Chartlotte
Kabado akong kumatok sa office ng attending doktor ni mommy. Pinatawag niya ako ngunit hindi niya sinabi kung anong pag-uusapan namin. “Tok! Tok!” “Come in,” sagot sa loob. Mariin kong pinikit ang aking mata. Humugot din ako ng hangin sa dibdib ko para kumalma. Relax lang self. Ngayon pa ba susuko, almost six months na si Inay rito sa ospital. Kayang kaya ko kung ano man ang ibabalita ni doktor sa akin. Pinaupo niya ako. Nakayuko ako at sa kamay ko nakatingin animo doon ako humuhugot ng lakas loob. May pagkurot pa nga ako sa balat ko dahil kinalampag ng kaba ang dibdib ko. “May good news ako sa iyo Ms. Fuentes,” paabitin niyang sabi. Nag-angat ako ng tingin at masayang napangiti. Hindi rin ako makapag-antay kung anong good news na sasabihin niya sa akin. "Dok ano po iyon?" excited na medyo kabado kong tanong. Napangiti pa nga si doktor Falmer sa aking reaksyon. “Mayroon ng donor ang Inay mo,” “Wow talaga po?" ani ko at walang pagsidlan ng sobrang saya. Sa wakas gagaling na si Inay at soon makalalabas na siya ng ospital. Hindi na ako kakabahan sa pag-iisip sa maaring mangyari sa kaniya. “But…” He said. Natigilan ako. Ang saya kanina ay nalusaw sa labi ko. “Ano po ang problema dok?” bigla akong sinalakay ng kaba. “Tatapatin na kita Ms. Fuentes. May kamahalan ito. Lalo na malaking pera ang hinihingi ng donor.” “M-magkano po ang k-kailangan kong malikom dok?” halos pabulong ko na lang na tanong. “Maghanda ka ng two million—” “Po…” bulalas ko. Kahit siguro isang buwan na twenty-four hours akong mag-duty sa parlor hindi ako kikita man lang ng one hundred thousand. Nanlulumo napayuko ako ngunit hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Para sa Inay kakayanin at gagawa ako ng paraan. “Hanggang kailan po ang palugit dok?” “Next week, Ms. Fuentes,” saad nito kinalaglag ng balikat ko. ------------ Nanginig ang kamay ko pagkatapos akong lagyan ng makapal na make-up ni ate Hilda. Nasa Ventage hotel kami para sa gagawin na stag party mamayang alas-otso ng gabi. Thirty minutes na lang mag-u-umpisa na ang party. Book lang daw sila at wala silang idea kung sinong ikakasal. Tanging manager lang nila sa Elite Club ang nakakaalam. Confidential daw kung anong pangalan ng nag-book sa kanila para din sa privacy ng customer. “Sure ka ba Lotte itutuloy mo ito?” puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata ni Ate Hilda. Sa mga kapitbahay namin palayaw nila sa akin ay Lotte. Single mom si ate Hilda at kapitbahay namin namamasukan sa Elite Club bilang dancer. Hindi lingid sa mga kapitbahay ang trabaho niya kaya nga tampulan ng tsismis si ate Hilda. Pero para sa akin mabuti babae si ate Hilda. Alin ang mas marumi. Iyong nililibak o iyong nanlilibak na hindi alam kung anong hirap na pinagdadaanan ni ate Hilda, para maitaguyod lang ang tatlong anak, dahil sumakabilang bahay ang asawa nito na dapat siyang bubuhay sa ate Hilda at mga anak nito. May mama pa si ate na matanda na. Para sa akin hindi dapat pinagtatawanan ang taong nagsisikap para sa pamilya. Iba-iba ang diskarte para mapunan ang panggastos sa araw-araw. Swerte na lang kung pinanganak na mayaman pero kung sino pa ang tambay sila pa ang malakas mam-bully akala mo may ambag sa ate Hilda. “Kaya ko ito ate Hilda, para sa Inay ko,” basag ang boses ko ng sabihin niyon sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok ko may awa nakalarawan sa kaniyang mata. Nginitian ko siya para ipakitang wala siyang dapat ipag-alala sa akin. Tipid niya akong na nginitian. Twenty pa lang ako ngayon pero daig ko pa ang may sampu ng anak sa sobrang kayod. Simula ma-diagnose si Inay sa Leukemia at six months na ring nasa hospital. Manicure pedicure sa umaga. Sa gabi kapag may cater iyong kapatid ng bestfriend ko naraket ako. “Ang bata mo pa Chartlotte para maranasan ito. Sana gumaling na si Lian. Para makabalik ka na sa pag-aaral mo. Sa totoo lang kaya ako'y nagsisikap para sa mga anak ko. Ayaw kong manahin nila ang trabaho ko. Makatapos lang sila mag-aral. Titigil na ako sa trabaho ko," saad ng ate Hilda. “Alam ko po ate. Kaya nga naiinis ako sa mga kapitbahay natin na tsismosa tss,” irap ko pa. Ngumiti si ate Hilda. “Sus hinahayaan ko lang sila mapaos sa katsismis sa akin. Hindi naman ako mababawasan sa mga sinasabi nila. Sila pa ang magkakasala sa Diyos dahil mga chismosa.” Napangiti ako. Ang strong talaga ng personality ni ate Hilda. Sa edad n'yang forty two para lang siyang thirty eight. Marunong kasi siya mag-alaga ng katawan at sexy si ate Hilda. "Ate salamat pinayagan mo ako ang sumayaw ngayon," "Basta makatutulong sa iyo walang anuman." Dapat si ate Hilda ang sasayaw sa stag party na ito ngunit sa pakiusap ko pumayag siya. Noong una nagdalawang-isip pa. Kasi nga ang bata ko pa raw para sa trabahong ito. Para sa akin kahit na benta ko pa ang katawan ko kaya ko para lang mabayaran ang donor at operasyon ni Inay para siyang tuluyang gumaling. Dapat nga one hundred thousand lang ibabayad kaya lang nagpataas ako kaya five hundred thousand ang bayad ngayon. Sinagad na nga nakiusap si ate Hilda sa manager. Kung p'wede kausapin ang magreregalo ng stag party dahil importante ang paggamitan. Mabuti madaling kausap iba talaga kung mayaman. Barya lang ang five hundred thousand. Humihingi pa ako ng ibang appointment sa ate Hilda. Pinilit ko nga ulit kaya lang ako ang nakiusap kaya ako na lang ang tatrabaho sa bawat booking niya ngayon kung mayroon man. May four days pa naman ako kaya pa. Tiwala akong mabubuo ko ang two million. Sumilip ang organizer sa k'warto kinaroroonan namin. Hudyat mag-u-umpisa na. Dadalhin na ako sa VIP room na kinuha para sa stag party ng groom. "Good luck, Lotte. Dito lang kita aantayin hanggang matapos," bulong ng ate Hilda. "Sige po ate Hilda." Hiyawan mga lalaki ng buksan ang kahon na kinaroroonan ko. Hindi nila ako makikilala dahil may maskara ako kalahati sa pisngi ko. Nilapitan ko ang nasa unahan na table at doon ako unang sumayaw. Gusto ko pa umiyak dahil pinisil noong isang lalaki ang magkabila kong pang-upo. Pati lantad baywang ko hinaplos. Halata rito babaero pero alam ko hindi ito ang ikakasal. "Miss sayawan mo rin ang groom," wika ng lalaki na medyo mabait tinuro ang katabi nilang table. Gusto pa umangal ng bastos na lalaki ngunit walang nagawa ng pagkaisahan siya ng kasama sa table. Ito nga ang sinabi ni ate Hilda. Iba-iba ang makasasalamuha ko sa party. May mabait mayroon din daw balasubas at ito na nga tama siya. Kailangan ko raw magdala ng pasensya at lakas loob dahil nasa isip ng iba mababang uri itong trabaho pinasok ko. Sinunod ko ang utos nila. Thirty minutes ko lang naman gagawin ito kayang-kaya. Pagkatapos nito kakalimutan ko ang nangyari para sa Inay ko. Ngumiti ako sa naghihiyawan na lalaki ng umpisa akong gumiling sa groom. Tingin ko rin sa groom mabait dahil sa katabi n'ya ako pinasayaw. Loyal sa bride? Edi wow at sana all na lang. Tinuruan ako ni ate Hilda, paano ang mapang-akit na sayaw. Palakpakan sila ngunit ako nanliit ako sa aking sarili. Lalo iilan sa kasama nila manyakis madalas ako hipuan sa hita at pang-upo ko. Mga binata kaya sila o may mga asawa na. Kahit alin doon wala naman akong pakialam dahil bayad ako at malaki ang hiningi kong bayad. "Pre! Tingnan n'yo si Alexaiver. Ang seryoso nakatitig sa chika babe," may isang sumigaw. Pasimple kong hinanap ang tinutukoy nila. Saglit kumunot ang noo ko parang pamilyar siya. Saan ko nga ba ito nakita. Nagtama ang titig namin. Tunungga nito ang hawak na beer habang nakatitig sa akin. Natigilan ako sumikdo ang dibdib ko sa labis na kaba. Bakit ito lang ang nagbigay ng kaba sa akin. Muntik pa akong matulala. Mabuti hiyawan kaya hindi ako nagpahalata saglit akong tumigil. Nahulaan ko iyon ang Alexaiver, na tinutukoy nila. Dahil matiim ang titig sa akin. Sa lahat kasi ito lang ang seryoso. Ewan kung galit o ano mahal ang tawa? Kung hindi lang siguro ako naka suot ng maskara. Hindi ko kakayanin ang matagal tumitig sa lalaki. "Woah! Miss, doon naman kay, Alexaiver," saad ng lalaki kasama sa table ng groom. Gusto ko nga singhalan dahil pinalo ako sa puwet ko tang-na niya. Kung hindi ko lang kailangan nabayagan ko ito. May kalakasan ang palo nito tiniis ko lang inayos ko pa rin ang trabaho ko. "Pre babae iyan," sinaway siya ng katabi ngunit ngumisi lang. Lasing na yata namumula na rin ang pisngi. Hindi ko pa nagustuhan ang sagot nito. "Bayad natin iyan kaya may karapatan tayo kahit anong gawin diyan," pagyayabang pa nito. Sinaway lang ng groom kaya tumahimik. Nagtungo ako sa sinasabi nilang Alexaiver. Sa totoo lang nanginginig ang mga binti ko sa bawat titig nito ng nasa harapan niya ako sumayaw ng sexy dance. Napansin ko dumilim ang mukha nito ng sa kandungan na niya ako sumayaw. Gumiling giling ako sa ibabaw niya. Nanigas ang katawan ko ng hawakan n'ya ako sa baywang ko. Ang init ng kamay nito nakahaplos sa magkabila kong baywang. Damang dama ko sa balat ko ang palad niya. Suot ko ba naman ay pang belly dancer. Halter pangtaas lantad ang makinis kong baywang. Sa skirt naman ang iksi masyado. Kinaya ko lang ito isuot dahil kailangan. Idiniin niya ang akin sa harapan niya napalunok ako. Ramdam ko matigas siya lalo na ang suot ko ay sobrang iksi lumilis na iyon kita na ang singit ko. Kaya madali lang ako nahipuan kanina. Tinanong naman ako ni ate Hilda, kung kaya ko ang ganitong suot. Kasi ito talagang ang sinuot niya kapag sasayaw. Noong una lihim akong umayaw no choice pumayag na lang. Kinindatan ko siya kahit hindi ako sigurado kung nakikita niya ang mata ko. Pero kung pagbabasehan ko sa paraan ng titig. Tila nakikita n'ya kung paano ako tumitig. Tumiim ang titig sa akin. Ngumiti hinahalikan ang leeg ko kaya napalunok ako. Lalong nagsigawan ng hindi ako pakawalan ni Alexaiver. Malapit na oras kaya nakisabay na lang ako. "Pre! Type ni Alexaiver iyong babae." "Ipauubaya ko na," narinig ko sabi ng isa. Marami pa kantiyaw ngunit hindi ko nalang pinansin hanggang matapos ang oras at sinundo na ako ng organizer.Chartlotte Nagising ako sa mahigpit na yakap ni Alexaiver. Tila kaming dalawa na lamang sa kuwarto at tanghali na. Lumingon ako sa likuran ko tama nga, dahil wala na ang kambal sa aming tabi. “Alexaiver,” kinuhit ko ngunit tulog pa rin siya. Umangat ang tingin ko sa kaniya para silipin kung inaasar lang ako. Bahagya akong napanguso ng tulog pa nga. Nakaunan na pala ako sa braso niya habang nakaharap ako sa dibdib niya. Madaya ito ah. Hindi ko lang naramdaman na humarap ako sa kaniya. Pero mas hula ko, ito ang may kagagawan, kung bakit ako nakaharap na sa kaniya. Impossible, kasi nakatalikod akong natulog kagabi bago mahimbing ang aking tulog. Para naman alam n'yang may nanood sa kaniya dumilat ito nahuli niya akong pinanonood siyang matulog. Ngumiti kami sa isa't isa at yumuko siya at pinatakan ako ng halik sa noo ko. “Good morning, love,” paos ang boses niya. Napangiti ako ng ulit-ulit niya akong halikan sa noo ko. “It's so nice to wake up hugging you and you're the fir
Chartlotte “Daddy, saan po kami matutulog?” nagtanong si Alzen, nang paakyat na kami sa hagdan. Karga ni Alexaiver si Amhella sa kanan, at hawak n'ya naman sa kaliwa n'yang kamay palad ni Alzen. Nasa likuran lang nila ako tamang nakikinig lang sa pag-uusap ng mag-ama. “Sa k'warto ni daddy, gusto mo ba?” “Opo,” sagot nito sa daddy niya. Malaki naman pala ang silid ni Alexaiver. Kalahati lang ang k'warto ko sa Guernsey at k'warto sa bahay nitong k'warto niya. “Wow, ang ganda po ng room mo daddy,” mangha reaksyon nito pagkatapos ay tumakbo na agad sa kama at umakyat. “Anak, careful,” suway ko pa rito dahil pag-akyat na pag-akyat niya tumalon talon sa kama. Nakangiti na lang akong pinagmasdan ito. Nang ilalapag naman ng daddy niya si Amhella, tumigil din naman at umupo na lang sa tabi ng kapatid niya. "Sorry po mommy, tulog pala si Amhella," saad pa nito nakangti. “Alzen, palitan mo muna natin ‘yang damit mo bago humiga,” “Okay po, mommy, I can handle na po," tugon nito
Chartlotte “Alexaiver, gan'yan ang mga bata hayaan mo na mamaya lang bati na ang mga ‘yan,” hinila ko ang braso ni Alexaiver para hindi makapunta kaya Amhella. Hinawakan ko ang hita niya para hindi tuluyang makatayo. Inaalo naman na ni Alzen ang kapatid mukhang okay na tumahan na rin ng iyak. Humalakhak si Ishmael kaya masama ang tingin sa kaniya ni Alexaiver. “Panganay mo ‘yan Ishmael, dapat pagsabihan mo ‘wag awayin ang anak ko. Mas matanda pa ‘yan sa mga anak ko. Hindi ko ‘yan papasukin sa bahay namin,” parang temang ito si Alexaiver. Pinalo ko sa balikat kung anong sinasabi. “Bata Alexaiver, patola ka,” suway ko. Hindi naman siya seneryoso ni Ishmael, tawa pa nga nang tawa lang ang kapatid niya, pati si kuya Atlas niya tuwang-tuwa pa. Pero lihim akong nagtaka ng sabihin ni Alexaiver na mas matanda ang anak ni Ishmael, na kaaway ni Amhella. Kasi ang alam ko kanina sinabi n'yang same age lang ng anak namin ang anak ni Ishmael. Lalong inasar ni Ishmael si Alexaiver sumama
Chartlotte Naunang nakarating ang mga bata sa table nila mommy Brenda. Lahat sila nakatingin sa ‘min maliban sa mga cute na bata nagtatakbuhan na busy sa laro. Napangiti ako dahil malaki nga pala talaga ang pamilya nila Alexaiver. Sa mga bata pa lang maingay na. Si Alzen nga na suplado kaagad ito lumapit ng bumaba si Amhella sa lolo Mattheus nito. Pumunta na ang dalawa sa mga pinsan niya. Lumapit muna kami kina mommy Brenda at dad Mattheus. Katabi rin kasi ang table namin sa kanila kaya hindi talaga maiiwasan na hindi kami dadaan sa table nila mommy at daddy Mattheus. “Chartlotte, hija. Dito kayo umupo,” alok ng mommy Brenda. Tumayo pa talaga siya para lang istimahin ako. Isang table din kami. Para bang may party kasi ilan din itong table na nakikita ko. Tapos sa pinagdugtong na mga tatlong mahabang table naroon ang maraming nakapatong na pagkain. “Salamat po mommy, dad Mattheus,” wika ko bago ako ayain ni Alexaiver sa kapatid ni dad Mattheus. Dinala muna ako ni Alexaiver s
Chartlotte “Daddy! Mommy! So tagal naman po mag-usap. Let's go outside,” Natampal ko ang noo ko kasi nakadungaw pa sa akin si Amhella, ng sabihin niyon. Tumingin ako kay Alexaiver, na nakatawa. “Si daddy mo ang mabagal kumilos,” sumbong ko sa kaniya, kasi salubong na ang kilay nito ng nilingon ko silang magkapatid sa likuran. Bumaba si Alexaiver. Bababa na rin sana ako, ngunit naunahan niya akong buksan ang pinto sa tagiliran ko. Nakangiti siyang nakalahad ang kamay sa akin. "Ready ka na ba, my love?" saad niya. "Okay na ako alam ko naman nand'yan ka lang sa tabi namin ng mga bata," kinilig na wika ko at nagpaubaya na akong magpaalalay sa kaniya. Kumibot kibot ang labi ko sa kilos nito. Akala mo naman kung umasta parang matatapilok ako kung alalayan niya ako pababa sa kotse niya. "Ang g'wapo mo ngayon," pang-aasar ko. "Ngayon lang?" sinakyan nito ang biro ko. "Ngayon ko lang napansin," tugon ko kinalukot ng ilong niya. May Tumawag sa 'min kaya napatingin ako sa likuran
Chartlotte Napakabilis ng araw. Ngayong hapon na ang patungo na kami sa bahay nila Alexaiver, sa magulang niya. Kanina pa ako kinakabahan na excited. Marami kasi akong what if na iniisip. Wala lang, baka mamaya hindi ako tanggap ni ma'am Brenda. Kasi nga nilayo ko sa kanila ang apo nila na mahigpit daw ang mga Martinez, pagdating sa kanilang mga apo. Hindi papayag na hindi sila kilalanin. Ayaw nila hindi sila ipakilala lalo na ang lolo ni Alexaiver na si chairman Rowan Martinez. Sana lang wala ito pero parang malabo ang aking hinihiling. Kapag daw kasi may salo-salo nandoon daw ang lahat ng mga Martinez maging ang mga kabiyak ng mga ito. Hindi gaya sa mga anak ko na tuwang-tuwa pa sa lakad naming ‘to. Tanghali pa gusto ng mga magbihis. E, hapon pa dahil hapunan ang salo-salo sa bahay ng magulang ni Alexaiver. Nasa sala na ang kambal, kasama ni Alexaiver. Inuna ko silang bihisan samantalang ako. Tatlong palit ko na ito ng damit hindi ako mapakali kung anong isusuot ko. Sa huli