibigan ni Harold.
Direktang nilapitan sila ni Harold, at sa isang iglap ay nagbago ang malamig nitong ekspresyon. "Olivia... bakit ka pumunta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
Ngumiti si Olivia bago dumaan ang tingin nito kay Celeste at magalang na tumango. "Sa wakas... nakilala ko rin ang sikat na Mrs. Miller. Napakaganda mo pala," iniabot niya ang kaniyang kamay at nagpakilala, "Ako si Olivia, high school classmate ni Harold."
Bahagyang yumuko si Celeste. "Senior Wilson... matagal ko na po kayong naririnig."
Hindi inaasahan ni Harold ang sagot na iyon. "Kilala mo si Olivia?"
Napatingin sa kaniya si Celeste. "Oo. Noong nag-aaral pa ako, madalas akong pumunta sa high school department para sunduin si Kuya. Nakikita ko kayong dalawa noon."
Biglang natahimik si Harold, para bang may nais ipahiwatig ang kaniyang asawa, ngunit pinili niyang huwag na itong pag-isipan pa. "Olivia, nasa ospital ka pa kahapon. Bakit nandito ka na ngayon?"
Ngumiti si Olivia at sumagot, "Ako ang host ngayong gabi kaya hindi ko puwedeng tanggihan. Mas maayos na rin ang pakiramdam ko. Harold... salamat sa pag-aalaga mo sa akin kagabi."
Biglang natawa si Timothy at nang-uyam, "President Miller... isang bilyonaryong CEO ang personal pang nagbantay sa ospital? Napakaswerte talaga ni Miss Wilson."
Tahimik lamang na nakatayo si Celeste sa tabi nila na parang wala siya roon. Sinamaan ng tingin ni Harold si Timothy bago napatingin kay Celeste, ngunit wala man lang pagbabago sa mukha ng asawa, parang hindi nito narinig ang usapan, tulad ng isang manikang walang emosyon.
Tiningnan ni Timothy si Celeste mula ulo hanggang paa. Huminto ang tingin nito sa kaniyang walang laman na leeg at sa mahigpit nitong nakakuyom na kamay bago lumabas ang isang mapanuyang ngiti sa mga labi nito. Hindi na ito nag-abalang batiin pa ang dalaga.
"Kukuha lang ako ng maiinom," mahinang sabi ni Celeste bago tahimik na lumayo.
Pinagmasdan ni Timothy ang kaniyang likuran bago tumingin kay Harold. "Harold... kailan mo balak hiwalayan ang babaeng iyan? Tingnan mo naman, napakapayak ng suot. Kapag katabi mo siya, nakakahiya para sa 'yo."
Biglang lumamig ang tingin ni Harold. "Sino ang nagsabing makikipagdiborsiyo ako?"
Natigilan si Timothy. "Hindi pa? Ganiyan mo na nga siya tratuhin. Ikaw at si Olivia ang nararapat na magkabalikan. Kung hindi lang nangyari ang lahat noon, matagal na sana kayong kasal, siya lang ang babaeng tunay na bagay sa 'yo."
Tahimik na napatingin si Harold kay Olivia, ngunit umiwas ito ng tingin na para bang ayaw pag-usapan ang paksa. Bahagyang kumunot ang noo ni Harold. Kailan pa naging karapatan ni Timothy na manghimasok sa kaniyang buhay may-asawa?
Muling naging malamig ang kaniyang boses. "Magkaibigan kami ni Olivia. Pasensya na, hahanapin ko muna ang asawa ko."
Pagkasabi niyon ay tumalikod siya, iniwang natigilan si Timothy at si Olivia na bahagyang nagdilim ang mukha.
Nagmadaling magsalita si Timothy upang aliwin ang dalaga. "Olivia... huwag mo nang isipin. Nagpapakitang-tao lang iyon. Ikaw pa rin ang mahal niya at sa tingin ko, malapit na rin silang maghiwalay."
Tahimik na napabuntong-hininga si Olivia at ngumiti nang banayad upang panatilihin ang kaniyang elegante at mahinahong anyo. "Timothy... huwag mong sabihin iyan. Hindi ako bumalik para sirain ang pamilya ng iba, kaibigan lang ang turing ko kay Harold.”
Pagdating ni Celeste sa lumang mansyon ng pamilya Miller, abala ang kaniyang biyenang si Cecilia sa pag-aayos ng mga bulaklak sa sala. Tahimik siyang pumasok, nagpalit ng tsinelas sa may entrada. "Magandang araw po, Mama,” magalang niyang bati."Himala," hindi man lang nag-angat ng tingin si Cecilia habang naggugupit ng mga tangkay. "May oras ka pa palang bumalik rito? Akala ko araw-araw kang abala sa mga problema ng pamilya mo."Pinanatili ni Celeste ang mahinahong tono. "Si Harold po ang nagsabing dumaan ako para kumuha ng ilang gamit."Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Cecilia at mula ulo hanggang paa ay sinukat siya nito ng tingin. Huminto ang mga mata nito sa kupas niyang bestida at sa halos walang kolorete niyang mukha bago bahagyang ngumiti nang malamig. "Pinapahiram ka lang naman ni Harold ng mga alahas, hindi ba?"Matagal nang alam ni Celeste na hindi siya gusto ng kaniyang biyenan. Isa lamang siyang ordinaryong babae na sa tingin nito ay hindi karapat-dapat kay Harold at
Hindi mahimbing ang tulog ni Celeste. Alas-singko pa lamang ng umaga, bago pa man sumikat ang araw, bumangon na siya upang maghanda ng almusal. Paboritong kombinasyon ng kaniyang pamilya ang lugaw na may egg at lean pork kasama ang ginisang rice noodles, isang pagkaing madalas ihanda ng kaniyang tiyahin noong nasa bahay pa siya ng mga ito.Maya-maya'y narinig niya ang pagbukas ng pinto sa sala. Bahagyang natigilan ang kaniyang kamay na may hawak na sandok nang pumasok si Harold.Nang marinig nito ang ingay mula sa kusina, napalingon ito. "Mabango ang niluluto mo," sabi nito. "Naghahanda ka ba ng almusal?"Hindi tumingin si Celeste sa kaniya. Naamoy niya ang bahagyang amoy ng pabango na kumapit sa katawan nito, at gusot din ang puting polo nito na halatang hindi man lang nakapagpalit nang maayos. Hindi mapigilan ni Celeste na maiisip kung paano kaya ng mga ito pinalipas ang magdamag.Tahimik ang isang private hospital room kapag gabi, at kapag tanging paghinga na lamang ng dalawang tao
Pagbalik ni Celeste sa kuwarto ng pasyente, mahimbing nang natutulog ang kaniyang tiyuhin matapos inumin ang gamot. "Celeste, umuwi ka na muna at magpahinga," malumanay na sabi ni Vince sa kaniya. "Bumalik ka na lang bukas ng umaga."Tahimik siyang tumango bago tuluyang lumabas ng ospital, kung saan unti-unting nawala ang amoy ng disinfectant na bumabalot sa kaniyang ilong.Nakayuko siyang naglalakad sa pasilyo nang bigla siyang may makabanggaan. "Paumanhin..." mabilis niyang sabi. Hindi man lang siya tumingin, agad siyang umiwas at nagpatuloy sa paglalakad palayo.Nanatiling nakatayo si William habang tahimik na sinusundan ng tingin ang papalayong likod ng dalaga. "William Smith?" bahagya siyang tinapik ng lalaking nasa tabi niya. "Ano'ng nangyari?"Sinundan ni Lucas ang direksiyong tinitingnan nito bago bahagyang tumango. "Ah... siya pala. Naka-admit ang tiyuhin niya rito, ordinaryong ward, sa ikalawang palapag.""Hindi ba ospital ito ng Miller Group?" mahina ngunit mabigat na tano
Biglang nagliwanag ang cellphone ni Celeste nang lumabas ang isang notification. Karga-karga niya ang isang malaking kahon habang palinga-linga siyang umiikot sa buong bahay, naghahanap ng mapapagtaguan nito. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ipagawa niya ang regalong iyon. Pinaglaanan niya ito ng oras at puso, umaasang kapag nakita ito ni Harold sa kaniyang kaarawan ay muling sisilay ang ngiti nito. Gusto niya itong bigyan ng isang sorpresang hindi nito makakalimutan.Dahan-dahang lumuhod si Celeste at yumukod sa sahig saka sumilip sa ilalim ng kama sa kanilang master’s bedroom. Sa pinakasulok nito, may nakita siyang isang maliit na puting kapsula. Inabot niya ito upang kuhanin at inilagay sa kaniyang palad. Napakaliit nito, mas maliit pa kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot. Makinis ang ibabaw nito at walang anumang sulat na nakalagay.Paulit-ulit niya itong sinuri at iniikot-ikot sa kaniyang mga daliri, ngunit hindi niya talaga ito makilala. Kinuha niya ang kaniyang telepo







