Share

Kabanata 32

SA pagdaong ng bangkang sinasaksayan ko ay agad lumipad paalis si Vivi sa balikat ko upang maglibot sa paligid, pinagmasdan ko lamang siyang malayang lumilipad sa himpapawid.

Maganda ang panahon at asul na asul ang kalangitan, ganoon din ang dagat.

Napangisi ako nang itapak ang mga paa sa lupain ng Widolla. Hindi lang naman pagnanakaw ang pakay ko sa kahariang ito, nalaman ko na rito ko matatagpuan ang isa sa nilalang na matagal ko nang hinahanap.

"Talim ng aking espada ang isasalubong ko sa iyo sa muli nating pagkikita," tiim bagang kong bulong sa hangin.

Tahimik kong nilagpasan ang mga abalang nilalang na nakikipagkalakalan sa paligid, dito unang nagaganap ang pakikipagkalakalan dahil sa pagdaong ng mga produkto mula sa ibang kaharian. At habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mga kamay ko na lumikot upang magnakaw sa mga maharlikang nakakasalubong ko.

"Paumanhin ngunit kailangan ko ring mabuhay," nakangisi kong wika nang makakuha ng isang supot ng salapi.

Agad ko itong iti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status