Mag-log in
Elena's Pov
"Elena," kinuha ni mama ang aking kamay at marahan iyong hinaplos. "Alam kong ayaw mo pang ikasal pero gusto mo bang mawala sa'yo si Spencer?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. Si Spencer ang bagong CEO ng Vallamor enterprises kaya lahat ng mga tao ay halos nakadikit sa kanya at isa na doon ang mga pamilya ko. Hindi ko mawari kung bakit gustong-gusto na niya kaming ikasal pero sana pala ay natunugan ko na ito noon pa. "Ma, next year na lang po." Mahina kong sagot, ayaw ng magkaroon pa ng gulo. "Besides, aalis pa papuntang New York si ate." Mahigpit ang pagkakahawak ni mommy sa kamay ko, tila may halong gigil pero pinigilan ko ang aking sarili na magreklamo. Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga bago muling nagsalita ng may ngiti sa labi. Hinaplos ang likod ng aking kamay, nakatitig sa aking mga mata at bumuka ang bibig handa na sanang magsalita pero naunahan ni ate. "Sige na kasi, Elena." Si ate iyong nagsalita na kanina pa nanonood sa amin. Naglakad siya patungo sa gawi namin, dala ang ngiti sa kanyang labi. "Elena, I want to see you walk in the aisle before I fly to New York." Nakapuot niyang sinabi, "magtatampo ako sa'yo niyan." malambing niyang sinabi. Nakipagtitigan ako sa kanya, sinsero ang bawat salita at kanyang mga mata kaya wala akong nagawa kundi ang tumango. Fiancee ko na kasi si Spencer, halos tatlong taon na rin pero hindi ako pumayag na magpakasal agad kami kasi para sa akin ay gusto ko pang makilala ng lubos ang sarili ko bago ako tuluyang makipag-isang dibdib kay Spencer. Pero sadyang hindi ako titigilan ng pamilya ko kung hindi ko sila susundin. Pero sana ay nakita ko na agad na may malalaman ako pagkatapos ng gabing iyon. Isang araw ay nagpaalam ang pamilya ko na bibili ng mga gamit para kay Margaux. At dahil busy ako sa kompanya ay hinayaan ko na lamang sila. Ngayon-ngayon lang rin ay nalaman ko na nagbakasyon sila sa may beach dito sa Palawan, nakita ko sa post ni Margaux. Hindi ko naman iniisip iyon. Sanay na akong hindi nila sinasama sa kanilang trip. Pero habang tumatagal na mag-isa lang ako sa bahay ay lumakas ang kumabog ng aking dibdib. Kakaibang kabog na may halong kirot na hindi ko maipaliwanag. Na alam kong hindi ko dapat babalewalain pero inalis ko iyon sa isip ko. Marahil ay kakape ko lamang ito. Tinawagan ko si Spencer upang sana may makausap, weekend kasi kaya wala akong trabaho at gusto kong may makausap. Pero nakailang ring ako ay wala paring sumagot. Hanggang sa tumawag ito pabalik sa akin, mabilis kong sinagot. "Hi little sis, nasa banyo si Spencer. Sasabihin ko na lang na tumawag ka." pahayag niya at pinatay din ang tawag pero bago iyon ay narinig ko ang mahina niyang pagdaing at isang tunog ng lalaki na dumaing. Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako tanga upan hindi maintindihan ang nangyayari. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang lalabas na sa dibdib ko. Hindi naman siguro tama itong iniisip ko, mali ito...hindi magagawa sa akin ni Spencer iyon at...talagang sa ate ko pa? "Come on, that's very impossible," I murmured to myself. Mabilis akong nagpalit ng damit, isang khaki na trouser and simpleng white t-shirt lang naman. Nagtungo ako sa aming garahe, pinaandar ang BMW na second hand na nabili ko sa sarili kong pera upang puntahan sila sa isang beach resort. Mahina akong natawa dahil hindi man lang talaga nila ako naisip. Habang nasa byahe ay nanginginig ang aking kamay habang nagmamaneho, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag tama nga ang hinala ko. Paano kung si ate at...si Spencer nga iyon? Kasi paanong matagal niyang sinagot at paanong nalaman niya kung nasaan si Soencer kung may ka—ipinilig ko ang aking ulo. Sana mali ako. *** Nang makarating na ako sa beach ay biglang nablangko ang isip, nabingi sa ingay ng mga taong nandoon. Halos manlabo na ang aking mata pero pinilit ko parin na maglakad patungo sa dagat ng tao, hinanap ang pamilya ko. Nakita ko sila sa may cottage pero wala si Spencer at si ate, maging sa swimming pool o saan ay wala. My hands were shaking as I walked through my mother. Pero hindi pa man ako tuluyang makalapit ay narinig ko ang kanyang sinabi. "That fool, Elena. Akala niya talaga ay gustong-gusto ko si Spencer sa kanya." "You're right, mare," Spencer's mother agreed. "I love Margaux to be my daughter-in-law rather than her," she said, smirking. "Well, pagtatyagaan ko na lang siguro siya bago bumalik si Margaux." "Of course balae," si mama naman ngayon. "Utuin mo lang ang isang iyon at siguradong luluhuran ka pa no'n." My fist formed into a ball, gritting my teeth hard while staring at their back. Silang dalawa na lang kasi sa cottage at nakatalikod pa sa banda ko kaya hindi nila ako napapansin. "Hay, sana nga ay may mabuo sa ginagawa nilang milagro sa kwarto upang hindi na makaalis si Margaux." Tumawa pa si tita, ganoon din si mama. Nanginig ang aking tuhod, naglakad paatras. Hindi maproseso sa isipan ko ang bawat detalyeng sinabi nila lalo na nang biglang lumabas sina Margaux at Spencer sa pintuan at naglalampungan parin patungo sa cottage. My world collapsed, but I stood by my ground. They shouldn't see my weakness. So, I didn't hide. I made sure they saw me. And when they finally turned their eyes towards me, Margaux's eyes widened while Spencer didn't look shocked or sorry—he even smirked faintly. So this is it? I was just a tool to be used, huh? After all the sacrifices I've been making for my family and for Spencer. I swallowed real hard, then clicked my tongue while staring at them coldly. "I enjoy the entertainment," mahina pero malinaw kong sinabi. "But I hope you all won't regret this," I said firmly while turning my back to them, making sure I was still standing steady. Pero pagpasok ko sa loob ng BMW ay halos manghina ang buong katawan ko. I gasped for air, but it still wasn't enough. They betrayed me. They make me believe that they love me. Humigpit ang kapit ko sa manibela, pressed my teeth together hardly, while my vision was darkening. "I'll swear, lalong-lalo ka na Spencer ay magmamakaawa sa akin." Bulong ko at pinaandar na ang sasakyan, palayo sa kanila.Stacey's PovUmuwi akong wala sa mood. Umalis iyong si Arnold at dinala siya ng pamilya nila para sa reunion. Hindi ko sinama ang mga kapatid ko na sina Kaloy at Jack, kaya silang dalawa lang ang naabutan ko sa bahay. “At talagang hindi kayo sinama ni Mama?” Naiinis ang tanong. Sumasakit ang ulo ko sa aking nadatnan dito sa bahay. At hindi man lang naisip ni Mama na maaaring hindi ako umuwi dahil minsan ay nag-o-overtime ako sa trabaho. Tapos…wala man lang ibinilin sa dalawa, kahit bente man lang. Mariin kong pinagdikit ang mga ngipin ko na halos tumunog na sa sobrang inis ko. Huminga ako nang malalim at kinalmahan ang sarili dahil wala naman akong magagawa. “Kumuha na kayo ng pagkain niyo; nagdala ako ng cake, macaroni salad, at spaghetti diyan.” Sambit ko, “At kapag hindi ninyo naubos, ilagay ninyo sa fridge, ha.” Tumango lang silang dalawa; si Jack naman ay Nakangiti. “Salamat, ate ha, kasi kahit hindi
Stacey's PovNasa ere lang ang aking kamay habang nakaharap ako sa pinto ng opisina ni Mr. Delgado. Hindi ko magawang kumatok, pinangunahan ako ng hiya.It felt like I was rejecting someone who didn't even like me at first. Mahigpit kong pinaglapat ang aking mga labi, halos hindi ko na alam kung anong gagawin ko pero sinubukan ko pa rin na magpakatatag. Gosh, anong sasabihin ko? Kapag pumasok ako ngayon, sobrang awkward. Kapag naman hindi ay baka isipin niyang nahihiya ako. Hindi ko alam, napapikit na lang ako ng aking mga mata at huminga ng malalim. Ano ba talagang dapat kong gawin? Kakatok ba ako o aalis na lang? Sa huli, nilakasan ko ang loob ko at kumatok ng tatlong beses. Nang hindi siya nagsalita ay binuksan ko pa rin ang pintuan ng dahan-dahan na halos hindi niya na marinig. Damn, anong gagawin ko ngayon?Pagpasok ko, parang biglang nagunaw ang mundo ngayong ma
Stacey’s Pov“Fvck!” Sigaw ko habang naduduwal. Tangina! Ilang bote ba ang ininom ko at bigla akong nahihilo, tapos nakalimutan ko pa kung anong nangyari sa akin kagabi? Sobrang nilasing ba ako ni Caspian? Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko kaya umupo muna ako sa gilid ng aking kama. Hinilot ko ang aking sentido. Talagang nakakatangina ang ganitong buhay. Para akong tatakasan ng sarili kong kaluluwa. Naduduwal na naman ako, kaya mabilis akong nagtungo sa CR at sumuka sa sink. Halos laway na ang nasusuka ko, kaya sobrang pait at halos manuyo na ang lalamunan ko. Mabuti na lamang at maayos lang akong nakababa sa hagdan patungo sa kusina. Naghanap ako sa pantry ng aking mahiwagang cup noodles at nagbukas ng isa para mahimasmasan ang katarantaduhan ko. Maaga pa naman; hindi pa nga sumisikat ang araw, kaya kailangang mawala itong hangover ko nang sa ganoon ay maayos ang pagtatrabaho ko mamaya. Baka isipin n
Stacey’s Pov“Can you lessen your voice?” Singhal ko kay Caspi. Paano, nandito na naman pala siya sa labas ng kumpanya kung nasaan, sinusundo na naman ako dahil gusto na naman niya akong dalhin para sa party kuno na sinasabi niya. “Sige na kasi,” pangungulit niya. Inirapan ko siya. Kanina pa ako naiinis sa kanya, pero wala akong nagawa dahil siya na ‘yan at kailangan ko na siyang pagbigyan kasi hindi naman niya ako dalhin para titigilan.“And besides, you ditched me na one time, kaya huwag mo na akong i-ditched na naman ngayon.” Nakapout niyang sambit, nagmamakaawa. Napailing na lamang ako. Hindi ko akalain na ganito na pala siya makipag-usap sa kanyang kaibigan. I raised my hands and rolled my eyes at him. “Fine!” Niyugyog niya ako kaya hinampas ko siya. Alam niyang hinahanap ko sa bag ang susi ng kotse ko, tapos siya naman ang palaging gumugulo sa akin. Kainis! “Stop it, Caspian! May
Stacey’s PovUnti-unti kong idinilat ang aking mga mata at si Matteo ang bumungad sa akin. “P-pero sir siya po ang—““Get out, now!” His voice thundered that even I flinched when I heard it. Napapikit ako, pero hinawakan niya ang panga ko ng dahan-dahan, kaya sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong aatakehin sa puso habang ginagawa niya iyon, ni hindi ko man lang namalayan na nagkukumahog na umalis iyong tatlo. “It’s me, Anas—I mean Stacey,” he whispered while saying it in my face. And then cleared his throat when he realized how close we are. Inayos niya ang kanyang necktie at madilim na tumingin sa akin.“Ano? Titingnan mo na lang ako?” Sarkastiko niyang tanong.Natulala lang ako, hindi agad ako nakapagsalita. “Now, let’s go to my office.” Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag habang nakasunod sa kanya habang lumilinga-linga sa p
Stacey's Pov"Pvtangina!" Mahina kong mura nang hindi niya naririnig. Napangiwi ako, pero nang lingunin ako ni Elena, agad akong nagbigay ng thumbs up sa kanya at malaki ang ngisi ko. "Ang sarap talaga," I commented while eating it—trying to fvcking lunukin ang pagkain. Pumalakpak siya, kaya hindi ko puwedeng putulin ang kasiyahan niya. Pero hindi ko na talaga kayang lunukin pa; gusto ko nang masuka. Damn, sino ba kasing tanga ang magluluto ng sardines na may manok at adobohin pa?Tangina! Pag ako nabuntis, humanda siya sa akin. Gaganti ako sa kanya! Pinilit kong nilunok iyon lalo na at inaabangan pa niya ang bawat paglunok ko, kaya wala akong nagawa kundi pilitin ang sarili ko. Damn it! Mabuti na lamang at naubos ko rin, pero sumasakit naman ang tiyan ko at umiikot pa, kaya nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako sa comfort room. I pooped, and I felt like I was constipated sa k
Enzo's Pov"...then she'll survive this company," I said, looking at footage of what she was doing yesterday. She passed the test. I reviewed the sales, and everything was correct. Talaga ngang magaling siya gaya ng sabi ng kanyang senior sa Palawan. Ang buong akala ko ay mayabang lang siya dahil
Elena’s Pov Kahit ngayong nakarating na ako sa condo ay paulit-ulit paring naglalaro sa isipan ko ang kanyang sinabi. Na umuwi na ako. Bakit niya ako pinauwi ng maaga? At bakit tila…may alam si Mr. Vergara tungkol doon pero wala siyang sinabi. Shit! Hindi tuloy ako makapag-isip ng maay
Elena’s PovHanggang makarating ako sa opisina ay hindi ko parin maintindihan kung bakit hindi niya ako sinama. Hindi kaya tinitimbang niya lang kung susunod ba ako sa kanya o magmamatigas? Hindi kaya, he is testing me to see if I know what was written in the rules? Hindi ba ako magaling na sekre
Elena's PovI memorized everything that was in the email within just an hour after I ate breakfast in the cafeteria. Well, I wasn't called "the brain" of my batch for nothing. Mabilis kong makuha ang lahat sa isang tingin ko lang. Hindi ko alam kung bakit pero pinanganak akong ganoon na talaga ang







