Share

Kabanata 33

IBINALIK ko ang punyal sa kaha nito at inilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko.

"Ano pa ang hinihintay mo? Ituro mo na ang daan upang makarating na tayo sa iyong tahanan, Ginoo," kalmado kong wika.

Hilaw siyang ngumiti at naglakad ngunit nakaharap sa akin na tila binabantayan ang galaw ko sa pag-aakalang sasaktan ko siya, muntik pa siyang matumba dahil hindi nakatingin sa daan. Tutulungan ko sana siya ngunit mabilis siyang lumayo sa akin, nag-iingat.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan," wika ko.

"Talaga?" paninigurado niya, tumingin sa kamay ko. "Pero bakit nakahawak ka sa espada mo?" kabadong aniya.

Napatingin din ako sa kamay ko at agad itong inalis sa nakahawak na espada sa baywang ko. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ere upang ipakita sa kaniya.

"Ayos na ba?" tanong ko. Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit muli siyang umatras.

"Oo, ayos na!" Tumawa siya upang alisin ang kabang nararamdaman. "Halika na, bago p

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status