مشاركة

Twelve

مؤلف: AveryHayz
last update تاريخ النشر: 2023-10-15 22:27:03

" Mabuti naman at nakabalik ka na, hija. " Masayang bati sa kanya ni aling Pacing. Yumakap siya at humalik sa pisngi ng matanda.

" Na miss ko po kayo aling Pacing. Kayong lahat na mga kaibigan ko. Saka hindi na rin ako sanay sa Manila, masyadong mausok at mapolusyon. " Wika pa niya sa matanda. Natawa naman ito sa tinuran niya.

" Alam mo bang hinahanap ka palagi ni James sa shop. Araw-araw yatang may dalang chocolates para sa'yo. Sinabi ko namang hindi ka pa tumatawag pero
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Six (Ending)

    Maaga pa, pero gising na si Jacob.Nakayakap siya kay Yumi habang natutulog pa ito — payapa ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo na para bang nananaginip pa. Ang buhok nitong nakakalat sa unan, at ang hininga nito’y marahan, tuloy-tuloy.He smiled to himself. Hindi niya inakalang darating ang araw na ganito — ang paggising na may yakap, hindi ng pangarap, kundi ng katotohanan.Mula sa ibaba, narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ng mga bata."Mom! Dad!" Napangiti si Jacob. Si Jabez. "I'm coming in!" patuloy pa nito.“Uh-oh,” bulong niya, sabay halik sa noo ni Yumi. “The little bosses are awake.” Dinig niya din ang iyak ng sanggol.Napadilat si Yumi, at bago pa man siya makareact, bumukas na ang pinto ng kwarto nila.“Mom! Dad!” Masiglang tumakbo si Jabez papunta sa kama. “We’re hungry!”Nagkatinginan sina Jacob at Yumi — parehong puyat pero nakangiti.“Okay, okay,” tawa ni Jacob. “Let me cook something. Pancakes sound good?”“Yeaaaah!” sigaw ni Jabez.Bumangon si Jacob at humal

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Five

    Mainit ang hapon pero mas mainit ang ulo ni Jacob nang dumating siya sa harap ng opisina kung saan pansamantalang nagwo-work si Nancy. Hindi na niya kayang palipasin pa. Hindi na siya makakatulog nang payapa hangga’t hindi niya ito kinakausap ng harapan.Bakas sa mukha niya ang seryosong determinasyon — wala na ang dating malambot na Jacob kapag si Nancy ang kaharap.Pagkapasok niya sa lobby, natanaw niya agad ang babae. Nasa isang table sa café area ng gusali, may hawak na tablet habang nakatingin sa screen. Tahimik. Maayos ang bihis. Pero paglapit ni Jacob, agad itong tumingin — na parang alam na nitong darating siya.Ngumiti si Nancy. Mapait. Malandi. Malamig.“Wow. Hindi pa ba sapat na iniwan mo ako? Sisiraan mo pa ako ngayon?”Hindi ngumiti si Jacob. Diretso ang titig.“Ano’ng sinabi mo kay Yumi?”Diretso. Walang paligoy.Pumikit si Nancy sandali, saka ngumiti nang sarkastiko.“Wala naman akong sinabing masama. Sinabi ko lang ang totoo.”Tumagilid ang ulo niya, parang inaasar.“N

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Four

    Napatingin si Yumi sa kanya. “Bakit ako? Anong kailangan mo sa akin?”“Dahil gusto kong maintindihan mo,” sagot ni Nancy, may bakas ng pagkapagod sa tinig. “Na hindi ko balak sirain ang pamilya mo… pero hindi ko rin mapigilang umasang may natitira pa sa amin ni Jacob.”Hindi sumagot agad si Yumi. Umupo siya sa harap ng maliit na mesa sa terrace at tumango kay Nancy. “Umupo ka kung gusto mo.”Tahimik silang dalawa. Ilang segundo lang, pero parang ang bigat ng hangin.“Hindi kita kaaway, Nancy,” mahinang sabi ni Yumi. “Pero hindi rin ako titigil para protektahan ang pamilya ko.”“Gano’n mo ba siya kamahal?” tanong ni Nancy, halos pabulong. “Kahit alam mong minahal niya rin ako noon?”Tumingin si Yumi sa kanya, diretso.“Minahal ka niya, oo. Hindi ko ‘yan kailanman ipinagkaila. Pero ako ang pinili niya. Hindi ko siya pinilit kusa niyang pinanindagan ang mga anak ko."Napayuko si Nancy. Itinago ang biglang pagtalim ng mga mata. 'Hindi maaari. Hindi siya makakapayag!'“Nancy,” patuloy ni Y

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Three

    Mainit ang hapon. Nakapambahay lang si Yumi habang nag-aayos ng mga laruan sa sala. Katatapos lang matulog ng bunso, at si Jabez ay nasa likod-bahay kasama si Jacob, abala sa pagtuturo ng pagtanggal ng damo sa paso.Tahimik ang bahay. Payapa.Hanggang sa may marinig si Yumi na humintong sasakyan sa tapat ng gate.Inilapit niya ang sarili sa bintana, bahagyang sinilip kung sino ang dumating. Doon niya nakita ang isang babaeng pamilyar — naka-ayos, may dating. Si Nancy.Napakurap si Yumi. Hindi niya inaasahang darating ito. Mas lalong hindi sa ganitong biglaan, at hindi sa mismong pintuan nila.Ilang segundo lang, narinig na niya ang katok. Isa. Dalawa. Malumanay, pero may bigat.Dahan-dahang binuksan ni Yumi ang pinto.“Nancy?” mahina niyang tanong, may halong pagkalito.“Hi,” maikling sagot ng babae, nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. “Sorry kung biglaan. Galing ako ng Davao. Naisip kong dumaan.”Napahawak si Yumi sa gilid ng pinto. “Anong sadya mo?”Hindi kaagad sumagot si Na

  • Akin Ka Na Lang, Please   Chapter Thirty Two

    Hapon na. Ang araw ay unti-unting lumulubog sa likod ng mga ulap, at ang liwanag nito'y pumapasok sa sala ng bahay nina Jacob at Yumi, nagbibigay ng ginintuang glow sa buong paligid.Sa sahig ng sala, nakalatag ang makapal na playmat. Doon nakaupo si Jacob, naka-short at t-shirt, nakasandal sa sofa habang hawak ang kanyang sanggol na nakabalot sa malambot na kumot. Sa tabi niya, nakasalampak si Jabez, abala sa pagsasalansan ng mga laruan. Nakakatuwa ito dahil natutoto na itong magsalita ng tagalog.“Daddy, tingnan mo oh!” masiglang sabi ni Jabez habang pinapakita ang ginawa niyang tower gamit ang mga blocks. “Itong part na ‘to, kwarto ni baby! Tapos dito ako, may slide papunta sa kwarto niya.”Jacob chuckled, pinisil ang pisngi ng panganay.“Wow. May slide pa talaga si baby ha. Sigurado akong matutuwa siya diyan.”Pagkatapos ay tumingin siya sa munting sanggol na mahimbing pa rin ang tulog. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito gamit ang hintuturo. Napangiti siya.“Anak, ito ang kuy

  • Akin Ka Na Lang, Please   Thirty One

    Matapos ang honeymoon, mas naging malambing si Jacob kay Yumi — mas maingat, mas mapag-alala, mas tahimik pero naroon lagi. Hindi niya sinasabi ang "mahal kita," pero ramdam ni Yumi sa bawat haplos, sa bawat kilos, na unti-unti, may namumuong lalim sa pagitan nila.Isang umaga, maaga pa lang ay gising na si Yumi. Naka-upo siya sa may bintana, may hawak na baso ng gatas habang pinakikiramdaman ang marahang paggalaw ng sanggol sa sinapupunan niya. Tahimik ang paligid. Ang liwanag ng araw unti-unting pumapasok sa loob ng bahay.Pagkalipas ng ilang minuto, narinig niya ang mga hakbang ni Jacob. Gising na rin ito. Habang tulog pa ang panganay nilang anak na si Jabez.May dala itong kumot at vitamins niya. “Maaga ka na namang nagising,” aniya habang marahang isinapin sa mga binti niya ang kumot.“Hindi na rin kasi ako makatulog,” sagot ni Yumi, bahagyang ngumiti. “Minsan si baby, minsan naiisip ko lang… ang bilis ng mga nangyayari.”Lumuhod si Jacob sa harap niya at marahang hinawi ang mga

  • Akin Ka Na Lang, Please   Five

    " Yumi hija, gusto mo bang sumama magmalling?" Tinig iyon ni Aling Pacing. Matandang dalaga na namamahala sa bahay bakasyunan nila sa Tagum city. Ang lugar kung saan siya tumira sa nakalipas na anim na taon. Ginawa niya iyong mini flower farm. Sa nakalipas na dalawang taon ay nagawa niyang mapalago

  • Akin Ka Na Lang, Please   Four

    Matapos makausap ang kaibigan ay nakadama ng guilt si Yumi. Labag sa kalooban niya ang pumunta sa birthday party ng kuya nito because of one reason, makikita niya doon si Nancy na magiging sweet kay Jacob. Siguradong masasaktan na naman ang puso niya sa dalawa. Di ba nga't nagalit ng todo si Nancy

  • Akin Ka Na Lang, Please   Three

    Nagtaka ang binata kung bakit nahihilo siya. Isang bote pa lang ng beer ang nainom niya pero pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat. Doble na ang paningin sa dalawa. " Kuya Jacob, okay ka lang? " Tinig iyon ni Jillian." Ano ba tong pinainom niyo na beer sa akin, ang lakas ng tama eh? " "

  • Akin Ka Na Lang, Please   Two

    Naghahabol ng hininga si Yumi nang makarating sa silid niya. Agad niyang isinara at ini-locked ang pinto ng kanyang kwarto nang makapasok. Nakadama siya kanina ng matinding kaba. Akala niya ay hahalikan siya ng binata nang masukol siya nito sa sink area ng kitchen. Ngunit tumigil ito sa tamang or

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status