تسجيل الدخول
Biglang nagliwanag ang cellphone ni Celeste nang lumabas ang isang notification. Karga-karga niya ang isang malaking kahon habang palinga-linga siyang umiikot sa buong bahay, naghahanap ng mapapagtaguan nito.
Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ipagawa niya ang regalong iyon. Pinaglaanan niya ito ng oras at puso, umaasang kapag nakita ito ni Harold sa kaniyang kaarawan ay muling sisilay ang ngiti nito. Gusto niya itong bigyan ng isang sorpresang hindi nito makakalimutan.
Dahan-dahang lumuhod si Celeste at yumukod sa sahig saka sumilip sa ilalim ng kama sa kanilang master’s bedroom. Sa pinakasulok nito, may nakita siyang isang maliit na puting kapsula. Inabot niya ito upang kuhanin at inilagay sa kaniyang palad. Napakaliit nito, mas maliit pa kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot. Makinis ang ibabaw nito at walang anumang sulat na nakalagay.
Paulit-ulit niya itong sinuri at iniikot-ikot sa kaniyang mga daliri, ngunit hindi niya talaga ito makilala. Kinuha niya ang kaniyang telepono, kinuhanan ito ng litrato, at binuksan ang AI Image search.
Nang lumabas ang resulta, tila natigilan siya. “Female external contraceptive capsules containing spermicide can replace condoms.”
Nanatiling nakatitig si Celeste sa mga salitang kaniyang nabasa habang parang biglang tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo. Hindi siya kailanman bumili ng ganoong gamot.
Dalawang taon na silang kasal, ngunit ni minsan ay hindi pa sila nagsama bilang tunay na mag-asawa. Si Harold ay halos buong araw abala sa trabaho o 'di kaya’y nasa business trip, at sa tuwing umuuwi ito, ang mukha nito ay parang palaging pagod na pagod, ni hindi man lang siya nito nahahawakan. Mahigpit na hinawakan ni Celeste ang maliit na kapsula sa kaniyang palad. Matagal siyang natulala, hindi alam kung ano ang dapat isipin o kung alin ang mas masakit: ang natuklasan niya, o ang katotohanang unti-unti niyang nauunawaan ang kahulugan nito.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone dahilan para mabalik siya sa realidad.
Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang umiiyak na boses ng kaniyang tiyahin na si Aling Marta. "Celeste! Bilisan mo, pumunta ka agad sa ospital! Nawalan ng malay ang tiyuhin mo! Sabi ng doktor, kailangan siyang maoperahan agad!"
**
Sa labas ng operating room ng St. Mary Hospital, isa sa mga ospital na pag-aari ng Miller Group, matinis at umalingawngaw ang boses ng nurse sa dulo ng hallway. "Mr. Rodolf Reed's family! Narito ba ang pamilya ni Rodolf Reed?"
Agad na lumapit si Celeste. "Nandito po! Ako po ang pamangkin niya."
Lumapit ang nurse at may inabot sa kaniyang dokumento. "May pancreatic cancer po siya. Kritikal na ang kaniyang kondisyon at kailangan na itong maoperahan agad," sandali itong tumigil bago nagsalita muli. "Pakipirmahan po ang consent form para sa operasyon."
Parang may kung anong sumabog sa ulo ni Celeste. Bilang isang medical student, alam na alam niya ang ibig sabihin ng diagnosis na iyon. Ang pancreatic cancer ang tinatawag na hari ng cancer; halos wala itong malinaw na sintomas at walumpung porsyento ng mga pasyente ay nasa gitna o huli na ng sakit kapag nalaman ito.
Hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan. Labindalawang taong gulang pa lamang siya nang mamatay ang kaniyang mga magulang sa isang trahedya. Isang dokumento rin ang nasa harap niya noon, at dahil napakabata pa niya para maisulat nang maayos ang sarili niyang pangalan, ang kaniyang tiyuhin ang pumirma para sa kaniya.
Pagkatapos nitong lumagda, niyakap siya nito nang mahigpit. "Huwag kang matakot, Celeste. Nandito ang tiyuhin mo,” marahan nitong sabi.
Nagbalik sa kasalukuyan ang kaniyang isip. Ilang ulit niyang sinubukang hawakan ang ballpen, ngunit nanginginig nang husto ang kaniyang kamay at hindi niya magawang lumagda.
Kinuha ni Celeste ang kaniyang cellphone at hinanap ang numero ni Harold. Matagal na tumunog ang telepono hanggang sa wakas ay sinagot din ito.
"Ano'ng kailangan mo?" Malamig at walang emosyon ang boses ni Harold, na para bang ang pagtawag niya ay isang istorbo.
Maingay sa kabilang linya, may mga taong nagtatawanan, may tugtog ng musika, at may sunod-sunod na mahinang pagsabog ng mga paputok na tila may engrandeng fireworks display sa malayo.
"Nasa operating room ang tiyuhin ko..." halos manginig ang boses ni Celeste. "Pancreatic cancer ang sabi ng doktor. Maaari ka bang pumunta? Mag-isa lang ako rito..."
"Nasa business trip ako." Apat na salita. Maikli, diretso, at walang bahid ng pag-aalinlangan.
"Kung gano'n... papapuntahin ko si Vince."
"Wala si Kuya sa Buenavista. Siya ay—"
"Ikaw na ang bahala," hindi naitago ni Harold ang pagkainip sa kaniyang tinig. "Ikaw na lang ang humarap diyan," sabi niya na may pagmamadali sa tono ng kaniyang pananalita. "Hindi ako makaalis ngayon."
Kasunod noon ay ang biglang pagkaputol ng tawag. Paulit-ulit na umalingawngaw ang beep... beep... beep... ng linya.
Nanatiling nakatayo si Celeste sa pasilyo ng ospital habang mahigpit na hawak ang kaniyang cellphone. Sa waiting area sa hindi kalayuan, may isang telebisyong nakabukas na kasalukuyang nagpapalabas ng balita.
“Kasalukuyang idinaraos sa Mercy Harbour ang engrandeng fireworks display bilang pagdiriwang ng ika-isandaang anibersaryo ng pagkakatatag ng Hong Kong Port. Patuloy na nagbibigay-liwanag sa kalangitan ang makulay na palabas…”
Dahan-dahang itinaas ni Celeste ang kaniyang ulo. Sa screen ng telebisyon, nagliliwanag ang kalangitan ng Victoria Harbour sa ilalim ng makukulay na paputok. Dumaan ang kamera sa observation deck na siksikan sa dami ng mga taong nanonood, at pagkaraan ay bigla itong nag-zoom in sa isang lalaki at isang babae na magkatabing nakatayo. Sa ibabaw ng kanilang mga ulo, sunod-sunod na sumasabog ang makukulay na paputok. Nakasuot ang lalaki ng kulay abong overcoat habang katabi ang isang babaeng may napakagandang tindig; magkatabi silang nakatingala sa kalangitan at tahimik na pinagmamasdan ang marangyang palabas.
Ang lalaking iyon ay si Harold Miller, ang kaniyang asawa. At ang babaeng nasa tabi nito ay si Olivia Wilson, ang unang babaeng minahal nito.
Kaya pala ang sinasabi nitong business trip. Ang totoo, sinamahan nito si Olivia sa Hong Kong upang manood ng fireworks display.
Hindi kumurap si Celeste habang nakatitig sa screen, tila nanigas ang buong katawan. Habang siya'y nag-iisang naghihintay sa labas ng operating room at kinakabahan para sa buhay ng kaniyang tiyuhin, ang kaniyang asawa naman ay mahigpit na yakap ang ibang babae sa ilalim ng nagliliwanag na mga paputok, sa harap ng napakaraming tao, at sa harap ng buong mundo.
"Family member! Pakipirmahan na po!" Muling lumabas ang nurse mula sa operating room.
Ibinaba ni Celeste ang tingin sa consent form. Nanginginig pa rin ang kaniyang kamay kaya mahigpit niyang hinawakan ng kaliwang kamay ang kaniyang kanang pulsuhan. Pilit niyang pinatitigil ang panginginig saka isinulat ang huling pirma. Tabingi pa rin ang sulat, ngunit mababasa pa rin ang kaniyang pangalan.
**
Tatlong araw ang lumipas sa opisina ng Head Physician.
"Sa ngayon, hindi gaanong epektibo ang karaniwang gamutan dito sa bansa para sa kondisyon ni Mr. Reed," sandaling tumigil si Director Jones bago nagpatuloy. "Noong nakaraang taon, may bagong gamot na inilabas sa bansang Amerika. Maganda ang naging resulta ng mga clinical trial nito at balita pa nga'y maging ang pangulo nila ay gumagamit nito. Pero hindi basta-basta nakakakuha ng gamot na iyon dahil kailangan ng malalakas na koneksiyon."
Bago pa man niya matapos ang sasabihin, mahigpit nang nakakuyom ang mga kamao ni Celeste. Magalang na ngumiti ang direktor. "Young Madam, sigurado naman akong kayang makakuha ni President Miller ng gamot na iyon, hindi ba?"
Napakunot ang noo ni Vince na nasa tabi nila, habang bahagyang tumango si Celeste. "Oo... kakausapin ko siya."
"Mabuti naman. Kapag si President na ang kumilos, siguradong walang magiging problema."
Paglabas nila ng opisina, bahagyang bumukas muli ang p***o dahil hindi ito naisarang mabuti.
"Director, ano po'ng itinawag ninyo sa kaniya?" tanong ng assistant mula sa loob.
"Hindi mo ba siya kilala? Siya ang Young Madam ng Miller Group... ang asawa ni President Miller."
"Ganoon ba? Napakabata pa niya. Kung ganoon, bakit nasa ordinaryong ward ang tiyuhin niya?"
"Shh..." ibinaba ng direktor ang kaniyang boses. "Mga usapin ng mayayamang pamilya iyan. Huwag ka nang makialam."
Natigilan si Vince at mahigpit na hinawakan ang braso ng kaniyang pinsan. "Celeste... ayokong magmakaawa ka sa kaniya."
Ngumiti si Celeste, bagaman halatang pilit lamang iyon. "Kuya, bakit naman ako magmamakaawa? Asawa ko siya."
Tahimik lamang siyang tinitigan ni Vince.
"Kuya, puntahan mo muna si Tiyo. Tatawag lang ako," sabi ni Celeste. Naglakad siya patungo sa lobby at inilabas ang kaniyang cellphone upang tawagan si Harold, ngunit bago pa niya mapindot ang numero nito ay bigla siyang natigilan.
Nakatayo siya sa open platform ng ikalawang palapag, tanaw ang pangunahing pasukan ng inpatient building sa ibaba. Isang itim na Bentley ang bagong hinto sa harap ng gusali kung saan may ilang matataas na opisyal ng ospital na nakasuot ng mamahaling suit ang naghihintay na roon. Isa pa nga sa kanila ang agad na lumapit upang pagbuksan ng p***o ang sasakyan.
Dalawang tao ang bumaba: isang lalaki at isang babae. Ang lalaki ay may pambihirang tindig at kaguwapuhan, parang isang artista sa pelikula. Ang babae nama'y napakaganda, bagaman bahagyang namumutla dahil sa karamdaman dahilan upang lalo itong kahabagan. Maingat na inalalayan ni Harold si Olivia habang naglalakad papasok ng lobby at hindi niya ito binitiwan kahit isang sandali. Mabilis silang sumakay sa VIP elevator na huminto sa palapag ng VIP ward.
Maya-maya'y sumakay rin si Celeste sa kabilang elevator at pinindot ang parehong palapag. Isa-isang umakyat ang mga numero sa digital display hanggang sa tumunog ito.
Tahimik ang VIP ward at makapal ang karpet sa sahig kaya halos walang marinig na yabag. May isang kuwartong bahagyang nakabukas ang p***o kung saan naririnig ang nag-uusap. Sa siwang ng p***o, nakita ni Celeste si Harold na abalang nag-aasikaso sa tabi ng kama. Wala ang malamig at seryosong aura ng isang bilyonaryong CEO; sa sandaling iyon, isa lamang siyang lalaking buong pusong nag-aalaga sa babaeng mahal niya.
Nakasandal si Olivia sa ulunan ng kama at bahagya itong ngumiti. "Harold, simpleng sipon at lagnat lang naman ito. Hindi mo na kailangang mag-alala nang ganito."
"Kailan ang huli mong executive check-up?" tanong ni Harold. "Habang nandito ka na, ipapagawa na natin ang kumpletong pagsusuri sa katawan mo. Sasamahan kita."
Bahagyang yumuko si Olivia na may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Inabot ni Harold ang milk tea na nilagyan na niya ng straw. "Kakapainit ko lang pero hindi na ito masyadong mainit."
Biglang may naalala si Celeste. Noong minsang napapayag niya si Harold na samahan siyang mamasyal, humingi siya ng milk tea.
Tiningnan lamang siya nito nang may halong paghamak. "Ilang taon ka na ba? Umiinom ka pa rin ng mga inuming pambata."
Sa loob ng kuwarto, lumapit muli si Harold sa maliit na folding bed na kasya lamang ang isang tao. Pinisil niya ito gamit ang kamay upang subukan ang lambot. "Ito ba ang higaan ng bantay?" Humarap siya kay Olivia. "Dito na lang ako matutulog ngayong gabi."
"Huwag na..." mahina nitong sabi. "Magagalit siya."
"Hindi," kalmado ang sagot ni Harold. "Sinabi ko na sa kaniya na nasa business trip ako ngayong gabi."
Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste kaya napatingin siya rito. Hindi niya namalayang napindot pala ng kaniyang daliri ang call button. Tumunog ang cellphone ni Harold sa loob, ngunit tiningnan lamang nito ang screen at walang pag-aalinlangang pinatay ang tawag.
Mahinang nagsalita si Olivia. "Siya ba ang tumatawag? Umuwi ka na."
"Ano bang mahalagang dahilan para tawagan niya ako?" Isinilid muli ni Harold ang cellphone sa bulsa. "Nagpapapansin lang 'yon. Ang babaeng ipinilit lang naman ng Lola na ipakasal sa akin... wala namang alam sa buhay," sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, "Wala rin naman kaming mapag-usapan."
Unti-unting tumalikod si Celeste. Manhid na manhid ang buong katawan niya habang tahimik na naglalakad palayo, parang bawat hakbang ay unti-unting dumudurog sa natitira niyang pag-asa.
Pagdating ni Celeste sa lumang mansyon ng pamilya Miller, abala ang kaniyang biyenang si Cecilia sa pag-aayos ng mga bulaklak sa sala. Tahimik siyang pumasok, nagpalit ng tsinelas sa may entrada. "Magandang araw po, Mama,” magalang niyang bati."Himala," hindi man lang nag-angat ng tingin si Cecilia habang naggugupit ng mga tangkay. "May oras ka pa palang bumalik rito? Akala ko araw-araw kang abala sa mga problema ng pamilya mo."Pinanatili ni Celeste ang mahinahong tono. "Si Harold po ang nagsabing dumaan ako para kumuha ng ilang gamit."Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Cecilia at mula ulo hanggang paa ay sinukat siya nito ng tingin. Huminto ang mga mata nito sa kupas niyang bestida at sa halos walang kolorete niyang mukha bago bahagyang ngumiti nang malamig. "Pinapahiram ka lang naman ni Harold ng mga alahas, hindi ba?"Matagal nang alam ni Celeste na hindi siya gusto ng kaniyang biyenan. Isa lamang siyang ordinaryong babae na sa tingin nito ay hindi karapat-dapat kay Harold at
Hindi mahimbing ang tulog ni Celeste. Alas-singko pa lamang ng umaga, bago pa man sumikat ang araw, bumangon na siya upang maghanda ng almusal. Paboritong kombinasyon ng kaniyang pamilya ang lugaw na may egg at lean pork kasama ang ginisang rice noodles, isang pagkaing madalas ihanda ng kaniyang tiyahin noong nasa bahay pa siya ng mga ito.Maya-maya'y narinig niya ang pagbukas ng pinto sa sala. Bahagyang natigilan ang kaniyang kamay na may hawak na sandok nang pumasok si Harold.Nang marinig nito ang ingay mula sa kusina, napalingon ito. "Mabango ang niluluto mo," sabi nito. "Naghahanda ka ba ng almusal?"Hindi tumingin si Celeste sa kaniya. Naamoy niya ang bahagyang amoy ng pabango na kumapit sa katawan nito, at gusot din ang puting polo nito na halatang hindi man lang nakapagpalit nang maayos. Hindi mapigilan ni Celeste na maiisip kung paano kaya ng mga ito pinalipas ang magdamag.Tahimik ang isang private hospital room kapag gabi, at kapag tanging paghinga na lamang ng dalawang tao
Pagbalik ni Celeste sa kuwarto ng pasyente, mahimbing nang natutulog ang kaniyang tiyuhin matapos inumin ang gamot. "Celeste, umuwi ka na muna at magpahinga," malumanay na sabi ni Vince sa kaniya. "Bumalik ka na lang bukas ng umaga."Tahimik siyang tumango bago tuluyang lumabas ng ospital, kung saan unti-unting nawala ang amoy ng disinfectant na bumabalot sa kaniyang ilong.Nakayuko siyang naglalakad sa pasilyo nang bigla siyang may makabanggaan. "Paumanhin..." mabilis niyang sabi. Hindi man lang siya tumingin, agad siyang umiwas at nagpatuloy sa paglalakad palayo.Nanatiling nakatayo si William habang tahimik na sinusundan ng tingin ang papalayong likod ng dalaga. "William Smith?" bahagya siyang tinapik ng lalaking nasa tabi niya. "Ano'ng nangyari?"Sinundan ni Lucas ang direksiyong tinitingnan nito bago bahagyang tumango. "Ah... siya pala. Naka-admit ang tiyuhin niya rito, ordinaryong ward, sa ikalawang palapag.""Hindi ba ospital ito ng Miller Group?" mahina ngunit mabigat na tano
Biglang nagliwanag ang cellphone ni Celeste nang lumabas ang isang notification. Karga-karga niya ang isang malaking kahon habang palinga-linga siyang umiikot sa buong bahay, naghahanap ng mapapagtaguan nito. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ipagawa niya ang regalong iyon. Pinaglaanan niya ito ng oras at puso, umaasang kapag nakita ito ni Harold sa kaniyang kaarawan ay muling sisilay ang ngiti nito. Gusto niya itong bigyan ng isang sorpresang hindi nito makakalimutan.Dahan-dahang lumuhod si Celeste at yumukod sa sahig saka sumilip sa ilalim ng kama sa kanilang master’s bedroom. Sa pinakasulok nito, may nakita siyang isang maliit na puting kapsula. Inabot niya ito upang kuhanin at inilagay sa kaniyang palad. Napakaliit nito, mas maliit pa kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot. Makinis ang ibabaw nito at walang anumang sulat na nakalagay.Paulit-ulit niya itong sinuri at iniikot-ikot sa kaniyang mga daliri, ngunit hindi niya talaga ito makilala. Kinuha niya ang kaniyang telepo







