Share

Chapter 4

"What the hell are we doing, Eva?" I shout in a whisper way and covered the magazine that I was holding to my face when Waylen unintentionally swift his gaze at us.

Siniko ko si Eva nang makitang sinamaan niya pa ng paningin si Waylen dahilan para pagkunutan siya nito ng noo at muling binalik ang atensyon kay Abegail, iyong babaeng nakita kong kasama niya kanina sa labas ng elevator.

Matapos malaman kanina ni Eva na kinasal kami kahapon ni Waylen ay agad niya rin akong binatukan at sinabing sa dinami-rami pa ng pwede kong ipalit kay James ay bakit si Waylen pa na isang sikat na playboy. Sinabi niya pa na kahit gaano kainosente tignan ang mukha ng Sir niya ay mayroon pa rin daw iyang tinatagong maitim na budhi kaya dapat raw akong mag-ingat roon.

Hindi rin niya pinalagpas na ipakilala sa akin ang kasama nitong babae.

She said that it was Waylen's secretary.

Lahat daw ng mga babaeng bumibisita kay Waylen sa opisina ay tinatarayan nito at nilalait dahil natatakot na baka raw mapalitan siya ni Waylen gayong wala naman daw sila. May mga ibang babae rin namang palaban katulad ni Abegail kaya nakakapasok sila ng matiwasay sa opisina ni Waylen pero lumalabas rin namang luhaan. Iyong mga bulaklak at mga pasalubong nga na ipinapadala ng mga admirers ni Waylen sa opisina nito ay parating hinaharang ni Abegail kaya kung sino man ang may gustong magbigay ng pasalubong sa kanya ay dapat ikaw na mismo ang magbibigay para talagang masiguro mong natanggap ng taong papadalhan mo.

He's attractive and charming but I can't see myself begging for his love.

"Teka," maya-maya ay pagsasalita ni Eva at tumingin sa akin. "Kung kinasal ka na bakit hindi mo man lang ako inimbita?" Anito na mukhang napagtanto lang out of the blue.

"Biglaan nga diba? Kahit ako nga hindi ko alam na ikakasal na pala ako." Nakangiwing sagot ko at napasandal sa upuan.

"Hello? May cellphone oh! Napakabilis lang magtext, Scarlett." Sabi niya pa at paulit-ulit na nanggigil sa inis na iwinawagayway ang ngayo'y hawak niyang telepono sa mukha ko.

Hindi ko alam kung saan ba nagagalit ang babaeng 'to. Dahil ba sa hindi siya nakapunta sa kasal ko o dahil sa hindi siya nakasama sa handaan ng kasal ko.

"Teka. Teka! Ibig sabihin kung kinasal ka edi may singsing ka na?" Maya-maya pa ay tanong na naman niya at biglang napataas ang tinig ng boses dahilan para magsitinginan ang mga tao sa amin kasali na sina Waylen na kunot na kunot ang noo.

Mabilis kong tinabunan ng magazine ang mukha namin tsaka siya inis na sinita. Agad naman siyang napahawak sa kanyang bibig tsaka sinilip sina Waylen mula sa magazine. Nang makitang pati si Abegail ay tumingin sa amin ay aambahan niya sana ito ng hampas sa hawak ng magazine ngunit mabilis ko siyang pinigilan at pinilit na manahimik na lamang.

"Here," I handed her the ring that Waylen puts on my finger just for her to shut her mouth.

Her eyes widen and gasped in shock the moment her eyes landed on the ring. It was a round, silver solitaire ring that suits perfectly to my hand. Simple but elegant. Through the designs down to the materials that has been used to make the ring.

"Ang gara rin naman pala ni Sir Waylen." Komento niya na kulang nalang ata ay suotin sa sobrang pagkamangha niya. "Can I wear this?" Natawa nalang ako sa sunod niyang sinabi tsaka napatango.

I wonder if Waylen wears his ring when I'm not around.

Napangiwi ako sa naisip ko at napailing sa sarili. Paniguradong hinuhubad nito ang singsing na suot para patuloy siyang lalapitan ng mga babae.

If only I know, he wants to free himself in this arranged marriage so that he can feely flirts each and every girl in the planet.

Sarap niyang hampasin ng bangko. Siguro kong ibang babae ang nasa posisyon ko ngayon ay paniguradong matutuwa pero sa kondisyon ko ngayon lalo na sa katotohanang hindi niya halos magawang pahalagahan ang damdamin naming mga babae ay nagbibigay lamang sa akin ng dagdag kawalan ng pake sa kung ano man ang gusto niyang gawin. Tsaka napapagod na rin ako sa paulit-ulit kong ginagawa.

Ang hulihin ang partner sa likod ng mga pagsisinungaling nito. Nagmumukha na tuloy akong pulis.

"Ang boring naman!" Naiinip kong sinabi at binaba ang magazine na hinaharang sa mukha tsaka ininat ang katawan matapos silang makitang naglalampungan.

Ang braso ni Waylen ay nakapatong sa upuan ni Abegail habang si Abegail naman ay nakasandal sa dibdib ng asawa ko.

Everytime I looked at them I always remember me and Jason. We used to be that sweet. He used to be my pillow back then not until I caught him with another girl and another girl and another girl. Day by day it's always the another girl.

Napahinga ako ng malalim nang makaramadam ng kirot sa aking dibdib tsaka kinagat ang pang-ibabang labing nagsisimula na namang mangibot. Suminghap ako nang makaramdam ng mainit na likido sa gilid ng aking pisnge tsaka umiwas ng paningin sa direksyon nila Waylen para punasan ang sariling luha.

Ramdam kong natigilan si Eva sa tabi ko at mabilis na nilagay ang singsing sa lamesahan para daluhan ako.

"Beh, bakit? Anong nangyari, hmm?" Biglang naging malumanay ang boses niya at nilagay ang tikas ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Tinulungan niya akong punasan ang mga luha pero sa huli ay niyakap nalang ako, "Even if you don't tell me, I know it's hard for you but no matter what happens do always remember that I'm always here, okay?" She said in a sing-song while patting my back.

Tumango ako sa sinabi niya tsaka mas niyakap pa siya ng mahigpit.

Eva is always the best. She may be annoying sometimes but when my downfall come she never dared to leave me.

We went silent after that. Only her amazing humming voice and sound of her rhythmic tapping on my back is all I can hear right this moment.

Maya-maya pa ay dahan-dahan ko ng pinakawalan ang yakap nang mapansing mag-aalas tres na ng hapon.

"I need to go back to my shop." Paalam ko habang inaayos ang sarili. Nilabas ko na ang susi ng aking sasakyan tsaka tumayo sa harapan niya.

Tiningala niya ako mula sa kanyang kinauupuan at napasulyap kina Waylen na ngayo'y mukhang aakyat na sa taas para bumalik ulit sa trabaho bago napapabuntong-hiningang bumaling ulit sa akin.

"Sabihin mo lang at re-resbakan natin 'yang ex mo at si Waylen." Sabi niya pa dahilan para matawa ako.

I once hug her before kissing her cheeks to bid my good bye.

Agad na akong dumiretso sa sasakyan at pinaharurot iyon pabalik sa shop.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang nasayang ko bago makaraging sa destinasyon at ipaparada na sana ang sasakyan nang mapansing maraming kotseng nakaparada sa parking lot na malapit sa shop na pagmamay-ari ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong paikot-ikot sa malawak na parking lot nang makahanap ng bakante dahil umalis na iyong may-ari ng kotse.

My forehead creased in confusion as I looked my shop from the outside glass.

Maraming tao roon at kahit hindi ko man sabihin alam kong nagkandauga-uga na ang mga empleyado ko sa pagtanggap ng mga customers.

"Good afternoon, Ma'am." Mabilis na pagbati ng isa kong empleyado nang makapasok ako sa shop tsaka muling nagpaalam para kausapin ang babaeng naghahanap ng magandang dress.

My shop was silent when I left, but right now all I can say is 'where did these people come from?'

Bakit bigla-bigla nalang dumami ang customer ko at ngayon pa talaga dinagsa ang shop na halos karamihan sa empleyado ko ay wala.

I was busy looking for Janina when a girl entered the shop wearing her micro bag on her arm partnered with a pair of sunglasses along with her alluring red lipstick. Her aura screams authority and her presence is intimidating but I can't feel any of them.

Ako na mismo ang lumapit sa kanya dahil abala lahat ng mga kasama ko sa shop.

"Good afternoon, Ma'am. What can I do for you?" Ngiting pagbati ko at minsanang tinignan ang kabuoan niya dahilan para mapansin ang isa niyang dimple sa pisnge na kahit hindi ngumingiti ay talaga namang bumabalandra.

Bahagya niyang binaba ang suot na sunglasses para tignan ako mula ulo hanggang paa bago pinalibot ang paningin sa shop tila may hinahanap.

"I want a dress that fits in a family dinner." Sabi niya pa at nagsimulang libutin ang shop tsaka napahinto sa isang asul na dress na naiiba sa lahat.

It was a sky blue dress with little gems attached to it. The small sleeves to support the dress and the bare back of it will show too much skin of your body. It is a high waisted fitted dress that I made using the measurements of my body.

Hindi ko alam na mapapansin niya pa iyon dahil kadalasan ay dinadaanan lang ito ng mga tao.

"I want that dress." She pointed and smiles at herself.

"I don't think it will fit your size, Ma'am." I doubted and compared the size of the dress to her size.

Kahit nakasuot siya ng sunglasses ay kitang-kita ko pa rin ang agresibong pagsasalubong ng mga kilay niya kasabay ng pagkunot ng noo.

"Oh, I'm sorry I didn't mean to insult you." Paghingi ko kaagad ng tawad nang mapagtantong maaaring hindi niya nakuha ang nais kong iparating.

Inirapan niya ako tsaka tinanggal ang suot na glasses at sinabit iyon sa neckline ng suot niyang jumpsuit.

Parang may kung anong liwanag ang nagmumula sa kanyang mukha dahil sa nakakasilaw niyang kagandahan na maging ang ibang customers ay napalingon sa gawi niya.

"It's for the wife of my brother." She said and touched the hem of the dress.

Napangiti ako dahilan para tumingin siya sa akin.

"You like the wife of your brother, do you?" I assumed and took an admiring glance at the dress that I made for myself.

Nakita ko ang pagngiwi niya kasabay ng sunod-sunod na pag-iling.

"I don't even know the name of his wife nor her face but I hope she's the woman that I like," she shrug her shoulders and continued to examine each and every detail of the dress.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, "You mean you never met her or ever have a clue on her?" Nagtataka ko pang tanong at nangunot ang noo.

Tumigil siya sa ginagawa at bahagyang natigilan sa pagpasada ng palad sa silk na tela tsaka nagawa akong tignan.

"It's just an arranged marriage." Kaswal niyang sinabi tsaka pinasadahan ng paningin ang kabuoan ko mula ulo hanggang paa. "You know what, I actually like you." Tatango-tango niyang sinabi nang magustuhan ang suot ko.

"I'm married." Pagbibiro ko pa at tinuro ang singsing na binalik kanina ni Eva.

Ngumiwi siya dahilan para matawa ako.

"Sana ikaw nalang ang asawa niya," dagdag niya pa at napabuntong-hininga, halatang namomroblema sa arrange marriage na nangyari sa nakakatanda niyang kapatid.

Inilingan ko na lamang siya bilang pagtanggi bago sinenyasan si Mark na iready ang dress dahil kukunin niya na raw ito.

"Hope to see you soon!" Paalam niya nang makalabas na sa shop habang nasa likod niya ang driver niyang dala-dala ang malaking box na may lamang dress.

"Hoping to see your brother and his wife." Sabi ko pa bagay na ikinairap niya tsaka nagdadabog na pumasok sa loob ng nakaparadang sasakyan.

Naiiling na natatawa na lamang ako sa kanya at tinanaw ang unti-unting paglaho ng kanilang sasakyan sa gitna ng kalsada bago bumalik sa loob ng shop.

Wala na akong gaanong nakikitang customer dahil malapit na rin namang dumilim ang kalangitan. Hinanap ng mga mata ko ang aking mga empleyado at natagpuan sila sa waiting area na nakatihaya sa mga sofa habang pinapaypayan ng sarili. Halatang pagod na pagod ang mga ito na kahit nakafull naman ang aircon ay hindi nila maramdaman ang lamig.

"Are you guys okay?" Tanong ko nang makalapit at itinabi ang mannequin na ngayon ay wala ng suot na gown.

Sabay-sabay silang tumango at nagthumbs-up bilang tugon.

Tinanguan ko rin sila at kinausap sandali tungkol sa kung ilan ang kita namin ngayon bago napagdesisyong magpahinga.

Nagpaalam muna ako na papasok sa opisina nang mahinto sa paglalakad dahil sa tawag ni Mommy.

"Anak, clear your schedule tonight, we will have a family dinner with the Sanchez's." Bungad agad ni Mommy nang akmang kukumustahin ko palang siya bagay na nauwi sa malalim na pagbuntong-hininga. "Please, Anak? I will explain you everything after this." Gamit ang malumanay at nakakaakit niyang tinig ay nagawa niya akong ipapayag sa gusto niya nang hindi umaangal.

Pinatay ko na ang tawag at napahinga ulit ng malalim bago nilihis ang tinatahak na daan at diretsong lumabas ng shop nang hindi nagpapaalam.

This sucks.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status