Dahan-dahan itong lumapit sa 'kin. Hindi ako makapaniwalang magkikita kami muli ng lalaking nakasiping ko sa bar. Mas napahawak pa ako sa aking tiyan dahil sa sobrang sakit. Iniyuko ko nag aking ulo upang hindi makilala ng lalaking ito.
"He's Mr. Youtan." "What is he doing her?" "I think he will punish that cheap girl, because of what she did." Hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi nila. Tinatawag nilang Mr. Youtan ang lalaking ito. Ang kakaalam ko naman ay si Mr. Youtan ang pinakamayamang CEO sa mundo. Kalaunan, napahinto siya sa aking harap. Deretso niya akong tinitigan at mababasa sa kanyang mata at kilay ang galit. "Mr. Youtan, that girl, dinumihan niya ako." Pagdradrama ng babae subalit hindi kumibo ang lalaking ito. Deretso pa rin siyang nakatitig sa 'kin na may malalim na paningin. Hinawakan siya ng babae sa braso pero hindi niya pa rin ito pinansin. "Mr. Youtan, she deserve that, and her baby need to pay me, look my dress its cost 8 million." Biglang mas lumalim ang tingin ng lalaki. Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ng babae sa kanyang braso. Ikinagulat ito ng lahat, hinarap niya ang babae at binigyan ng madiin na paningin. "How dare you to touch her!" madiin na saad ng lalaki. Hindi makapaniwala ang mga reaksiyon ng mga taong nakapalibot sa 'min. "Wait? What?!" gulat na tanong ng babae subalit hindi siya pinansin at tinalikuran lamang. Bigla akong napahiyaw sa sakit. Hindi ko na talaga kaya. Maya-maya pa ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Kahit wala akong malay ay ramdam kong may bumuhat sa 'kin. Sa kahinaan ng aking katawan ay hindi ko namulat ang aking mata, upang makita kung sino ang nagbubuhat sa 'kin. Nang magising ako ay may lalaking nasa pintuan banda. Nakatalikod siya sa 'kin pero alam kong siya ang lalaking iyon dahil ramdam ko. May kausap siyang doctor at tila'y seryoso ang kanilang usapan. Dahan-dahan akong bumangon. Masakit pa ang ulo ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Biglang pumasok sa isip ko ang baby ko kaya napahawak ako sa tiyan ko. "Baby." "May masakit ba?" Napatingin ako sa nagsalita. "Ang lalaking ito, bakit ba siya nandito. Alam na ba niya na buntis ako?" Tanging tanong sa isipan ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nagkasalubong ang aming mga mata pero agad naman akong umiwas. Hindi ko alam kung bakit, tila'y nahihiya pa ako sa kanya. Ikinagulat kong hinawakan niya ang aking kamay. Idinampi niya rin ang kanyang palad sa aking noo. "From now on, you need to take a rest." Malambing na boses niya. "Ahmmm, kaya ko na po," sabay yuko ko. ñm Kahit siya ang ama ng mga anak ko ay nahihiya pa rin ako. Nababahala ako dahil isang gabi lang may naganap samin, paano kung hindi niya tanggapin ang mga baby ko. "And also, sa 'kin kana uuwi." Seryosong saad nito na ikinalaki ng mata ko. "Huh? A-ano ibig mong sabihin?" "Hindi mo na maitatago sa 'kin ang totoo, I know already." "Alam niya na buntis ako?" sambit ko sa utak ko. "I have babies on your belly, I'll take my responsibility." "Kaya ko naman na alaga-" "No! That's my baby also, hindi ako papayag na ilayo mo sakin ang mga anak ko. Hindi rin ako papayag na mawala ka nanaman." Seryosong saad niya habang dahan-dahan siyang lumalapit sa 'kin. Masyado nang magkalapit ang aming mga mukha. Napansin kong napatingin siya sa aking labi. Agad ko siyang itinulak pero mahina lang. Tumayo siya ng tuwid at inayos ang kwelyo niya. "Gusto ko ng umuwi." "Sure, uuwi ka sa 'kin." "Pero may inuupahan pa ako ehh, kailangan ko rin maghanap ng trabaho para makabayad ako ng upa ko," mahinhin kong sinabi. "No need." Malamig na boses. "Huh? Bakit naman, kailangan ko 'yon bayaran." "I'll pay already." Napatingin ako sa kanya pero binaling niya ang paningin niya sa malayo. Parang nahihiya rin siya sa ginawa niya. Napangiti na lamang ako dahil sa ginawa niya pero napapaisip ako kung paano ko siya mababayaran. "Paano ba kita mababayaran?" "Simple way," sabay tingin niya sa 'kin. Walang emosyon ang mata niya. Ang kinis ng itsura niya. Mas lalo siyang nagiging gwapo. Pero mas sigurado na mas gwapo pa siya kapag ngumiti siya. "Anong simple way?" "Marry me." Tila'y tumigil ang oras dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Natamimi na lamang ako, hindi ko alam kung paano nangyari ito. Hindi ko alam kung papayag ako. Napahawak ako muli sa tiyan ko at inisip kung ano ang pwedeng maging kalagayan ng baby ko. Nais kong ipanganak ang mga baby ko na katabi ang kanilang ama. "Neither you like it or not, I will marry you." Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang isang babae na medyo may edad na rin. Nakangiti itong tumingin sa 'kin. Kalaunan ay lumapit siya samin. "Youtan, is she my daughter in-law?" Masaya niyang tanong subalit hindi nagsalita si Youtan. "Iha, I'm glad to meet you," sabay hawak niya sa aking mga kamay. Wala akong magawa kundi ang ngumiti at bumati. Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon. "Iha, I'm Luciana, the mother of this man," sabay turo siya sa lalaki, hindi ko alam bigla na lang ako napatawa ng kunti. "From now on, your my daughter in-law, love my son, iha." "Po? Hehehe tita hindi pa po kami ni Mr. Youtan." "She's my wife, mom." Singit niya dahilan na matamimi ako. Magsasalita pa sana ako pero bigla akong niyakap ni tita. Nakaamoy ako ng kakaiba, hindi ko gusto ang amoy na ito. Napahawak ako sa tiyan ko at akmang susuka ako, kaya napalayo sa 'kin ng kaunti si tita. Lumapit naman sa 'kin si Youtan at hinimas ang likod ko. "What happened?" Pagtataka ni tita. "Sorry po, ayaw ko po ng pabango niyo tita, nasusuka po ako." Inamoy naman niya ang kanyang damit. "Mabango naman ang amoy iha. Wait, dont tell me son, she's pregnant?" nakangiting tanong ni tita. Nagkatinginan kami ni Youtan. Tumango si Youtan dahilan na mas naging masaya si tita. Tumahimik bigla, napahawak ako sa tiyan ko. Napansin ito ni Youtan at hinawakan niya ang kamay ko. "Triplets mom." "What?!" Gulat na saad ni tita. "A mercy, I have grandchild now! Not only one kundi tatlo pa! Son, I'm very happy." Napalapit samin si tita pero umatras siya ng kaunti. Alam ni tita na masusuka ako ulit kapag maamoy ko ang pabango niya kaya siya na ang nag-adjust. "Iha, my daughter, I think I need to go home now, I'm going to settle your room." "Po?" "Thank you mom." Magsasalita pa sana ako pero tuluyan ng umalis si tita. Ito naman si Youtan masyadong nakadikit sa 'kin. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tinulak ko siya ng kaunti. "Don't worry, I will not hurt you, okay?" "Oum," tanging sagot ko. Maya-maya pa biglang humamdi ang tiyan ko. May gusto akong kainin at nais kong makain ko 'yon agad. "Nagugutom ako," mahinhin kong binanggit. "Ok, let's go home, I'll cook for you." Hinawakan niya kamay ko pero inalis ko ito. "Why? Is there's something wrong?" "Gusto ko ng mangga, yung maliit tapos bilog tapos kumikinang pagtinititigan," pagtatampo kong boses. Napalunok laway naman siya. Sa kanyang itsura parang ayaw niya. Bigla akong nakaramdam ng inis. Tinitigan ko siya ng masama na ikinabago ng paningin niya. Napahawak siya sa kanyang batok at takot na tumingin sa 'kin. "Gusto ko nga ng mangga..." "Fine... Fine... Fine... I'll buy, I'll buy, please dont get mad at me." He pout. Hindi ako umimik. Maya-maya pa biglang pumasok ang kanyang mga tauhan."Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak