Share

Chapter 39

"Ang sarap!" Puri ko nang matikman ko ang baked mac. Napapikit pa ako dahil naiiwan ang masarap na lasa sa aking dila at nagtatagal ang mabangong aroma sa aking ilong.

I took a good spoonful of baked mac and extends my arm to Waylen.

"Try it!" sabi ko pa kahit alam ko namang siya ang nagluto nito at panigurado sa panigurado ay mas nauna niya pang natikman ito kaysa sa akin.

Natawa siya nang makita ang pamimilit sa aking mukha na tikman iyon bago pinalapit ang bibig sa kutsara upang isubo iyon. Mahaba siyang umungot kagaya ng ginawa ko kanina at pinikit pa ang mga mata habang nilalanghap ang mabangong aroma.

"Ang sarap nga!" Bulalas niya pa dahilan para matawa kaming dalawa.

Naiiling kong iniwas ang paningin sa kanya at tinikman ang iba niya pang niluto.

Sunod kong kinain ay ang niluto niyang sinigang na baboy at nilanlan ang karne niyon bago kinain ang salad. Kinuha ko ang yellow bento box na may laman na sliced apples, gra
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status