MasukChartlotte
“Lotte, ayaw mo ba magpalipas na lang ng umaga kahit mamaya ka na alas k'watro umalis? Alas dos pa ng madaling araw babae ka at walang kasama,” nag-aalala na sabi ng mga kasamahan ko. Inabot kasi ng alas dose ng gabi ang party. Naglinis pa kami sa buong venue kaya inabot ng alas dos kami bago natapos. Masaya naman ako dahil binigyan ako ng two thousand libre pa kami pagkain kaya kere lang. Amin nga lang pamasahe pero at least may maiiwan pa sa akin na one five dahil nag-book ako ng taxi papunta sa ospital. “Ako pa ba! Kaya ko ano? Salamat sa inyo palagi kayong mabait sa akin,” sagot ko sa kanila pilit na ngiti kahit pagod na. “Dahil mabait ka rin naman. So paano ingat ka,” sabay-sabay nilang paalam sa akin. Bumuntonghininga ako lumabas ng venue upang antayin ang taxi. Nag-antay pa ako ng ten minutes bago dumating. “Ms. Chartlotte?” nagtanong si kuya driver ng buksan ko ang pinto. “Opo kuya,” tugon ko tuluyang pumasok sa loob. Inaantok ako ngunit hindi ako natulog dahil nga hating-gabi na. Hindi naman sa walang tiwala ngunit ayaw ko makampante baka mamaya ilampas ako habang tulog ako. “Manong driver dito na lang po ako,” saad ko inabot ang bayad sa kaniya. Sa Alabang pa kami nag-cater ng 60th birthday. Nakapapagod ngunit kailangan maraming raket para sa gastos ng Inay Lian ko. Wala kasi booking si ate Hilda, ngayon gabi kaya kinuha ko na itong catering. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil two days na lang wala pang one million ang naipon ko. Nasundan naman ang booking na binigay sa akin ni Ate Hilda. Hindi nga lang kagaya sa stag party na galante. Hindi nagdagdag kahit nakiusap na ako Isa pa sa iba naman na kasamahan sa trabaho ni ate Hilda ibinigay ng boss niya ang ibang booking. Para daw fair sa mga kasamahan niya sa trabaho. Pinalooob ko sa bibig ko ang buong labi ko. Dahil naiiyak na ako. Pagod na pagod ako sa catering ngunit kailangan ko ng extra income para sa Inay. Kung sa parlor lang aasahan ko. Kulang minsan may kita minsan wala. Swerte lang kung marami laging customer paldo ako ngunit kailangan ko pa rin may extra income para mabilis makaipon ng pera. Sa araw manicure pedicure ako sa parlor ni sexy Meg. Sa gabi na-raket ako sa pinsan ng bestfriend kong si Prince nagta-trabaho sa catering. Kapag gabi ang tinatangap ko para hindi maapektuhan ang trabaho ko sa parlor. Halos tatlong oras na lang ang tulog ko sa gabi at sa ospital na ako naglalagi. Dati ang Inay ang nagta-trabaho sa parlor ni sexy Meg. Ngunit ng maospital si Inay. Nakiusap ako na lang ang papalit sa kaniya. Ang dating iniisip ko lang paano papasok sa school ngayon malaking responsibilidad na ang nakaatang sa akin. Nasa entrance na ako ng ospital ng mag-ring ang phone ko. Mabilis kong inilabas sa bag upang sagutin. Ang bestfriend ko at kababata na si Prince pala ang tumatawag. “Hello Prince,” kabado akong sinagot ang tawag galing dito. “Besh. Mataas ang lagnat ni aling Lian, kanina at nanginginig siya. Nasaan ka na ba?” saad ni Prince halata ko sa boses niya natatakot. Nakagat ko ang labi ko para hindi umiyak. Ngunit hindi ko napigilan tuluyan akong humikbi. “Bakla…napapagod na ako nawawalan na ako ng pag-asa,” “Woi umayos ka! Papasyal pa tayo sa UK. At sa ibang panig ng bansa kaya tahan na. Sus dumadami na ang wrinkles mo bata pa natin,” pagpapakalma nito. Natawa ako habang malabo na ang aking mata. Kahit ang bigat ng problema ko may mga tao naman mabait sa akin nagpapalakas loob. “Nandito na ako bakla, bye na,” anang ko pagpihit ko ng pinto. Inirapan ako ng bayot dahil nang-echos daw ako sa kaniya naririto na pala raw ako. Sa Makati Med ko pinasok si Inay para maaayos na magamot. Isa pa malapit din kami sa ospital. Si Prince ang nagbabantay sa Inay ko ngayon pinahinga namin si Aling Pilapil dahil sinisipon. Nanginginig ang kamay ko kapag balita tungkol sa Inay. Takot ako sa balita. Kapag tungkol sa kalagayan nito. Lumapit ako hinalikan sa noo si Inay. Mataas nga ang lagnat kahit ako napaso ng idikit ko ang kamay sa noo at leeg nito. Nakatulog daw sabi ni Prince ng bigyan ng gamot ng doktor. May cold fever patch sa noo nito. Nurse raw ni Inay ang nagbigay nito sabi ni Prince. Umupo ako sa tabi ni Prince pinagmasdan si Inay. Napayuko ako pinatong sa magkabila kong hita ang palad ko. “Bakla ano sabi ng doktor Falmer?” “Kinumusta lang ang aling Lian kung excited na siya sa operasyon,” Tumango ako at napahilamos. Kulang pa ang pera ko na hawak. Hindi ko kayang makalikom sa dalawang araw. “Prince may sasabihin ako sa iyo,” bulong ko lang sa kaniya. Tumikwas ang kilay ng bayot. “H'wag ka naman magpatiwakal maawa ka sa Inay mo “ “Gaga hindi iyon,” “Eh, ano pala?” Sa halip na sumagot. Inilabas ko at iniabot sa kaniya ang bigay na calling card ni Alexaiver sa akin. “Chartlotte…” tumili ang gage “Shhhh….” natampal ko noo ko nginuso si Inay. “Sorry naman besh kasi makalaglag panty itong binigay mo.” “Papel lang? Panty ba ang gamit mo hindi brief?” “Eww! Besh naman nakakadiri ka. Duh! Same tayong babae,” maarteng sabi ni Prince. Mahinang na lang akong tumawa sa reklamo nito. Sa totoo naman babae talaga umasta ang bayot na ito. Swerte lang ni Prince kasi tanggap siya ng family niya kung ano siya. “Bakit pala gano'n ka maka react. Kilala mo ba iyang si Alexaiver?” “Weh?" saad niya animo hindi makapaniwala na hindi ko kilala si Alexaiver. “Si Alexaiver? Hoy Prince anong sinasabi mo r’yan. Hindi natin siya kilala anong sinasabi mo.” “Luh! Ulyanin ka. Sabagay sa dami mong problema baka wala na sa isip mo kung sino siya.” Kumunot ang noo ko at inisip ang sinasabi ni Prince. Natigilan ako nagkatinginan kami ni Prince. “Alexaiver Martinez?” ani ko tiningnan ang calling card niya. Malay ko na siya iyon aba six months na ako hindi tumingin sa TV. Kahit sa face book hindi na rin ako sumilip. Messenger ko lang ang active dahil busy ako maghanap ng pera. Kaya siguro hindi ko nakilala si Alexaiver Martinez. Isa rin dahilan. Hindi rin naman talaga ako mahilig sa TV kahit noon pa. Though nanood paminsan-minsan. Nag-o-open paminsan-minsan sa face book ko. Pero hindi ako masyadong active at hindi rin ako fan ng mga artista. Humalukipkip si Prince tumingin sa akin. “Explain bakit mayroon ka nito?!” “Bakla hindi ko siya nakilala siya pala ang sikat na model at artista ngayon? Kasi hindi ko naman binasa ang surname niya. Isa pa hindi ko talaga naisip na siya iyong kasama ng groom sa stag party.” “Eyyy…kasama siya sa sinayawan mo? My God Chartlotte sasabunutan kita ang swerte mo.” “Kung matawag nga swerte besh. Pero ang baba ng tingin niya sa akin.”Alexaiver Pov Van ang gamit namin para kumasya kami lahat. Ang saya nila sa likuran hindi ko mapigilang mapangiti habang tahimik na nagmamaneho. Saglit ko nilingon ang asawa ko sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin. Bumulong ako ng 'I love you.' “I love you too,” sagot niya kaya hindi na naalis ang ngiti ako habang nagmamaneho. Sabi nila kapag may asawa na at mga anak na. Magiging magulo ang buhay pero kabaliktaran para sa ‘kin. Dahil sila nga ang araw-araw na nagpapasaya at nagtatanggal ng pagod ko kapag pagod galing sa office ko. “Daddy, sa mall na po tayo pumunta ha? Para po pasyal na pagkatapos kumain,” saad ni Amhella na kinuhit ako sa likuran ko. “Sure,” mabilis kong pagpayag natuwa silang magkakapatid sabay mga excited nagsigawan. Pagdating namin sa restaurant. Parang may maliit na parade dahil marami kaming dumating. Nakasunod sa amin sina Manang na may hawak ng mga diaper bag at extra clothes ng mga bata at sila rin ang nagkarga kina Amiel at Adriel, na maingay sa sobra
Alexaiver Pov After one year… Shit kanina pa ako tumatawag sa Misis ko, hindi lang sinasagot ang tawag ko. Busy? Sabi ko na nga, kumuha kami ng dalawa pang yaya. Ayaw ng makulit kong asawa. Kasi alam ko mahirap mag-alaga ng mga bata. Kaya gusto ko talaga dalawa ang katuwang niya sa pag-a-alaga kina Amiel at Adriel. Marami na raw kami kasambahay. Tama na ang anim kasama na mga Yaya ng mga bata. Ayaw na ni Misis magdagdag pa ng kasama sa bahay. Malikot na rin ang dalawang bunso na kambal. Kasi dalawang taon na si Amiel at Adriel. Nasa stage ng curious sa lahat ng bagay na nakikita. Isa lang talaga ang kinuha na Yaya ni Misis kasi hands-on talaga ito sa mga anak namin. Kahit nga malaki na sina Alzen at Amhella. Hindi pa rin talaga niya pinauubaya sa yaya ng dalawa, kaya isa sa hinahangaan ko at minahal sa asawa ko dahil sa pagmamahal niya sa pamilya namin. Nag-dial ulit ako baka mayroon lang ginagawa. Kasi yayain ko silang lumabas lahat kami, kasama na ang aming kasambahay. Kakain
Chartlotte After one year… Tahimik ang simbahan habang inaantay namin ang mga bisita at Ninong, Ninang nila Amiel at Adriel na dumating. Wala pa rin naman si father kaya kere pa sa pupunta rito sa church. Iba naman nagpaalam sa ‘kin at kay Alexaiver, sa reception na raw sila tutuloy. Sina mommy at daddy ko kasama namin maging ang biyenan ko. Ilan sa pinsan ni Alexaiver Ninong ng twins ay narito na. Ang tatlo kong bestfriend Ninong at Ninang din. Maaga pa dumating sila. Pero mamaya raw may lakad silang tatlo. Magkasundo sa gala sina Prince, Naomi at Jade. Mabait lang ang kambal hawak ko si Adriel at si Amiel si Alexaiver ang nagkakarga. Tulog sila sa seremonyas kaya smooth lang walang maingay. Pero nagising noong binuhusan na ng tubig. Nagulat pa yata kasi umiyak pareho matagal din tumahan nabitin lang sa tulog kasi after ng iyak natulog ulit sila. Nang matapos ang binyag nila Amiel at Adriel. Pinasunod ko sila sa venue. Kasi birthday din ng twins. Doon na namin sila aantayin.
ChartlottePagkapasok namin sa main gate kita ko na agad ang mga kasambahay nakaabang sila sa amin. Lalo na ang ate at kuya ni Amiel at Adriel, kita ko ang excitement sa kanilang mata.Napansin ko rin mayroon hawak na banner si Manang Celia at Shonia. Blue na cartolina may nakasulat na welcome home Amiel and Adriel. Aww ang sweet naman nila Manang, naisip nilang ganito nakatutuwa naman effort talaga nila.Nang tumigil ang sasakyan sa harapan nila. Nakita ko ang galak sa mata nila Alzen at Amhella. Nagtatalon pa sa tuwa nakatingin sa sasakyan ang dalawang bata.“Aba, aba, may pa welcome pa sina Manang sa atin, huh,” naaliw kong sabi. Lumingon pa si Alexaive sa amin masaya rin siya sa mainit na pagsalubong ng aming mga tauhan sa bahay kasama ng aming dalawang panganay.“Sino kaya ang may pansimuno niyan,” Bumungisngis ako sa sinabi ni mommy.“Bakit po mommy, anong gagawin mo?” tanong ni Alexaiver sinilip niya kami sa rearview mirror.“Mabibigyan ko ng bonus. Lahat na pala bibigyan ko n
Alexaiver POV Saktong pagsarado ng pinto sa delivery room. Humahangos na dumating sina mommy at daddy. Tinapik nila ako sa balikat. "Anak, nasa loob na ba ang asawa mo?" tanong ni mommy nag-aalala rin ang boses niya ngunit kumpara naman sa akin na kanina pa natatakot at nataranta mas kalmado si mommy pati si dad. “Huminahon ka nga anak! Kayang kaya iyan ng asawa mo,” saad ni mommy pagkatapos ay niyaya niya akong umupo raw muna kami sa upuan, na nasa gilid ng pader malapit sa pinto ng delivery room dahil nahihilo na raw siya tingnan ako hindi mapakali. Tumanggi ako kaya si Daddy natawa sa akin. “Ganiyan ang nararamdaman ko noon sa mommy niyo, kaya nga hindi ko na lang dinamihan ng anak. Kasi natatakot din ako, gaya sa iyo," tudyo ni daddy at iniwan din nila ako umupo sila ni mommy. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng tiningnan ang oras sa cellphone ko, pero parang mas mabagal pa sa pag-usad ng traffic sa kahabaan ng Edsa. Ang bawat minuto na inaantay ko si Chartlotte, sa loo
Chartlotte Nagising ako dahil sa kirot na parang ako'y kinukuryente sumali sa likod ko hanggang sa tiyan ko. Wag naman sana labor na ito dahil twins sila ewan ko kong kaya ko ito i-normal. Pero kung sakali ganoon. Pilit kong kakayanin para sa mga anak ko. Hindi naman pu-puwede na hindi ko lakasan ang loob ko dahil mga anak ko na pinag-uusapan dito, pero hangga't maaari cs na lang para safe ang mga anak ko. “Alexaiver,” mahina kong tawag sa kaniya habang nakahawak ako sa bedsheet namin. Kinuhit ko siya sa braso niya para magising siya. Wala naman dapat akong balak na istorbohin siya, pero kailangan ko siyang gisingin kaya kinuhit ko ulit siya para naagapan makapunta kami ng ospital. “Hubby, masakit ang tiyan ko. I think para akong nag-la-labor,” kabado kong sabi sa kaniya. “Love, manganganak ka na?” nanlaki pa ang mata niya. Parang kidlat ang bilis ni Alexaiver. Bumangon agad at gising na gising siya. Bumaba sa kama. Sinundan ko ng tingin. Nagtungo siya sa walk-in closet namin. Na







