ZINNIA POV.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ilang araw na akong suka nang suka. Mabigat ang pakiramdam ng tiyan ko, tila ba'y may laman ito. Hindi ko alam kung bakit. Wala rin naman akong gana kumain. Gusto ko sanang lapitan si Kristine, pero nagtatampo ako sa kanya. Hindi ko malimutan ang ginawa ng pinsan niya sa 'kin sa bar. Binuksan ko ang selpon ko. Laking gulat kong makita ang naka-post. Nagtrending ang mga litrato ng lalaking naka-siping ko sa bar. Nakayakap ako sa kanya pero nakatalikod at nakatago ang itsura ko sa litrato. "Ano ba itong ginawa ko. Mabuti na lang nakatalikod ako." Tanging sambit ko sa aking isip. Bigla muling sumakit ang tiyan ko at napahawak ako sa tiyan. Ilang araw na rin akong hindi lumalabas sa bahay na ito. Kinuha ko ang pitaka ko at tiningnan ang natira kong pera. "Hindi ito sapat, malaki pa ang kulang para makabayad ako sa upa." Saad ko sa sarili ko. "Kailangan kong magpacheck-up, gagamitin ko na lang muna ito," kunot noo kong sinabi habang tinitingnan ang pera. Agad akong nagbihis at gumamit ng pantakip sa mukha ko. Ayaw kong malaman ng iba na ako ang nasa litrato. Ayaw kong may makakilala sa 'kin. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumumbad sa 'kin si Kristine. "Ano ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong. "Pwede ba tayo mag-usap?" "Nag-uusap na tayo, sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin." "Ako na humihingi ng sorry dahil sa ginawa ng pinsan ko sayo." Malungkot niyang sabi habang naka-yuko. "Ahh, ganun ba? Okay." Lalagpasan ko na sana siya subalit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Zinnia, sorry na, oo kasalan ko. Ilang araw na rin tayo hindi nag-uusap. Ilang beses kitang tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Hindi ako sanay na ganyan ka," sabay tulo ng luha niya. "Oo na, basta ayaw ko na makita ang pinsan mo." Ngumiti siya sa 'kin at tumango. Wala na rin naman akong magagawa. Sabik na sabik na rin ako kay Kristine. Naalala ko na pupunta pala ako sa hospital. Hindi ko pwedeng sabihin kay Kristine, ayaw kong mag-alala pa siya sa 'kin. "Kristine, may pupuntahan pa pala ako," nakangiting sambit ko. "Sasamahan na kita," pag-aalala niya. "Hindi na, isa pa kailangan mong magpahinga kasi alam kong mamaya may trabaho ka pa." "Hindi, Zinnia, ayos lang." Magsasalita pa sana ako pero biglang tumunog ang selpon niya. Agad naman niya itong sinagot. "Sorry, Zinnia, hindi pala ako pwede." "Okay lang, unahin mo na ang kailangan mong gawin," sabay ngiti ko. Maya-maya pa ay agad siyang nagpaalam. Pagkaalis ni Kristine ay agad na rin akong umalis. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating ako sa hospital. Hinanap ko ang kwarto kung saan rito ang pagpacheck-up. Nagtanong-tanong rin ako sa nurs, hanggang sa natunton ko na. Pagkapasok ko rito ay isang lalaki ang aking nadatnan. Ang gwapo ng doctor na ito. May suot itong facemask, pero ramdam kong kilala ko siya ngunit hindi ko batid kung sino. FAST-FORWARD "Doc. Ano po ang resulta? May sakit po ba ako?" Kinakabahan kong tanong, subalit ngumisi lamang siya. "Doc. Bakit po?" Dagdag ko pa. "Ma'am Zinnia, wala kang sakit." Masaya nitong sabi. "Po? Ehh ano po ba ang resulta?" "Well, congrats because your pregnant." Tila'y huminto ang oras nang marinig kong buntis ako. Hindi ko ito inaasahan, isang beses lang naman nangyari sa amin 'yon. "Ma'am Zinnia? Are you okay?" "Ahmm, o-opo tha-thank you po." Wala ako sa sariling tumayo. Hahakbang na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Lumapit siya sa 'kin at tumayo sa harap ko. "I didn't expect this, who's the father of your child?" Seryosong sinabi niya sabay tanggal ng facemask niya. "Dave???" Hindi ako makapaniwalang magkita kami muli. 14 years old kami noon na naghiwalay matapos siyang dinala sa America ng mommy at daddy niya. Siya ang lalaking unang naging malapit sa puso ko. Napaluha ako at napayakap sa kanya. "Dave, bakit ngayon ka lang." Hindi ko napigilan ang mapaluha. "Zinnia, I'm sorry hindi kita nabalikan," sabay yakap niya sa 'kin. Kalaunan umalis ako sa pagkayakap niya. Diretso niya lamang akong tiningnan sa mata. "Tell me, sino ang ama?" "Hindi ko alam." Tanging lumabas sa bibig ko. "What? What do you mean?" "Kas-" "Sir Dave, may bagong pasyente ang dumating, kailangan ka po roon. "Zinnia, babalikan kita, magkita tayo ulit." Agad na tumakbo si Dave papalabas. Pagkatapos ay lumabas na rin ako. Nakatingin ako sa papel na binigay sa 'kin ni Dave habang naglalakad. Napahawak ako sa tiyan ko at napa-isip kung ano ang gagawin ko. Malaki pa ang babayaran ko sa upa. Hindi ko alam kung pano at kung saan ako kukuha ng pera para kay baby. Biglang pumasok sa isip ko na ipalaglag ang baby. Pero, inosente ang bata at hindi ko kaya. Nahagilap ng mata ko ang lalaking nakasiping ko no'ng isang gabi. Lumapit ito sa 'kin at deretsahang nagtanong. "How are you? Its been a week. By the way did you need something?" Naisip ko bigla ang magagastos ko sa baby. Nag-aalangan ako subalit kailangan ko ng pera. "Ahmm, 3,000." Napansin kong parang nadismaya siya. Binigyan niya ako ng card, pero alinlangan ko itong tinanggap. "Sir, let's go," singit ng kasama niya. Nilagpasan ako ng lalaki. Napahawak na lamang ako sa tiyan ko. Nagpatuloy akong lumakad habang nakatingin ulit sa papel ng binigay sa 'kin ni Dave. Biglang may bumangga sa 'kin , napatingin ako sa kanya isang babae na alam kong mayaman. Magara ang kanyang suot at milyon ang halaga ng kanyang damit dahil sa disenyo nito. "Bulag ka ba!" sigaw nito. "Sorry po, hindi ko po sinasadya." "Sorry? Anong magagawa ng sorry mo! mababayaran ba nang sorry mo ang halaga ng damit ko?!" Galit na galit nitong sigaw sabay tulak sa 'kin. Nawalan ng balanse ang katawan ko kaya natumba ako. Napahawak ako sa tiyan ko dahil kumirot ito. "Sorry po talaga, hindi ko po talaga sinasadya." "Your cheap! Dinumihan mo ang damit ko million ang halaga nito! And look at yourself you looks like a dog! Cheap! Hindi mo ito mababayaran!" Napatingin ako sa paligid, marami ang nakatingin sa amin. Kahit ano-ano rin ang naririnig kong mga bulong-bulongan nila. "How dare her, she doesn't know na ang kaharap niya ang mapapangasawa ng pinakamayang CEO dito sa mundo." "Pagmalaman ito ni Mr. Youtan, for sure malalagot ang babaeng ito, tsk!" "Well, that's true and look at her very cheap! Kadiri, eww." Lumapit sa 'kin ang babae at bigla niyang kinuha ang papel na hawak-hawak ko . Tiningnan niya ito at ngumisi. Hindi ko alam ang gagawin niya pero natatakot ako baka saktan niya ang anak ko. "You're pregnant huh? Then let see kung mabubuhay pa ang anak mo!" Madiin nitong bulong sa 'kin. "Ano? Anong gagawin mo?" Natatakot kong boses. "You're baby gonna pay me!" Bigla niyang sinipa ang tiyan ko. Napahiyaw ako dahil sa sobrang sakit. Ilang beses pa akong nakiusap na tama na, pero sinipa pa niya ulit ang tiyan ko. Hanggang sa dinuguan na ako. Napaiyak na lamang ako habang iniisip si baby. Sisipain pa niya sana ako pero biglang may malakad na sumigaw at galit na galit ang boses nito. "Stop!" Napatingin ako pero masyadong lumabo ang paningin ko."Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak