Ang araw ay halos hindi pa sumisilip sa linya ng mga bundok ng Batangas nang muling makaramdam si Alyana ng bigat sa kanyang dibdib. Kasama nila sa loob ng military camp si Eli, ang anak nilang kinailangang ilipat para sa kaligtasan nito. Ngunit kahit nasa loob ng kampo—na punô ng sundalo, CCTV, at mataas na pader—hindi siya mapakali.Kasabay ng ingay ng mga galos ng combat boots sa semento ay ang malalim na hininga ni Bash habang hawak nito ang isang tablet kung saan naka-load ang surveillance footage mula sa gabi. Sa likod ng tent, naroon si Tina—nakakulong sa isang temporary holding cell. Tahimik, hindi umiimik, at walang kahit anong pagsisisi sa mukha. Wala pa ring paliwanag kung bakit niya inilapit si Eli kay Gavino, at lalo na kung bakit siya nagkunwaring buntis para lamang makaganti."May galaw na ang kabilang kampo," sambit ni Camilo habang pinapakita ang mga satellite photos. "Hindi lang si Gavino ang problema ngayon. May mga third-party arms na gusto makialam. Target nila an
8:30 AM – Military Safe Zone, BatangasAng sikat ng araw ay mas maliwanag kaysa sa mga nakaraang araw, pero ang katahimikan sa loob ng kampo ay tila pansamantalang bulong ng kapayapaan. Sa wakas, si Alyana, Bash, at Eli ay ligtas, kahit sandali lang.Nasa loob sila ng isang makeshift na barracks, may air conditioning at kaunting pagkain. Simple pero sapat para makabawi."Ang dami kong tanong, pero natutuwa akong ligtas tayo ngayon," bulong ni Alyana habang inaayos ang buhok ni Eli."Mommy, bakit may helicopter tayo kanina? Ang saya pero ang ingay!" ani Eli habang ngumunguya ng tinapay.Napangiti si Bash. “Parang superhero ka, anak.”“Talaga? Ako si Super Eli! Tapos ikaw si Doctor Papa, tapos si Mommy si Nurse Pretty!”Tawanan silang tatlo. Ilang araw na puro putukan, takbuhan, at luha—ngayon lang sila muling natawa.10:00 AM – Medical Check-up AreaHabang sinusuri si Eli ng mga military medics, magkausap sa labas si Bash at Alyana.“Wala siyang sugat. Pero Alyana… mentally, he’s affec
11:43 PM – Secret Safehouse, Tagaytay HighlandsAng paligid ay tahimik, ngunit ramdam ni Alyana ang tensyon sa hangin—parang may bagyong paparating.Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang batang hinanap-hanap ng puso niya, ang di maipaliwanag na lungkot sa puso niya noon, ay may dahilan pala. May anak siya. Si Eli."Nasaan siya?" Tanong ni Alyana, hawak ang mug ng kape ngunit nanginginig ang mga kamay."Safe siya," sagot ni Bash habang pinagmamasdan siya mula sa tapat. "Pero hindi na habangbuhay. May mga taong gustong gamitin siya laban sa akin—at sa atin.""Mula pa noon, alam mo na? Bakit hindi mo agad sinabi?""Binigyan tayo ng pagkakataon ng tiyahin mo noon para maipagpatuloy ang buhay mo. Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin kung sabay mong haharapin ang trauma, pagkawala ng memorya, at ang pagiging ina.""Pero ngayon, handa na ako. Kailangan ko siyang makita."Bago pa makasagot si Bash, biglang pumutok ang ilaw. Sumunod ang mahinang putok—BANG!Napahiga sila sa sahig. "DOWN!" sig
Bumibilis ang tibok ng puso ni Alyana habang naglalakad sa hallway ng ospital. Gabi na, tahimik na ang buong gusali maliban sa ilang ilaw na bukas sa nurse station. Nakakatindig-balahibo ang katahimikan, pero mas matindi ang bumabagabag sa kanya—ang mensaheng natanggap niya mula sa isang anonymous number:“Kung gusto mong malaman ang totoo, pumunta ka sa Basement Storage Room 3. Mag-isa ka lang.”Una niyang naisip si Bash, pero nasa isang medical conference ito sa labas ng lungsod. Hindi rin si Camilo, dahil lumipad ito papuntang Cebu. Wala siyang sinabihan. Ngunit tila may magnetong humihila sa kanya—isang misteryong kailangan niyang harapin kahit pa nakakakilabot.Pagdating niya sa storage room, tahimik. Dilim. Amoy alcohol at lumang paper files. Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto. Langitngit. Walang tao."Ano ba 'tong pinasok ko..." bulong niya sa sarili, nanginginig.Bigla, bumukas ang ilaw. Isang lalaking naka-face mask at hoodie ang lumitaw mula sa sulok."Alyana.""Sinong—"H
“Wala na si Liam.”Paulit-ulit iyon sa isip ni Alyana habang palinga-linga siya sa bawat kwarto, hallway, at pasilyo ng hospital. Ang batang kanina lang ay mahimbing na natutulog, ngayon ay parang bula na naglaho. Walang nurse na nakakita, walang CCTV na gumagana — dahil ilang minuto bago ito nangyari, biglang nag-brownout.Si Bash, nasa isang closed-door board meeting nang makatanggap ng tawag mula sa security.“Sir... your son is missing.”Tumayo siya. Nabitiwan niya ang hawak na tablet. Natigil ang buong pulong.“Repeat that,” aniya, nanginginig ang boses.“Liam De Almonte is gone.”De Almonte Tower, 78th FloorNasa loob ng isang bulletproof SUV si Liam — natutulog, may bahagyang sleeping aid na inilagay sa kanyang juice. Sa tabi niya ay si Tina, muling nagbalik sa dating anyo — glamorous, maingat, pero may halong pagkabaliw sa mga mata.“Don’t worry, baby boy. You’ll thank me someday. Hindi ako ang masama dito... sila ang nagkasala sa 'yo.”Habang umaakyat sila patungo sa 78th flo
Ang katahimikan ng gabi ay sinira ng sirena ng mga pulis at ambulansya. Sa dilim ng isang abandonadong bahay sa Bulacan, naroon sina Bash, Alyana, at ang anak nilang si Liam — bihag ng galit, takot, at mga lihim."Doc, positive ang location. Confirmed, naroon ang bata. May presensya ng armadong lalaki," sabi ng isa sa mga operatiba kay Bash habang papalapit ang team.Alyana was holding tightly to Liam, na natutulog sa makeshift bed sa sulok. Nanginginig siya sa takot pero pilit pinapakalma ang sarili.“Malapit na tayong makalabas, anak,” bulong niya sa batang tulog, sabay haplos sa buhok nito. "Daddy Bash is coming."Sa labas, pinaikot ng SWAT ang perimeter.“Naka-position na lahat. Go signal, Doc?” tanong ni Marco.Tumango si Bash, ngunit mariin ang titig. “Walang lalapit sa kanya. Buhay na buhay niyong ibalik ang anak ko. At kung andoon si Camilo…”Hindi niya tinuloy ang sinabi. Pero ang panginginig ng kanyang panga ay sapat na para maintindihan ng lahat ang galit at desperasyon.BL