LOGINEDITHA
Months of being with Paulo felt like years. Lahat na ata napag-usapan na namin kahit na hindi naman kami sobrang dalas magkasama. But I realized he really is attentive and consistent when it comes to me. "Nag-cancel na ng pasok yung iba, tayo hindi pa." "Signal number 2 pa lang naman, ah." "Baha na kaya sa España." "Oo, galing kaya ako dun. Dun ako dumadaan papasok dito - nagpapatuyo nga ako ng sapatos, oh." Rinig kong usapan ni Ate Lellis, Lovely, at Jhunel sa office. Lunch time namin ngayon at napagpasyahan ko na dito kumain sa office. Sobrang lakas kasi ng ulan sa labas, feeling ko nga rin magyeyelo na sa loob ng elevator ko sa sobrang lamig. I made sure to pee first before entering the elevator. Apat na oras pa bago ang uwian ko pero wala pa ring katao-tao sa building na 'to. Mangilan-ngilan lang ang sumasakay sa loob ng elevator ko, kadalasan ay doctor at secretary lang talaga. "Grabe, ang lamig talaga ngayon." Sir MJ casually said while he's inside the elevator. Dalawa lang kaming tao sa loob ngayon. "Oo nga, sir, eh. May bagyo daw kasi." "Pa'no ka uuwi niyan? Sabay ba kayo ni Jc?" "Luh! Hindi, ah. Susunduin daw ako ng boyfriend ko." "Naks, oh, may boyfriend siya." Natawa na lang ako sa pang-aasar ni Sir MJ. He even told me yung katulad daw sa K-drama na magsha-share sa payong. Hindi na din naman nabago sa'kin ang pang-aasar niya kaya pinalampas ko na lang. Ang bagal ng oras at palakas nang palakas ang ulan. Buti na lang din suot ko ang jacket na binigay ni Renz. Halos lahat ata ng tao na nasa building na 'to ay nag-uuwian na, maliban sa MIS pati na din sa mga guard. Saktong 5pm ay lumabas na ako sa elevator. Hindi ko na sinobrahan ang oras ng pag-stay dahil wala naman nang patients at relatives sa taas. Nag-request ako kay Paulo na sa mismong UST niya ako sunduin, because I don't have an umbrella. Palakas nang palakas ang hangin pati na ang ulan. Hindi naman kasi talaga dapat ako uuwi ngayon, but Paulo insisted na susunduin niya ako no matter what. Kaya ayun, uuwi na lang ako ng Bulacan - kung sabagay, ilang araw din ako mawawalan ng pasok dahil sa All Souls' Day. Nang makarating sa main building ng hospital, ibinaba ko agad ang backpack ko sa office at bumaba saglit para mag-time out. "Uwi ka sa Bulacan ngayon?" Sir Leonard asked me. Abala din siya sa pag-time out katulad ko. Same kami ng agency nila Sir Leonard at MJ kaya sabay-sabay din ang oras ng time out namin pati na ang mga iba sa Dietary. "Oo, sir, eh. Ilang araw din naman walang pasok. Bibisitahin ko yung anak ko." "Sabagay, ayos nga yan." Behind him was Sir Zito. He just smiled at me so I smiled back. I waved my hand at them nang matapos kong kuhanan ng picture ang biometric. We always do this in case na mabura ang daily time in at out namin. After that, kinuha ko ang backpack sa office at pumasok sa comfort room. I removed my slacks then wore an office skirt. Tinuck in ko rin ang pulang polo shirt ko para mukhang formal pa din. Pinasok ko na din sa backpack ang slacks at ID ko. Mahirap na at baka mabasa pa. I waited for an hour bago dumating sa Vestibule Building si Paulo. He's shirt was all wet and he's holding an umbrella na sobrang nililipad ng hangin. I immediately walked towards him and hugged him. Pinunasan ko din ang noo niya gamit ang palad ko. We walked again hanggang sa makarating kami sa sakayan ng jeep. As usual, nakatulog ako sa braso ni Paulo habang nasa biyahe kami. At nang makarating sa bahay nila, pinauna na niya akong maligo para hindi daw ako magkasakit. He even boiled some water for me. Gabing-gabi na din at pagod na talaga ako. Nang makapagbihis, lumabas na din ako agad sa CR. He told me to wait for him sa kwarto niya kaya ganun ang ginawa ko. I waited for him for half an hour, at nang makapasok siya sa kwarto niya, nanlaki ang mga mata ko. Dala niya ang apat na hanger na naglalaman ng mga damit ko, including my underwear. Sinabit niya pa ito para daw matuyo agad. "Bakit pati bra at panty ko nilabhan mo?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. I thought boys don't like washing clothes. Isa pa, boyfriend ko siya - nakakahiya para sa'kin ang paglaba niya ng damit ko, lalo na ng underwear ko. "May lakad kayo ng kaibigan mo bukas, 'di ba?" "Ni Abs? Oo, bukas yun." "Oh, kaya nga nilabhan ko na para pag-uwi mo sa inyo, malinis na." "Eh bakit nga pati yung panty?" "Bakit? Nahihiya ka ba? Nakita ko naman na lahat." I immediately threw his pillow at him, at tawa-tawa lang siyang umakyat sa kanyang kama. Sa lahat talaga ng naging boyfriend ko, siya lang ang trumato sa'kin nang ganito. "Bakit mo pala ako pinauwi ng Bulacan?" "May bagyo. Kapag nandun ka, hindi ko alam kung anong mangyayari sa'yo." He said. His eyes were now closed. Iniayos niya pa ang ulo kong nakahiga sa braso niya at marahan na hinaplos ang buhok ko. "Makabili nga ng blower sa susunod." "Ha? Bakit? Aanhin mo?" "Basa yung buhok mo." I immediately sat on the bed, fixed my hair, at sa unan na lamang humiga. Nakita ko naman ang ngiti niya at ibinalik na ulit ang ulo ko sa braso niya. "Hindi kita inaasar. Gusto ko lang may magamit ka pag nandito ka sa bahay." Nababasa ba nito kung anong nasa isip ko? I really thought he's teasing me kasi talaga namang medyo basa pa rin ang buhok ko at nababasa ko ang kanyang braso. "Mind reader ka ba, Bee?" "Bakit?" "Eh ba't alam mo nasa isip ko? Pati nga gusto kong pagkain alam mo na lagi." "Siguro ganun lang talaga ko pagdating sa'yo." I just smiled and hugged him until we fell asleep. ••• "Dahan-dahan lang, madulas dito." Paulo said. We're currently walking sa baha. Ramdam ko ang dumi ng tubig - bukod sa kita ko ang kulay nito, amoy na amoy ko pa ito. Marami pa rin ang tao ngayon sa palengke kahit na bumabagyo at baha ang kapaligiran. Paulo wanted to carry me on his back pero tumanggi ako dahil baka madulas pa siya at mapahamak pa kami pareho. Isa pa, uuwi rin naman ako sa bahay pagkatapos kong bumisita kila Abby. Katulad nung hindi pa kami mag-jowa, gusto ni Paulo na kumain muna ako bago pumunta sa kaibigan ko. At mas lalo niya akong binubusog sa pagkain simula nang sagutin ko siya. Madami tuloy ang nagsasabi na tumataba na ako at hiyang daw ako kay Paulo. "Anong gusto mo?" He asked while looking at the menu. We're now at Lina's Eatery. Palagi kaming kumakain dito ng umagahan nung mga panahon na hindi pa ako nagdo-dorm. Noon kasi, nag-uuwian ako Bulacan to UST at UST to Bulacan. Halos dalawang linggong naging ganun ang sistema ko - aalis ng 4am sa bahay at si Paulo naman ay hihintayin ako sa Malolos Bayan. He always wants me to eat bago bumiyahe kaya madalas kumakain kami dito ng lugaw at kung minsan naman ay sa McDo. "Lugaw lang, Bee. Do they have toge?parang gusto ko kumain nun". "Oh sige, upo ka na muna. Ako na lang o-order." Marami ang tao ngayon pero may mauupuan pa naman. Sikat kasi dito ang kainan na ito - kung sabagay, masarap naman talaga ang mga tinitinda nila. After a few minutes, dumating na din ang pagkain namin. Hindi na ako nagtaka nang lagyan ni Paulo ng patis ang lugaw ko at madaming paminta ang sa kanya. "Tignan mo. Ang dami mong matutunan sa paligid." He suddenly said while looking at the kids. May mga batang namamalimos sa amin. Maayos naman ang suot nilang damit pero mukhang galing sila sa paglalaro sa ulanan at sa baha. "Bakit, Bee?" "Yung mga bata, yung mga tao, yung lugar - tignan mo lang, madami ka nang matutunan." "Kasalanan din naman ng ibang tao bakit nagkakaganito yung mundo. Ang iresponsable sa kapaligiran - kung saan-saan nagtatapon ng kalat, kawawa tuloy si Mother Earth. Tapos yang mga bata na yan, hindi ako nagbibigay ng pera sa mga namamalimos. Much better pagkain, kasi hindi ko naman alam kung saan nila dinadala yung pera. Yung iba sa QC, pinangbibili lang ng drugs. Yung iba nga, pag binigyan mo, ang binibili rugby." He smiled at me at isinubo sa bibig ko ang maliit na puto. Iba-iba ang kulay nito. Meron din pala silang tinda na ganito? Masarap din ang gawa nila ng puto. We continued eating our food habang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.PAULO*"Hilo na talaga ako,"* those were the words she said to me after hitting her head on the table. She was already drunk. Simula pa kanina, may kinakausap siyang lalaki sa phone at tila inaalam nito kung nasaan siya ngayon. I gently tapped her cheek to check if she was still conscious. She opened her eyes and immediately stood up. *"CR lang ako."* *"Sige, dahan-dahan lang,"* rinig kong saad ni Kuya Bon. Nag-thumbs up lang siya at agad na pumasok sa loob ng office. Our office is not a typical office dahil nasa bahay lang ito. Kami ay freelance sales agents ng isang internet company. Commission-based lang din kaya hindi kalakihan ang kita namin. *"Hindi talaga umiinom 'yang si Dit, no?"* *"Oo, sa pagkakaalam ko. Kaya hindi sanay. Kwento niya sa'kin, nahirapan siyang mag-mature. Bunso kasi siya sa kanila."* *"Schoolmate ko 'yan nung Senior High. Daming may kilala diyan. Matalino at mabait kasi. Madalas kong nakikita 'yan sa ranking tuwing exams."* *"Bait nga eh. Pinagba
EDITHA "Sabi sa'yo, bee, years pa. Sabi mo pa 'opo.' Anong nangyari? Ang sakit-sakit ng ribs ko," I complained to him the moment he arrived at our house. Riley just turned one a few months ago, at ito ako - malapit na namang umire. Yes, para sa'ming second baby. "Magpahinga ka na. Ako na muna sa mga bata," he said, then carried Riley. Weekly routine na ata nilang tatlo - nila Carlisle - ang pumunta sa Alfamart tuwing pumupunta dito si Paulo sa bahay namin. We decided not to live together dahil may pasok si Carlisle at wala akong katuwang sa pag-aalaga kay Riley pag doon kami tumira sa kanila. Siya naman ay doon pa rin sa kanila nakatira, dahil na rin mas malapit doon ang pinagtatrabahuhan niya. He bought himself a bicycle para daw tipid sa pamasahe. Ganyan siya naging matipid simula nang magkaroon siya ng trabaho. Minsan na kasi siyang nawalan ng trabaho na sakto pa na nagfo-formula milk na si Riley at naging maselan pa ang pagbubuntis ko. Sandamakmak na masasakit na salita a
EDITHA "Hindi na, tama na. Uuwi ka na ng Bulacan. Susunduin kita bukas," seryosong saad ni Paulo. I'm currently at my dorm right now. Nagpasa na ako ng resignation letter kanina sa UST at sa agency namin. Unfortunately, the agency did not accept it - "huwag muna raw." Kaya sa UST lang ako nakapag-resign. I told him I wanted to stay here for a few weeks. Baka naman magkaroon pa ako ulit ng trabaho. Isa pa, nanghihinayang ako sa binayad ko dito sa dorm. Hanggang second week pa kasi ng December, pwede akong tumuloy dito. But he knows that my family wants me to quit my job. Bukod sa malayo, palagi na ata akong nagkakasakit due to stress. I think the job itself is not for me. Hearing those patients' prayers na palaging tinatanong kung bakit ba sila nagkasakit, at kung minsan ay nasusugod pa ako sa loob ng elevator ng mga patient na mentally unstable. There was one patient na talagang nakapagpakabog ng dibdib ko. He was 6 feet tall at ang laki din ng katawan niya. Unfortunately, he wa
EDITHA"Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa. Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?" Hindi ko na pigil ang iyak. Hindi naman ako ang namatayan, hindi naman tatay ko ang inililibing ngayon, pero bakit ang sakit-sakit? Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Paulo sa kamay ko, kasabay ng mabibigat na hakbang patungo sa sementeryo kung saan ililibing si Tito, ang papa niya. The day that they rushed him to the hospital - yun yung araw na sana ay ipapakilala ako ni Paulo sa papa niya. We both thought that it was just a minor accident. Kakagaling ko lang noon sa sakit kaya ako nasa Bulacan, at aalis na rin sana kinabukasan. Pero masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Paulo volunteered na magbantay sa hospital dahil sabi niya ay mahina ang loob ng dalawang kapatid niya. Mabuti na lang din, kahit na sinundo niya ako sa QC dahil may sakit ako, ay hindi siya nahawa sa'kin at hindi COVID ang naging sakit k
EDITHA Months of being with Paulo felt like years. Lahat na ata napag-usapan na namin kahit na hindi naman kami sobrang dalas magkasama. But I realized he really is attentive and consistent when it comes to me. "Nag-cancel na ng pasok yung iba, tayo hindi pa." "Signal number 2 pa lang naman, ah." "Baha na kaya sa España." "Oo, galing kaya ako dun. Dun ako dumadaan papasok dito - nagpapatuyo nga ako ng sapatos, oh." Rinig kong usapan ni Ate Lellis, Lovely, at Jhunel sa office. Lunch time namin ngayon at napagpasyahan ko na dito kumain sa office. Sobrang lakas kasi ng ulan sa labas, feeling ko nga rin magyeyelo na sa loob ng elevator ko sa sobrang lamig. I made sure to pee first before entering the elevator. Apat na oras pa bago ang uwian ko pero wala pa ring katao-tao sa building na 'to. Mangilan-ngilan lang ang sumasakay sa loob ng elevator ko, kadalasan ay doctor at secretary lang talaga. "Grabe, ang lamig talaga ngayon." Sir MJ casually said while he's inside the eleva
EDITHA First day ko ngayon sa UST Hospital. Nakakaba na nakaka-excite - like, what if mahilo ako sa loob ng elevator, 'di ba? Or ma-trapped doon? Siguro naman hindi agad mangyayari yun ngayong araw. I went to see Ate Lellis kasi siya magte-train sa'kin ngayon. She's Tito Iwa's niece, ka-edad lang siya ni Ate Lovely. She taught me all of the elevator's buttons. Madali lang naman at mabilis lang matutunan, pero ang kalaban ko dito ay ang boredom. May mga times na akyat-baba lang ang elevator dahil wala namang patients or relatives na dumadating. "Toxic lang naman pag 10:00 na, tas pagdating ng 11:30 wala na yan. Lahat ng mga patients at relatives nasa taas na, tas sa hapon na ulit pag-uwian." I was busy sanitizing the elevator's handle bar while listening to her. Ayun nga ang napansin ko kanina - mas dumadami ang tao pag malapit nang dumating ang doctor. 10am kasi simula ng clinic dito, kaya pagdating ng doctor ay nagsusulputan na din bigla ang mga pasyente. Lunchtime came, Ate