Share

Chapter Eighteen

SA halip na yayaing umuwi si Jeremy, inaya muna ito ni Katrina na mamasyal. Nakasisiguro naman siyang iyon ang gustong gawin nito. Hindi kasi siya nakasisigurado kung nakaalis na ang mga kamag-anak nito o naroroon pa rin.

"Masyado ka namang tahimik diyan," wika niya nang dalhin siya ni Jeremy sa paborito raw nitong lugar na kung tawagin daw ay 'burol'. Para naman kasing burol ang lupang kinalalagyan nila tapos may punong mangga sa tuktok nito. Nakasandal si Jeremy sa may puno habang siya naman ay nakahilig sa dibdib nito.

Dinig niya ang bawat pintig ng puso ni Jeremy pero hindi naman niya dinig kung anong pangalan ba ang tinitibok ng puso nito. Napabuntunghinnga siya dahil hindi niya napigilang tanungin ang kanyang sarili kung talaga nga bang siya ang laman noon.

Nang una ay gusto na niyang maniwala na mahal siya ni Jeremy pero nagduda siya nang malaman niya ang tungkol sa testamento ni Lolo Segundo. Paano kung ang ‘pagmamahal’ sa kanya ni Jeremy ay may expiration date?

"May inaa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status