ВойтиElena's Pov
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ay gusto ko lang na magpakalayo sa kanila. At hindi ko maintindihan kung paanong nasa may bar na ako na malapit lang rin sa dagat. Dito kami madalas ng mga kaibigan ko noong college palang kami, todo inom sila habang ako naman ay nag-aaral lang kasi kailangan kong ipakita sa pamilya ko na matalino ako at worth it ang pagpapaaral nila sa akin. I never drink. Laging yakult o di kaya chuckie ang dala ko noon kapag umiinom ang barkada at naiintindihan naman nila ako. Pero ngayon, sa unang pagkakataon ay gusto kong magpakalunod sa alak—kahit isang araw lang. Gusto ko lang kalimutan ang pamilya ko, si Spencer at ang mga nalaman ko. Umupo ako sa may counter malapit sa bartender, "isang pinakamatapang na mix of alcohol nga." "At your service," nakangiti niyang sagot pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Naalala ko na naman kasi bigla ang nangyari kanina, sumisikip ang dibdib ko at gusto ko ng makalimutan ito. "One hard drink for the most beautiful girl I've ever seen." Pambobola pa ng lalaki habang binigay ang isang maliit na baso sa akin. Kinuha ko iyon, hindi na nagdadalawang isip at agad nang tinungga ang alak. Agad kong nalasahan ang pait sa aking lalamunan at biglang may nag-ring sa tenga ko nang dumaloy na ito sa aking tiyan. Tang*na! Ang lakas pala. Pero wala ng mas lalakas pa sa kapal ng mukha ng pamilya ko at pamilya ni Spencer, lalong-lalo na siya! Ang kapal talaga ng mga apog nila, matapos ng lahat ng mga sakripisyo ko ay iyon pa ang isusukli nila sa akin. I laugh sarcastically, tumingin ang bartender sa gawi ko at mukhang naguguluhan kung bakit ako biglang tumawa. "Isa pa," turo ko sa baso. May kung anong pag-aalinlangan sa kanyang mukha pero sinunod niya rin sa huli ang utos ko. Some men tried to hit me, but I ignored them. I want to be drunk and leave every problem I have behind. Pero alam ko naman na hindi lang alak ang makakapag-alis nito. Sunod-sunod ang pagrequest ko ng alak habang sunod-sunod naman ang mga lalaking kinukuha ang pangalan ko. Inignora ko sila at nagpasyang lumabas na lang upang magpahangin. Pasuray-suray na ang lakad ko pero nakalabas parin ako sa kabutihang palad. Paglabas ko sa bar ay sumalubong ang isang malamig na hangin galing sa karagatan. It crawls into my skin, but I don't mind it. Instead, I slowly step forward, looking for a spot where I could sit. Habang naglalakad ako sa tabing-dagat, hinihipan ng malamig na hangin ang mukha ko. Unti-unti akong humihinga ng malalim, sinusubukang ayusin ang sarili, pero ramdam ko pa rin ang kirot sa dibdib. Ang sakit ng pagkakanulo, ang galit, at ang lungkot—lahat iyon ay nagtatalikod sa akin. Napansin ko ang isang lalaki sa gilid, nakaupo at nag-iisa rin. Hindi siya mukhang predatory, kahit may mga babaeng dumadaan sa paligid niya. May something sa kanyang calm presence na nakakaakit. Hindi ko naisip na makikipag-usap agad, pero sa isang iglap, umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang kami, pinagmamasdan ang alon, at sa isang sandali, nakalimutan ko ang mundo. "Hindi ako tumabi para magpakitang gilas sa'yo, I came here to sit since a lot of couples—" I explained, but he didn't give me even a glance. I pressed my lips together and decided to stare at the sea and hear the calm sound of the waves. Tahimik na lang rin habang pinagmamasdan kung paano niyakap ng dagat ang buwan. "My family betrayed me. My fiancée likes my sister," pagkwento ko kahit alam ko naman na hindi niya ako papakinggan kasi wala naman siyang pakialam. "Great, I just find out that my father is not the same person I look up for." he replied, smirking but sarcastic. Napatigil ako, tumingin sa gawi niya kaya ang aming mga mata ay nagtagpo. Napalunok akong sariling laway—ang ganda ng mga mata niya, parang dagat na gusto akong sisirin. Halos makalimutan kong huminga sa kung paano niya ako tingnan kaya nag-iwas agad ako ng tingin at napatikhim. Ngunit kahit ganoon ay ramdam ko ang ang kakaibang koneksyon naming dalawa kahit sa loob lang ng ilang minuto. Malamig ang hangin galing sa dagat, ngunit ang paligid namin ay nag-iinit o ako lang ba? He was still looking at me. No malice. Not even sweetness. But he knows what I want and what he wants. "You're drunk," he said calmly. "Not enough," sagot ko, nanghahamon. His jaw tightened slightly. Deeply thinking about what he should do. "Are you sure you won't regret this?" he asked, his voice serious. That question hit me harder than the alcohol. Regret? Lahat ng nangyayari sa buhay ko ay halos puro disappointment at regret. "My fiancé sleeps with my sister," I said flatly. "I don't think tonight can get worse." He looked at me. He stood up, and my gaze lingered towards him. He didn't grab me or force me. He simply offered his hand. "If you walk with me," he said quietly. "I won't stop." I didn't reply, just stared at his hands. Then, I finally placed mine on it. Nakarating kami sa may isang kwarto, at nang buksan niya ang pintuan ay bigla kong barealize na pwede pa akong mag back out sa kahibangan kong ito. Pero hindi ko ginawa. Instead, I kissed him first, nais kong malaman kung tama ba ang desisyon ko. And when he kissed me back, I knew right then that I would give in. Because if I'm going to ruin myself tonight. Then, I'll be the one to choose how. *** Kinabukasan ay nagising ako dahil sa liwanag na dumampi sa aking katawan. Nang maupo ako ay ramdam ko ang pagkirot ng ibabang bahagi ng aking katawan. Napapikit ako sa sakit. Tiningnan ko ang aking tabi na mahimbing na natutulog—napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. He was infuriatingly handsome. Bumangon na ako, pinilit ang sarili na maglakad at pinulot ang mga damit ko sa sahig. Nagbihis ako doon nang dahan-dahan lang, kinuha ang aking wallet sa may lamesa at mabilis na umalis na doon. It was just for experience, for erasing the pain, and maybe I just wanted to prove to myself that I could still win someone who was a good catch. Inayos ko ang aking sarili, nagpasyang tawagan si Manang Belen na mas nagpakananay pa kaysa sa nanay ko. "Paki-impake po lahat ng importanteng gamit ko sa kwarto manang Belen." Utos ko sa kanya at pinatay na ang tawag. I dialed a number, and she immediately answered. "So, did you finally have an answer with my request, Elena?" tanong ng HR namin, tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. "I'll take it, Sabrina." Maikli kong sinabi, ayokong magtanong pa siya kung bakit at mukhang natunugan naman niya iyon. "I'm glad you accept it, Elena," she replied and dropped the call. Huminga ako ng malalim, ngumiti, at nagmaneho na upang kunin ang mga gamit ko. "Tomorrow, I'll finally be free and leave everything behind." I'll start a new life, a new chapter that I will embrace.Elena’s Pov “Liam?!” Napatayo ako at hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang pinuntahan at niyakap nang mahigpit. Ang buong akala ko ay sa susunod na buwan pa siya uuwi. Kumawala ako sa pagyakap sa kanya at tiningnan siya nang maigi. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay bumalik naman kay Enzo na nakatingin din sa amin—tulala. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Kahit naman ako. Shit! Hindi ka talaga nag-iisip, Elena! Pinagmasdan ko si Enzo; nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mga mata, pero agad ding nawala, parang hindi man lang nangyari. Napalunok ako. Did I just… What a foolish action! Gusto kong singhalan ang sarili ko, ngunit sa huli, wala na rin akong nagawa at hinayaan na lang dahil wala naman na akong magagawa. Nangyari na. At bakit ko ba iniisip kun
Elena’s PovKanina pa nagtatalo ang puso at isipan ko, ngunit sa huli ay naglakad ako patungo sa lugar kung saan siya pumunta. Sinundan ko siya.Nasa labas siya. Mukhang nagpapahangin siya kahit siya ang pinakaimportante sa event na ito. Hinanap ko kung nasaan siya, ngunit hindi ko pa rin siya makita. Nagpasya na akong umalis dahil hinanap ko naman siya at hindi naman ako nagkulang. Kaso lang, nang paalis na ako sa aking kinatatayuan—napansin ko ang pamilyar na bulto na nakaupo sa bench, na hindi masyadong naaninag dahil sa matatayog na mga bulaklak. Huminga ako nang malalim bago ako naglakad patungo sa kanya. Mag-isa lang siya. May hawak na malborro. Hindi ko sinasadyang mapaubo, kaya napansin niya ako. Nilingon niya ako, pinanliitan ng tingin—mukhang tinitingnan kung sino ang sumusunod sa kanya. Hindi ako nagsalita; nakatingin lang sa kanya. Nang makumpirma niyang ako iyon, agad niyang inihulog sa damuhan (bermuda grass) ang sigarilyo at inapakan ng mamahalin niyang sapatos.
Elena’s Pov May mga umaya sa akin na sumayaw matapos magsalita ang mga panauhin sa entablado. Masyadong masaya ang lahat at nagkakasiyahan sa pagdiriwang, lalo pa’t minsan lamang ito mangyayari sa isang taon.Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit si Enzo ang bigla na lamang pumipigil na maisayaw ako sa tuwing may mag-aalok sa akin na sumayaw.“Shes not going to dance.” May diin niyang sinabi habang pinalandas ang kanyang kamay sa aking baywang na tila ba tinatakan niya ang kanyang teritoryo. “Sino ka ba?” tanong nang lalaki. “Sa pagkakaalam ko, wala namang kasintahan si Miss Navarro lalo pa’t ipinagbabawal ni Mr. Monteverde iyon.” Hindi nagsalita si Enzo, ngunit ramdam ko ang higpit ng pagkahawak niya sa akin at sa tingin niya pa lang sa lalaki. Ramdam ko na inis na inis siya sa lalaki, ngunit nagtitimpi lamang siya. Ako na ang kumausap sa lalaki, “I'm sorry, but I don't really dance.” Nakangiting sagot ko. Tinanggap
Elena’s PovThe anniversary party of the company had finally come. Everyone was so busy; ganoon din ang dalawa, na halos hindi na alam kung anong susuotin. “Ito ba ang susuotin ko o ito?” tanong ni Stacey sa akin nang nasa kwarto ko silang dalawa at abala sa pagpili ng susuotin at pagme-make-up. “Kahit ano namang bagay sa’yo,” simpleng sagot ko. Maganda naman lahat at bagay talaga sa kanya dahil malalaki rin talaga ang kanyang suso, kaya sigurado akong luluwa ang kanyang cleavage sa parehong dress. “Piliin mo ang mas bagay sa kanya, Elena,” sabat ni Casaandrana habang nag-aayos na ng aking buhok dahil maganda raw ito kapag naka-curl. “Gusto kasi niyang siya ang pinakamaganda at pinakamakikinang sa lahat.” Napangiwi ako. “Bakit hindi siya naghanda kahapon at ngayon niya pa naisip na pumili ng damit?” “Ewan ko ba diyan, shunga-shunga din kasi minsan.” “Nandito lang ako sa tabi ninyo, oh.” Natawa kami nang m
Elena's Pov I stared at the chocolate I was holding that Enzo gave me after we ate our dinner together. Naapuot ako habang nakatingin doon. Kanina ko pa iyon pinagmamasdan, ngunit hindi ko pa rin mahanap kung ano ang magandang gawin. "Kainin na lang natin," narinig kong suhestiyon ni Stacey sa likuran ko na mukhang kanina pa nakatayo. Huli na para itago ko ang tsokolate dahil agad itong hinablot ni Cassandra. "Nakita kitang hinatid ni Mr. Monteverde." Sa tsokolate pa rin ang tingin niya. Pagkatapos ay unti-unting tumingin sa gawi ko. Naniningkit ang mga mata. "Did he give you this?" Itinaas niya ang tsokolate na hawak niya. Nag-iwas ako ng tingin; ayaw kong salubungin ang mapanghusga nilang mga titig. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at pinigilan ko ang aking sarili na magsalita ng mga bagay na maaaring ikapahamak ko. Ngunit dahil kaibigan ko sila, alam kong hindi nila ako titigilan hangga't hindi sila makakakuha ng sagot mula sa akin. "Yes, he gave me
Elena’s Pov Tiningnan ko ang paligid. Malawak at maraming tao ang nagpupunta dito. Napakaganda rin naman talaga ng lugar, kaya siguro maraming nagpupunta dito. Maging ang kanilang mga menu dito, halata mo agad na mamahalin at masasarap sa amoy pa lang at sa texture nito. Nanatiling tahimik si Enzo, kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Hindi ko naman kasi ugaling magtanong sa kanya kung anong problema, ngunit alam kong ang pinag-usapan namin ang problema niya. At dahil ayoko nang mamilit pa na sabihin niya sa akin kung saan ba ako nagkamali, kumain na lamang ako ng bangus na ginrill at tuna na may pipino. Mas gusto ko kasing kumain ng daing ngayon kaysa sa karne. Siya naman ay simpleng hindi ko maintindihan na main dish iyon. Sa dessert ko naman, simpleng cake lang iyon. Tanging mga usapan ng ibang tao ang aking naririnig sa sobrang tahimik naming dalawa. “You're heartless, aren’t you?” Napatingin ako sa kanyang gawi nang basagin niya ang katahimikan na nangibabaw
Elena’s Pov “Why would you hire me if you don’t mind me asking, Mr. Buenaventura?” Iyon na lamang ang naging tanong ko dahil naghihintay siya sa kung anong sasabihin ko at hindi ko alam kung anong isasagot ko. He leaned back at the backrest of the chair, didn’t let go of his gaze towards mine.
Elena's Pov Nakatingin lang ako sa kawalan habang naririnig ko ang maraming boses sa aking paligid na kumukuha ng pagkain, ulam, at kung anu-ano pa. Nasa cafeteria kami dahil lunch time pero hindi ko ramdam na
Elena’s Pov Madalas ay laging galit si Mr. Monteverde sa lahat, lalo na kapag nasa paligid si Mr. Buenaventura kahit wala naman itong ginagawa. Gaya ng kung paano nagpaturo sa akin si Mr. Buenaventura sa pagpapaprint ng inutos sa akin ni M
Elena’s Pov Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pagkagising ko kinabukasan.Nasa tabi ko si Stacey. Mahimbing na natutulog. Samantalang si Cassandra naman ay nasa kabilang gilid ko—nakaupo sa monoblock na upuan, nakasandal ang ulo sa gilid ng aking kama habang hawak pa rin an







