مشاركة

Chapter 2

مؤلف: Mademoiselle
last update تاريخ النشر: 2026-07-30 09:20:08

Pagbalik ni Celeste sa kuwarto ng pasyente, mahimbing nang natutulog ang kaniyang tiyuhin matapos inumin ang gamot. 

"Celeste, umuwi ka na muna at magpahinga," malumanay na sabi ni Vince sa kaniya. "Bumalik ka na lang bukas ng umaga."

Tahimik siyang tumango bago tuluyang lumabas ng ospital, kung saan unti-unting nawala ang amoy ng disinfectant na bumabalot sa kaniyang ilong.

Nakayuko siyang naglalakad sa pasilyo nang bigla siyang may makabanggaan. "Paumanhin..." mabilis niyang sabi. Hindi man lang siya tumingin, agad siyang umiwas at nagpatuloy sa paglalakad palayo.

Nanatiling nakatayo si William habang tahimik na sinusundan ng tingin ang papalayong likod ng dalaga. "William Smith?" bahagya siyang tinapik ng lalaking nasa tabi niya. "Ano'ng nangyari?"

Sinundan ni Lucas ang direksiyong tinitingnan nito bago bahagyang tumango. "Ah... siya pala. Naka-admit ang tiyuhin niya rito, ordinaryong ward, sa ikalawang palapag."

"Hindi ba ospital ito ng Miller Group?" mahina ngunit mabigat na tanong ni William.

"Oo," hinanaan ni Lucas ang kaniyang boses. "Narinig ko, dalawang daang libo lang ang buwanang allowance na ibinibigay ni Harold sa kaniya. Ni singkong duling, walang ibinibigay ang mga biyenan niya. Wala siyang bahagi sa kumpanya, sa dividends, o kahit stock options." Huminto siya sandali bago muling nagsalita, "May tsismis pa nga’ng ipinagbabawal ng pamilya Miller kay Harold na tulungan ang negosyo ng pinsan niyang si Vince Reed."

Hindi umimik si William habang nanatili lamang ang kaniyang tingin sa direksiyong nilakaran ni Celeste.

"Tara na, naghihintay na si Mr. Chen," naglakad na si Lucas. "Mamaya hindi na papayagang bumisita."

"Ibigay mo sa akin ang susi ng sasakyan," utos ni William.

Natigilan si Lucas, ngunit iniabot pa rin niya ang susi. Hindi na lumingon si William at mabilis na tumakbo palabas, habang napailing na lamang si Lucas sa kaniyang sarili. 

"Hindi ka na nga niya naaalala... Bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo?"

**

Nakatayo si Celeste sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng Grab car dahil katatapos lamang ng oras ng visiting hours. Siksikan ang mga sasakyan sa harap ng ospital at sunod-sunod ang busina ng mga ito. Pagtingin niya sa cellphone, dalawang kilometro pa ang layo ng na-book niyang sasakyan habang pula ang buong traffic map.

Dahil sa malamig na simoy ng hangin, mas hinigpitan niya ang pagkakasara ng kuwelyo ng kaniyang trench coat. Maya-maya'y huminto sa kaniyang harapan ang isang itim na SUV. Dahan-dahang bumaba ang bintana at lumantad ang mukha ng isang lalaking halos perpekto ang pagkakaguhit ng mukha. Naka-three-piece suit ito na yari sa telang may banayad na kintab.

"Ikaw ba ang may numerong nagtatapos sa 3688?" tanong ng lalaki.

Iyon nga ang huling apat na numero ng kaniyang cellphone. Muli niyang tiningnan ang booking at nakitang hindi pa rin gumagalaw ang orihinal niyang driver.

"Kaibigan ako ng driver," iniabot ng lalaki ang kaniyang cellphone, driver's license, rehistro ng sasakyan, at ID. "Hindi na siya makakarating dahil sa trapiko. Pinakisuyuan niya akong sunduin ka. Sabi rin niya... pakiusap daw, huwag mo siyang bigyan ng bad review."

Napatingin si Celeste sa ID, William Smith. Ang nakasulat na address ay hindi condominium o subdivision, kundi isang pribadong bahay sa sentro ng lungsod. Nag-atubili siya sandali, ngunit pagkatapos ay kinansela niya ang booking, ibinalik ang mga dokumento, at sumakay sa likurang upuan ng sasakyan.

Malinis ang loob ng kotse at halatang personal na gamit ng isang taong may mataas na antas ng pamumuhay. Gayunpaman, bahagya pa rin siyang kinakabahan.

"Malamig ba ang aircon?" tanong ni William.

"Ayos lang," mahina siyang ngumiti.

Paminsan-minsan ay sumisilip si William sa rearview mirror. Malalaki ang mga mata ng dalaga at may bahagyang baby fat pa ang kaniyang mga pisngi, mukha itong unang pag-ibig na pinapangarap ng maraming lalaki. Hanggang-balikat ang kaniyang buhok, nakasuot ng kulay kremang bestida, at malinis at banayad ang kaniyang kutis. Kaunting ayos lamang ay para na siyang pangunahing artista sa malaking pelikula.

Ding!

Tumunog ang Messenger ni Celeste at nakitang mensahe iyon mula kay Harold.

“Ano'ng kailangan mo?”

Mabilis siyang nag-reply. “Hindi maganda ang lagay ng tiyuhin ko. Kailangan niya ng isang partikular na gamot. Matutulungan mo ba akong makahanap nito?”

Agad ding sumagot si Harold. “Sabihin mo kay Warren.”

Si Warren Madriaga ang personal chief secretary nito.

“Sige,” sagot ni Celeste.

Tahimik na muli ang sasakyan. Makalipas ang ilang sandali, biglang nagsalita si William, "Bakit tuwing tagsibol nalalagas ang mga dahon ng mga puno sa San Joaquin?"

Napabalik sa realidad si Celeste. 

"Dahil kapag tumutubo ang mga bagong dahon, itinutulak nila ang matatanda hanggang sa malaglag."

Bahagyang ngumiti ang lalaki. "Matagal na akong wala rito... Nakalimutan ko na."

Napatingin si Celeste sa suot nitong mamahaling suit. Pakiramdam niya ay hindi ito basta mura lang kaysa sa mga custom-made suit ni Harold.

Huminto ang sasakyan sa harap ng Amelia Residences. "Salamat," sabi ni Celeste habang iniabot ang mga dokumentong hiniram. 

Tahimik lamang itong tinanggap ni William nang hindi na nagsasalita.

**

Isa ang Amelian Residences sa pinakamahal na luxury residential complex sa bagong CBD ng San Joaquin. Mahigit tatlong daang sqm ang pinakamaliit na unit at ang pinakamurang presyo ay umaabot pa rin sa milyon-milyong piso.

Pagpasok ni Celeste sa duplex penthouse, sinalubong siya ng malamig na katahimikan. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang maging mag-asawa sila ni Harold. Ito ang kanilang tahanan, ngunit ngayon ay pakiramdam niya'y isa lamang itong napakalaking bahay. Naupo siya sa malambot na sofa habang ramdam na ramdam ang pagod. Wala nang laman ang tissue box sa mesa at may mga hindi pa nahuhugasang plato sa dining table. Hindi sila kailanman kumuha ng kasambahay; siya mismo ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay dahil ayaw niyang magkaroon ng ikatlong tao sa sarili nilang tahanan.

"Ikatlong tao..." napahinto siya sa sariling naiisip. 

Sino nga ba talaga ang ikatlong tao?

Alam na niyang noon pa man ay may babaeng minamahal si Harold, alam niya iyon bago pa man sila ikasal. Ngunit nagpakatanga pa rin siyang pumasok sa relasyong iyon. Matagal na silang magkakilala, noong labing-apat na taong gulang siya, nagtitinda sila ng kaniyang pinsang si Vince sa night market nang guluhin sila ng ilang tambay. Nagkataong dumaan si Harold pauwi mula sa tutorial class at ito ang tumulong sa kanila. Labimpitong taong gulang pa lamang ito noon at nakasuot pa ng uniforme galing school. Sa ilalim ng ilaw ng poste, para itong bida sa isang lumang pelikulang ng Philippine drama. Isang tawag lamang nito sa cellphone ay dumating agad ang hepe ng presinto.

Doon nagsimulang mahalin ni Celeste ang lalaking iyon. Alam niyang hindi sila magkapantay at hindi niya kailanman inakalang magiging posible ang lahat... hanggang sa isang araw ay hindi niya sinasadyang mailigtas ang lola ng pamilya Miller. Iginiit ng matanda na pakasalan siya ng kaniyang apo.

Sa blind date na inihanda ng pamilya, saglit lamang siyang tiningnan ni Harold. "Ikaw pala,” iyon lang ang sabi nito.

Hinawakan noon ng matanda ang kaniyang kamay.."Wala nang ina ang apo ko mula pagkabata. Lumaki siyang tahimik at mailap, pero mabuti ang puso niya. Celeste... matanda na ako. Maaari mo ba siyang alagaan para sa akin?” pakiusap nito sa kanya.

Sa araw ng kasal, habang nahihirapan siyang maglakad gamit ang matataas na takong, huminto si Harold at iniabot ang kaniyang kamay. "Tara na," dalawang simpleng salita lamang ngunit sapat na upang paniwalaan niyang balang araw ay mamahalin din siya nito nang buong puso.

Sa unang isa't kalahating taon ng kanilang pagsasama, malamig man si Harold ay magalang pa rin ito sa kaniya. Hanggang sa anim na buwan na ang nakalipas nang bumalik sa bansa si Olivia. Nagkita silang muli sa reunion ng kanilang batch, at simula noon ay hindi na umuuwi si Harold, hindi na nagre-reply sa mensahe, at hindi sumasagot sa messenger.

Kapag tumatawag siya rito parati nitong sinasabi na may ginagawa ito, bago ibaba ang tawag.

Noong nakaraang buwan sa ikalawang anibersaryo ng kasal nila, alas-dos na ng madaling-araw nang umuwi ito. Nang tanungin niya kung naaalala nito ang kanilang anibersaryo. 

"May ganoon pala?" nagtaka pa ito at nagtanong.

Tahimik niyang inilagay ang mga plato sa sterilizer. Sa drawer ng guest room ay nakatago ang divorce agreement na napirmahan na niya. 

Wala siyang hihinging anumang ari-arian, gusto lang niyang umalis nang may natitira pa siyang dignidad. Ngunit sa ngayon, kailangan pa niyang lunukin ang kaniyang pride para sa gamot ng kaniyang tiyuhin. Kaya niyang tiisin ang sakit para mabuhay ang taong nagpalaki sa kaniya.

**

Hindi alam ni Celeste na ang itim na SUV na naghatid sa kaniya ay nakaparada pa rin sa ibaba ng gusali at hindi pa umaalis. Ibinaba ni William ang bintana, nagsindi ng sigarilyo, at tinawagan si Lucas.

"Lucas, pupunta ka pa ba rito?"

"Nasaan si Harold?" tanong ni Lucas sa kabilang linya.

"Saan pa ba? Nasa ospital, binabantayan ang una niyang pag-ibig. Balita ko, doon pa siya matutulog ngayong gabi."

Napabuntong-hininga si William. "Kung tutuusin... kung hindi mo pa rin siya makalimutan, dapat noon mo pa siya inagaw. Ikaw naman ang nagligtas sa buhay niya noon."

Katahimikan lamang ang sinagot ni William. "Pupunta ako," sabi niya. "Ibabalik ko ang sasakyan."

Pagkababa ng tawag, muli niyang itinuon ang tingin sa bintana ng penthouse. Kung maibabalik lamang niya ang alaala ni Celeste, maaalala nito ang trahedya sa dagat at kung paano nalunod sa harapan niya ang kaniyang mga magulang. Ipinangako niya noon sa mga ito na habang-buhay niyang iingatan ang kanilang anak at sisiguraduhing magiging masaya ito.

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela hanggang sa umunat ang balat ng kaniyang kamay sa lakas ng kaniyang pagkakahawak.

Matagal na niyang alam na may isang uri ng taong hindi dapat pagkatiwalaan, ang ibang tao. Kaya paano niya nagawang ipaubaya si Celeste... sa iba?

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 4

    Pagdating ni Celeste sa lumang mansyon ng pamilya Miller, abala ang kaniyang biyenang si Cecilia sa pag-aayos ng mga bulaklak sa sala. Tahimik siyang pumasok, nagpalit ng tsinelas sa may entrada. "Magandang araw po, Mama,” magalang niyang bati."Himala," hindi man lang nag-angat ng tingin si Cecilia habang naggugupit ng mga tangkay. "May oras ka pa palang bumalik rito? Akala ko araw-araw kang abala sa mga problema ng pamilya mo."Pinanatili ni Celeste ang mahinahong tono. "Si Harold po ang nagsabing dumaan ako para kumuha ng ilang gamit."Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Cecilia at mula ulo hanggang paa ay sinukat siya nito ng tingin. Huminto ang mga mata nito sa kupas niyang bestida at sa halos walang kolorete niyang mukha bago bahagyang ngumiti nang malamig. "Pinapahiram ka lang naman ni Harold ng mga alahas, hindi ba?"Matagal nang alam ni Celeste na hindi siya gusto ng kaniyang biyenan. Isa lamang siyang ordinaryong babae na sa tingin nito ay hindi karapat-dapat kay Harold at

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 3

    Hindi mahimbing ang tulog ni Celeste. Alas-singko pa lamang ng umaga, bago pa man sumikat ang araw, bumangon na siya upang maghanda ng almusal. Paboritong kombinasyon ng kaniyang pamilya ang lugaw na may egg at lean pork kasama ang ginisang rice noodles, isang pagkaing madalas ihanda ng kaniyang tiyahin noong nasa bahay pa siya ng mga ito.Maya-maya'y narinig niya ang pagbukas ng pinto sa sala. Bahagyang natigilan ang kaniyang kamay na may hawak na sandok nang pumasok si Harold.Nang marinig nito ang ingay mula sa kusina, napalingon ito. "Mabango ang niluluto mo," sabi nito. "Naghahanda ka ba ng almusal?"Hindi tumingin si Celeste sa kaniya. Naamoy niya ang bahagyang amoy ng pabango na kumapit sa katawan nito, at gusot din ang puting polo nito na halatang hindi man lang nakapagpalit nang maayos. Hindi mapigilan ni Celeste na maiisip kung paano kaya ng mga ito pinalipas ang magdamag.Tahimik ang isang private hospital room kapag gabi, at kapag tanging paghinga na lamang ng dalawang tao

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 2

    Pagbalik ni Celeste sa kuwarto ng pasyente, mahimbing nang natutulog ang kaniyang tiyuhin matapos inumin ang gamot. "Celeste, umuwi ka na muna at magpahinga," malumanay na sabi ni Vince sa kaniya. "Bumalik ka na lang bukas ng umaga."Tahimik siyang tumango bago tuluyang lumabas ng ospital, kung saan unti-unting nawala ang amoy ng disinfectant na bumabalot sa kaniyang ilong.Nakayuko siyang naglalakad sa pasilyo nang bigla siyang may makabanggaan. "Paumanhin..." mabilis niyang sabi. Hindi man lang siya tumingin, agad siyang umiwas at nagpatuloy sa paglalakad palayo.Nanatiling nakatayo si William habang tahimik na sinusundan ng tingin ang papalayong likod ng dalaga. "William Smith?" bahagya siyang tinapik ng lalaking nasa tabi niya. "Ano'ng nangyari?"Sinundan ni Lucas ang direksiyong tinitingnan nito bago bahagyang tumango. "Ah... siya pala. Naka-admit ang tiyuhin niya rito, ordinaryong ward, sa ikalawang palapag.""Hindi ba ospital ito ng Miller Group?" mahina ngunit mabigat na tano

  • After My Divorce, My Ex Watched Me Marry Another Billionaire   Chapter 1

    Biglang nagliwanag ang cellphone ni Celeste nang lumabas ang isang notification. Karga-karga niya ang isang malaking kahon habang palinga-linga siyang umiikot sa buong bahay, naghahanap ng mapapagtaguan nito. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ipagawa niya ang regalong iyon. Pinaglaanan niya ito ng oras at puso, umaasang kapag nakita ito ni Harold sa kaniyang kaarawan ay muling sisilay ang ngiti nito. Gusto niya itong bigyan ng isang sorpresang hindi nito makakalimutan.Dahan-dahang lumuhod si Celeste at yumukod sa sahig saka sumilip sa ilalim ng kama sa kanilang master’s bedroom. Sa pinakasulok nito, may nakita siyang isang maliit na puting kapsula. Inabot niya ito upang kuhanin at inilagay sa kaniyang palad. Napakaliit nito, mas maliit pa kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot. Makinis ang ibabaw nito at walang anumang sulat na nakalagay.Paulit-ulit niya itong sinuri at iniikot-ikot sa kaniyang mga daliri, ngunit hindi niya talaga ito makilala. Kinuha niya ang kaniyang telepo

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status